CHAPTER 7
new version.
CHAPTER 7
Para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makasagot maski makasalita man lang dahil sa sinabi nito sa akin. I'm not stupid not to get it right away... I know there's a meaning behind what he's saying. That's why I feel a spark of hope in my heart, thinking that maybe he still loves me... kahit na ilang taon na kaming hiwalay.
Napatikhim na lang ako at kumuha ng isang red velvet cupcake. I gave him a small smile and took a bite. My eyes widened as the flavors exploded in my mouth when I tasted the cupcake filling.
"Save that for later, or you might get a stomachache. You haven't had lunch yet, have you?" bigla nitong tanong sa akin.
Tumango lang ako at binalik ang nakagatan kong cupcake sa box bago magtungo sa gas stove para sana buksan ng hawakan niya ang aking kamay para pigilan ako.
"Maupo kana muna sa sala. Ako na ang bahala mag luto ng kakainin niyo. Wala ka bang stock dito na ready to eat na? Lalong sasakit lang kasi 'yang paa mo kung ilalakad mo pa."
Napapasong tinanggal ko ang kanyang kamay dahil sa pagkabigla at napaatras. Calm down, Cheska. He's Hylo. He's not going to hurt you.
Mabilis akong umiling. "Wala pa. I haven't done the grocery shopping for our stock next month yet. Baka bukas na lang—"
Siya naman ngayon ang umiling. Ang mga seryoso nitong singkit na mata ay nanatiling nakatingin lang sa akin.
"After your check-up, we'll go straight to the supermarket so you can buy your stocks," seryoso nitong sambit sa akin. Nginuso niya ang sofa sa sala bago magsalita. "I want you to take a seat and rest for now. Tatawagin na lang kita kapag naluto na yung pagkain."
I swallowed hard and nodded before turning my back on him. I carefully took the cupcake and placed it inside the refrigerator. Nang lingunin ko siya ay abala na siya ngayon sa gagawin nito.
"I'm sorry," I whispered.
Nang makarating sa sala ay hinalikan ko ang noo ni Thalestris na abala ngayon sa paglalaro bago umakyat sa taas para kumuha ng sosoutin nitong damit. I took a shower and chose a simple nude hanging blouse and high-waisted denim shorts to wear. I paired them with nude slide sandals from CLN.
When I went downstairs, I saw Hylo setting the plates on the table. Pinuntahan ko agad si Thalestris para palitan ng damit at hinayaan ulit siyang maglaro roon.
"Cheska?" tawag sa akin ni Hylo. Nakatayo lang siya sa gilid ng lamesa at para bang hinihintay ako na pumunta papunta sa kanya para sabay na kaming kumain. "Kain na."
"Oo," natataranta kong tugon.
Hindi ko alam pero bakit parang nagmamadali ako sa aking kinikilos ngayon. I sat in the empty chair across from him and was about to grab the rice ladle, but he got to it first. Siya na ang naglagay ng kanin sa aking plato kaya nabigla ako at natulala sa kanya.
Seryoso ang mukha nito habang naglalagay ng ulam sa plato ko, While he was doing that, many things came to my mind again. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot sa mga pinagiisip ko ngayon.
Maybe if we had stayed together, we would be married and happy now. If our dream of building a family had come true, we might have a child, and I wouldn't have reached the point where I sometimes think about ending my life because of my situation now.
Kung darating man ang araw na magkakaroon siya ng mapapangasawa alam ko sa sarili ko na hindi ko matatanggap 'yon. I will carry the pain as I grew older because I expected to be with him for the rest of my life, but I was wrong.
"Are you okay?" nabalik ako sa aking katinuan ng marinig ang boses ni Hylo. "Let's eat. Kailangan mong kumain ng marami ngayon ang payat mo na," bakas sa boses nito ang pagaalala.
"Davis is helping your dad's company, am I right? Your husband had plenty of money, but why does it seem like he's not feeding you well or enough?"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko siya sinagot at yumuko na lang. Nagsimula akong kumain ng tahimik.
"I'm sorry if I talk that way. I'm just... I'm just—"
"It's okay," pagputol ko sa kanya at nanatiling nakayuko habang kumakain.
Nang inangat ko ang aking tingin ay nagkasalubong ang aming mata. Malamlam ang kanyang mga tingin sa akin na akala mo ay nagaalala. Para bang ang daming katanungan sa kanyang isipan na gustong itanong sa akin pero hindi niya magawa.
"Are you uncomfortable with me?" bigla nitong tanong sa akin. "Doon na muna ako sa sala para makakain ka ng maayos dito. Eat well, okay? Lahat ng niluto ko para sa 'yo 'yan."
He didn't wait for my answer and went to the living room. I sighed in relief and continued eating. Doon ay parang isang bagsakan na lang na bumuhos ang emosyon na naglalaro sa aking dibdib, hindi ko na napigilan na lumuha habang kumakain.
Pinigilan kong hindi humikbi kaya pinuno ko ang aking bibig ng kanin at ulam para hindi niya 'yon marinig. I held back my sobs by stuffing my mouth with rice and food so he wouldn't hear them.
My eyes went wide when something got stuck in my throat. I coughed hard and patted my chest. I stood up to get water, but I accidentally knocked over the glass, and it broke.
"Shit! Cheska!" dinig kong sambit ni Hylo.
Nakita kong nagmamadaling kumuha ng tubig si Hylo at binigay sa akin. My tears kept falling as I drank the water until the food stuck in my throat finally went down.
"Eat slowly. Are you trying to kill yourself?" nag-aalalang nitong tanong sa akin, nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa mabilis ang kilos nito kanina papunta sa akin.
"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko na uulitin," humihikbi kong wika sa kanya.
Awtomatiko akong napapikit ng makitang umangat ang kanyang kamay. Napaatras ako at napaupo sa tiles sa pagkabigla, na akala mo ay ang mismong katawan ko na ang pumoprotekta sa akin, and thinking he was going to hurt me. Ang aking palad ay nasugatan sa nagkalat na bubog pero hindi ko iyon pinansin.
"Tama na please. Hindi ko na uulitin," patuloy sa pagtulo ang aking luha habang paulit ulit na sinasambit 'yon.
Nang umangat ang aking tingin sa kanya ay nakita ko na natulala siya sa aking inakto. Napalunok siya at dahan dahang nilapitan ako at magaan ang kanyang kamay na hinawakan ang aking balikat para matignan ako. I let out a quiet sob and closed my eyes in fear.
"Calm down... It's me. I'm not going to hurt you, Cheska," malambot ang tono ng kanyang boses at mahinahon.
Nanatili akong nakapikit habang nakatakip sa aking tenga ang dalawa kong kamay. Nakayuko ako at panay bulong na lang ng 'tama na at sorry'. I don't know how many minutes we stayed in that position until I finally calmed down. I didn't move from my spot until my heartbeat returned to normal.
Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at dinala sa sala. Maingat niya akong pinaupo sa sofa bago bumalik sa dining area para linisin ang mga nagkalat na bubog doon. I just sat there, thinking about what happened earlier and how I could forget everything Davis did to me. I know Hylo won't hurt me, but I don't understand why I'm acting this way.
Bumaba ang tingin ko kay Thalestris na makitang nakatayo ito sa aking harapan. Malawak ang kaniyang ngiti habang may hawak na stuff toys. Umangat ang kanyang kamay at pinakita niya 'yon sa akin.
"Mommy! Toys!" she said while smiling.
Tinago ko sa aking likuran ang kamay kong nagdudugo dahil sa bubog. I lowered my head and gently kissed her head.
"Yes, baby. That's your toys," malambing kong tugon.
Bumalik si Hylo sa akin na may dalang dalang first aid kit. Mukhang nakita niya 'yon sa labas ng banyo. Naupo siya sa aking tabi at kinuha ang aking kamay na nasugatan.
"I already clean the mess," wika niya sa akin habang ginagamot ang aking sugat. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanyang ginagawa at nakigaya na rin si Thalestris. Tahimik lang siyang nanonood sa ginagawa ni Hylo.
"Thank you, Hylo," I whispered. Sabay naming inangat ang tingin kaya nagtagpo na naman ang aming paningin.
Ang singkit nitong mata ay nakakatunaw pa rin tumingin sa akin kahit na ang seryoso nito. Napalunok ako at ako na ang kusang umiwas ng tingin.
"I'm sorry..." usal ko sa kanya.
He didn't answer me because he was focused on what he was doing. He seemed deep in thought, as his forehead was creased. Nang matapos ay binalot niya 'yon ng benda at pinatong sa aking hita. Si Thalestris naman ay yumuko roon at pinatakan ng halik ang aking benda.
"Hurts go away na," maliit ang kanyang boses ng sambitin iyon, medyo nabubulol bulol pa pero naiintindihan ko naman.
Mahina akong natawa at hinaplos ang kanyang noo. "Mommy is fine now, Thalestris. You already kissed it, na eh."
Nanatiling nakalingkis lang ang aking anak at parang binabantayan pa ako dahil sa aking sugat. When I looked at Hylo, he was already holding the sandals I was supposed to wear, and he put them on my feet.
"Let's go?" wika nito sa akin.
"Let's go."
He held my hand to help me stand up and carried Thalestris. He also took my bag and slung it over his shoulder. Sa kotse niya na lang daw ako sasakay kaya pumayag na lang ako dahil siya lang naman ang meron no'n. Inuna niya muna si Thalestris na ilagay sa baby carseat bago ako tulungan makaupo sa passenger seat.
"Pasensya kana sa abala, Hylo," mahina kong wika ng makabit ko ang seatbelt.
Nilingon niya ako at ningitian. "It's okay. Don't worry, Cheska. As I said, mas maganda na matignan sa doctor ang sprain mo para hindi lumalala 'yan."
Tumango na lang ako at ningitian siya bago
tumingin sa labas ng bintana ng kanyang kotse. The whole ride, we didn't talk, probably because of what happened earlier. He seemed deep in thought while driving, judging by the expression on his face.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Hinihilot hilot mo naman 'to hindi ba?" tanong sa akin ng doctor.
"Yes po, doc," sagot ko.
"Nakakatulong ang ginagawa mong paghilot. I'll just ask you to buy an ointment so your sprain heals faster. Keep massaging it, okay? I know it hurts, kaya tiis tiis na lang para madali siyang gumaling," wika ng doctor habang nakatingin sa x-ray.
Tumango na lang ako bilang sagot at hinihintay ang magiging sunod nitong sasabihin sa akin.
"Ang pinagtataka ko lang ay magkaiba ang pilay na hindi sinasadya sa sadya. Did you really twist your ankle, or did someone do that to you on purpose?" kunot noo nitong tanong sa akin ng lingunin ako.
Napaubo tuloy ako ng wala sa oras sa tanong nito. Ningitian ko siya at tumango. "Natapilok lang po talaga ako, Doc. Mataas kasi yung heels na sout ko."
"Hmm. Okay, okay. Basta yung ointment na pinapabili ko 'yon ang gamitin mo, ha?"
I nodded and thanked her. She said a lot more, while Hylo stood beside me, carrying Thalestris, just quietly listening.
Nang matapos ay pinaupo pa ako ni Hylo sa wheelchair at si Thalestris naman sa aking hita para raw hindi na ako maglakad. He pushed the wheelchair until we got out of the hospital. My right foot was already bandaged by the doctor after our check-up.
"Thank you," pagpapasalamat ko ng makapasok na kaming tatlo sa loob ng kotse nito.
He smiled. "You're welcome."
We're heading straight to the supermarket now. Hylo felt relieved after I got my check-up. We also needed to buy the ointment the doctor recommended, so we stopped by the drugstore first before going to the supermarket.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Meat?" tanong ni Hylo habang napadaan kami sa meat section.
Dahan dahan lang ang lakad namin habang siya ay nakaalalay sa aking likod.
Tumango ako.
"Wala na pa lang stock niyan sa ref. Kuha ka."
He nodded and started choosing meat—pork, beef, and chicken. Thalestris sat in the cart, facing me. There was a special seat for babies in the cart. She wasn't getting bored because she had her toy with her.
"Is five kilos of each enough?"
"Yes. P'wede na yan," tugon ko at nilapitan siya.
"Okay."
Kinuha niya na ang mga karne at nilagay sa cart. Tinulak ko 'yon at ang isang kamay niya rin ay nakitulak. Pagkadating namin sa mga personal hygiene ay ako na ang kumuha para sa akin. Saglit lang din naman 'yon dahil alam ko na ang mga kukunin ko.
"You forgot this," singit ni Hylo. Inabot niya sa akin ang napkin brand na palagi kong ginagamit.
"Oh, thank you," ani ko at tinanggap 'yon.
Tinulak na namin ang cart at lumiko sa mga chips section ay natigilan ako ng makita ang dalawang lalake na pamilyar sa akin. It looked like they noticed me too because both of them turned to look at me. A mischievous smile formed on their lips, and they even nudged each other.
"Bakit ka tumigil?" nagtatakang tanong ni Hylo.
Mabilis ang aking paghinga ng tinalikuran ko siya, ang bilis ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Hinawakan ko ang braso ni Hylo at hinila 'yon at maingat na inatras ang cart para pumunta sa ibang section.
"Slow down. Baka mabinat yung pilay mo—" nagaalalang wika ni Hylo.
Hindi rin iyon natapos dahil ang dalawang lalake na nakita ko kanina ay nakalapit na sa amin. Parang gusto kong maiyak dahil sa nararamdaman ko ngayon. Bakit nakita ko pa sila! Bakit nandito sila sa harapan ko! Ang dami daming p'wedeng makita pero bakit sila pa!
"Cheska? Ikaw nga! Good afternoon. Bakit ibang lalake kasama mo? Alam ba ni Davis 'to?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top