14 | Papaya


Hindi mapigilan ni Calley na sabihin iyon. Kahit siya sa kaniyang sarili ay nagulat kung bakit niya nagawang makapagsalita ng ganoon. Ano ba'ng alam niya tungkol kay Phillian maliban sa isang gabing nagkasama sila? Tuloy, mukhang mapaparami na naman ng tanong ang lalaki. She could clearly see confusion and suspicion in his beautiful blue eyes.

Mukhang kailangan niya'y ihanda ang sarili na lusutan ang ilan sa mga katanungan nito.

Obviously, ay hindi siya nito natatandaan. She had lost 80% of her excess weight and she looked a lot different from the day they first met; naiintindihan niya kung bakit hindi siya nito makilala.

Kung pwede lang na magsabi siya ng totoo tungkol sa katauhan niya ay gagawin niya para madali niya itong ma-kombinsing tulungan siyang magtago muna pansamantala roon. Pero hindi. Kailangan niyang ilihim iyon.

Kailangan dahil naisip niyang mas makabubuting... itago na lang niya kung sino talaga siya upang hindi na nila balikan ang nakaraan. Tutal ay panandalian lang naman ang pananatili niya roon. Panandalian lang siyang naroon. She needed to go back to her life in the US and marry Daniel. Yes, she promised Daniel that she would be back and they would talk about them. Nakahanda na siyang tanggapin ito.

Ayaw niya ng distraction. Ayaw niyang magbago ng plano.

But hell, the new Free Phillian Zodiac was nothing but a distraction. Sa tuwing napapatitig siya sa asul nitong mga mata ay para siyang hinihigop patungo sa ibang dimensyon. At natatakot siya sa kabog ng dibdib niya dahil may pakiramdam siyang kung hahayan niya ang sariling magpahigop patungo sa dimensyong iyon ay baka hindi na siya makabalik pa sa reyalidad.

She couldn't explain why, but Free Phillian Zodiac was making her heart skip a beat...

Back then, he was already cute. Although hindi niya type ang mga lalaking meztizo ay hindi niya napigilang magustuhan ito kahit na sa maikling panahong magkasama sila. Back then, he was wearing a retainer on his teeth, he was a little lanky but he was huge down there. Ilang araw siyang hindi komportableng maglakad matapos ang gabing iyon...

Sa naisip ay bumaba ang tingin niya sa suot nitong Khaki shorts—doon mismo sa pagitan ng mga binti nito. At doo'y nag-init ang magkabila niyang mga pisngi. Umiwas siya ng tingin saka niyakap ang sarili. Ramdam niya ang pagtayuan ng mga balahibo sa buo niyang katawan.

Damn her carnal thoughts! Nasa panganib ang buhay niya pero ito pa ang naiisip niya!

"You speak like you've spent time with me and you know me somehow."

Bahagya lang niya itong sinulyapan nang marinig ang sinabi nito. "I've... heard a lot about you before. Alam kong... mabuti kang tao."

Sandali itong natahimik, ang mga mata'y mapanuri. "Saang university tayo naging magka-klase 'ka mo?"

Oh, I knew he'd ask that. She cleared her throat. "I don't remember. Sa dami ng traumatic experience na dumaan sa akin sa nakalipas na mga araw ay naging malabo na ang alaala ko. Besides, I went to a number of universities before dahil panay ang drop out ko. I don't remember the university's name." She knew she sounded suspicious, pero bahala na. Kung ipagtatabuyan talaga siya ni Phillian ay hihilingin niya ritong ihatid na lang siya sa bahay ng Ninong Lito niya sa Metro. Siguro naman ay pagbibigyan siya nito?

Pero sa totoo lang ay ayaw na muna niyang bumalik doon sa Maynila. Nag-aalala siyang baka makita rin siya kaagad doon ng Auntie Esther niya at ng kinakasama nitong Intsik. Ano'ng malay niya kung pinasusubaybayan nito ang Ninong Lito niya dahil hindi siya mahanap? Besides, kailangan muna niyang pag-isipang mabuti ang sunod na mga gagawin. She needed at least a few days to plan her next steps.

Kailangan niyang ipakulong si Esther at Charles; pero papaano niyang patutunayan sa otoridad na may ginawang masama ang mga ito sa kaniya? May koneksyon din ang mga ito sa mga pulis; someone with a higher rank. Paano kung makipagsabwatan ang mga ito at mahirapan siyang patunayang kriminal ang dalawa?

That was why she needed to stay somewhere safe so she could plan and think of her next steps. One of these days ay tatawagan din niya ang Ninong Lito niya para ipaalam na maayos lang siya. Ito lang ang mapagkakatiwalaan niya.

At ang lugar na kinaroroonan niya ngayon... pati na ang taong nakahanap sa kaniya... ang tingin niyang ligtas na lugar para sa kaniya na manatili habang nagpa-plano.

But first, she needed to convince the guy.

Ibinalik niya ang tingin kay Phillian na patuloy sa masusing pagsuri sa kaniya. Napabuntonghininga siya. Naisip niyang sabihin na lang dito ang totoo tungkol sa pamilya niya.

"I have two aunties who are after my inheritance. And they wanted me dead para mapasakamay na nila ang mga ari-ariang nakapangalan sa akin."

Walang pagbabago sa anyo ni Phillian. Marahil ay iniisip nitong nagsisinungaling pa rin siya. O baka tinatantiya nito ang katotohanan sa sinabi niya? Eitherway, she continued, "One of them has a boyfried who tried to rape me the night before you found me. We were in a yatch party and I jumped off it when I had a chance. Siguradong sa mga oras na ito ay hinahanap na nila kung saan inanod ng alon ang katawan ko. This guy who tried to rape me, he has a policie official friend. Kapag nagkaroon ako ng record sa police station, hindi imposibleng matagpuan nila ako kaagad." Muli niyang pinilit na tumayo kahit pa nanginginig ang mga tuhod niya sa panghihina. Hinarap niya ito, at sa tinig na nangungusap ay, "So, please I beg you. Don't report my whereabouts to the authorities. And please keep me for at least a week here in your house. Kailangan ko lang ng ilang araw para pag-isipan ang sunod kong gagawin... I need to gain my strength first, and then I'll contact the people I trust to inform them about what happened."

Nakita niya ang unti-unting pagbabago ng anyo ni Phillian. Unti-unti nang nawawala ang kunot sa noo nito. Ilang sandali pa'y muli itong nagtanong.

"How can I trust you?"

Muli siyang napalunok. Diretso niya itong tinitigan sa mga mata. "Just... give me a few more days and I will prove to you that I am telling the truth."

Muli itong nag-isip. Ang katahimikan ay muling naghari sa pagitan nila. Nanatili silang magkatitig.

And then...

"How long do you intend to hide in my house?"

Nabuhayan siya ng pag-asa. Wala pa man ang pagpayag nito'y nagningning na ang kaniyang mga mata. "I just need... ten days. Just ten days, please."

Muling tumango si Phillian, saka walang ibang salita na tumalikod at tinungo ang pinto.

Muling bumangon ang pangamba sa kaniyang dibdib.

"W-Wait!"

Nasa pinto na ito nang lingunin siya. "Kakausapin ko lang ang mga pulis at sasabihing ako na ang bahala sa'yo. Don't worry, if you need help, you can count on me. Pero may isa akong kondisyon."

"W-What is it?"

"Sa loob ng sampung araw ay wala kang problemang dadalhin sa pamamahay ko. Stay until you recover your strength and contact the people you trust so they know you're safe. But you need to make sure na hindi ako madadamay sa gulo mo. And I explect you to prove to me, after ten days, that you are indeed telling the truth. Otherwise, sisingilin kita sa sampung araw na tumira ka at kumain sa bahay ko. Sorry miss, but nothing comes free in this world."

Nang makalabas si Free Phillian ay muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig siya sa kisame ng silid; ang kaba at pagkamangha sa muli nilang pagkikita ay naroon pa rin sa dibdib.

"Such a tiny, tiny world..."

*

*

*

Napa-igtad si Calley nang sa paglabas niya sa banyo ay makita ang kasambahay na si Nelly na nasa loob ng silid. Inaayos nito ang kama at napalingon sa gawi niya nang maramdaman siya.

Hinigpitan niya ang pagkakatapis ng tuwalya sa kaniyang katawan. Napasulyap siya sa pinto; hindi niya naalalang i-lock iyon, paano pala kung si Phillian ang pumasok at nakita siyang nakatapis lang ng tuwalya?

So what? Didn't he taste every part of your body ten years ago?

Oh gosh... Napa-pikit siya nang marinig ang demonyong iyon sa kaniyang utak. Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang maruming kaisipan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Nelly bago ini-tuloy ang ginagawa.

"I'm feeling good. Thank you for your help," aniya sa banayad na tinig. "You didn't have to do that, kaya ko namang ayusin ang higaan. Nakakahiya sa iyo."

"Ano ka ba? Okay lang, 'no. Kabilin-bilinan ni Ser Phil na asikauhin ko kayo dahil bisita ka sa bahay na ito. Naku... kay liit ng mundo, ano? Akalain mo 'yon, nagkita kayong ulit ni Ser."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Ano ang... ibig mong sabihin? "

"Hindi ba at dati kayong magka-eskwela ni Ser Phil sa unibersidad? Iyon ang sabi niya sa akin. Naku, buti na lang at siya ang nakakita sa iyo. Ang sabi niya'y may hindi ka magandang karanasan dahil sa nagdaang bagyo; naaksidente raw ang sinasakyan mong bangka nang papunta ka sa kasal ng kaibigan mo."

Ano pa ang sinabi ni Phil sa kaniya?

"What else did he... tell you?"

"Marami pa. Ipinaliwanag din niya kung bakit mo sinabi iyong sinabi mo sa harap ng mga pulis, pero sa dami ng mga sinabi ni Ser kanina ay parang sasabog na ang utak ko kaya 'di ko na maalala ang iba. Basta ang siniguro niya ay dati ka niyang kakilala at mabuti kang tao; sapat nang kaalaman sa akin iyon." Huminto ito at humarap sa kaniya. "Alam mo kasi itong utak ko'y limited lang ang storage. Kumbaga sa SD card pa eh... 10MB lang. Kada araw, nagri-refresh." Humagikhik ito saka naglakad patungo sa couch na naroon malapit sa bintana. May kinuha ito roong mga damit at dinala sa kama.

Inikot niya ang tingin. Hindi na niya mahanap ang hinubad niyang T-shirt at sleeping pants. Ipinatong lang niya iyon sa kama kanina dahil balak pa niyang suoting muli. Pero mukhang niligpit na ang mga iyon ni Nelly.

"Ito nga pala ang mga bago kong damit," anito saka inilapag ang isang set ng damit sa ibabaw ng kama; may asul na T-shirt at itim na skinny jeans. "Sorry ha, wala akong maipahihiram na underwear. Pero nilabhan ko na ang suot mong underwear nang matagpuan ka ni Ser kaya narito na, pwede mo na ulit gamitin. Sa bra naman, eto at pagtiyagaan mo na lang muna." Itinaas nito ang isang may kalumaan na ring bra na bulaklakin. "Ito ang pinakabago kong bra, nalabhan namang mabuti 'yan kaya h'wag kang mag-alala. Sinusuot ko lang 'to kapag pupunta kami sa bahay ng pamilya ni Ser o 'pag may party." Muli itong bumungisngis.

"Wala rito ang pamilya ni Phillian?" She had no idea. But wait... wala naman talagang siyang alam maliban sa pangalan nito, 'di ba?

"Naku, nasa mainland ang pamilya ni Ser, malayo pa rito. Lahat silang magkakapatid ay magkakalayo ang mga tirahan, ang iba ay missing in action pa lagi. Hindi na nga kami magugulat kung naka-kabaong nang umuwi ang dalawa sa mga kapatid niya dahil matigas talaga ang mga ulo at laging nasa gulo. 'Yang si Ser Phil ang pinaka-mabait sa kanilang lahat, naku walang masamang tinapay r'yan. 'Ta mo, hindi nagdalawang isip na tulungan ka, 'di ba? Pero 'yong mga kapatid niya, galit lagi sa mundo, maayos namang mga pinalaki ng magulang."

Hindi niya napigilang mapangiti sa sinasabi ni Nelly. Isa lang ang tanong niya pero lima ang ini-sagot.

Nagpatuloy pa ito. "'Yong pinaka-suplado sa kanila, chef sa Singapore. Naku kahit ako'y hindi makalapit doon kay Ser Viren. Pero ang pinaka-close ni Ser Phil at madalas na dumalaw rito ay sina Ser Aris at si Tau-Tau. Si Ser Tau, dito 'yon sa beach house ni Ser Phil naglalagi kapag hindi busy. Singer 'yon, 'te. 'Yon talaga may pinaka-malakas ang karisma sa kanilang lahat, kras ko 'yon, eh. Si Ser Aris naman ay madalas dito kasi siya ang may pinaka-malapit na bahay rito sa beach house. Baka nga sa susunod na linggo ay narito na naman 'yon—pero h'wag mong iisiping bakla kapag nakita mo, ha? Malamya lang gumalaw 'yon pero mas matinik pa sa tsiks kaysa kay Ser Phil."

"So... wala pang asawa si Phillian?"

"Naku, wala pa, 'te. Ewan ko ba ro'n at tila may hinihintay na dumating. Minsan naman, tila may hinahanap. 'Apaka-pihikan sa babae!"

She couldn't help but chuckle. Natutuwa siya kay Nelly. "How about their parents?'

"Hay..." Ma-dramang bumagsak ang mga balikat nito sa huling naging tanong niya. "Ilang taon nang wala si Ser Arc, 'yong tatay nila. Si Ma'am Felicia naman ay nakatira sa ancestral house. Pupunta 'yon dito sa Sabado kaya makikilala mo siya."

Napangiti na lang siya at hindi na sumagot pa. Muli niyang sinulyapan ang bra na inilapag ni Nelly sa kama. Sandali niya iyong sinuri ng tingin at nang may mapagtanto ay napa-ngiwi siya.

Wala siyang problema na magsuot na hiniram na bra mula sa ibang babae. She could adapt at anything, she was very flexible. Ang problema niya ay ang size niyon.

She had lost all her excess weight during her operation ten years ago but the large size of her breasts remained. Her cup size was 36D. Ang tingin niya sa bra na pinapahiram ni Nelly ay matatakpan lang marahil ang kalahati ng kaniyang dibdib.

"May problema ba?" ani Nelly nang mapansin ang pag-ngiwi niya.

Tipid siyang ngumiti. "I don't think the bra would... fit me."

Niyuko rin nito ang bra, saka inilipat ang tingin sa kaniya. Ang mga mata nito'y bumaba sa kaniyang dibdib na tinatakpan ng tuwalya. Sandali nito iyong tinitigan. Hanggang sa...

"Diyos ko, Marimar, aba'y napakalaking papaya naman iyan!"

Pinanlakihan siya ng mga mata sa naturan nito.

Si Nelly, nang mapagtanto ang sinabi ay napasinghap saka nagtakip ng bibig.

Doon siya natawa. Ang pagtawa niya'y dahil sa naging reaksyon nito matapos rumehistro rito ang nasabi. Nelly was so adorable and she liked her already.

Ilang sandali pa'y napakamot ito bago muling nagsalita. "Pasensya na, ngayon ko lang napansin. Bakit noong pinupunasan kita'y hindi ko kaagad nakita?"

She chuckled again. "What a relief; napatunayan mo lang ngayon na pwede kong ipagkatiwala sa'yo ang katawan ko."

Napabungisngis din ito, nagtakip ng bibig saka humakbang na patungo sa pinto. Pagdating doon ay nilingon siya nito. "H'wag na, kay Ser Phil mo na lang ipagkatiwala. Mahilig 'yon sa mga malalaki. Tulad niyan." Ininguso nito ang dibdib niya na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

Odd; pero bakit nagtayuan ang mga balahibo niya sa braso nang marinig iyon?

Muling napabungisngis si Nelly nang makita ang naging reaksyon niya. "Nagbibiro lang, Miss Caty, ito naman!" Nakangisi nitong ini-tuloy ang pagbubukas ng pinto. "Iiwan na muna kita para makapagbihis. Pagkatapos ay bumaba ka na para maghapunan. Nagluto ako ng paksiw na bangus at adobong sitaw. Sasabayan kita sa pagkain para hindi ka malumbay."

Kinunutan siya ng noo sa huling sinabi nito. "Tayong dalawa lang? Why, where is he?"

"Nasa laot na 'yong si Ser ngayon."

"Laot?"

Tumango ito. "Nangingisda. Bukas ng madaling araw mo na siya makikita ulit."

Oh... So he became a fisherman...

And she wondered how he would look like on a boat as he pulled the fishing net?

So hot, for sure...

"O siya, kita na lang tayo sa ibaba ha?"

Muli siyang natauhan nang pukawin siya ng tinig ni Nelly.

Biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi.

Geez... What am I thinking?

"Okay, Nelly. See you downstairs."

*

*

*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top