VII: LONG DISTANCE RELATIONSHIP

      Long distance relationship ano para sa inyo? Pagmamahalan na nabuo sa pamamagitan nang malayong ugnayan. Pagmamahalan na kusang naramdaman kahit hindi pa kayo pinagtatagpo o pagmamahalan na kusang nabuo sa magkabilang destinasyon at pagkakataon. Pero, ang tanong handa ka ba sa maaring kahinatnan ng salitang iyan? O gaya ng iba hindi ka rin maniniwala sa kahulugan?

       Iyon ba'ng hindi natin mawari kong paano at kung bakit natin naramdaman. Iyong kusa tayong iniluklok sa mga katagang, "Mahal kita," kahit hindi pa kita kilala. Tapos iyong tumibok agad iyong puso natin sa dahil sa mga nararamdaman, naririnig at sinasabi ng isang tao. Oo, mahirap magtiwala sa isang pang malayuan na ugnayan, pero, paano kung puso natin ang pumili noon? Handa ba tayong sumugal at magtiwala para sa nararamdaman. O, gaya ng iba paglalaruan din natin ang puso ng iba dahil sa pag-aakalang naglulukuhan lang kayo. Alam ninyo pa iyong masakit sa LDR iyong hindi natin alam kung totoo ba lahat ng sinasabi, ikinu-kuwento, o ginagawa niya kahit wala tayo sa tabi nila. Iyon bang iiyak at tatawa tayo kasi napapakilig at nasasaktan tayo. 

     Pero, ang lahat nang iyon hindi natin sigurado kung sa una o huling pagkikita ninyo ay ganoon pa rin ang mararamdaman ninyo. Aminin man natin o hindi, isa tayo malaking Mapanghusga. Jina-judge natin ang iba base sa mga nakikita physically, pero, nagugustuhan natin ang iba dahil sa mga Flowerette words at pormahang akala natin ikaka-proud at ikakasaya natin na makita ng iba. Ang hindi natin alam nagmumukhang tayong Feelingera/Feelingero, dahil gusto natin perpekto ang maging partner natin in life, pero, pasensiya Dearest, wala po kasing ganoon. There is no perfect relationship and appearance kaya matuto tayong tumanggap ng realidad ng buhay natin sa mundo. 

       Hindi natin puwedeng piliin ang future, mas lalo ang mga taong mananatili at magiging parte ng buhay natin. Nasa realidad tayo kung saan hindi natin puwedeng balikan ang nakaraan. We Meet, Care, Accept, Love, Give, Hurt, Let go and Giving up everything na kailangan ng pakawalan. Lahat umiikot sa mga salitang iyan. Lahat may kaniya-kaniyang gamit kung bakit at paano tayo nagsisimula sa pagmamahal. Nakikita man natin o hindi ang isang tao. Lahat iyan dalawa lang ang puwedeng kalabasan; staying for a lifetime or become our worst nightmare of yesterday. Nagmamahal tayo hindi dahil sa itsura, nagmamahal tayo kasi kailangan nating tanggapin ang katotohanan sa mundo; magturo at may matutunan sa iba.

     Kaya ang Long distance relationship ay isang sitwasyon na nangangailangan ng katapangan at pagtitiwala. Hindi kasi sapat na nagmahal lang tayo, dapat marunong tayong maging matatag sa anumang kahihinatnan ng lahat; masama man o maganda, para masabi natin na matapang tayong tanggapin ang mga mangyayari. Gayon din, kasama rin dito ang trust. Kailangan natin magtiwala sa isa't isa na walang lukuhan na nagaganap kasi paano maggo-grow ang relasyon kung sa puso't isip mo ayaw ng lumaban. Paano ka susugal sa pagmamahal kung sa tingin mo lulukuhin ka rin niya kaya magluluko ka rin. Ano'ng klaseng pagmamahal iyan kung ganoon din naman pala? Paano ninyo masusubukan ang katatagan at kaseryusuhan ng relationship ninyo kung una pa lang wala ng tiwala at katapangang nabuo sa pagitan ninyo?

    Sabihin na natin, "Kasi sa tingin ko niluluko niya ko kaya naghanap na rin ako para fair." Oo, siguro puwede iyon, pero, gaano ka ka-sigurado sa salitang iyan? Paano kung hindi? Ano'ng gagawin mo? Wala na—naging resulta, nanluko at nakasakit ka ng iba. At the same time sa Long distance dapat marunong kang magtiwala sa karelasyon mo, dahil maraming dahilan at paraan ang mga nasa paligid natin to ruined relationship that we had. Everybody can do moved for us to be bad. Iyong tipong sisiraan ka ng kung ano-ano which is darating sa punto na mawawalan ka ng gana kasi akala natin totoo lahat ng sinabi sa 'tin, pero, kapag naniwala tayo sa kanila. Puwede iyon na rin ang dahilan para magkasira kayo ng karelasyon mo—worst magkahiwalay pa dahil sa paninira ng iba. 

     Masakit, pero, iyan ang realidad ng buhay natin. Dapat matuto tayong magtiwala sa nararamdaman at sa tingin natin na tama. Huwag natin hayaan na maging sunod-sunuran tayo sa mga maling paratang ng iba. Oo, paano kung tama ang sinasabi nila? Ofcourse, puwede natin paniwalaan, pero, itanong mo na natin sa karelasyon natin kung totoo ba? Kung sinabi niyang hindi, Let him/her first but twice or thrice is enough to believe on what is true. Hindi masamang magpakatanga sa una at pangalawa, pero, kung sinasampal ka na ng katotohanan utang na loob bitiwan mo na. Alam mo na'ng totoo sa hindi kaya gising na. 

    Pagmamahal man iyan na hindi inaasahan be thankful kasi hindi naman siya darating sa buhay natin kung walang dahilan. Hanapin natin ang dahilan upang masabi nating masuwerte tayong hindi siya ang nakatuluyan natin. Gayon pa man, magsalita o hindi man siya. Sa susunod na yugto ng buhay niya malalaman niya ang pagkakamali nagawa sa kahapon kaya sa huli isa itong vice-versa na kaalaman sa bawat isang taong naging parte ng ating kaniya-kaniyang mga buhay. 

   Dahil ang pagmamahal binubuo ninyong magkasama sa puso't isip. Pariho ninyong naramdaman at umiiral sa inyong dalawa. Mahirap man magtiwala, pero, sumubok pa rin kayo. Paulit-ulit man nasaktan, pero, tumayo pa rin kayo. Nag-mukhang tanga, pero, lumaban pa rin para masabing wala silang pagsisihan sa huli.

   Reality kills Us but still we try and try.  Kung puwede nga lang sana huwag ng magmahal pa, pero, walang ganoon dahil hindi mabubuo ang tao kung walang love. Sa Long Distance Relationship kasi masusubok kung hanggang saan ang tatag ng pagmamahal ninyo sa bawat isa. Harangan man kayo ng bagyo, tabunan man kayo ng mga problema at wasakin man ng trahedya, pero, ang ugnayan ninyo hindi kayang patayin ng kahit ano kung talagang mahal ninyo ay isa't isa at kung kayo ang nakatadhana sa bawat isa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top