09 | The Last Will
"I'm sorry, I had to leave so sudden. There was just an emergency back in my country and I have to sort it as soon as possible. I have handed Connie's record to Dr. Abigail, she will look after her while I'm gone," paliwanag ni Calley nang tumawag si Daniel nang Linggong iyon upang ibalita sa kaniyang maayos na ang lagay ni Connie at bumalik na ang sigla. Iyon din ang araw ng dating niya sa Pilipinas, at saktong palabas na siya sa immigration area nang matanggap ang tawag nito.
"Oh, I hope you will be able to sort it sooner," sagot ni Daniel makaraan ang ilang sandali. "How long are you going to stay in the Philippines?"
"Not long, I hope. I'm planning to stay until everything's sorted. Probably two weeks top." Patuloy siya sa paghila ng luggage niya patungo sa arrival area. Tumawag siya sa Ninong Lito niya kahapon upang ipaalam na darating siya sa araw na iyon at nagsabi itong susunduin siya. Tanaw na niya ang arrival area at nakikita ang maraming taong nag-aabang ng kani-kanilang pamilya sa waiting lane. Hinanap niya ng tingin ang Ninong Lito niya na dalawang taon ding hindi nakita nang personal.
"Oh, so I guess you won't be here for Connie's birthday," Daniel said, his voice was laced with disappointment.
"Please tell Connie that I'll see her when I get back. And... you, too. Daniel. I'd like to talk to you about... us."
"Really, Calley?" Biglang sumigla ang tinig nito, dahilan upang mapangiti siya.
"Really. So, see you both in two weeks?"
"Can hardly wait," Daniel answered. She could picture him smiling from ear to ear. "Be safe and call me if you need help."
"I will, Dan. See yah."
Nang maibaba na niya ang cellphone ay sandali siyang nahinto nang marating ang dulo ng arrival area. Bigla siyang nanibago sa klima, at sadya niyang hinubad ang leather jacket bago bumaba ng eroplano dahil alam niyang pagpapawisan siya kapag hindi niya iyon ginawa.
Hinayon niya ng tingin ang mga taong nakatayo sa likod ng bakal. Hindi niya mahanap ang Ninong Lito niya. Dapat ay naroon na iyon sa mga sandaling iyon—she had given him her itinerary.
Hanggang sa may isang cardboard siyang nadaanan ng tingin. Her name was written on it. Hawak-hawak iyon ng isang lalaking nakasuot ng polong puti at itim na slacks. Lumapit siya roon at nakangiting bumati.
"Hi. My name is Calley El Mundo. Who sent you?"
Napangiti ang lalaki at ibinaba ang card. "Hello po, Ma'am. Welcome back to the Philippines. Si Attorney Perez po ang nagpadala sa akin—hindi siya makaalis dahil biglang dinala sa ospital ang asawa. Inatake po sa puso kaninang madaling araw."
Napasinghap siya. Kaya pala hindi niya matawag-tawagan ang Ninong Lito niya matapos nitong magpadala ng mensahe sa kaniya!
"Kumusta na ang lagay ni Ninang Cecil ngayon?"
"Stable na po, Ma'am, Nakabantay po roon sina Attorney at ang dalaga niyang anak." Itinaas nito ang kamay. "Ako nga po pala si Efren, bagong assistant po ni Attorney. Ako na po ang maghahatid sa inyo sa mansion."
"No, actually, hindi ako sa mansion tutuloy."
Ang akma nitong pagkuha ng maleta niya ay naudlot. "Po?"
"I' have booked a hotel. Doon ako mananatili sa loob ng dalawang linggo."
*
*
*
Pagdating niya sa hotel room ay muli niyang sinubukang tawagan ang Ninong Lito niya, at doon ay nakasagot na ito. Saglit niya itong naka-usap, at nagsabi itong bigyan niya ng isang gabing pahinga at makikipagkita sa kaniya para pag-usapan ang tungkol sa mga inihabilin ng kaniyang mga magulang.
Nakaiintinding pumayag siya. Naisip niyang baka hindi ito nakatulog sa pag-aalala sa Ninang Cecil niya. Sinabihan din siya nitong huwag munang ipaalam sa mga tiyahin ang tungkol sa pagdating niya.
But it was too late.
Dahil noong nasa sasakyan pa lang siya patungo sa hotel ay tinawagan na niya ang Auntie Augusta niya. She had told her about her arrival—at hindi niya alam kung galak o panic ang narinig niya sa tinig nito.
Of course, alam niyang imposible ang nauna. So it must be the latter.
"I'm back in the country," she said in an empty tone.
"What?" her Aunt Augusta muttered after taking a sharp breath. Nasa tinig ang gulat nang malamang siya ang nasa kabilang linya.
"I'm back. At narito ako para asikasuhin ang paglilipat ng mga ari-arian sa inyo ni Aunt Esther."
Matagal na nanahimik si Augusta sa kabilang linya. Hanggang sa... napahagikhik ito.
"I can't wait for it to happen, Therese Cataley. Meet me tomorrow morning, I'd like to talk to you about it."
"No, I want to speak to you both. You and Aunt Esther, in one schedule."
Matagal itong natahimik bago sumagot. "Whatever. See you tomorrow, then?"
*
*
*
"You need to cancel your appointment with them tomorrow, hija. We need to talk first," sabi naman ng Ninong Lito niya nang malamang makikipagkita siya sa mga tiyahin kinabukasan. "Kailangan muna nating mag-usap bago sila."
"Why, what's wrong?"
"May kailangan kang malaman tungkol sa huling habilin ng mga magulang mo."
"Oh..." Sa tono ng pananalita ng Ninong Lito niya ay mukhang kailangan nga niya itong pagbigyan sa hiling. "Okay, Ninong . I'll cancel my appointment with them tomorrow. Kailan tayo magkikita?"
"Tomorrow afternoon; bigya mo lang ako ng sapat na oras para magpahinga, hija. Tatawagan kita."
*
*
*
Napa-tayo si Calley nang makita ang pagpasok ng Ninong Lito niya sa restaurant ng hotel na kinaroroonan niya. Itinaas niya ang kamay upang kunin ang atensyon nito, at nang makita siya nito'y napangiti saka lumapit.
Her Ninong Lito was in his sixties; his hair was grey and his face was starting to get wrinkly. He used to be a big guy, but he had started to take care of his health now due to the advice of his doctor. Hindi na ito bumabata at kailangan nang mag-ingat sa pag-aalaga sa katawan.
"I am happy to see you again, hija," bati nito nang makalapit.
Kaagad niyang sinalubong ng yakap ang ninong niya. They hugged for a while, and he let go first to stare at her.
"Look at you! You are getting lovelier!"
Napangiti siya at inanyayahan na itong maupo. They sat across each other, and she waved her hand for the waiter to come to their table.
Um-order muna sila ng early dinner, at nang makaalis na ang waiter upang ihanda iyon ay saka sila nag-umpisang mag-usap ng Ninong niya.
"How's Ninang Cecil?" she asked, concern in her voice.
"Ah, she's starting to recover. Stable na ang lagay niya. Apparently, it was just a mild attack. Kung hindi kaagad nadala sa ospital ay baka naging malala ang lagay niya." Nasa anyo nito ang labis na pag-aalala. "I was so worried about her kaya hindi ko siya maiwan sa ospital. Pasensya ka na kung hindi kita kaagad natawagan."
"It's okay, I understand. Pwede na ba siyang dalawin mamaya?"
"Yes, she would love to see you again. Sumabay ka sa akin mamaya, pagkatapos nito ay didiretso ako sa ospital."
Tumango siya at dinala muna sa bibig ang tasa ng kapeng ni-order niya kanina habang naghihintay rito.
Masuyo siyang pinagmasdan ng kaniyang Ninong Lito sa sumunod na mga sandali; and she would guess that he was probably thinking about the past memories she had with him when she was just a little girl. Madalas sila noong magkita nito kasama ang Papa niya.
Her father and Lito Perez were best friends since time immemorial. Sabay na lumaki ang mga ito at nag-aral sa iisang eskwelahan mula elementarya hanggang high school. They separated in college though; her father went to business school and her Ninong Lito studied law. Pero hindi nawala ang komunikasyon ng mga ito.
Nang mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente sa daan ay sa Ninong Lito at Ninang Cecil niya naramdaman ang tunay na pakikiramay. Lalo na sa Ninong Lito niya na halos napaluhod sa sahig sa kaiiyak nang mailibang na ang daddy niya. He was more than just a family friend and lawyer—he was part of her family. Kung maaari nga lang na sa bahay ng mga ito siya manatili matapos mawala ang kaniyang mga magulang ay baka ito na at ang Ninang Cecil niya ang nagpalaki sa kaniya.
Unfortunately, she ended up staying with her father's two surviving sisters; her Auntie Augusta and Auntie Esther, who were both emotionally and verbally abusive towards her. They never hurt her physically; it was more of emotional torture. Ni-kontrol ng mga ito ang buhay niya. She was never allowed to do stuff without their permission; never allowed to dress anything she liked, never allowed to be friends with any kids she liked. Para siyang naka-kulong sa kamay ng mga ito.
Kaya nang makakita siya ng pagkakataong makaalis sa poder ng mga ito'y pinanindigan na niya. And she had never been so happy with her decision until then.
Matapos lang ang lahat ng ito'y hindi na talaga siya babalik pa sa bansang ito. She would settle down in the States and live a happy, peaceful life there with Daniel and Connie.
"Let's talk about your parents' last will, Calley."
Ibinalik niya ang pansin sa ninong niya, at nang makita ang biglang pagseryoso ng mukha nito'y natigilan siya.
"Let's cut to the chase and talk about it now. Dala ko ang mga dokumento at iiwan ko sa'yo. Malaya kang basahin ang kabuuan niyon at kung handa ka na'y ibalik mo sa akin, I need to keep it safe."
Tumango siya.
"Alam kong nais mo ng kapayapaan at putulin na ang koneksyon mo kina Esther at Augusta. Bumalik ka rito upang asikasuhin ang paglilipat ng lahat ng ari-ariang naiwan ng mga magulang mo sa dalawa mong tiyahin para tantanan ka na nila. Believe me, hija, I wanted to support you on that." Dinala nito ang kamay sa ibabaw ng mesa at banayad siyang hinawakan sa kamay. "But you can't. You can't give them all your properties."
"Why not?" she asked, frowning.
"Because that's what the document says so."
Salubong ang mga kilay na hinintay niya ang Ninong Lito niyang magpatuloy sa pagsasabi sa kaniya ng nilalaman ng huling habiliin ng kaniyang mga magulang. At hindi nga nagtagal ay nangyari iyon. And all she did while listen to it with a heavy heart.
*
*
*
Dalawang araw matapos nilang mag-usap ng Ninong Lito niya ay nakipagkita si Calley sa dalawang tiyahin sa isang Japanese restaurant.
Noong makita siya ng mga ito'y labis-labis ang pagkagulat sa malaking pagbabago sa kaniya. Gone were the time where she would wear extra large clothes—now she'd fit in a medium size dress. Kung hindi lang dahil sa kamukha niya ang mommy niya na labis-labis ding kinaiinisan ng mga ito'y baka hindi ang mga ito naniwalang siya si Therese Cataley na inalagaan—no, hinawakan ng mga ito sa leeg sa loob ng maraming taon.
"How have you been?" her Auntie Esther asked. Ni hindi man lang nito nagawang magpakawala ng huwad na ngiti.
"I was doing alright, until you sent the guy who broke into my house," diretsahan niyang sagot. Hindi pa man umiinit ang inupuan ng mga ito'y ganoon na kaagad ang takbo ng pag-uusap nilang tatlo.
"What are you saying?" salubong na kilay ng Auntie Augusta niya. ito ang sumunod sa daddy niya, habang si Esther naman ang bunso sa mga ito.
"Itatanggi ninyo na kayo ang nagpadala ng lalaking iyon sa bahay ko para takutin ako—no, para hanapin ang titulo ng bukirin at mansion?"
"Pinagkakamalan mo kaming gagawa ng ganoon ka-samang bagay?" her Auntie Augusta said, annoyance was all over her face.
"Let's not argue about it, Ate. Kahit itanggi natin ay hindi pa rin maniniwala iyan. At kahit ano'ng sabihin natin ay masama pa rin tayo sa paningin niya," Esther said, trying to make her feel guilty.
But those words didn't appeal to her anymore. A reverse psychology wouldn't work on her. Tingin ba ng mga ito'y siya pa rin ang teenager na Calley na kaya ng mga itong kontrolin at bilugin?
"So, why did you want to meet with us, Calley?" tanong pa ni Esther. "You didn't invite us to come over just to have lunch with us, did you? This is so unlike you. Sa loob ng sampung taong pananatili mo sa America at ni hindi ka tumawag sa amin para mangamusta. Kung hindi pa kami tatawag sa'yo ay baka tuluyan kaming walang narinig. When was the last time we spoke, by the way?"
"Three years ago, when you needed more money to run the business," she said wryly.
Sabay na nagtaasan ang mga kilay ng dalawa.
"That's your company—na pinalalakad lang namin dahil ayaw mong hawakan," pagtataray pa ng Auntie Augusta niya. "Imbes na sa business school ka pumasok ay nag-doctor ka—"
"Hindi ko naalalang pinigilan niyo ako sa desisyon kong iyon, Auntie Augusta," sagot niya rito. "Hindi ba at ayaw niyo ring mag-aral ako ng business dahil ayaw niyong hawakan ko ang kompanyang naiwan ng daddy? You wanted it for yourselves, did you not?"
Nakita niya ang pagkuyom ng palad ni Augusta, subalit hindi na ito nagsalita pa.
Napabuntong-hininga siya. Pinaalala niya sa isip na naroon siya upang ipaliwanag sa mga ito ang nais niyang mangyari at ang plano niyang gawin—hindi ang galitin pa ang mga ito na baka lalo pang magpadagdag sa problema niya.
"Let's talk in a civil way, shall we?" aniya makalipas ang ilang sandali. Bumaba na ang tono niya't naging malumanay. Gusto niyang sa araw na iyon ay matapos na nila ang problema. All she needed from them was to patiently wait—unti she sorted everything.
"Ikaw ang unang nagsalita sa amin ng kung anu-ano, Calley," tugon ng Auntie Augusta niya. Nasa tinig ang hinanakit, habang si Esther naman ay matalim pa rin ang tingin sa kaniya.
Muling siyang napabuntong-hininga. Wala siyang planong humingi ng pasensya sa inasal niya. Somehow, Esther and Augusta deserved her bitchiness.
"I want us to speak about the ownership of the company, the properties left under my name, and the transfer."
Doon nagbago ang ekspresyon ng mga ito. Si Augusta ay nanlaki ang mga mata, habang si Esther naman ay nagdilim ang anyo.
"I just want a peaceful life in the US, Aunt Augusta, Aunt Esther. I have a job there that can support me until I get older—I don't need the properties left to me. Iningatan ko lang ang mansion at ang bukirin ni Mommy dahil sa mga alaalang naiwan ng mahahalagang tao sa akin sa mga lugar na iyon. But if you need them, I'll give them to you. And the initial plan why I came back is to personally sort the transfer. Pero napag-alaman kong hindi ko pala maaaring basta na lang na ibigay ang mga ari-arian sa inyo. Not unless..." She paused to take a long, deep breath. "Not unless I married a wealthy man who could give me a comfortable life and gave birth to his child. Kapag naisilang ko na ang sanggol ay doon pa lang ako magkakaroon ng kapangyarihang ilipat sa pangalan ng aking anak... o kung kanino ko man gusto... ang lahat ng mga ari-ariang nasa pangalan ko."
At iyon din ang pino-problema niya ngayon.
Gaano na ba siya ka-handang magpakasal at magsilang ng sanggol para sa minimithi niyang kalayaan?
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top