06 | Missing Cinderella

            

Nakaiiritang ingay ang nagpagising kay Phillian kinabukasan. Ayaw pa niyang magising. Pagod siya. Inaantok. Masakit ang ulo. Ayaw niya ng istorbo.

Tumagilid siya at kinuha ang unang nasa ulo saka itinakip iyon sa tenga, sa pag-asang hindi niya marinig ang nag-iingay na bagay na sumisira sa tulog niya. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay tila nanunuot sa kaniyang mga kaugatan ang ingay na iyon at pilit na ginigising ang buo niyang sistem.

Naiiritang bumangon siya at nagmulat, upang mapangiwi at mapa-ungol nang tumindi ang sakit ng kaniyang ulo. Bumalik siya sa pagkakahiga at sinapo iyon. He closed his eyes tightly, his head felt something was drilling it.

The annoying noise continued, and it didn't take long for him to realize that it was his phone's ring tone. Someone was calling to ruin his sleep again. Just like last night.

Last night...?

Bigla siyang napamulat nang may maalala. At nang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

Kaagad niyang nilingon ang kabilang bahagi ng kama, at nang makitang wala na roon ang kasama ay bigla siyang natilihan. Pinilit niya ang sariling bumangon. Naupo siya sa kama at sinulyapan ang maliit na banyo ng motel room na iyon. It was open and the light was off. No one was there, for sure. She wasn't there for sure.

"Shit."

Bumangon siya at tuluyang kinalimutan ang nananakit na ulo. Sinulyapan niya ang kama, hinanap ng tingin ang mga kasuotang hinubad nila kagabi. Wala na ang mga iyon sa sahig.

His eyes then landed on the couch—naroon ang pantalon at poloshirt na suot niya kagabi. Sa ibaba niyon ay ang sneakers at mga medyas niya na maayos na nakatupi.

Kahit alam niyang walang tao sa banyo ay tinungo pa rin niya iyon upang silipin. Binuksan niya ang ilaw at nang ma-kompirmang wala nga roon ang hinahanap ay biglang tumahip ang dibdib niya.

Panic rose in his chest as thoughts of not seeing her again rushed in.

She didn't even say goodbye?

Napasulyap siya sa nag-iingay niyang cellphone sa ibabaw ng side table. It was ringing and vibrating at the same time. Sa tabi nito ay may napansin siyang note.

Salubong ang mga kilay na lumapit siya roon at kaagad na hinablot ang notepad ng motel at binasa ang nakasulat doon.

Thank you for last night—I appreciate the time you spent with me, I felt so special.

Hindi ko alam kung magkikita pa tayo, maybe yes, maybe not. But I want you to know that I like you a lot. I wish I've met you in a different situation, in a different time and universe.

I'll be thinking about you, Free Phillian Zodiac. Please stay safe.

Calley Xx

Isa pang mura ang lumabas sa bibig niya bago niya tinungo ang kaniyang mga damit sa couch. Mabilis siyang nagbihis, at wala pang limang minuto ay nakalabas na siya sa silid. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang elevator. At habang hinihintay ang pagdating niyon sa fourth floor kung saan siya naroon ay doon lang niya binigyang pansin ang cellphone.

Sixteen missed calls.

Four from Jeff.

Two from Deewee.

Ten from his older brother, Quaro.

Muli siyang nagmura nang maalala kung ano ang araw na iyon. It was his mother's birthday and he should be on the way to home now. At may usapan sila ni Quaro na sabay nang uuwi para makapamili silang dalawa ng mga regalo nila sa ina.

Akma niyang tatawagan ang kapatid nang bumukas ang elevator. Pumasok siya at diniinan ang button patungong ground floor. Pagkarating doon ay kaagad siyang dumiretso sa reception.

"Lumabas na ba ang kasama kong babae sa room 408?"

"Good afternoon, Sir," nakangiting bati ng receptionist na sandaling napa-tanga nang makita siya. Niyuko nito ang computer screen sa harap at may hinanap. Ilang sandali pa ay muli siya nitong hinarap.

"She paid the bill and left forty-five minutes ago, Sir."

"May mga naiwan ba siyang impormasyon? Like, her phone number, her address?"

"She had left her cellular number but unfortunately, we are not allowed to give it off, Sir. I'm sorry."

"Ahh, damn it." Naipatong niya ang mga siko sa counter at sinapo ang ulo.

How could she leave without saying goodbye? Didn't he tell her that he wanted to see her again? They've had a great time last night, they had sex for f*ck's sake—wala lang ba rito ang nangyari sa kanila?

"Are you alright, Sir?"

Napatitig siya sa receptionist. Hindi niya alam kung bakit, pero tila mukha ni TeeCay—no, ni Calley—ang kaniyang nakikita.

Huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin. Nagpasalamat muna siya sa receptionist bago tumalikod at humakbang patungo sa exit door ng motel.

Kay Jeff na lang niya hihingin ang numero ni Calley. Sigurado siyang naroon pa rin ang contact number ng dalaga. They've exchanged text messages afterall. Kung hindi man, he'd take the email address. Pipigain niya si Jeff upang makuha ang lahat ng impormasyong mayroon ito tungkol kay Calley.

He needed to see her again. He couldn't just disregard what had happened last night. Wala siyang intensyong masama rito. He just wanted to speak to her. Gusto niyang malaman kung bakit tila umiwas ito matapos ang nangyari sa kanila kagabi.

He could have gotten her pregnant. Shit.

Nahinto siya sa paghakbang sa huling naisip. Nasa labas na siya ng motel; sinapo niya ang ulo saka muling nagmura.

He needed to call Jeff.

Niyuko niya ang cellphone, at saktong hinahanap na niya ang numero ng kaibigan nang muli iyong nag-ring.

The caller was Quaro. Huminga muna siya ng malalim bago iyon sinagot.

"Hey," he said in a calm voice. Ayaw niyang sabihin sa kapatid ang nangyayari sa kaniya.

"Hey? That's all?" ani Quaro sa kabilang linya. Quaro was the eldest of twelve children. Ilang buwan lang ang tanda nito sa kaniya. "After eighteen missed calls and seven unanswered text messages, all you have to say is Hey?"

He grimaced. Boses pa lang ng kapatid ay alam na alam na niya kung ano ang itsura nito. Quaro was probably frowning and gritting his teeth this very moment. Ayaw niyang sabihin dito ang totoong nangyari dahil ayaw niyang makasagutan ito. Kaya naman...

"I am not feeling well, kagigising ko lang."

"Of course you did," Quaro said sarcastically. "Where are you at?"

"Outside the dorm. Pupunta akong botika para bumili ng gamot—"

"Naalala mo ba kung anong oras tayo dapat na magkikita ngayon, Phillian?"

He stroked his hair with his fingers. Nararamdaman na niya ang paparating na unos. "7:00AM."

"And do you know what time is it now?"

Sinulyapan niya ang oras sa relos. Muli siyang napamura sa isip. "2:40PM."

"I have been waiting since 7 AM, you dumbass. Get your f*cking ass back to your dorm, I am waiting in your f*cking room!"

Then, Quaro ended the call.

Ahhh shit.

What a shitty day he had.

*

*

*

"I've already told you, iyan ang numerong ibinigay at ginamit ni Tasty Cake nang magbook siya ng service sa agency. The email address was also correct—bakit kita lolokohin, pare?"

Napadiin ang paghawak niya sa cellphone nang marinig ang sinabi ni Jeff sa kabilang linya. Humugot siya ng malalim na paghinga saka sandaling sinulyapan si Quaro na naka-upo sa waiting shed ng crossing—nakasunod ang tingin nito sa kaniya at salubong ang mga kilay. Inabutan na sila ng gabi at hindi na nila nagawang makabili ng regalo para sa ina nila.

Nang makabalik siya sa dorm ay inabutan niya itong nakaupo sa kama niya at nakaharap sa pinto. Masama ang tingin nito sa kaniya kaya nagsabi na siya ng totoo.

He admitted to his brother that he hooked up with a woman the other night, but he didn't mention anything about the escort service and where he and Calley went. Mamamatay muna siya bago niya aaminin sa mga kapatid ang tungkol sa Century Bird.

Pagdating niya sa silid niya'y nakahanda na rin ang kaniyang mga gamit. In-empake ni Quaro para sa kaniya, at pinagsabihan pa siya tungkol makalat niyang silid. Hindi na ito nagkomento pa tungkol sa nangyari sa kaniya, pero halos kaladkarin siya nito palabas ng dorm at patungo sa bus station. Pagdating sa bus ay naupo ito sa kabilang panig dahil ayaw ng may katabi. Mainam iyon para sa kaniya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong tawagan at makausap si Jeff.

Sinabi niya sa kaibigan na tinamaan siya sa ka-date kagabi at nais niyang makuha ang lahat ng impormasyong alam nito tungkol kay Calley. Jeff was more than willing to provide him with all he needed. Nagpasalamat siya nang makuha niya ang numero at email address ni Calley.

Subalit nang tawagan na niya ito ay out of coverage area message lang ang sunud-sunod na narinig niya. Ilang beses niyang pina-check kay Jeff ang numero, subalit tila hindi na iyon abot ng connection.

He guessed that Calley probably bought a new number to use for the date. At marahil ay tinapon na nito ang sim card nang pauwi na.

Nanlumo siya. He could not believe that he wouldn't see her again. Umaasa siyang tunay na email address ang hawak niya sa mga sandaling iyon, May ipinadala na rin siyang dalawang emails dito upang sabihing nais niya itong makausap at makitang muli. Pero makalipas ang ilang oras ay wala pa rin siyang natanggap na sagot.

"Are you still there?" pukaw ni Jeff mula sa kabilang linya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.

"I feel so... lost. Why did I have to meet her only to not see her again?"

Sandaling natahimik si Jeff sa kabilang linya bago ito bahaw na natawa. "Gusto mo bang ipasok kita sa agency, pare? Siguradong mawawala siya sa isip mo kapag may nakilala kang mas maganda at mas sexy na—"

"Good talk, Jeff. Kailangan nating pag-usapan iyang trabaho mo pagkabalik ko." Iyon lang at tinapos na niya ang tawag. Naka-ilang hugot siya ng malalim na paghinga bago humakbang palapit sa waiting shed kung saan tahimik na nakaupo ang kapatid.

He sat across Quaro and stared back at him.

Hinihintay nila ang kanilang ama na sunduin sila dala ang pick up truck nito. Pasado alas nueve na at tapos na ang hapunan, subalit sa mga oras na iyon ay naghihintay sa kanila ang kanilang ina.

"Namomroblema ka sa babae?" ani Quaro makaraan ang ilang sandali. His brother had just graduated from college six months ago and he had decided to live on his own. Nagpaalam itong titira sa bayan ng Montana kung saan isa at kalahating oras ang layo mula sa bayan kung saan naroon ang unibersidad na pinapasukan niya. The town where he was living was closer to La Asteria, at dinadaanan iyon ni Quaro kaya madalas na sabay silang umuwi.

"I'm searching for her," pagtatama niya.

"So she ran away after you had sex?"

This motherf*cker is always blunt. "Not right away, but yeah. She left the next morning."

Quaro smirked. "Dalawa lang ang ibig sabihin no'n—she didn't enjoy the sex or she didn't like you. Oh wait, they sounded different but meant the same."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin.

Si Quaro ay lumapad ang ngisi saka tumayo na. Inayos nito ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. "Stop sulking. She intentionally left after a great night, it only means one thing; she wasn't into you. So, move on. There are so many fishes in the ocean."

Hindi na siya nakasagot pa nang umalis si Quaro sa harapan niya. Sinundan niya ito ng tingin at doon nakita ang pagparada ng pick up truck ng ama nila. Tumayo na rin siya at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. Hindi siya maaaring magpahalata sa mga magulang o sa mga kapatid. Ayaw niyang busisiin ng mga ito ang lahat ng nangyari kagabi at baka aksidente pa niyang masabi sa mga ito ang tungkol sa Century Bird at sa dating service agency na pinapasukan ni Jeff. Kapag nangyari iyon ay baka hindi na siya makabalik.

Huminga siya nang malalim at naghanda ng huwad na ngiti bago humakbang patungo sa sasakyan.

Move on, huh? aniya nang maisip ang sinabi ni Quaro. I hope it's just that easy. After last night, I don't think I will be able to move on so easily...

Si Quaro ay sumampa sa front seat, kaya sa backseat siya dumiretso. Pagpasok niya ay kaagad na lumingon ang kanilang Papa saka siya binati.

"How's my Dos?"

He was the second eldest of twelve siblings, and their father would call them by numbers.

He stared at his father's smiling form. Arc Zodiac was an American man from Texas, a retired general of the US Army, and a loving, devoted husband to their Filipina mother. Matapos nitong magretiro ay umuwi ito sa Pilipinas kasama ang asawa. A year later, twelve of them were brought to the couple's care and were adopted by them.

Yes, they were all adopted. Twelve of them. At lahat sila ay nanggaling sa bansang Georgia. Na-ipit sila sa kaguluhang naganap noon at pare-parehong naulila. Isa-isa silang nahanap ng mga sundalong Amerikano. They were transported to many places before they ended up to Arc and Felicia Zodiac's home.

Umayos muna siya sa pagkakaupo bago nakangiting hinarap ang ama. He was about to answer his father when Quaro butt in;

"He's feeling down and blue, Pops."

Tumaas ang mga kilay ng ama nila.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid na nakatingin sa kaniya sa rearview mirror. Quaro just answered him with a smirk.

"What's the matter?"

He opened his mouth to answer but Quaro cut him off again;

"Babae. Iniwan siya."

"Oh my, what a disaster!"

"Pops!" suway niya sa panunukso ng ama.

"Women should never turn their backs on a Zodiac," paalala pa ng ama sa kanila. "We, the Zodiacs, should make them stay."

He scoffed and turned his eyes to the window. "I expect you two to not mention this to anyone else. Ayaw kong maging tampulan ng tukso mamaya."

Nakangising bumalik sa pagkakaupo ang ama nila. Sa gilid ng kaniyang paningin ay nakita pa niya ito at si Quaro na nagkatinginan at nagkangisihan.

Lihim siyang napa-iling at ibinaling na ang pansin sa labas ng binata.

Umaandar na ang sasakyan patungo sa bahay nila nang muli niyang maisip si Calley.

Kung alam ko lang na may plano siyang tumakas kaninang umaga... ay hindi sana ako natulog.

Napa-buntonghininga siya saka dinukot ang note na tinupi niya at itinago sa bulsa ng suot na pantalon. Muli niya iyong binasa, at nang matapos ay isa pang buntonghininga ang kumawala sa kaniya.

Maaaring tama si Quaro.

Calley left because she probably didn't enjoy the sex... or she wasn't just into him.

Plain and f*cking simple.

*

*

*

FOLLOW | COMMENT | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top