13 | Ten Days Deal
Ang akma niyang pagbati ay naudlot nang marinig ang sinabi ng babae. She screamed his name as if they were long lost friends who'd seen each other again after decades of being apart.
Inalis niya ang tingin sa babaeng nanlalaki ang mga mata saka binalingan si Nelly. Naisip niyang maaaring nasabi nito ang buo niyang pangalan sa babaeng sinagip niya. But Nelly was as shock as him; which contradict his suspicion.
Naisip niya rin... na kung ipakikilala siya ni Nelly, ay hindi nito ibibigay ang buo niyang pangalan. He never used his complete name since he finished school. Sa tuwing magpapakilala siya sa tao ay 'Phillian Zodiac' lang ang ibinibigay niya, at ganoon din si Nelly.
Ibinalik niya ang tingin sa babaeng nanlalaki pa rin ang mga mata. Her small, pale lips formed an O in disbelief. Her face was just as pale as her lips; tila ito tinakasan ng kaluluwa.
"Kilala mo ako?" he asked after a while.
Nakita niya ang mariin nitong paglunok. Sandali pa itong natigalgal bago muling nagsalita,
"Ano'ng... pinagsasasabi mo? Hindi mo ako... kilala?"
He was about to answer her when the doorbell downstairs took their attention. Sandali niyang inalis ang tingin sa babae at binalingan si Nelly na naguguluhan din sa mga sinasabi ng babae.
"Nelly, tingnan mo kung sino ang nasa ibaba."
Mabilis na sinunod ni Nelly ang sinabi niya. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo nito ang pinto at lumabas. Nang maiwan silang dalawa ng babae ay muli niya itong tinitigan. The woman was still in shock; nasa mukha nito ang panggilalas na lalong ikina-kunot ng noo niya. Obviously, this woman knew him. Pero sino ito? Bakit hindi niya ito maalala?
"I... I can't believe this..." narinig pa niyang usal nito. Para itong nakakita ng multo na hindi niya maipaliwanag. "All these years... and of all the people in the world..."
Lalong bumangon ang pagtataka niya. "How did you know my real name?"
Napakurap ito; tila naguluhan sa naging tanong niya. Pero imbes na sagutin siya nito'y napayuko ito at sinuri ang sarili. The woman was wearing one of Nelly's old oversized T-shirts. Nagmukha itong hanger sa size ng damit. Bumaba pa ang tingin nito sa mga braso na may ilang mga pasa.
Napabuntonghininga siya. Nakita na niya ang mga pasang iyon nang buhatin niya ito noong nasa dagat pa lang. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito sa laot, pero bumangon ang awa sa kaniyang didbib nang makita ang nangyari sa katawan nito. She must have gone through a bad situation; malalaking mga pasa ang nasa mga braso nito. Siguro na rin marahil ay dahil sa mala-labanos nitong balat na kaunting bangga lang ay siguradong magkakapasa. She had this type of skin na kahit lamok siguro ay mahihiyang dumapo.
He tsked in his mind. Iyon ang tipo ng balat ng mga Pilipina na nakuha mula sa pag-inom ng mga pampaputing produkto o pagtuturok ng Glutathione. Hindi na siya magtataka kung isa sa dalawa ang naging dahilan ng pagkakaroon nito ng ganoong balat.
Ibinalik niya ang tingin sa maputla nitong mukha. Para itong naubusan ng dugo; ang ilalim ng mga mata nito'y nangingitim din at sa gilid ng noo ay may maliit na gasgas.
He felt sorry for her.
"Ano ang nangyari sa iyo at napadpad ka sa karagatan?" he asked again. Sandali niyang kinalimutan ang tungkol sa pagkakaalam nito sa buo niyang pangalan.
Muling ibinalik ng babae ang tingin sa kaniya. Ang ekspresyon ng mukha nito'y hindi pa rin nagbabago.
"I was in a... party and I was—" Nahinto ito nang may kumatok sa nakasarang pinto. Sabay silang napatingin doon nang sunod iyong bumukas. Pumasok si Nelly, kasunod ang dalawang police officers.
Ahh yes. he called the cops and reported about the girl she found on the beach. Nagpasiya siyang ipagbigay alam sa kapulisan ang tungkol sa babae; una niyang naisip ay baka nadisgrasya ito sa gitna ng laot at ang mga pamilya nito'y hindi na mapakali sa pag-aalala at kahahanap dito. He didn't want her family to worry more, and she was probably reported missing now, so he thought he had to speak to the police officials.
Buti at nakarating ang mga ito kaagad.
"Good afternoon," anang isa sa dalawang mga pulis. May hawak itong notepad at ballpen sa mga kamay, ang tingin nito'y nasa babaeng nasa kama. Ang isang pulis naman na kasama nito'y nagsalita rin; nasa kaniya naman ang tingin.
"Kayo po si Mr. Phillian Zodiac?"
Tumango siya. "Ako nga. At ni-report ko ang tungkol sa..." Nahinto siya sa pagsasalita nang sa paglingon niya sa babae ay nakita ang pagbago ng ekspreyon nito sa mukha.
Wala na ang panggilalas roon at napalitan ng takot. Napa-angat din ito sa pagkakaupo at tila handang tumakbo anumang sandali.
Muli siyang kinunutan ng noo.
Why does she look so scared?
"Siya ba ang babaeng nakita mo sa karagatan kahapon?" tanong ng pulis na may hawak sa notepad, ang tingin nito'y nasa kaniya na rin.
Hindi siya kaagad na nakasagot dahil sa biglang pagbangon ng babae. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong sleeping pajama; at muli siyang kinunutan ng noo nang may mapagtanto.
Those were his!
Ahhh, Nelly. Mapupukpok talaga kita mamaya.
Binalingan niya si Nelly na at binigyan ng warning look. Nelly winced and gave him a peace sign. Ayaw na ayaw niyang may ibang tao na nakikigamit ng damit niya; let alone a stranger! Kahit noong bata pa siya ay nakikipag-away siya sa mga kapatid kapag ginagamit ng mga ito ang sarili niyang damit.
"Why did you report me to the police?"
Ibinalik niya ang tingin sa babae na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kama. Ang isang kamay nito'y nakahawak sa headboard na tila doon kumukuha ng lakas at alalay upang makatayo nang diretso.
"What do you mean? Natural na tawagan ko sila dahil—"
"Ganito ka ka-desperadong i-dispatsa ako, Free Phillian Zodiac?" This time, her voice quiver. Ang mga mata nito'y pinamunuan ng luha, ang anyo ay puno ng hinanakit.
Mangha niya itong hinarap. "Excuse me?"
Itinaas nito ang mukha; ang anyo ay puno pa rin ng hinanakit. "Hindi ka sumulpot sa napag-usapan nating oras at lugar. I waited for hours but you didn't show up. A man flirted with me that night and gave me a drink. Nalasing ako at ini-sakay niya ako sa speedboat. I struggled when I woke up and the next thing I remember was falling off that boat. I was lucky enough to have found a wrecked boat, at palutang-lutang ako sa laot buong araw sa dagat hanggang sa mawalan ako ng malay. The fate made sure you wouldn't run away from your promise— it brought me to you! Ngayon ay ire-report mo ako sa mga pulis? How dare you?"
"What the—" Hindi niya ulit natuloy ang sasabihin nang muling dinagdagan ng babae ang mga sinabi.
"Is it because I have mental issues kaya umatras kang pakasalan ako? Naisip mong baliw ako at walang silbing magpapakasal ka sa tulad ko kaya hindi mo ako sinipot sa araw ng kasal natin? Tapos ngayong ikaw pa rin ang nakatagpo sa akin sa dagat ay palalabasin mong hindi mo ako kilala? Sa ganitong paraan mo ako ibabasura, ha, Free Phillian Zodiac?"
Namangha siya sa mga pinagsasasabi nito. Napakagaling nitong humibla ng kwento!
"Totoo ba ang sinasabi niya, Sir?'
Napatingin siya sa pulis na may hawak ng notepad. Ibinaba na nito ang mga kamay at tila naniwala sa mga sinasabi ng baliw na babae!
Akma niyang sasagutin ang tanong nito nang muling agawin ng babae ang pansin nila. She howled and cried like a big baby! Humagulgol ito sa harap nila na lalo niyang ikinamangha. Her face turned red as she cried out loud. Subalit hindi hinagpis ang nakikita niya sa mukha nito kung hindi takot.
Yes. She was scared. At nag-umpisa siyang makita ang takot na iyon simula nang dumating ang mga pulis.
Bigla siyang natigilan.
Hindi kaya... takot ito sa presensya ng mga pulis?
But why?
Was she a criminal?
Muli niya itong sinuri ng tingin habang patuloy ito sa pagda-drama. He knew too well that she was just putting up an act in front of the police officers. Pero bakit?
"Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin at paalisin ako rito sa bahay mo ay hindi mo na kailangang i-involve ang mga pulis!" the woman said again. "Kailangan mo ba talagang ipadampot ako sa kanila? I will leave in peace, okay? At hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo! Now that I know na ganito ka ka-desperadong mawala ako sa buhay mo ay sige! I will just go back to the States and forget about you!"
This woman is sending me a message... he thought. Alam niyang may nais itong sabihin.
Hindi niya alam kung bakit, pero malakas ang pakiramdam niyang ayaw nito ang presensya ng mga pulis.
Bago pa niya naisip kung tama ang gagawin ay muli niyang hinarap ang mga pulis. "Can we... speak downstairs? Doon ko kayo kakausapin tungkol sa kaniya."
Ang dalawang pulis na salubong din ang mga kilay habang nakikinig sa pagda-drama ng babae ay ibinaling muli ang tingin sa kaniya. Ang isa sa mga ito'y muling nagtanong.
"Totoo ba ang mga sinasabi niya?"
Tumikhim siya. He needed to be careful with his answers. Gusto muna niyang marinig ang panig ng babae bago siya magbitiw ng salita sa mga pulis.
Malakas ang pakiramdam niyang... may kinalaman sa mga pulis ang takot na nakikita niya sa anyo ng babae.
"Give me a few moments with her and I'll meet you downstairs, officers."
Napakamot ang isang pulis at nauna nang lumabas. Ang isang may dalang notepad ay napailing, sandaling tinapunan ng tingin ang babae saka sumunod sa kasama. Nang makalabas ang dalawa ay saka niya binalingan si Nelly na ang itsura ay hindi maipinta kahit ng sarili niyang mga kamay.
Nelly was lost and confused—which he could relate. Sigurado siyang pareho sila nito ng naiisip.
"Nelly, ikaw rin. Iwan mo muna kaming dalawa."
Naguguluhan siyang binalingan nito. "Eh, Ser Phil, totoo ba ang... mga sinabi niya?"
"Kakausapin kita mamaya; sa ngayon ay samahan mo muna sila sa ibaba. Offer them some drinks; coffeee, beer, whatever. Bigyan niyo muna kami ng limang minuto."
Atubiling tumango si Nelly saka bantulot na lumabas ng silid. Bago nito ini-sara ang pinto ay isang nagtatakang tingin pa muna ang pinakawalan nito sa babae.
Nang muli silang maiwang dalawa sa silid ay huminga siya nang malalim, humalukipkip, saka ito hinarap.
"Okay, tayong dalawa na lang ang narito ngayon. What's the drama for and who are you, really?"
Ang babae ay tumigil sa pag-iyak, as he expected. Napansin niya ang paghigpit ng pagkaka-kapit nito sa headboard ng kama at ang panginginig ng mga binti nito. Muli itong naupo, nagpahid ng mga luha, at naka-ilang ulit muling humugot ng malalim na paghinga bago siya hinarap.
Una niyang napansin ang pangamba na gumuhit sa anyo nito.
"Please, sabihin mo sa mga pulis na kilala mo ako at totoo ang lahat ng mga sinabi ko. Sabihin mong nagkabati na tayo at pumayag na akong umalis— whatever you wanted to say; basta bawiin mo lang ang sinabi mong nahanap mo ako sa dagat at hindi kilala. Kapag ni-turn over mo ako sa kanila ay iimbestigahan nila ang pamilya ko. My family would eventually learn where I am and that is something I don't want to happen—at least not for now."
"I need you to explain the whys and hows first," seryoso niyang tugon dito. "And I need you to tell me the truth if you want me to cooperate. What's your name?"
Nakita niya ang sandaling pag-atubili nito. Pero kalaunan ay,
"I'm... Caty."
"Your complete name."
"Caty Monserra."
"How did you know my name?"
"We were... studying in the same college ten years ago... I stayed in the uni for a month before I moved to the US."
His eyes narrowed. "How are you able to remember my complete name after a decade?"
Napayuko ito. "I... had a crush on you."
Gusto niyang pagdudahan ang sinabi nito, subalit nang makita ang biglang pamumula ng mukha ng dalaga ay na-kombinsi siya. She couldn't just fake that, could she?
Huminga siya nang malalim.
Okay, he'd buy that.
"Bigla kang nagpanggap na may koneksyon tayong dalawa nang dumating ang mga pulis. I could tell you're trying to shoo them away. You said you didn't want your family to find you; why?"
He saw her gulped; she was nervous.
"My family... wants me dead."
He was crossed between believing and doubting her. Ano'ng malay niya kung niloloko siya nito? Pero nang mag-angat ito ng tingin at makita niya ang muling pamumula ng mga mata nito sa pagbabanta na naman na pag-iyak ay muli siyang natigilan. There was sadness in her eyes, at alam niyang sa pagkakataong iyon ay totoo na ang iyak nito.
Kahit sino naman ay maiiyak kung misming pamilya ay hangad na mamatay na sila.
Tsk. Some people really get so unfortunate... And there he realized how he and his brothers got so lucky to be with their adoptive parents. They were the luckiest in the world.
Nagpatuloy siya sa pagtatanong.
"If your family wanted you dead, why didn't you want to report them to the police? Bakit imbes na makahinga ka nang maluwag nang dumating ang mga pulis upang tulungan ka'y para ka pang natakot. Why?"
"May koneksyon sa mga pulis ang taong muntik nang manghalay sa akin."
Lalo siyang naguluhan.
"Sinabi mong ang pamilya mo ang nagnanais ng masama sa'yo, tapos ngayon ay may ibang tao namang involve? Are you playing with me?"
The woman released an exhasperating sigh. Kahit ito ay naguguluhan, nasa mukha pa rin ang pangamba, takot, at lungkot. She was emotionally unstable at hindi niya alam kung tamang pilitin niya itong magsalita o hayaan na munang mag-pahinga. It was obvious that she was still in the state of shock, and he couldn't blame her.
Kung hindi sa nakikita niyang pangamba at takot sa anyo ng dalaga ay hindi siya makikinig sa mga sinasabi nito. He could smell trouble—and he didn't want to do anything with other people's trouble. But he just couldn't say no to her. Not in her current condition. Ramdam niya ang pangangailangan nito ng tulong.
Huminga siya nang malalim.
"Just be truthful and I will help you, okay?" he said, lowering his tone. "Hindi mo kailangang mangamba, kaya kitang tulungan at protektahan if that's what you really need. Hindi ako masamang tao, you can trust me. But I really need you to tell the truth so I could understand the full situation."
Natigilan ang babae; napatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero lumambot ang anyo nito, at makaraan pa ang ilang sandali'y nagpakawala ito ng banayad na ngiti.
"I know, Free Phillian. I know I could trust you."
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top