15 | Decent


Pagkatapos ng hapunan ay nag-alok si Calley na tumulong sa pagligpit ng mesa at sa mga hugasin, subalit tumanggi si Nelly at sinabihan siya nitong kaya na ang mga gawain at magpahinga na siya. She thanked Nelly for the home-cooked meal and went upstairs. Di-diretso siya hanggang sa ino-okupang silid. Nahinto siya sa harap ng guest room at nilingon ang glass foor patungo sa veranda. Umaga pa lang paglabas niya ay napansin na niya iyon; she was planning to ask Nelly if she could go there but she totally forgot.

Wala naman sigurong masama kung sisilipin niya kung ano ang mayroon doon? It was just a veranda...

Kaya imbes na pumasok na siya sa guest room at tinungo niya ang glassdoor at pinihit iyon pabukas. Namangha siya sa nakita.

Sa pamamagitan ng liwanag mula sa buwan ay nakita niya kung ano ang tanawin mula roon. She didn't expect that the beach house was in a higher ground! Ang bintana ng kaniyang silid ay nakatanaw sa front yard ng beach house at mula roon ay kita niya ang kalsada. Habang ang veranda naman ay nakaharap sa malawak na karagatan!

"Oh wow... This is such a beautiful place..." she uttered in amusement as she walked toward the ballister. Nang marating iyon ay lalo siyang namangha nang mapagtantong ilang metro lang sa beach house ay dagat na. Ang bahay ay tila nasa ibabaw ng mababang bangin kaya naka-angat at natatanaw niya ang nasa ilalim. Marami siyang nakikitang ilaw na nakahilera sa hindi kalayuan. She would guess it was the town, malapit lang sa dagat.

Ibinalik niya ang tingin sa dagat at doon ay marami ring mga ilaw siyang nakikita na sa hula naman niya'y mula sa mga bangkang pangisda. Nakasisiguro siyang isa sa mga iyon ay naroon si Free Phillian.

Oh...

She still couldn't believe that she met him again after a decade. Noong umalis siya at iniwan ito sa motel room na iyon ay lihim niyang nihiling na sana'y magkita pa silang muli. Muntik pa nga siyang hindi umalis noon, eh. Kung hindi lang niya inaalala ang kondisyon ng kalusugan niya ay baka nanatili siya roon at ipinaubaya na sa kapalaran ang kaniyang sarili.

Paano nga kaya kung hindi siya umalis? Paano kung hinintay niyang magising si Phillian at makapag-usap pa sila matapos ang nangyari? May... relasyon kayang namuo sa pagitan nila? They were both still young back then, at ang atraksyon niya rito noon ay labis niyang ikina-mangha. He wasn't her type but he made her feel special. Sa ugali siya ni Phillian nahulog, hindi sa anyo nito.

Now... seeing him again after 10 long years, she just couldn't help but sigh. He was the definition of a perfect man. She knew he was mestizo, pero dahil na rin siguro sa trabaho nito ay nabilad sa araw kaya mamula-mula ang balat. Ang katawan nito'y lumaki at naging maskulado, and he didn't look cute anymore. He looked... dashingly handsome.

Napabuntonghininga siya at niyakap ang sarili nang humampas ang panggabing hangin sa kaniyang katawan. She stared at the dark see and thought about her plans.

Ano na ang gagawin niya ngayon? Sigurado siyang sa mga sandaling iyon ay nag-aalala na ang Ninong Lito niya. Pero palilipasin pa muna niya ang isang gabi bago ito tawagan. Hihingi siya ng payo nito sa sunod na hakbang na gagawin. Sasabihin niya rito ang buong nangyari at papaimbestigahan nila. Though they needed to find someone trustworthy from the poilice department to investigate the case; hindi sila pwedeng magtiwala sa kahit kanino na lang sa loob ng departamento ng mga pulis.

Kailangan ding pa-imbestigahan ang Charles na iyon. Sisiguraduhin niyang makukulong ito, kasama si Esther.

Attempted rape and homicide. Ilan lang ang mga iyon sa ikakaso niya sa mga ito. Hindi siya aalis sa bansang ito nang hindi niya nasisigurong mabubulok sa kulungan ang dalawa.

Isang malakas na hangin muli ang humampas sa kaniyang katawan kaya hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili. Umalis na siya sa kinatatayuan at akma nang babalik sa silid nang mapatingin siya sa kabilang sulok ng veranda. Mayroon doong isa pang glassdoor, at hindi mahirap hulaan na iyon ay pinto patungo sa silid ni Phillian.

Alam niyang magharap lang ang pinto ng kanilang mga silid, nabanggit iyon ni Nelly. Ang hindi niya alam ay may separado itong pinto palabas ng veranda. Sandali siyang nahinto at napako ang tingin sa glass door. Napansin niyang nakalihis ang kurtinang tumatabing doon at sa pamamagitan ng liwanag mula sa buwan ay nasilayan niya ang nasa loob. She walked towards it and peeked inside.

Malinis sa loob at organisado; siguradong nakasunod si Nelly sa paglilinis sa tuwing umaalis si Phillian. She was such a reliable helper.

Maliban sa King sizes bed ay may nakikita pa siyang double couch sa kabilang sulok ng silid. Mayroong flat screen TV sa pader, may malalaking mga closet at...

Natigilan siya nang may umagaw ng pansin niya. There was a painting on the couch; kung paano lang na ini-sandal doon. At sa tabi niyon ay ang painting stand.

She frowned. "Does he also...paints?"

Dahil kung hindi, bakit may painting stand doon?

Lalo siyang namangha sa nalaman.

A hot fisherman and a mysterious painter in one. Can he get even more interesting?

*

*

*

"No... No, please don't!" Napabalikwas ng bangon sa Calley at natagpuan ang sarili na pawisan sa kabila ng malamig na temperatura sa guest room.

She had a bad, bad dream. Habol niya ang paghinga, ang kaniyang dibdib ay kumabog nang malakas, ang kaniyang mga mata'y hilam ng luha, at ang kaniyang lalamunan at nanunuyo. Not to mention the sweat drawing from her forehead down to her jaw.

She dreamt about that night. Noong gabing muntik na siyang mapahamak sa kamay ni Charles Xiu at ni Esther. Bumabalik-balik sa isip niya ang naangyaring iyon sa maraming pagkakataon kahapon simula nang magising siya, at nang makatulog siya'y naging bangungot naman.

Sinapo niya ang ulo saka humugot ng malalim na paghinga upang i-hinahon ang sarili. Sunud-sunod. At nang sa tingin niya'y nakabawi na siya ay saka siya dahan-dahang bumaba sa kama at naglakad patungo sa pinto habang pinapahiran ng palad ang mga pawis sa mukha.

Bababa siya upang kumuha ng tubig sa kusina, nanunuyo ang kaniyang lalamunan.

Pagdating sa baba ay bahagya na niyang narinig ang pag-himpil ng sasakyan sa harap ng beach house. Dire-diretso siya sa kusina, nasa isip pa rin ang kaniyang naging panaginip. Hindi talaga yata siya patatahimikin ng mga demonyong iyon kahit sa pagtulog. Kailangan na talaga niyang makausap ang Ninong Lito niya upang maumpisahan nang imbestigahan ang Charles Xiu na iyon. Sigurado siyang hinahanap na rin siya ng Ninong Lito niya at baka nag-aalala na.

Pagdating sa kusina ay kaagad siyang dumiertso sa two-door fridge. She took the water pitcher and placed it on the kitchen table. Kumuha siya ng baso sa cupboard at kaagad iyong sinalinan ng tubig. Pinuno niya ang baso at pinangalahati ang laman. She paused and took a deep breath before finishing her glass. At nang paubos na niya'y may bigla siyang nakitang anino na nakatayo sa kitchen entry. Nanlaki ang kaniyang mga mata kasunod ng pagbuga niya ng tubig. Muntik pa niyang nabitiwan ang baso kung hindi lang napahigpit ang kapit niya, at nang akma na sana siyang sisigaw ay bumukas ang ilaw sa kusina.

"Narito ang switch ng ilaw para hindi ka nahihirapan."

Napasinghap siya saka napahawak sa dibdib nang makita si Phillian. She was so scared she thought Charles Xiu had found her. Wala na siyang ibang naisip kung hindi ang demonyong lalaking iyon.

"Are you okay?"

She was about to answer Phillian when her eyes went down to his hand. Sa isang kamay ay may hawak itong nylon cord na naka-tali sa sa ulo ng malaking isda. She didn't know what it was called, but she could already tell it would be a delicious, savory dish later.

Bigla siyang nagutom sa naisip. Ang kaniyang tingin ay sunod na nalipat sa basang Khaki shorts nito—it was the same shorts he was wearing yesterday afternoon when he faced her. Ang maskulado nitong mga binti ay basa't mabuhangin.

Umangat pa ang tingin niya sa suot nitong Hawaain shirt na basa ang hanggang bewang. Then her eyes landed on his lethal, handsome face.

That's where she held her breath.

How could this man turn into a lethally handsome god?

"You look hungry," Phillian said with a wry smile on his thin lips. Oh, she couldn't help but think about that night ten years ago. His lips, despite his inexperience back then, knew how to do the job properly...

She wondered how he would perform now... He surely had learned a lot through the years...

"Are you?"

Napakurap siya nang marinig itong muling nagsalita.

Ano'ng sabi niya? "W-What?"

"Are you hungry?"

Muli siyang napakurap saka tinitigan ito diretso sa mga mata. "I'm... just thirsty."

Phillian smiled wryly. "I could tell. From the way you stared at my body."

Napasinghap siya at doon lang napagtanto kung ano ang sinasabi nito. Pero hindi siya kaagad na nakasagot dahil humakbang na ito papasok sa loob ng kusina at dumiretso sa harap ng malaking fridge. Ilang dipa lang ang layo nito sa kaniya at napatingala siya. That was the closest she had ever been with him since she woke up yesterday. Noon lang niya muling naalala... at napagtanto kung gaano ito kalaking tao. Nagmukha siyang dwende sa height niya

And Phillian smelt like the ocean... and she didn't know why it smelt sexy.

Oh God, Calley, stop.

Si Phillian ay pabalibag na ipinasok ang isdang dala sa freezer na nasa ibabang bahagi ng fridge. Puno iyon ng maraming klase ng seafood kaya halos ipagsiksikan na nito ang malaking isda roon. Nang kumasya ay saka nito ini-sara ang pinto ng refrigerator at muli siyang sinulyapan.

"How are you feeling now?"

Muli siyang napakurap. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya natitigalgal sa harap nito ngayon.

"I... I feel... better," she said in a low voice.

Tumango ito at tumalikod na. "If you need anything, just ask Nelly and she would attend to you."

Napahawak siya sa dibdib nang tumalikod si Phillian at iniwan siya. . . Malakas na tumibok ang puso niya na ikinapagtaka niya. At para siyang nanghina't nanghinayang nang lumayo ito. Tila gusto ng puso niyang tumalon at sumunod dito.

"Damn you, Calley. Stop your fucking self," bulong niya sa sarili.

Subalit narinig iyon ni Phillian kaya nahinto ito at hinarap siya sa panlalaki muli ng kaniyang mga mata.

"What did you say?" he asked, frowning.

"Did I... say anything?"

"Yeah, nagmura ka.'"

"Oh." Oh, I thought she heard me say my name!

Pero... maaalala pa kaya siya nito kung sasabihin niya ang kaniyang pangalan? Surely, nawala na siya sa isip nito sa mga nakalipas na taon? Sa itsura nito'y siguradong ilang babae ang pumapaligid nito; anong kalokohan ba ang pumasok sa utak niya para isiping maaalala nito ang isang tulad niya noon?

Keep dreaming, Therese Cataley...

Tuluyan siyang hinarap ni Phillian, ang mga braso nito'y ipinag-krus nito sa tapat ng dibdib. "Ulitin mo ang sinabi mo."

Napalunok siya, lalo nang mahimigan ang pag-seryoso ng tinig nito at ang pag-talim ng mga mata.

"Hindi kita minura."

Phillian narrowed his eyes all the more. "Sinasabi mong nagkamali ako ng pandinig?"

Nagkibit-balikat siya, pilit itinatago ang tensyong nararamdaman magmula pa kanina. "Bakit naman kita mumurahin?"

Ito naman ngayon ang hindi nakapagsalita kaagad; subalit ang anyo ay nanatiling seryoso. Hanggang sa ang mga mata nito'y bumaba sa kaniyang dibdib, at doon ay nagsalubong ang mga kilay nito.

Niyuko niya ang sarili, at nang mapagtantong wala siyang suot na bra ay malakas siyang napasinghap at awtomatikong itinakip ang mga braso sa dibdib. Ibinalik niya ang tingin dito at doon ay muling nagtama ang kanilang mga tingin. Ang pagkakakunot ng noo nito'y nanatili roon nang muli itong nagsalita.

"Can you please do me a favor?"

Wala sa loob siyang tumango.

"Make yourself decent whenever you're out of the guest room. Hindi ako ang mag-a-adjust sa'yo."

She opened her mouth to explain herself when Phillian cut her off,

"And please ask Nelly to buy you all the clothes that you need. She has my card." Akma na itong tatalikod muli nang may maalala. "Oh, and let me be clear. Ang pagkain at pagtira mo sa bahay ko ay libre basta mapatunayan mong totoo ang mga sinabi mo sa akin kahapon. Pero ang mga damit na bibilhin mo gamit ang pera ko ay kailangan mong bayaran. At kapag nalaman ko sa huli na walang katotohanan ang lahat ng mga sinabi mo'y sisingilin kita sa lahat-lahat; triple the orginal price."

Pinigilan niya ang mga matang umikot sa mga sinabi nito. Gusto niyang sabihin na kahit sampung doble pa ang i-charge sa kaniya ay kaya niyang bayaran.

"Are we clear, Miss Caty Monsera?"

Pinili niyang h'wag nang magsalita at tumango na lang. Malaking pabor ang ginagawa nito para sa kaniya kaya hindi siya magrereklamo. Naniniwala siyang ligtas siya roon at hindi ipinaalam ni Phillian ang tungkol sa totoong lagay niya sa kahit kanino. Sigurado siya dahil kahit sa pinagkakatiwalaan nitong kasambahay na si Nelly ay hindi sinabi.

Ilang sandali pa'y tumalikod na itong muli at itinuloy ang paglabas sa kusina. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kaniyang tanaw. Doon siya nakahinga nang maluwag at napa-upo sa harap ng mesa. Hindi niya alam kung bakit siya nate-tensiyon sa harap nito kanina, pero umaasa siyang masasanay siya at matutunang maging kalmado sa harap nito sa loob ng sampung araw.

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top