11 | The Mermaid


 "Is it worth it, Quaro?" tanong niya sa kapatid habang sinusundan ito ng tingin. His brother had been moving around the kitchen as he prepared for the seafood pie his wife had requested.

That seafood pie was the reason why he flew his car from his town to Quaro's—it was a hellish four hours drive and he was exhausted. At kahit gustuhin niyang magpahinga at ipagpabukas na ang pagbabalik sa Contreras ay hindi niya magawa. Kailangan niyang asikasuhin ang dalawang bangkang nasira noong nakaraang bagyo. Responsibilidad niya iyon—hindi niya maaaring pabayaan ang mga tauhan.

Nasa laot siya buong magdamag at wala pang tulog—pagbaba nang pagbaba niya sa bangka ay kaagad siyang sinalubong ni Nelly dala ang kaniyang cellphone. It was four in the morning, and Nelly said Quaro, his older brother, had been calling since last night.

Akala niya ay emergency—oh well, on Quaro's part, it was. But not for him. Gusto lang nitong magdala siya ng maraming klase ng seafood sa bahay nito na tila sampung minuto lang ang layo mula sa kaniya. Damn it, nakatatlong Red Bull siya para gisingin ang kaniyang diwa habang nagmamaneho patungo sa bahay ng kapatid. Nasa gitna na siya ng biyahe nang maisip niyang dapat ay nagdala siya ng isa sa mga tauhan niyang marunong magmaneho para may kapalitan siya.

"What is?" balik-tanong ni Quaro, nakayuko ito sa oven upang i-check kung luto na ang pie.

"Settling down," he answered.

"If you are marrying the woman you love, it's all worth it, Phil."

Napangisi siya. "Pero bakit kailangan mong mangdamay? Nananahimik ako roon sa bahay ko nang bigla ka na lang tatawag para magpahatid ng kilu-kilong hipon at alimango."

"Kirsten's having these weird cravings since she entered the third month. Noong nakaraan ay gusto ng pakwan pero dapat ay puti raw ang laman—saan ako maghahagilap no'n? I refused to look for it and she wouldn't talk to me the whole day. Minsan naman ay gusto niyang kumain ng peanut butter pero dahil nalaman kong allergic siya sa mani ay hindi ko pinagbigyan. Do you know what she did? She threw all my clothes out of the balcony—could you believe that? Kung hindi ko siya pagbibigyan ngayon sa seafood pie na may kombinasyong gusto niya ay baka palayasin na ako no'n."

"Sa sarili mong pamamahay?"

"Well, technically, this house, the shop, and everything I own is hers, too. She's my wife now, and this house belongs to her—so yeah, she has all the right to throw me out."

"At hahayaan mo lang siyang gawin iyon?"

Napabuntong-hininga ito at hinarap siya. "She hasn't been in her best mood lately, and that's because she's carrying my baby. Sa umaga ay magigising siya para dumuwal nang dumuwal, at sa maghapon ay hindi siya komportable dahil madalas siyang nahihilo. Imagine her sacrifice just to bear my child?"

Natawa siya. Inabutan pa niya si Kirsten bago ito umalis kasama ang matalik na kaibigan kanina patungo sa bayan. May ibinulong ito sa kaniya bago nagpaalam, at natatawa siya kapag naaalala. "I actually spoke to Kirsten before she and her friend left; naikwento niyang ilang linggo ka nang nagpapasensya sa kaniya, and that she felt sorry but she couldn't help herself. Mainit daw ang ulo niya sa tuwing nakikita ka."

"Well, that's a relief, thanks," Quaro mocked, making him laugh all the more. "Nakausap ko si Mama tungkol sa mood swings ni Kirsten at sinabi niyang maaari raw na ako ang pinaglilihian. Is it even possible?"

He shrugged. Ano'ng alam niya sa ganoon?

"Ang sabi pa niya'y hintayin ko na lang daw na matapos ang first trimester at baka magbago rin ang mood ni Kirsten. You need to watch out –this might happen to you in the future."

"Nah, it's not gonna happen." He's not going to admit that he had been wishing and hoping and praying to find a woman who was right for him and would give him a big, happy family to come home to. Ayaw niyang aminin iyon sa kapatid, lalo na kay Quaro na alam ang tungkol sa babaeng hindi na nawala-wala sa isip niya sa loob ng maraming taon. Alam din nito na kaya walang tumatagal na karelasyon sa kaniya ay dahil lagi niyang hinahanap ang mga katangian ng babaeng nakilala at nang-iwan na lang bigla sa kaniya noon sa mga naging ka-relasyon niya.

Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya bago ini-tuwid ang sarili. "I'm leaving now. I still need to catch the ferry. Please say my goodbye to Kirsten." Dahil sa nangyaring bagyo noong nakaraan ay nasira ang tulay na nagdudugtong sa Batangas at sa Contreras, dahilan upang kailangan niyang isakay ang sasakyan sa ferry.

"I thought you're staying for the night?"

"No, thank you. Kailangan kong asikasuhin ang dalawang bangkang nasira dahil sa bagyo noong nakaraang araw."

Tuluyan na siyang nagpaalam sa kapatid. Kailangan niyang abutan ang ferry na kakarga sa kaniya at sa kaniyang sasakyan.

Mula sa Montana hanggang terminal ng ferry ay nasa tatlong oras. Dalawampung minuto naman ang ferry boat hanggang sa makarating sa Contreras. At mula roon sa ferry hanggang sa beach ng pamilya ay wala pang dalawampung minuto.

Sa tingin niya'y magpapahinga na muna siya pag-uwi—at sa madaling araw ay aasikasuhin niya ang mga nasirang bangka.

Geez... Kung uuwi sana siya sa Contreras na may naghihintay na asawa at mga anak, baka ginaganahan siya sa buhay niya. Baka biglang mawala ang pagod at antok niya kapag nakasama ang mga ito.

Ahh shit, he and his stupid fantasies again.

Kung bakit kasi lahat ng mga naging kasintahan niya sa nakalipas na mga taon ay ayaw magkaanak? Bakit siya bumabagsak sa mga babaeng ayaw magpamilya?

Damn it—he really sucked in choosing his women. Hanggang kailan siya puro pangarap na lang?

*

*

*

Sunud-sunod na katok mula sa labas ng pinto ng kaniyang silid ang nagpagising kay Phillian. Nagmulat siya at nilingon ang glassdoor ng veranda na tinatakpan ng makapal na kurtina. Madalas ay sinisiguro niyang may kaunting siwang doon upang malaman niya ang oras sa pamamagitan ng sikat ng araw.

At kung ang pagbabasehan niya ay ang kulay ng langit mula sa siwang ng kurtina ay sigurado siyang hapon na.

Kinapa niya ang cellphone na madalas niyang ilagay sa uluhan. Nakapikit pa ang kalahating mata nang sulyapan niya ang oras.

4:30 PM.

Okay, right about time.

Ganoong oras siya lagi nagigising upang maghanda na sa buong gabi hanggang madaling araw na pananatili sa laot. Pero sa araw na iyon ay magpapahinga na muna siya.

Kagabi ay dumating siya mula Montana. Hindi rin siya nakasama sa laot dahil kinailangan niyang magpahinga. Pagdating ng alas dos ng madaling araw ay inayos niya kasama ang ilan sa mga tauhan ang dalawang bangkang nasira noong nakaraang bagyo. Bandang alas siete ng umaga na sila natapos at nakauwi.

Pagdating sa beach house niya ay naligo lang siya at natulog. Ngayon ay nagising siya sa katok na marahil ay si Nelly. Nakalimutan niyang sabihin dito na hindi siya muli papalaot sa araw na iyon dahil nais niyang magpatuloy sa pagpapahinga. At mukhang naroon ito upang gisingin siya.

"Nelly, bakit?"

"Ser, gising na kayo? Pasado alas cuatro na po at magmula kagabi ay wala pa kayong kinakain. May dala akong tanghalian slash early hapunan—buksan ko na po ang pinto?"

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha bago sumagot. "Iwan mo na lang ang tray d'yan sa harap ng pinto at kukunin ko maya-maya."

"O sige, Ser Phill. Lalabas na muna ako para mamili ng mga lulutuin bukas."

Nang makaalis si Nelly ay bumangon siya at dumiretso sa banyo. He took a quick shower, put on his usual Hawaiin polo and Khaki shorts, and got out of the bathroom. Kinuha niya ang tray ng pagkaing nasa harap ng pinto, dinala sa loob at dumiretso sa veranda.

Kadalasan ay doon siya sa veranda kumakain ng pananghalian o hapunan, habang nakatanaw sa malawak na karagatan ng Contreras. Sometimes, he would take out his canvas and paints, and he would paint the sunset as he ate his late lunch.

Yes; it was a hobby no one ever knew about. Not even his siblings. Ang tanging may alam lang ay ang mga magulang niya. They found out about it when he was in high school. Nakita ng mga ito ang itinatago niyang drawing book kung saan nakaguhit ang mga sketches niya—sketches ng mga ka-klase niya at mga crushes. He was feeling insecure about his drawings, and he didn't want his brothers to know about it so he asked his parents not to tell anyone.

Kahit ngayon ay hindi pa rin siya komportableng ipakita sa iba ang mga gawa niya.

He had been practicing—but he wasn't really doing it everyday. Kapag may oras lang. May pagkakataon, o kung nasa pahinga siya. Tulad ng araw na iyon.

Matapos niyang ipatong ang tray ng pagkain sa ibabaw ng glass table sa veranda ay muli siyang pumasok sa silid; kinuha ang mga gamit sa loob ng closet saka bumalik doon.

He set up his painting stand, the half-finished canvas, and his paints. Nasa canvas ang makulay na karagatan ng Contreras. Halos kalahati pa lang ang nakukulayan niya simula nang umpisahan niya iyon mahigit isang buwan na ang nakararaan.

At hindi iyon ang unang gawa niya. Hindi na niya mabilang kung ilan na ang kaniyang natatapos at itinatago sa loob ng closet niya.

Ang ilang sa mga natapos na niya ay ibinibigay niya sa mga tauhan, o sa mga kliyente, o sa mga kaibigan. Ipinapalabas niyang binibili niya at ibinibigay sa mga ito. He was embarassed to admit that they were his works—his creations. Sa kabila ng nagugustuhan ng mga ito ang gawa niya'y hindi niya magawang aminin na siya ang may likha ng mga iyon.

He wasn't ready to let people know about his hidden talent.

He was afraid that people would start asking where he got it—where he learned it.

He was afraid to admit that he learned it from his biological parents.

Yes. He remembered his biological parents. He was almost four when the riot happened in their town that killed both his mother and father.

As far as he could recall, his parents were both painters. At ang bayang iyon sa bansang Georgia na naipit sa riot mahigit dalawampung taon na ang nakararaan ay ang naging bago nilang tahanan magmula nang lisanin nila ang Russia. He could still remember that detail because he used to travel with his father around places in Russia to sell his arts. Kalilipat lang nila noon sa Georgia nang maganap ang riot.

Sa loob ng mahabang panahon ay hindi nawala sa isipan niya ang araw-araw na nakikita sa loob ng bahay nila noon. Sa tuwing nagigising siya noon sa umaga ay ang ama ang kaagad na bubungad sa kaniya. Naroon ito parati sa maliit na veranda ng bahay nila, inuumpisahan ang araw sa pagpipinta. He remembered seeing his father painting his mother while she was watering the plants, reading a book, or simply having coffee. His father would always quickly paint her who would just smile and giggle.

Hindi niya makalimutan ang mga ito sa kabila ng maraming taong nagdaan. Their memories were engraved in his heart.

He missed them so bad. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kapatid at ng kinalakihan nilang mga magulang, ay patuloy siyang nangulila sa totoong mga magulang hanggang sa tumapak siya sa huling taon ng elementarya. He would sometimes cry himself to sleep.

One day, he realized that the faces of his biological parents were starting to fade away from his memories. It had been over a decade and he had started to forget their faces. Natakot siyang hindi na niya maalala ang mga ito, kaya naman nagpasiya siyang iguhit ang kanilang mga mukha.

He wasn't really good at it, pero madali siyang natuto. He was an artists' son after all. Artistry flows in his blood.

Isa ang mukha ng kaniyang mga magulang ang nakita ng Papa Arc at Mama Felicia niya. They asked about them, but he lied. Ayaw niyang isipin ng mga itong nalulungkot siya at nangungulila. Hindi niya sinabi sa mga itong totoong mga magulang niya ang nasa sketchbook na nahanap ng mga ito.

He knew that they were doing their best to be great parents. To love them and keep them safe.

That was the same reason why he didn't want his siblings to learn about his talent—his passion. He didn't want them to keep asking. Ayaw niyang sabihin sa mga itong ang mga alaala ng mga magulang niya ang nag-udyok sa kaniyang magpinta at gumuhit. Because some of his adopted brothers had no memory of their parents; and he somehow felt bad about him remembering his.

Isa pa... nag-aalala siyang baka isipin ng mga itong wala siyang utang na loob sa mga taong nagpalaki sa kaniya...

*

*

*

Matapos ang ilang sandali ay naubos na rin niya ang pagkaing ini-akyat ni Nelly sa kaniyang silid. He checked his phone and answered some text messages from his clients, his men, and from his mother.

She was asking how he was doing after the storm. Sunud-sunod na tumama ang dalawang bagyo sa bayan ng Contretas at siguradong nag-aalala ang ina niya. Tumayo siya at muling hinarap ang canvas. And while he was standing there, he dialled his mother's number to speak to her.

Makalipas ang tatlong ring ay sumagot ito.

"Oh, I was just about to call you," his mother exclaimed on the other line.

"How are you, Ma?"

"I'm fine. Ikaw ang inaalala ko."

"Hindi matitibag ng bagyo ang dalawang bahay rito kaya h'wag kayong mag-alala. Nakapag-palaot na rin ulit kami noong isang gabi, pero may dalawang bangka akong nasira dahil hindi nakayanan ang malakas na hampas ng alon. Maayos naman ang lagay ng mga mangingisdang kasama ko, they are well taken cared of."

"I'm glad to hear that, Philly. H'wag mong piliting pumalaot kung masama talaga ang panahon, and look after yourself, too. Dadaanan kita riyan sa Sabado. Dadalaw ako sa Kuya Quaro mo; I heard Kirsten's been craving for my delicious suman. I'll stay at their new house for a few nights so I could also spend time with them. Oh God, hindi na ako makapaghintay na makita ang unang apo ko. "

Napangiti siya sabay iling sa nahihimigang excitement sa tinig ng ina.

"Panahon na ring mag-umpisa kang maghanap ng mapapangasawa, anak. And give me the second grandchild. I want little kids running around the house—it'll surely remind me of you and your brothers when you were all young."

Muli siyang napa-iling sa sinabi ng ina. Ayaw niyang sagutin ang ibinilin nito sa kaniya upang hindi na humaba pa ang usapan tungkol doon. "I'll see you on Saturday, then?"

Kinuha niya ang pintura at brush sa glass table at nag-umpisang timplahin ang mga kulay. Gusto niyang kunin ang tamang shade ng kulay para maipinta niya ang kahel na langit sa mga sandaling iyon. The color of the sky was perfect and he wanted to change the one that he had on the canvas—he was changing the clear blue sky to a sunset color.

"Kapag may nakita kang sirena sa dagat ay iuwi mo na kaagad, anak. Tatanggap ako ng sirenang mga apo," dagdag pa ng ina saka humagikhik.

Hindi niya napigilang bahaw na matawa. "Paano 'yan, eh pati sirena ay mailap sa akin?"

"Paano, hindi ka nagpapakita ng interes." He could picture his mother rolling her eyes upwardly when she said that.

Lalo siyang natawa. "Papaano ninyong nasabi iyan? Hindi nga ba't ako at si Tau-Tau ang pinaghihinalaan niyong babaero sa aming magkakapatid? I don't understand why, gayong pareho kaming stick to one ng isang iyon. Bakit hindi sina Cerlance o Sacred ang sabihan ninyo ng ganoon?"

Kumuha siya ng isa pang brush upang isawsaw sa kulay pulang pintura. He wanted to darken the sun on his canvas.

"Cerlance is a good boy, Philly—"

"We all are good boys, Ma. Pero pagsabihan ninyo ang anak niyong iyon. I heard he was having threesome in his car."

"Threesome?"

He laughed all the more at his mother's innocent response. "Just Google it, Ma."

Naalis ang kaniyang tingin sa painting at ang kaniyang mga mata'y natuon sa dagat.

Sirena, huh? he thought. If there's such thing as a mermaid, I'll surely take one and...

Natigil siya sa pag-iisip nang may mahuli ang kaniyang tingin.

Sa baybayin hindi kalayuan sa kinaroroonan ng beach house niya ay may nakikita siyang nakalutang na kahoy. Kinunutan siya ng noo. Kalmado ang panahon sa mga oras na iyon at ang haring araw na sa wakas ay sumikat na makalipas ang ilang araw na pagtatago sa likod ng makakapal na ulap ay papalubog na sa mga sandaling iyon.

Lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang makitang tila may taong nakapatong sa kahoy.

"Ma, I need to hang up."

"Why?"

"I need to check on something."

"Okay, Philly."

"Bye for now," he said. "May sirena akong nakikitang palutang-lutang sa dagat."

It was his mother's turn to chuckle.

"Okay, go get her, son. The many little mermaids you produce, the better."

Hindi niya pinansin ang huling sinabi ng ina. Mula sa kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang nakalutang na kahoy na itinutulak ng banayad na alon patungo sa dalampasigan. "See you in three days, Ma. 'Love you."

Mabilis niyang ibinaba ang cellphone at inisuksok sa backpocket.

Pumasok siya sa loob ng silid upang kunin ang binoculars; gusto muna niyang makasiguro kung ano ang nakikita sa dagat. Pagbalik niya sa veranda ay nakita niyang tuluyan nang nakarating sa buhanginan ang kahoy.

Naisip niyang baka may ibang mga bangkang nasira noong nakaraang araw dulot ng lakas ng alon at hangin sa laot; ang mga mangingisda'y natangay at may isang nakaligtas sa awa ng Diyos.

He adjusted his binoculars to look closely.

Hindi nga siya nagkamali. Parte ng isang sirang bangkang pangisda ang kahoy na lumulutang, at ang taong nakahiga sa ibabaw niyon ay nakasuot ng mahabang puting damit. He couldn't clearly identify if it was a man or a woman, though. Natatakpan ng suot nito ang buong katawan, dagdagan pang nakadapa.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Walang masyadong tao sa parteng iyon ng karagatan dahil dulo na at private property na ng kanilang pamilya. At dahil walang ibang taong maaaring tumulong dito, at dahil nasa parte ng propriyedad ng pamilya nila ang binagsakan nito, ay responsibilidad niyang tumulong.

Madali siyang lumabas ng kaniyang silid, at halos patakbong bumaba sa hagdan.

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top