Nov2520: VERSION OF YOURSELF

Sabi nila, 'Once in a lifetime lang darating si True Love'-totoo nga ba o kathang isip lang? Ngunit pa-paano kung ganoon nga? Handa ka bang sumugal para sa kasiyahan mong maging parte ng buhay niya? o gaya ng iba, 'Pipiliin mo ang nakararami para sa ikakatahimik ng lahat'.

Ano bang mas masakit? Ang mapasama sa iba dahil hindi mo sila pinakinggan o ang maiwan dahil pinakawalan mo ang bagay na pagsisihan mo ng panghabambuhay?

Ika- pa nga nila, 'Pagmamahal, dumarating sa maling pagkakataon at hindi napapanahon' pero, paano kung mali ka? Paano kung dumating na siya agad, tapos akala mo, maling panahon pa rin? Paano kung panahon na para sirain ang pananaw na akala mo dapat mong panatilihin?

Paano kung panahon na para banggitin ang salitang 'Ako naman' pero hindi mo pa nare-realize kasi nabubulag ka sa salitang 'Mahal ko sila, kaya sila na muna, pagkatapos, ako naman'. Ang tanong, sila ba may pakialam sa 'yo?

Paano kung dumating iyong panahon na nare-realize mong 'Handa ka na,' pero wala na siya. Iniwan ka na niya at hindi na ikaw ang bubuo sa mundo niya? Handa ka bang tanggapin iyon, o sa huli, ipipilit mong itama ang maling desisyon mo?

Hindi masamang unahin ang iba, o gawin ang gusto mo para sa iba, pero baka nakakalimutan mo ng alagaan at pahalagahan ang sarili mo. Nakalimutan mo ng maging masaya kasi akala mo iyon ang tamang gawin para maging mabuting tao.

Pero, paano kung ikaw na lang ang nag-iisip ng ganoon? Paano kung iyong lahat ng ginagawa mo, para sa iba isang mabuting bagay lang na dapat nilang ipagpasalamat. Ang tanong, iyong ginawa mo bang kabutihan, sa huli, maa-appreciate nila? o sa huli maiiwan kang bigo, kasi wala na iyong bagay na dapat mong nakita noon pa, pero huli na para balikan at yakapin pa.

Hindi ko sinasabing lahat ng tao pari-pariho ng pananaw sa buhay, pero ang punto rito, kailan mo pa matatanggap na 'Mahalin ang sarili mo,' kung araw-araw kang gumagawa ng mabuti kasi akala mo iyon lang ang dapat gawin, pero ang hindi mo alam, may isa kang bagay na nakalimutan, 'Nakalimutan mo ng pahalagahan at mahalin ang sarili mo'.

Kung itatanong mo, 'Mahal ko naman ang sarili ko ah,' nagpapaganda/nagpapagawapo ako, nag-aayos ako, nag-e-exercise ako, kumakain ako, proud ako sa sarili ko, at higit sa lahat, selfish din ako minsan kasi sobra ang pagiging confident ko, pero ang tanong? Nasaan doon ang pagmamahal sa sarili?

Bakit? Dahil hindi mo alam ang tunay na kahulugan ng salitang 'Pagmamahal sa sarili,' Bakit ulit? Dahil, kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin magawang maging masaya ng totoo? Ngumingiti ka? humahalakhak ka, at kung ano-ano pa -Oo.

Ang tanong, kailan ka ba naging masaya na walang problema? Oo, hindi nawawala ang problema mo. Ang tanong, naranasan mo na bang maging masaya na parang wala ng hihilingin pa? Naranasan mo na bang huwag maisip ang mga bagay na noon ay nagbibigay kabalisahan sa 'yo? Naranasan mo na bang maging masaya ng totoo kahit pa nasaiyo na lahat ng bagay na gusto mo?

Naranasan mo na bang matulog na parang wala lang lahat ng gulong nangyayari sa paligid mo? o naramdaman man lang na parang wala lang ang lahat ng bagay na pinapangarap mo sa buhay? Kung naramdaman mo na iyan, ibig sabihin lang noon, 'Mahal mo na ang sarili mo, higit kaninuman,' dahil kaya mo ng maging masaya at mawalan ng agam-agam kahit pa wala ka ng lahat ng nais mo sa mundong ibabaw.

Kung tatanungin mo, bakit may ganoon ba? -Oo, may ganoon nga, dahil ang taong 'Mahal ang sarili, hindi nawawalan ng positibong bagay kahit pa siya na ang pinakamahirap na tao sa mundo.' Hindi niya maiisip magpatiwakal dahil lang sa mga nararanasan niyang hirap, higit sa lahat ang Panginoon Diyos lang ang makapagbibigay ng kaginhawahan at tunay nakalayaan sa mga bagay na nagbibigay kalungkutan, takot, at pangamba sa iyong buhay.

Mahirap man paniwalaan, pero ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa sarili, 'Sa ating Panginoong Diyos mahahanap,' binibigyan niya tayo ng dahilan at pamamaraan upang ma-overcome lahat ng balakid na nagpapahina sa ating pagkatao.

Hindi madaling mahanap ang kasiyahan kung iyong titingnan pero magagawang mo lang iyon, kapag handa ka ng 'Tanggapin sa sarili mo ang salitang 'Ako naman' at higit sa lahat, magagawa mo lang iyon kapag nagawa mo ng 'Tanggapin sa sarili mo kung Ano at sino ka sa mundong ibabaw.'

Anumang klase o uri ng tao ka man sa lipunan, ang Panginoon Diyos at sarili mo lang ang makakatulong sa 'yo upang matutunang pahalagahan ang buhay at pagkatao mo sa kasalukuyan. Wala sinumang makapagbabago sa 'yo kundi ikaw mismo, walang puwedeng dumikta sa 'yo ng dapat mong gawin, kundi ikaw pa rin mismo.

Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, mauuwi ka lang sa mga nakakaawang tao na nasa kanila na lahat pero may kulang at may hinahanap pa rin na anuman, at hindi kayang maging masaya ng totohanan, higit sa lahat, wala kang puwedeng sisihin sa buhay mo kung ano ka man ngayon, kundi sarili mo.

Buhay mo man ngayon; mahirap o hindi, ikaw ang gumawa ng lahat. Ikaw ang nagdesisyon ng tatahakin mong landas para sa susunod ng yugto, kaya hindi mo puwedeng sabihing natural phenomenal lang iyan. Binigyan ka ng pagkakataon pumili ng desisyong gagawin mo, nasa sa 'yo kung anong landas ang tatahakin mo; mabuti man o masama na maghahatid sa 'yo sa magulong mundo; alinman sa dalawa ang mapili mo, pariho lang magdudulot ng saya at lumbay sa buhay mo.

Sa edad 10-21 years old na mga kabataan, kung nag-aaral, tapos na at nagtatrabaho na, may sari-sarili kayong desisyon para pumili ng landas ng buhay na nais ninyong makamit. Huwag maging padalos-dalos sa pagpili: sa tao, pagmamahal, trabaho at daang tatahakin. Pag-isipan mo muna bago ka gumawa ng hakbang na pagsisihan mo panghabambuhay.

Napapansin ko kasi, pabata bang pabata ang mga kabataang nagkakaroon ng relasyon, kung saan para sa akin, negatibong desisyon ito. Nawawalan na ng pakialam ang mga nakatatanda, pasensiya sa mga salitang aking babanggitin pero, para sa akin, hindi tamang pagpapalaki ang nangyayari.

Nawawala ang pag-aaruga, pagbabantay at pagmamahal para sa mga kabataang mga anak. Pinapabayaan sila kung saan nauuwi sa kung ano-anong resulta: hindi nakatapos ng pag-aaral, nabuntis, nakabuntis, nagahasa, nalulong sa masamang bisyo, barkada at masamang gawin, which is mas nagpapalala ng kaso ng kahirapan sa mundo. Hindi masamang magmahal at magmahal sa sarili pero tingnan kung naayon pa ba sa pagmamahal sa sarili ang lahat ng nabanggit.

Sa Age 22 and Above, matuto rin magmahal sa sarili, hindi porket nasa edad ka na, tingin mo alam mo na ang lahat. Hindi rin ibig sabihing nasa tamang bilang ka na, paglalaruan muna ang mga murang edad. Hindi rin magandang maging mapagmataas sa mga magulang porket isa ka ng dakilang empleyado ng kung anong ahensiya; pampubliko o pribado, higit sa lahat, matutong mahalin at magdesisyon ng tama para sa sarili at sa iba (lalo na ang pagmamahal sa sarili mong kalayaan at kaligayahan).

Hindi masamang magtrabaho para sa pamilya at ibigay ang mga pangangailangan nila bilang anak, kapatid, ina o asawa, ngunit huwag mong kalilimutang bigyan ng kalayaan ang sarili mo at kaligayahan sa mga bagay na tunay na magpapasaya sa 'yo. Hindi masamang isipin ang sarili dahil palatandaan lang iyon na isa kang mabuting tao para sa iba, higit sa lahat para sarili mong nakalimutan mong bigyang halaga at pag-asang maging malaya sa lahat ng negatibo sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top