17 | Same Target
"O, kumusta? Nakausap mo ba ang ninong mo?" tanong ni Nelly nang bumalik siya sa kusina. Tapos na rin itong maglinis ng lababo at hinuhubad na ang apron.
Nakangiti siyang tumango saka inabot dito ang cellphone. "Your boyfriend has sent you text messages; pasensya ka na kung natagalan ang pag-gamit ko."
"Naku, wala 'yon. At hayaan mo si Ambong na ma-miss ako." Bumungisngis ito at inisuksok ang cellphone sa bulsa. "Ang sabi ko sa kaniya ay matulog muna siya dahil papalaot na naman mamayang gabi, eh. Matigas din ang ulo, gustong mag-bidyo kol kahit sinabi ko nang aalis tayo."
"Your boyfriend loves you..."
"Hindi ko siya masisi,nasa akin na ang lahat." Nelly dramatically flipped her hair backward, making her smile.
She really loved Nelly's confidence and sense of humor.
"Oh, by the way. Gising na rin si Phillian. I saw him at the veranda."
"O, talaga? Ang aga niyang nagising, ah. Teka at magpapaalam lang ako sa kaniya na aalis tayo; baka kasi gusto rin niya munang magkape."
Palabas na ng kusina si Nelly nang may maalala siya. Tinawag niya ito kaya sandali itong nahinto at nilingon siya.
"I... uhm." Niyuko niya ang sarili. "I need to borrow a jacket to cover my... you know." Napangiwi siya at muling sinalubong ang tingin nito. "Kung may malaki kang jacket, pwede ba akong makahiram muna?"
"Naku, hindi ako nagja-jacket, eh. Pero marami no'n si Ser Phill. Ihihiram kita."
Tatawagin niya sana ito upang tumanggi pero kaagad nang tumalikod si Nelly at mabilis na umakyat sa hagdan.
Napangiwi siya at naupo sa harap ng mesa upang doon ito hintayin. Makaraan ang ilang minuto ay bumaba rin ito. Pagbalik ay may bitbit nang denim jacket sa kamay; nakangisi.
"O, heto na."
Nahihiyang tinanggap niya iyon, at nang mahawakan ang jacket ay para siyang nakaramdam ng kuryenteng dumapo sa kaniyang katawan. She wondered why her body reacted that way; it was just Phillian's freaking denim jacket!
"Nagbilin si Ser na bilhin lahat ng mga kailangan mo. Kaya sabihin mo lang kung ano ang gusto mo, ha? Sagot tayo nito." Itinaas ni Nelly ang kamay na may hawak na ATM card.
Napangiti siya at tumayo na. Inisuot niya ang jacket at sandaling natigilan nang maamoy ang halimuyak niyon. She knew it was the soap detergent, pero hindi niya alam kung bakit tila niya naaamoy ang lalaki roon.
Ahhh. damn it. I surely need psychiatric help after this.
*
*
*
"Tamang-tama, Ser Phill, luto na ang pananghalian," salubong ni Nelly kay Phillian nang bumaba ito bandang ala-una ng hapon. "Aakyat pa sana ako para tingnan kung gising ka na. Dito ka na rin kumain, Ser."
Si Phillian ay nahinto nang marating ang dining table. Sa ibabaw ng pahabang mesa ay mayroon nang tatlong plato, mga kubyertos, at mga baso. Sa gitna ay naroon ang kanin at inihaw na isdang dala nito nang madalang araw.
"Maaga akong pupunta sa silong para asikasuhin ang pagpalaot mamaya ng mga tao," sagot ni Phillian na napatingin sa kusina nang may marinig na kaluskos doon. "Where is she?"
"Si Caty?" ani Nelly na naglalagay ng tubig sa mga baso. "Inililipat na 'yong main menu sa bowl."
Phillian turned to Nelly. "Why is she doing that?"
"Nagpumilit, eh."
Ibinalik ni Phillian ang tingin sa pinto ng kusina kung saan sakto namang lumabas si Calley hawak-hawak sa dalawang kamay ang malaking bowl na may umuusok na pagkain. Sandali itong nahinto nang makita ang binata, subalit kaagad na nakabawi at nagpakawala ng pilit na ngiti saka inituloy ang paghakbang.
And as Calley walked toward the table, Phillian's eyes went down to her dress. She was wearing a floral sleeveless summer dress na umabot lang hanggang tuhod. Ang kulay nitong royal blue ay lalong nagpatingkad sa kulay ng balat ng dalaga. She also did her brownish hair in messy bun, showing off her silky fair shoulders. Sa paa nito'y ang pares na beach flipflops.
Nakalapit na ito sa mesa nang umiwas ng tingin si Phillian. Kinuha nito ang baso ng tubig at nilagok ang laman niyon. He suddenly felt so thirsty, damn it.
"Introducing—mixed seafood curry ala Caty!" ani Nelly na ikinatawa ni Caty habang inilalapag nito sa gitna ang nilutong putahe.
Si Phillian ay sandaling napatitig sa pagkaing dinala ni Calley bago nito ibinaling ang tingin sa dalagang naupo sa tapat nito. "You cooked this?"
Tumango si Calley; nasa anyo ang pagkailang. "I don't have access to the correct ingredients but I hope it tastes good."
"Correct ingredients?" ulit ni Phillian, ang mga mata'y muling nalipat sa pagkain.
Sa malaking bowl naroon ang lahat ng mga seafood na huli ng mga tauhan nito; mussles, prawns, and squids. He would normally bring home some of their catch for consumption, pero sa dami ay hindi nila nauubos ni Nelly. Besides, walang ibang alam na seafood dishes si Nelly maliban sa mga home cooked meals; tulad ng sinigang, paksiw, adobo, ginataan. So seeing a new dish on the table made him hungry.
"Yes," Calley answered after a while. "I couldn't find button mushrooms, turmeric powder, and garam masala at the market, kaya kung anong spices na available na lang ang nilagay ko."
Phillian couldn't help but scoff. "Garam masala... button mushrooms..." Napailing ito nang may pang-uuyam na ngiti sa mga labi. "Well sorry, Miss. Wala tayo sa siyudad."
"Pero masarap naman, Ser Phill," pagtatanggol ni Nelly na naupo na rin katabing upuan ni Calley. "Natikman ko kanina; aba'y sobrang masarap. Mapapahiya si Ser Viren sa recipe ni Caty."
Viren was Phillian's other brother who was a chef and owned a Filipino restaurant in Singapore.
Hindi na sumagot pa si Phillian at nag-umpisa nang kumuha ng pagkain. Si Calley ay pinanood muna ang dalawang kasama na sumubo at tikman ang niluto.
Si Nelly ang unang nag-react.
"Ang sarap talaga, 'day! Pwede ka nang magtayo ng restaurant!"
Calley chuckled. Masaya itong nagustuhan ni Nelly. Pero... paano naman kaya si Phillian?
The man showed no emotion as he ate the dish. But he seemed to enjoy it, dahil ilang beses na itong sumubo at tuloy-tuloy lang sa pagnguya. Nang kumuha ulit ito ay napangiti si Calley.
She had never cooked for anyone before. Sa loob ng mahabang panahong nanirahan ito at namuhay mag-isa sa apartment nito sa New York ay hindi ito tumanggap ng bisita roon upang paglutuan. Iyon ang unang beses. At masaya itong nagustuhan ng dalawa ang recipe.
Saktong nakangiting pinagmamasdan ni Calley ang pagkuha ni Phillian ng seafood curry nang umangat ang tingin nito. Nakita nito ang pagngiti ng dalaga na sandaling ikina-tigil at ikina-kulubot ng noo.
Phillian stared at Calley's smiling face with curiosity.
He thought that... there was something familiar about her. Something that... he had kept with him for a long time.
"I'm happy that you like it," Calley commented, still smiling.
"I didn't say I do, I'm just hungry," sagot ni Phillian bago muling ibinalik ang pansin sa plato.
Natigilan si Calley sa naging sagot ni Phillian at binalingan si Nelly sa gulat; hindi nito inasahan na pipilosopohin ito ng lalaki. At lalong hindi nito inasahan na ganoon pala ang totoong ugali ni Free Phillian Zodiac; ibang-iba sa unang beses na nakasama ang mga ito.
Si Nelly ay kinindatan lang si Calley, tila sanay na sa ganoong paraan ng pananalita ni Phillian.
Calley took a deep breath. She thought that maybe Phillian just woke up on the wrong side of the bed. Wala sa mood at siya ang napag-initan.
Nagkibit-balikat si Calley saka kumuha na rin ng pagkain. Bago sumubo ay muli itong nagsalita. "Thank you for allowing me to use your cash to buy some clothes, by the way; I'm going to pay you as soon as I get access to my bank cards."
Hindi ito sumagot; ang buong pansin ay nasa kinakain. Hindi na rin nagsalita pa si Calley at inumpisan na ring kainin ang nasa plato.
Sa durasyon ng pananghalian ay nanatiling tahimik si Calley. Si Nelly naman ay manaka-nakang kakausapin si Phillian tungkol sa budget sa bahay, sa kung anong oras ito aalis mamaya, sa mga balitang naririnig nito sa radyo tungkol sa panahon, pati na ang tungkol sa pagpunta roon ng ina ng binata.
Si Phillian, nang marinig ang tungkol sa pagbisita ng ina, ay natigilan at umangat ang tingin. "Ano'ng araw na ngayon, Nelly?"
"Hwebes na, Ser. Nagtext si Nanay, ang sabi ay dadalaw raw si Maam Felicia kay Ser Quaro at dadaan muna dito sa Contreras sa Sabado. Paalalahanan daw kita dahil baka pumalaot ka at hindi kayo magkita."
Nalipat ang tingin ni Phillian kay Calley na patuloy lang sa tamimik na pagsubo habang nakikinig sa mga kasama. Nahinto lang ito nang humarap dito si Phillian saka nagtatakang kinunutan ng noo. "What's going on?"
"Nelly," ani Phillian na ibinalik ang tingin sa kasambahay. "Siguraduhin mong malinis ang bahay sa kabila sa pagdalaw ni Mama."
"Ako'ng bahala, Ser. Manlalaki ang mga mata ni Maam Felicia sa linis ng bahay roon."
Si Phillian ay binalingan muli si Calley. "You can't go out of this house the whole day on Saturday. Ayaw kong makita ka ni Mama."
Si Nelly, nang marinig ang sinabi ni Phillian, ay bahagyang natawa.
Naguguluhang nagtanon si Calley. "Why not?"
Ang akmang pagsagot ni Phillian at nahinto nang inunahan ito ni Nelly. "Baka kasi makita ka ni Maam Felicia at isipin na syota ka ni Ser Phil. Masyado kasing adbans mag-isip 'yong si Ma'am, eh. Paano, pinipilit na rin itong si Ser na mag-asawa tulad ni Ser Quaro." Bumungisngis ito saka ibinalik ang pansin sa kinakain. "Requirement pa no'n eh magkaanak daw kaagad si Ser Phil para may kalaro na rin ang anak ni Ser Quaro."
Calley stared at Phillian who just shook his head in embarassment. Napayuko ito at hinagod ang noo; halatang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon, pero matabil ang dila ni Nelly at wala na itong nagawa pa.
"Are you... thinking of settling down soon?" hindi napigilang itanong ni Calley rito.
Phillian glanced at Calley and went silent for a while. Nasa anyo nito ang pagdadalawang-isip kung sasagutin ang tanong ng dalaga o hindi.
Until he straightened up and shrugged his shoulders. "Why not? I've been ready for years now. I just couldn't find a suitable bride. Pero ayaw kong makita ka ni Mama sa Sabado dahil mahilig mag-matchmake 'yon, I don't want her to trouble you." Doon muling niyuko ni Phillian ang plato at inituloy ang pagkain.
"Oh," Calley uttered. Ang tingin nito'y direkta pa rin kay Phillian, ang anyo ay naging seryoso. May kung ano'ng ideya ang biglang pumasok sa isip nito, at bago pa man napigilan ni Calley ang sarili ay sinabi na nito ang nilalaman ng isip. "My current situation requires me to marry someone right away and bear his child. Don't you think we have a similar target?"
Nabitin ang akmang pagsubo ni Phillian nang marinig ang sinabi ng dalaga. "Target?"
"Marriage."
Si Nelly na dinala sa bibig ang tubig ay napa-ubo, subalit ang dalawa'y hindi natinag at nanatiling magkatitig.
Si Phillian ay naka-kulubot ang noo nang muling nagsalita. "Excuse me?"
Tuluyan nang nawala sa katinuan si Calley. "Ma-re-resolba ko ang problemang kinahaharap ko ngayon kung may lalaking magpapakasal at magbibigay sa akin ng anak. I just thought that maybe..."
"You are looking for someone to marry so you can solve your problem—I am looking for someone to spend the rest of my life with; there's a big difference. Hindi tayo pareho ng target."
Itinaas ni Calley ang mukha, ang mga mata'y nanatiling nakapako kay Phillian na tulad nito'y seryoso na rin ang anyo. "Your mother wants you to have a child, and my current situation requires me to bear a child. So maybe you and I can... you know."
"Just what exactly are you trying to insinuate?"
Napakurap si Calley—tila biglang natauhan nang marinig ang pagtaas ng boses ni Phillian. At nang rumehistro sa isip nito ang mga nasabi ay bigla nitong nabitiwan ang mga kubyertos, unti-unting pinanlakihan ng mga mata saka itinakip sa bibig ang mga kamay.
Phillian scowled all the more. "You are a weird woman, don't you know that?"
Nang walang naisagot si Calley ay napailing na lang sa pagkamangha si Phillian. Inabot nito ang baso ng tubig, pinangalahati iyon, saka tumayo na. "I'm done eating; thanks for the meal."
Ang nanlalaking mga mata ni Calley ay nakasunod lang sa likuran ni Phillian hanggang sa tuluyan itong nawala sa tanaw ng dalaga. At kahit wala na roon ang binata'y hindi pa rin matanggal-tanggal ni Calley ang mga kamay sa bibig.
Si Nelly na nanlaki rin ang mga mata sa mga narinig sa pagitan ng dalawa ay napabungisngis saka itinuloy ang pagkain.
Doon tila muling natauhan si Calley; ibinaba nito ang mga kamay at binalingan ang katabi. "I—I'm sorry, nawala ako sa sarili kong katinuan kanina."
Lalong napabungingis si Nelly. "May dalaw yata si Ser, kanina pa nagtataray samantalang hindi naman ganoon 'yon kapag nakikipag-usap sa mga babae."
"W-What do you mean?"
"Wala." Lalo pa itong bumungisngis. "Ubusin mo na 'yang pagkain mo nang makapagpahinga ka na. Lalabhan ko ang mga nabili mong damit kanina kaya iwan mo lang dito."
Sunud-sunod na umiling si Calley. "Thank you for your kindness. But I'll do the laundry, Nelly."
Nelly shrugged her shoulders and said nothing anymore.
Si Calley ay ibinalik ang tingin sa plato, subalit ang buong pansin ay wala naman talaga roon kung hindi sa kahihiyang nararamdaman matapos sabihin kay Phillian ang mga sinabi kanina.
Oh, how could she face the man again after almost asking him to marry her and donate his sperm?
She was such a crazy, crazy woman...
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top