Oct120: AGEDMAN

Bata, iyon bang wala kang iniisip na problema, wala stress na nagfu-function sa utak mo kundi 'yong pagkain na kakainin, lalaruin at mga panahon na magiging masaya ka-kasama ang mga bata sa lansangan na nagbibigay aliw sa bawat musmos.

Natatandaan ba ninyo noon? Ang mga laro natin na Tago-taguan, Langit-lupa, Tumbang-preso, Piko sa gitna ng kalsada gamit ang chalk na nakuha sa paaralan, Touch the ball, Chinese garter, Habulan, Sili-sili maanghang, Patentero, Step by step, Bahay-bahayan at pagdating naman sa mga maliliit na laruan, tanda niyo pa no'n may nilalaro tayong Teks, Pogs, Goma, at syempre may all time favorite noon Paper doll or tao-taong nabili sa halagang piso.

'Di ba napakasarap balikan ang kabataan noon, walang problema or iniisip kundi 'yong araw-araw na pakikipaglaro sa kapwa bata pero, ang nakakalungkot ay iyong pagkatapos ng childhood days natin, isang masakit na katotohanan ang susubok sa ating katatagan dahil lahat ng bagay pu-puwedeng magbago sa isang kisap-mata lang at lahat puwedeng magbago ang buhay sa hinaharap.

Dahil ang pagiging Agedman ay isang hamon kung saan lahat tayo daraan dito hanggang sa masabi natin na hindi na tayo gaya ng dati. Kaya at the end of our journey as young boy and girl is being adult and old. Tatanda tayo at malalaman natin ang lahat ng bagay sa mundo kung saan unti-unti tayong matututo at tatayo sa ating sariling paa kahit pa ayaw nating mangyari sa kasalukuyan.

Iyong tipong pati maliliit na bagay mapapansin, kunting-kibit lang big deal agad. Iyong magkakaroon tayo ng pamilya at mga anak tapos iyong mga anak natin babastusin lang tayo at papabayaang maging basura sa lansangan maging sa sariling tahanan. Reality nga ba? Well, it's a pure reality, masakit man isipin but sooner or later mararanasan natin ang mga bagay na hindi natin inaasahan noong mga bata pa tayo.

Masasabi na lang natin sa kasalukuyan na sana maging bata na lang ulit ako upang sa ganoon hindi ko maranasan ang mga bagay na ito pero, too late na para sabihin 'yan dahil sa totoo lang nakakatakot maging matanda. Maraming naghahangad na maging matanda upang maranasan ang bagay na hindi nararanasan noong kabataan pero, ang hindi nila alam mas mahirap maging matanda dahil kahit anong gawin nating iwas sa sitwasyong ito darating at darating ito na kung saan tuluyang tayong magiging pamilyado hanggang sa matapos natin ang takbuhin sa mundo-magta-trabaho at malalagutan ng hininga.

Bakit ko nasabi? Simple lang. Pag ang tao nasa tamang edad na, diyan magsisimulang maghanap ng taong makakasama sa buhay at pamilyang bubuo sa buhay nila ngunit makalipas ng panahon, mga anak nila'y lalaki at magkakaroon na ng lakas ng loob para tumayo sa sariling mga paa, subalit ang kapalit no'n . . . maaring dalawang nilalang lang ang magiging anak nila-masunurin at suwail sa magulang.

Hindi ko nilalahat ngunit, datapwa't may kasabihang, "Kayang tiisin ng anak ang mga magulang ngunit ang magulang hindi kailanman man matitiis ang sariling anak." Sapagkat una sa lahat, magulang ang unang nakakaunawa sa anak yayamang sila ang una nating naging guro at unang nagmahal at nag-aruga sa atin noon, kulang na nga lang ibigay na nila ang sariling buhay para sa bagong supling na dumating sa buhay nila ngunit, kapalit noon paglaki babastusin lang pala sila.

I saw a lot of offspring na ganyan ang trato sa magulang, kamag-anak, biyenan o kung sino-sino pa. May mga anak pang ipapahiya ang mga magulang sa harapan ng mga barkada at ang mas malala pa ay iyong ikinakahiya pa sila ng sariling anak. Alam naman nating hindi pantay-pantay ang buhay ng bawat mamamayan sa kung saan mang panig ng mundo kung kaya may mga magulang na mahihirap lang, maging sa itsura'y hindi ganoon kaayos ngunit, ang mga anak ay mga walang awa at modong ikinahihiya ang sariling mga magulang. Nakakalungkot lang, hindi lahat pantay sa mundo pero, paano ang mga magulang na nakakaranas ng ganyan?

Minsan pa nga sariling magulang pa nila sinasabihang katulong daw nila, saklap 'di ba? Ano'ng klaseng anak 'yan? Nagpapakahirap ang magulang nila para mapa-aral sila tapos pagpupunta ang mga magulang sa eskwelahan ganoon na lang ang gagawin? Hindi ko akalain na may mga ganyang anak, maging ako'y hindi ko inaasahang may nag-i-exist pa lang ganoon sa mundo.

Oo, tumatanda na sila ngunit, iyon ba dapat ang isukli natin sa kanila pagkatapos nilang alagaan at mahalin tayo? Walang magulang na nais mapahamak ang anak ngunit, kung mayroon man dapat bang ganoon din ang itrato nila sa mga magiging anak nila? Dapat bang ipasa o iparamdam nila ang sitwasyon kanilang nararanasan sa mga anak na walang muwang sa nakaraan?

Dapat bang isisi sa kanila ang buhay na mayroon sila sa kasalukuyan? May mga magulang din kasing walang pakialam sa anak, reality iyan pero, valid ba ang rason nila para isisi sa anak ang lahat? Unang-una sa lahat walang kasalanan ang anak na ipinanganak sila o dahil naging mas mahirap ang buhay mo ng dumating sila. Hindi nila kasalanang nabuhay sila sa mundo kaya sana huwag mong isisi sa kanila ang lahat. Ginawa mo man iyan o sapilitan lang, panindigan mo dahil nandiyan na iyan. Hindi naman ibibigay iyan ni God kung hindi para sa 'yo kaya gawin mo ang makakaya mo para maging mabuting ina at magulang.

At sa mga ina o ama bakit kailangang ipalaglag ang bata? Dahil takot sa responsibilidad at hindi pa handang maging magulang? So, bakit ninyo ginawa kung hindi pa pala kayo handa? Bubuhayin mo ng 9 months tapos papatayin o papahirapan mo kapag lumaki na, dapat pala hindi ka na nagpamilya kung takot ka rin pala sa obligasyon. Sana pinag-isipan mo muna ang lahat bago ka bumigay o bago kayong nagpakaligaya.

Sa mga anak naman at magiging magulang na laging nandiyan para sa mga supling, bakit kailangang bastusin ninyo ng harap-harapan ang inyong mga magulang? Ultimo sa salita napaka-bastos tapos isusumbat pa sa mga magulang ang pinakain nila. Bakit noong ipinanganak ka sinumbatan ka ba nila? 'Di ba minahal, dinamitan, inalagaan, pinaliguan at pinakain ka kahit gatas lang iyan para mabuhay ka tapos ganyan lang ang isusukli mo?

Alam mo bang kahit antok na antok na sila nagpapalitan sila para kargahin at patulugin ka tapos ganyan lang pala ang gagawin mo ngayong malaki ka na at kaya mo ng mabuhay mag-isa? Sana maranasan mo rin ang mga ginagawa mo sa kanila para makita mo kung gaano kasakit ang magkaroon ng mga ganyang anak, bagamat matanda na sila pero, utang mo sa kanila ang buhay mo sa kasalukuyan tapos gaganyanin mo sila? Respeto naman po.

Wala ka na ngang trabaho, bastos at palamunin ka na nga tapos ikaw pa ang may ganang magyabang sa kunting naitulong mo? Oo, matanda na sila na minsan hindi na nakakaunawa nang maayos, nagiging bingi at bata na sila mag-isip tapos hindi natin maintindihan? Kailan natin sila maiintindihan? Pag patay na sila at wala na sila sa mundo?

Mas importante ba ang ibang tao kaysa sa taong nagsilang at nag-aruga sa 'yo? Lumaki ka man o hindi sa piling ng iyong mga magulang ngunit, dapat mo pa rin isiping utang na loob mo sa kanila ang pagsilang mo sa mundo tapos gaganyanin mo sila porke't hindi sila ang nagpalaki sa 'yo at kaya mo nang tumayo sa mga paa mo?

Oo, may kanya-kanyang dahilan tayo ngunit, may mga dahilan din na dapat ipagpasalamat sa kanila, mapa-masama man o mabuti ang iyong mga magulang, hindi mo dapat sila pagsawaan sa kabila ng kahinaan nila ngayong matatanda na sila. Mga nagkaka-edad ay tuluyang nagbabago, nagiging makakalimutin at nagiging bata na sa mga pagkain, ultimo sa kunting bagay o pagkaing nakikita nila naiinggit na sila at nagiging masungit tapos hindi mo maintindihan? 'Di ba noong bata ka kahit hindi ka nila maintindihan sa sinasabi mo at bago ka pa lang nagsasalita pero, pilit ka nilang inuuunawa habang natatawa na lang kasi 'di ka talaga nila maintindihan sa sinasabi mo tapos ngayong sila na'ng nangangailangan ng unawa mo'y pababayaan mo sila?

May mga panahon kasing nagiging matigas na'ng ulo nila at hindi matinag sa ginagawa tapos nag-iiba na rin ang panlasa nila na maging ang pandinig nila'y humihina na rin kaya bilang anak dapat tayo ang unang gumabay sa kanila, hindi iyong tayo ang pumapatay sa kanila sa pamamagitan ng sama ng loob at stress dahil sa mga ugaling hindi maganda. Sana maranasan mong mailagay sa posisyon nila para malaman mo kung gaano kasakit ang nararamdaman nila.

May kasabihan nga ang mga matatanda no'n, "Ang batang hindi gumagalang sa mga magulang kailanman hindi magtatagumpay sa buhay. Dahil kung gaano mo pinaiyak ang iyong mga magulang siyang malas mo sa magiging buhay mo sa kinabukasan."

At iyan ang hindi ko makakalimutang katagang pinaghawakan ko hanggang sa kasalukuyan. I believed on that line, because what my life now is a gift from being followers of what is right.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top