16 | Just A Few More Days
"Morning, Miss Caty!" masiglang bati ni Nelly pagbaba niya kinaumagahan.
Pasado alas nueve na siyang nakababa dahil nang muli siyang umakyat matapos niyang uminom ng tubig sa kusina ay muli siyang natulog. She woke up at nine; madali siyang naligo at inisuot ang isa pang pares ng T-shirt at leggings na ibinigay sa kaniya ni Nelly kagabi. But just like yesterday, she wasn't wearing any bra. Hindi kakasya sa kaniya ang pinahiram nito.
"Maupo ka na, Miss Caty, luto na ang almusal."
Napatingin siya sa mesa at doon nakita ang dalawang platong naka-patong roon, pati na mga kubyertos at dalawang tasa.
"Sasabayan mo ba ako?" aniya.
"Oo, para hindi ka malumbay." Nelly giggled before pouring hot chocolate into her mug.
"It's almost brunch."
Sandali siyang sinulyapan nito bago ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Brunch? Ano 'yon?"
"Breakfast and lunch combined."
"Ahhh. Ganitong oras po talaga ang almusal dito sa bahay, kasi ang pahinga ni Ser eh alas tres o alas cuatro ng umaga. Magigising 'yon ng tanghali."
"So... hindi natin siya makakasabay sa almusal?" Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon o panghihinayangan.
"Naku, mamayang hapon mo na makikita 'yon. Hindi lumabas ng kwarto 'yon, eh. Hinahatiran ko lang 'yon ng pagkain doon."
"Oh." Well then, that's good.
Or was it, really?
"Pero may text message siya sa akin kanina nang magising ako. Ang sabi niya ay samahan kita mamaya sa bayan para makapamili ng mga bagong damit." Sunod na inilagay ni Nelly sa ibabaw ng mesa ay mainit-init pang kanin at platong may pritong itlog at dried squid. Sunod nitong inilagay ay isang bowl ng mushroom soup.
Kumalam ang sikmura niya. That was not the usual breakfast she would normally have, but they looked so delicious she couldn't wait to eat.
"Mahilig ka ba sa seafood, Miss Caty?"
Ibinalik niya ang tingin kay Nelly nang maupo ito sa harapan niya.
"Just Caty, Nel. You can call me Caty," nakangiti niyang wari rito.
Napakamot si Nelly. "Eh, nakakahiya naman..."
"Ano ka ba?" It was her turn to chuckle. "Parang magkaedad lang tayo, eh."
"Talaga? Ilang taon ka na?"
"Twenty-eight."
"Yikes! Mukha ka lang twenty-seven and a half."
She giggled again. "Well, I take a lot of beauty sleep," patianod niya.
"Twenty-six lang ako pero nagmumukha akong nanay mo kapag katabi kita. O sige na nga, Caty na lang itatawag ko sa'yo."
Tumango siya at kinuha na ang tasa ng tsokolate. She sipped quietly as he watched Nelly put food on her plate. "Siya nga pala, Nelly. Ano'ng oras tayo aalis papuntang bayan?"
"Pagkatapos ng almusal, lalarga tayo. Mahilig ka ba sa seafood? Mamamalengke rin ako mamaya habang nasa bayan tayo kaya pinag-iisipan ko na ngayon kung ano ang lulutuin para sa pananghalian. May dala na namang malaking isda si Ser kanina, at kadalasan ay gusto niyang ini-ihaw lang iyon. Pero may iba ka bang gustong kainin?"
Nilingon niya ang fridge. "Yeah, marami akong nakitang nakatambak na seafood sa freezer. Maybe we can cook mixed seafoods for lunch?"
Ang akmang pagsubo ni Nelly ng fried pusit ay nahinto. "Simpleng mga putahe lang alam ko, ha? Baka hindi ko kayang magluto ng mixed-mixed na 'yan."
She chuckled again. "Ako ang magluluto, don't worry."
Nanlaki ang mga mata nito sabay baba ng hawak na pritong pusit. "Marunong kang magluto?"
"Of course." Nakangiti siyang kumuha ng kanin saka inilagay sa kaniyang plato. "Sa loob ng sampung taon ay mag-isa akong nanirahan sa New York. Ako ang nagluluto, naglalaba, at naglilinis ng apartment ko. Kaya kong asikasuhin ang sarili ko, at itong ginagawa mong pag-aasikaso sa akin; ikinatutuwa ko 'yon pero hindi kailangan, Nelly. Magpahinga ka, kaya kong ayusin ang higaan ko at hugasan ang mga pinakainan ko. Okay?"
Muli itong napakamot. "Eh nakakahiya, bisita ka ni Ser Phill..."
"Naku, hindi ako bisita no'n. Isipin mo na lang na border niya ako rito at babayaran ko ang ilang araw na paninirahan ko rito."
"Ay naku, ayaw ko. Gagawin ko pa rin ang kung ano sa tingin ko ang dapat kong gawin para asikasuhin ka." Tuluyan na nitong sinubo ang pusit, saka nakanguyang nagsalita. "Pero sige. Mamayang tanghalian ay ikaw ang magluluto ng sinasabi mong mixed-mixed."
Napangiti siya at nag-umpisa nang kumain. Makaraan ang ilang sandali'y napa-igtad si Nelly saka may dinukot sa bulsa. It was a cellphone. May natanggap itong text message dahilan kaya napabungisngis ito.
"Loko talaga 'tong boypren ko."
Nawala ang pansin niya sa sinabi nito at natuon sa cellphone. Doon niya muling naalala na kailangan niyang makausap ang Ninong Lito niya.
Nelly typed on her response. Ilang sandali pa'y inilapag nito ang cellphone sa ibabaw ng mesa at ini-tuloy ang pagkain.
Doon siya nagsalita. "Nelly, I need to call my god-father. Pwede ko bang hiramin ang cellphone mo mamaya?"
"Aba, siyempre naman. Sige, pagkatapos ng almusal habang naghuhugas ako ng plato, tawagan mo ang mga gusto mong tawagan. H'wag kang mag-alala, naka-plan 'yan, sagot ni Ser." Humagikhik ito. "Ako lang yata ang katulong dito sa isla ang hindi na naglo-load dahil naka-plan ang selpon. Apaka-swerte ko kay Boss,"
Tipid na ngiti lang ang ini-sagot niya rito at tahimik nang inubos ang pagkain. Sa isip ay pina-plantsa na ang mga sasabihin sa Ninong Lito niya.
*
*
*
"Calley! Oh God, where are you?"
Napa-buntonghininga siya nang marinig ang nag-aalalang tinig ng Ninong Lito niya. Kahit wala siya sa harapan nito ay nakikinita niya ang labis na pag-aalala sa anyo nito.
"I can't tell you where I am, but I can assure you that I'm safe, Ninong."
Narinig niya ang pagpapakawala ng Ninong niya ng malalim na paghinga. Ilang sandali pa ay, "Ano ang nangyari sa'yo, hija? Ilang araw kang hindi nakabalik sa hotel na tinutuluyan mo, hindi ko rin ma-contact ang number mo. You didn't say anything before you left the yatch."
"Ano sa tingin ninyo ang nangyari sa akin sa yate?"
"Nangyari sa'yo? Well, I was told that you left early."
"Who told you?"
"Esther."
Galit niyang hinagod patalikod ang buhok. "Damn that bitch, Ninong. She and her boyfriend tried to kill me that night!"
Marahas na pagsinghap ang narinig niya mula sa kabilang linya. Nagpatuloy siya.
"She drugged you, didn't she? May ibinigay silang inumin sa inyo dahilan kaya nahilo kayo at nakatulog sa couch. Narinig kong pinag-usapan nila 'yon. They did the same to me, Ninong. And that bastard, Charles Xiu, almost raped me!"
"Calley, why didn't you tell me all these right away?"
"Papaano ko sasabihin sa inyo kung palutang-lutang ako sa dagat ng halos buong araw pagkatapos ng gabing iyon? I jumped off the yatch, Ninong! Dahil kung hindi ko ginawa iyon ay baka napagsamantalahan ako ng hayop na iyon at pinatay pagkatapos!" Sinapo niya ang ulo sa labis na init ng ulo. Kasalukuyan siyang nasa front yard ng beach house na nakatanaw sa kalsada. Manaka-nakang sasakyan ang nakikita niyang dumaraan.
"Damn Esther," usal ng Ninong Lito niya. "She was willing to do anything just to get what she wanted. That woman didn't change at all. Ngayon ay kaya na niyang pumatay ng sarili niyang pamilya para lang sa pera?"
"But I never told her about the other condition, Ninong. Tulad ng bilin mo'y hindi ko sinabi sa kanila ang isa pang kondisyon na maaari lang mapunta sa kanila ang mana kapag namatay ako. Kaya papaano nilang nalaman iyon?"
"Esther was probably ready to take risks, hija. Wala na siyang pakealam kung ano ang mangyari sa iyo."
"But that doesn't make any sense, Ninong."
"I haven't told anyone of them anything, Calley. At tama ka, kataka-takang naisip na gawin iyon ni Esther sa'yo. Unless... she did that not because of the money but out of spite."
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "I heard her say something about the family that night, Ninong. Totoo bang hindi siya tunay na kapatid ni Dad? I mean, silang dalawa ni Aunt Augusta."
Ang Ninong Lito naman niya ngayon ang humugot nang malalim na paghinga. Sandali itong natahimik bago sumagot. "That's true, Calley. Ang lolo mo ay nagpakasal sa isang biyuda tatlong taon matapos mamatay ang asawa. Ang biyudang iyon ay may dalawang babaeng anak, Augusta and Esther. Your grandfather thought it would be best for your father to have a big, happy family. A mother who would nurture him, and two older sisters who would protect and take care of him. Naging mabait ang stepmother ng daddy mo, I could still remember her kindness whenever I came to visit them on weekends. Ang dalawang tiyahin mo lang ang masama ang ugali kahit noong mga bata pa kami. They would always bully your dad. When we got older, nalaman kong nagkakagusto si Esther sa daddy mo. Umiwas si Bernard, at nang makilala ng daddy mo ang mommy mo ay muling naging masama ang ugali ni Esther. You were too young to notice how bad Esther would treat your mother, and how Augusta would always make your father feel bad about having the company all by himself. Kung tutuusin ay wala naman itong karapatan sa kompanya dahil noong manahin iyon ni Bernard sa lolo mo ay papalugi na. Iniahon lang iyon ng daddy mo mula sa putikan."
Bernard... Just hearing about her father's made her heart ache. How she missed her parents. How she wished they were still alive.
"Iyon ang dahilan kaya hindi ako kompiyansang maiwan ka sa poder nila, hija," patuloy na salaysay ng Ninong Lito niya. "Kaya hindi ko sila hinayaang kontrolin ang buhay mo. Isa rin iyon sa mga rason kung bakit sinabi sa akin ng daddy mo na gabayan kita, at siniguro niyang walang mapupuntang kahit sinkong kusing sa kanila. But I guess your father had made a mistake on his will. Dapat ay hindi niya nilagay roon na mapupunta lang sa pamilya ang lahat ng propriyedad kapag may nangyaring masama sa'yo. I guess your father never thought Esther would be this vicious."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "I want her in jail, Ninong."
"We will definitely put her in jail, hija. But we need evidence. Kailangan nating patunayan sa husgado ang ginawa nila sa sa'yo nang gabing iyon."
"I know it wouldn't be easy. Alam kong hindi natin sila maiipit kung walang ebidensya. Ano ang gagawin natin, Ninong?"
"I'll have someone I know to investigate on Charles Xiu. Kung hindi natin magawang lumabas mula sa butas na ginawa nila'y gagawa tayo ng sarili nating butas. Ididiin natin siya sa ibang kaso, ganoon din si Esther. Pero hindi tayo magkakaroon ng imbestigasyon kung hindi ka magsasampa ng kaso. When are you going back?"
Napasulyap siya sa beach house. Kailan siya aalis?
"Paano ang kaibigan nilang chief of police, Ninong?"
"Si General Campos? Don't worry, I know someone we could trust in the police department. Kung magsasampa ka ng kaso ay sa kaniya tayo lalapit. Maaari rin nating paaminin sa sarili nilang bibig ang dalawa. At magagawa natin iyon kung muli mo silang haharapin."
"Are you suggesting for me to face them again and record our conversation?"
"Yes, Calley. That's our only chance to make them pay for what they did to you."
Sinapo niya ang ulo. Hindi niya alam kung kaya niyang haraping muli ang dalawang iyon. Kung ang nais ng Ninong Lito niya ay paaminin sina Esther at Charles sa ginawa ng mga ito sa kaniya, ibig sabihin ay haharapin niya ang mga ito nang mag-isa.
Kakayanin ba niya? Paano kung may gawing masama na naman ang mga ito sa kaniya? She got lucky the first time, there was no assurance the second time.
"Pag-usapan nating mabuti ang susunod na mga hakbang na gagawin natin laban sa kanila, Calley. For now, you need to come here and file a case against Charles. The earlier, the better, hija. And don't be scared; I will request for a protection order for you."
"Hindi ba natin... magawan na lang ng paraan na tantanan nila ako, Ninong? Hindi ko alam kung kaya ko silang haraping muli kaya hindi ako sigurado sa suhestiyon ninyong paaminin ko silang pareho. I have this feeling that I would throw up when I see their faces again; they gave me trauma. Kaya kung hindi mapapatunayang pinagplanuhan ni Esther na patayin ako at kung hindi rin lang siya makukulong ay gusto kong tantanan na lang niya ako. I will give her anything that she needs, I just want her to leave me alone."
Huminga nang malalim si Lito. "Ito na ba talaga ang gusto mong mangyari?"
"Yes. I still want them to pay for what they did to me, pero kung ganitong wala ring kasiguraduhang makukulong silang pareho due to lack of evidence, at least I just want to live my life in peace."
"I will see what I can do, Calley. When are you coming back? Ipasusundo kita."
Napatingin siyang muli sa beach house, at sa pagkakataong iyon ay umangat ang tingin niya sa veranda. Napasinghap siya nang makita si Phillian na nakatayo roon at nakamata rin sa kaniya. Ang mga braso nito'y naka-krus sa tapat ng dibidb, ang noo ay naka-kulubot.
Sandali siyang nakipagtitigan sa lalaki. At habang magkarugtong ang mga mata nila'y sinagot niya ang huling tanong ng Ninong Lito niya;
"Just give me... a few more days here, Ninong. Just a few days more..."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top