08 | Calley's Life in the US
"You need to eat healthy meals and take your medication if you really want to play soccer next week, okay, honey? Because if you won't, your fever wouldn't go away. And then, your daddy would worry and bring you back here. Is that what you want?"
"No, Doctor Calley. I don't wanna get sick anymore..."
"Then, you need to promise me that you will follow my advice."
The seven-year-old Connie nodded her head and smiled. "I will, Doctor Calley. Thank you for looking after me."
"You are welcome, Connie."
Nakangiting tumayo si Calley upang ihatid ang mag-amang Connie at Daniel sa pinto ng clinic. Binuksan niya iyon at hinarap ang ama ng kaniyang pasyente. "I've listed everything on the booklet. Should her fever gets back, please call me."
"Thank you, Doc." Daniel Swisser released a dashing smile. "Uhm, by the way... Connie's celebrating her birthday on the twenty-second of the month, I was wondering if..."
Lihim siyang napangiti. Connie had been her patient since the little girl was four, and Daniel had been showing her admiration since then. He was a single father, and he had asked her on a date multiple times. Dalawang beses pa lang niya itong pinaunlakan dahil laging nagkataong may emergency siya o abala sa trabaho. Daniel was a really good-looking man, he was just two years older than her and had a decent job. He was a bank manager in one of the biggest banks in New York.
Naisip niyang bigyan ito ng pagkakataon; mabait ito at kayang bumuhay ng pamilya. She wasn't getting any younger, panahon na ring bumuo siya ng pamilya niya.
Maybe soon. Gusto pa niya itong makilala nang husto.
"I'll check my schedule on the 22nd and give you a call, Dan."
Daniel's eyes sparkled in joy. "I'll wait for your call, then."
Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang mag-ama hanggang sa lumiko ang mga ito sa hallway. Sinulyapan niya ang patient's waiting area at nang makitang iilan na lang ang nakaupo roon ay lumapit siya sa reception counter hindi kalayuan.
She smiled at the two ladies who greeted her with a smile.
"Do I have more on my tab?" she asked.
"You are clear for the rest of the afternoon, Doc," nakangiting sagot ng isa sa mga ito.
Nagpasalamat siya at bumalik sa clinic niya. She took off her white coat and gathered her phone and keys from the drawer. Sinulyapan niya ang oras sa relos at nang makitang may oras pa siya para mag-grocery at magluto ng hapunan ay madali niyang kinuha ang bag na nakapatong sa ibabaw ng chest of drawers at lumabas na sa clinic niya.
She was lucky enough to be given a chance to work as one of the resident pediatricians in Mount Sinai Hospital in New York. She had been serving there for three years now and she couldn't be happier.
Noong umalis siya sa Pilipinas sampung taon na ang nakararaan at lumipat sa New York ay naging mabuti ang lagay niya. Naging payapa at masaya ang buhay niya dahil napalayo siya sa mga taong kumontrol sa kaniya sa loob ng maraming taon.
Ten years ago, she left the Philippines to undergo a major operation in the States. As medical students back then, they were required to take a complete medical examination, and there the doctor had found her tumor. She had an ovarian tumor which was the main reason for her weight gain. The doctor said it was non-cancerous and surgery was needed if she wished to have a healthy life.
Kaya pala kahit anong pag-di-diyeta ang gawin niya noon ay walang nangyayaring pagbabago sa katawan niya. Her weight gain started when she was fifteen. Since then, she did nothing but to control her food intake.
But she also had a heart problem and surgery was a big risk. So she had to be sent to the States where all the advanced medical technologies could save her life.
Pero noon ay sobrang natakot siya—inakala niyang hindi siya magigising pagkatapos ng surgery. Her mind went jungle-wild. Papaano kung magkaroon ng komplikasyon habang ino-operahan siya at hindi na magising?
Back then, she thought she was going to die and would not see another day. There was a 50-50 chance she could survive the operation and not waking up the next day was her greatest fear.
Kaya naman noon, bago ang araw ng paglipad niya sa Estados Unidos, she wrote down seven things she wanted to do before she dies. Her bucket list. And why seven? It was her favorite number.
To dye her hair in red was her first on the list. She was so afraid to do it before because of her aunties. Pero kung mamamatay rin lang siya ay gusto niyang maging maganda. She wanted her hair to shine.
Date with a tall, dark, and handsome guy was number two. She never dated anyone before and she had no idea how it goes. Due to her size, men avoided and made fun of her at the med school. She was made a laughing stock back then. Kaya naman naisip niyang, bago man lang siya mamatay, gusto niyang maranasan makipag-date sa lalaking pangarap ng ibang kababaihan. Someone who had those three traits.
But then... she received a tall, mestizo, and cute guy...
She smiled when the thought of him came to mind.
It has been 10 years... siguradong may sarili na siyang pamilya. Masaya na.
The third on her list was to break her diet plans and eat whatever the fuck she wanted. Buti nga ay chicken at creamy alfredo pasta lang noon ang ni-order niya.
Fourth on the list was to visit a male strip club. At ang Century Bird ang pinaka-malapit sa bayang tinitirhan niya. She heard about that place from her auntie's friends.
The fifth one was to get herself drunk. She had never consumed alcohol all her life due to her heart problem and diet plans. Ang nakapagtataka lang ay hindi siya gaanong nalasing noon sa dami ng alak na ni-inom niya. Hindi niya alam kung bakit, pero maaaring totoo ang sinasabi ng mga tao na kung nasa mood kang uminom, kahit gaano pa ka-rami ang inumin mo'y hindi ka kaagad na malalasing.
The sixth one was drunk driving. At natupad iyon. Muntik pa sanang mapa-aga ang pagkamatay niya—at muntik pang may nadamay sa kalokohan niya.
And the last one was... to have sex with a stranger.
And it damn happened. And it was so, so good na halos ayaw na niyang umalis noon.
Kung hindi lang niya nais na takasan noon pa ang manipulasyon ng dalawang tiyahin niya ay baka hindi na siya tumuloy pa. Hahayaan na lang niyang lumobo siya nang lumobo dahil tutal, tanggap naman ng lokong iyon ang katawan niya...
Isa pa muling buntong-hininga ang kumawala sa kaniya nang maisip ang binata.
She wondered where he was and what had he been doing?
Was he happy? Was he able to find a good woman?
Of course he did, Calley, aniya sa sarili. He was a good man. He was kind and gentle. And he was great despite the lack of experience.
Oh well, pareho lang silang walang karanasan noon—they were both first-timers when it came to sex. But a year after her operation, she dated an English man. She had started to lose weight and men started to come to her like bees to a flower. Pinagbigyan niya ang isa; kaklase niya sa medical school. They dated for three months, it didn't work out. He was nice and handsome but there were times he was being jealous and possessive. Ayaw niya ng ganoon.
And she did go to bed with him several times. Marami itong itinuro sa kaniya pagdating sa sex.
Pero bakit ganoon? Ang unang karanasan niya ang palagi niyang naiisip. She couldn't help but compare her ex's performance with Free Phillian's. And the latter was much, much better. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.
Sa maraming pagkakataon noon, sa tuwing nasa kama sila ng dati niyang nobyo at nagniniig ay naiisip niya ang lalaking unang nagparanas sa kaniya ng bagay na iyon. He would always come to mind—the feel of his palm on her skin, the taste of his lips against hers, the slow movements and that incredible size...
The memories Free Phillian left to her was always helping her reach her climax, at nagi-guilty siya para sa dati niyang kasintahan.. Imbes kasi na ito ang isipin niya sa mga sandaling nagniniig sila ay ibang lalaki ang laman ng kaniyang utak.
Marahil ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit madalas itong magselos. Pakiramdam siguro nito ay may iba siya.
Matapos niyang makipaghiwalay sa dating kasintahan ay hindi na siya muna nakipag-relasyon. Naging abala siya sa trabaho; hanggang sa nakilala niya si Daniel.
Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago inihinto ang kotse sa harap ng supermarket. Saulado na niya ang lugar na kahit abala ang isip niya sa pag-iisip ng kung anu-anong mga bagay ay nagawa pa rin niyang makarating sa kaniyang destinasyon.
She was going to cook her own dinner and she needed fresh white meat.
*
*
*
Madilim na nang marating ni Calley ang dalawang palapag na bahay. She parked her car in the garage and waited for the automatic roll up door to close before getting out.
Inilabas niya ang mga pinamili mula sa backseat at tinungo ang pinto patungo sa kusina. Iyon ang pintong naghihiwalay sa kusina niya at sa garahe.
Pagbukas ng pinto ay awtomatikong bumukas ang ilaw sa kusina—it was built that way. The lights were all censored; kapag dadaan siya sa hallway ay kusang bubukas ang ilaw at mamamatay lang kapag pinatay niya ang switch na nasa tabi ng kama niya.
Pagdating sa kusina ay ipinatong na muna niya ang mga dala sa ibabaw ng island counter. Naghugas siya ng kamay sa lababo, at banda na sanang isusuot ang apron nang may marinig na ingay mula sa itaas—kasunod ng pagpatay ng lahat ng ilaw sa loob ng bahay.
Malakas siyang napasinghap. Sa gulat ay napakapit siya sa lababo.
Hindi pa siya nakakaisip ng gagawin ay isa pang kalabog mula sa taas ang kaniyang naring. Hindi nagtagal ay napagtanto niyang hindi lang iyon basta kalabog kung hindi ingay ng nabasag na salamin.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Was it her window? Did someone break into her house?
Sa naisip ay madali niyang kinapa ang cellphone sa bulsa.
Wala iyon doon.
Kabadong hinagilap niyang kung nasaan ang bag—her phone must be there. Sa gitna ng dilim ay kinapa niya ang daan pabalik sa island counter kung saan niya inilapag ang mga dala. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot habang kinakapa ang mga nasa ibabaw ng counter, at nang hindi mahagilap ang bag doon ay napamura siya.
Ilang segundo pa ang nagdaan ay muli siyang nakarinig ng kalabog sa itaas. Sunod-sunod. Siguro siyang ang mga gamit niya roon ay pinaghahagis ng kung sino man ang nasa itaas.
Lalo siyang kinabahan. Hindi siya sigurado kung alam ng kawatan na naroon siya sa ibaba; kailangan niyang mag-ingat.
Napa-mura siyang muli nang hindi mahanap ang bag sa ibabaw ng counter. Hindi niya maalala kung nabitbit niya iyon pagpasok niya kanina. Napatingin siya sa entry ng kusina. Doon sa pader ay may telepono.
Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya iyon at hinablot. She was about to dial 911 when she realized that the line was cut off.
Damn it!
Ibinababa niya ang telepono at tinungo ang pinto ng garahe. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi bumalik sa kaniyang sasakyan, umalis doon, at tumawag ng pulis habang nasa daan siya.
Sa kabila ng dilim ay hinanap niya ang daan patungo sa pinto ng garahe. Makaraan ang ilang sandali ay mararating na sana niya iyon kung hindi lang niya naaninag ang isang anino na bumaba sa hagdan. She could see it from where she was standing. Sa takot ay napayuko siya, umatras, at ini-kubli ang sarili sa pader ng kusina.
Halos hindi na siya makahinga sa takot. Ang dibdib niya'y malakas na kumakabog; hinihiling na sana'y hindi ito magtungo sa kinaroroonan niya.
Napadausdos siya sa pader nang marinig ang pagbukas ng pinto sa harap kasunod ng pagsara niyon.
Nakiramdam siya. Wala nang ingay. Walang yapak. Sumilip siya sa hallway, wala na ang anino.
Madali siyang tumayo at tinakbo ang pinto ng garahe. She ran toward her car, opened it and took out her keys from her pocket.
Ilang sandali pa'y bumukas ang roll up door ng garahe.
Nanginginig ang buong katawan na ini-atras niya ang kotse palabas, at minaneho iyon paalis sa kaniyang bahay. Walang kasiguraduhan kung nakaalis na ang taong pumasok sa bahay niya, at kung babalik pa. She was safe in her car.
Hindi niya alam kung saan siya patungo. Nilingon niya ang front seat at nang makita ang bag doon ay kaagad niya iyong hinablot.
Habang ang mga mata'y nakatutok sa daan, hinanap niya ang cellphone sa loob ng kaniyang hand bag. Nang mahanap iyon ay napamura siya. She could finally call some help.
Sa nanginginig na mga kamay ay ini-dial niya ang 911.
"911 –what's the emergency?"
"Someone broke into my house—please send the cops!"
*
*
*
"Walang nawalang mga gamit. Ang ibang mga silid ay hindi nabuksan. Ang ilang areas sa loob ng bahay ay hindi pinuntahan. The man only went straight to my bedroom and searched the drawers. Puro papeles ang mga nagkalat. It was as if he was looking for an important document."
"Ano sa tingin mo ang motibo sa panloloob?"
"Hindi iyan ang dapat na itanong mo sa akin, Ninong. Ang tanong dapat ay ganito: Sino sa tingin ko ang may motibo sa panloloob."
She was gritting her teeth in anger as she watched the maintenance men fix the damaged window. Sira ang pinto ng kaniyang closet, at pati ang mga chest of drawers ay nagulo. Tulad ng kaniyang sinabi sa abogado at dating matalik na kaibigan ng kaniyang ama, walang nakuhang mahahalagang mga gamit ang kawatan, at walang ibang lugar na pinuntahan ito kung hindi ang master's bedroom— her bedroom.
At maliban sa mga basag na salamin at sirang drawers, ay mga papeles na nagkalat lang ang mga nagalaw sa loob ng kaniyang silid.
It was as if the burglar was instructed to look for certain papers.
And she knew what it was.
"Ang titulo ng mansion at ng malawak na bukirin sa timog ang hindi nila hawak sa mga sandaling ito, at iyon ang sa tingin kong hinahanap nila," she said wryly. If there was one person she could trust at this stage, that would be Attorney Perez—her Ninong Lito Perez. Ito lang ang kakampi niya sa loob ng labing walong taon, simula nang maulila siya sa mga magulang. Ito lang ang naging totoo sa kaniya, ang nakiramay noong nawala ang dalawang taong tunay na nagmamahal sa kaniya.
And it was also her Ninong Lito who protected her from her wicked aunties in the past ten years as she lived in New York.
Sa tingin niya'y kulang pa sa dalawang tiyahin niya ang hawakan at pamahalaan ang kompanyang naiwan ng kaniyang ama. Sa tingin niya'y nagtatalo na rin ang mga ito kung sino ang dapat na magma-may-ari ng mansion at ng malawak na bukirin. Naniniguro ang mga itong walang matira sa kaniya.
The truth was—she didn't really care about all the properties. Her aunties could have them all. Pero ang mansion na nakapangalan sa kaniya ay hindi niya magawang ibigay sa mga ito. Naroon ang mga alaala ng kaniyang mga magulang. Naroon ang masasayang sandali nila ng kaniyang pamilya. Ang bukirin naman ay pagmamay-ari ng mama niya na minana nito sa mga magulang. Nakapangalan din iyon sa kaniya, at doon sa bukirin na iyon ay ang mga huling alaala niya sa abuelo na inabutan pa niya at nakasama. She used to visit the farm and play with her grandpa. They used to plant treet together, rode on a carabao and watched the sunset from his veranda.
Kaya naman noong umalis siya'y siniguro niyang dala-dala niya ang titulo ng mansion at ng bukirin. She wouldn't let go of them no matter what.
"The company is currently facing bancruptcy, hija. At sa tingin ko ay may batayan ang hinala mo. Kailangan nina Augusta at Esther ang mansion at bukirin upang isalba ang kompanya."
"Why don't they just sell the company? Tutal ay madalas din naman silang hindi magkasundo sa pamamalakad niyon."
Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ng Ninong Lito niya. "They can't sell something they don't own, hija. It's yours. Ikaw lang ang may karapatan sa kompanyang iyon, at sa lahat ng ari-ariang iniwan ng mga magulang mo."
"I don't need the company—all I want to keep is the mansion and the farm. Kung tutuusin ay wala nang karapatan ang dalawang iyon sa farm dahil pagmamay-ari na iyon ni Mama."
"They can't have the company, hija. Sa susunod na buwan ay lilipad ako patungo riyan. We need to talk about your parents' last will."
Hindi niya napansin ang sinabi ng ninong niya nang marinig na bumagsak ang vase sa ibabaw ng side table. Natabig iyon ng isang maintenance man nang ini-a-angat na ng mga ito ang bagong salamin ng bintana. Gusto niyang mainis pero pinigilan niya ang sarili—aksidente ang nangyari.
"Mag-iisip ako ng nararapat na gagawin ko para tigilan na ako nina Auntie Augusta at Auntie Esther. I'll speak to you once I have made a decision. Bye, Ninong. Stay safe."
Ibinaba na niya ang cellphone at lumabas ng silid. Bumaba siya patungo sa living area at doon ay tahimik na nag-isip.
Gusto na niyang matahimik. Gusto niyang tigilan na siya ng mga tiyahin. Naging maayos at tahimik ang buhay niya sa nakalipas na sampung taon dahil napalayo siya sa mga ito.
Her aunties didn't know that she wasn't planning to come back to the Philippines after the operation. Hindi niya ipinaalam sa mga ito na nagpatulong siya sa Ninong Lito niya na asikasuhin ang permanent residence niya sa New York at ibili siya ng maliit na apartment.
She had no intention of coming back to them—that at least if she survived her operation.
When she survived the operation, she decided to live a new life in the US. Hinayaan niya ang kompanya ng kaniyang ama sa dalawang tiyahin. Umasa siyang matatahimik na ang mga ito at palalaguin pa nang gusto ang negosyo ng daddy niya.
Pero hindi pa rin pala sapat ang multi-million company sa mga ito.
Napabuntong-hininga siya.
All she really wanted was to live her life peacefully. Gusto na niyang putulin ang anumang koneksyong mayroon siya sa mga ito—once and for all. At mukhang ang pagbibigay ng mansion at ng bukirin sa mga ito ang naiisip niyang paraan para matapos na ang lahat at wala nang habulin ang mga ito sa kaniya.
The memories she had with her parents and her grandpa would live forever in her heart—walang maghahabol niyon, walang kukuha. Besides, wala na rin siyang planong manirahan sa Pilipinas, kaya aanyahin pa niya ang mga iyon?
Nakapag-desisyon na siya. Ibibigay niya ang lahat sa mga ito. Uuwi siya sa Pilipinas upang kausapin ang mga tiyahin at ibigay sa mga ito ang lahat ng gusto nila. Then, she would ask her Ninong Lito to prepare a document about her cutting any connections with them.
At kapag natapos na ang lahat ng mga gagawin niya sa Pinas ay babalik siya sa New York at tatanggapin ang pagsinta ni Daniel Swisser.
Yep. Iyon ang gagawin niya.
And that was final.
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top