II: ANO and BAKIT (part 2)

       BAKIT MAY MGA taong nagagalit pag walang lovelife?

       Simple lang din, hindi sila makapaghintay ng tamang panahon. Nagiging sobrang insecure sa sarili. Paano? 

        Example: 

        Sa isang grupo ng magbabarkada ay may mga couple. Kaya itong si insecure marami ng issue sa sarili, kesyo bakit siya wala, pangit ba siya o 'di kaakit-akit kaya walang nagkakagusto. Simpleng tanungan nila, pero, nangyayari talaga sa totoong buhay na mayroon ang tao. Maraming naluluko at nagmumukhang kawawa dahil sa salitang insecurities. Bakit sa Group of Friends ba, kailangang gayahin ang gawain ng bawat isa? Oo, sa pagkain ganoon, kung ano ang gusto ng isa, gusto ng lahat. Pero, pagdating sa mga desisyon sa buhay, sarili mo naman ang isipin mo, huwag kang magbase sa mga sasabihin at ginagawa ng iba. Pag gusto mong hindi mapariwa sa buhay dapat may sarili kang paninindigan sa sariling mong desisyon. 

      Bakit kapag ba ang isa mong kaibigan ay nagpakamatay, magpapakamatay ka rin? Common sense po, bakit hindi ka na lang maging masaya sa kung anong mayro'n ka? Bakit kailangang i-depende mo pa sa iba ang mga dahilan mo? Dahil lang sa insecurities na mayroon ka? Alisin mo sa buhay mo ang insecurities at magiging masaya ka sa buhay. Hindi iyong kunting angat ng iba gusto mo ganoon ka rin. Wala kang mapapala sa buhay kung insecurities ang paiiralin mo. Be unique and be proud kung ano at sino ka. Make a difference not immitating what others do na hindi naman makakabuti sa buhay mo. 

       Bakit may mga feeling maganda/gawapo?

       May mga tao kasing ubod ng confident sa sarili. Akala mo siya na'ng pinakamaganda/gawapo at hinahangaan ng iba. Ayaw patalo, gusto niya, siya lagi ang bida at ikaw pangalawa lang. Kulang na lang magpagawa ng tarpulin sa mukha para mapansin at hangaan ng iba. Hindi masamang maging confident, pero, dapat nasa lugar, hindi iyong pagpinuri mo iyong iba magagalit pa iyong isa. Siya rin daw 'di ba ay maganda. Susme! Pambihira, pati ba naman sa itsura, insecure existing pa rin? Maraming napapahamak dahil d'yan, maging sa mga bullied person ganyan din walang pinagkaiba, nambubully sila para masabing sila ang boss. Naso-sobrahan na sila ng confidence na wala sa lugar para lang maitago 'yong realidad na mahina naman pala sila sa totoong buhay. 

       Kaya minsan kailangan nating maging totoo sa sarili upang sa gano'n hangaan ka ng tao sa kung anong mayro'n ka. Hindi sa kung anong wala sa 'yo na gustong-gusto mong makuha. Minsan it's better to be humble than acting professionally na wala naman. Kasi minsan sa bunganga pa lang nalalaman na'ng personalidad ng tao. They can change behavior but not personality. Some saying pariho iyon, pero, mali po, ang personalidad kahit anong tago mo riyan lalabas at lalabas kung sino at ano ka. Hindi mo puwedeng maluko ang iba dahil lifetime iyan samantalang ang behavior kaya mong kontrolin at baguhin but not personality itself.

        Ano ba ang paghihintay?

        Waiting, salitang mahirap gawin at unawain kasi minsan para iyang daanan na walang hanggan. Hindi mo alam kung handa ka bang maghintay o mamili na lang ng tingin mong tamang daanan. Sa paghihintay ba'y handa ka o kagaya ng iba bibitiw ka rin kapag hindi muna kaya. Minsan kahit anong pilit mong intindihin ang lahat, kapag napagod na'ng puso at isip mo wala ka nang magagawa kundi bumitiw na lang. Hindi masamang maghintay but make sure iyong hinihintay mo, willing din na mag-stay sa 'yo nang pang matagalan. Maraming What IF's, oo, pero hindi lahat ng iyan  posibleng magkatotoo.

        Second chance salitang hindi mo alam kung kaya mo pang gawin o ibigay kapag nasira na.

        Well, para sa akin, may disadvantage and advantage 'to. Kasi minsan, 'yan ang paraan ng iba para  paulit-ulit kang saktan at paasahin. Naniniwala kasi silang may second chance sa lahat ng bagay na ginagawa nila mapamali o tama man ito. Oo, in a positive ways, nagbibigay tayo ng second chance to proved one last time na iyong chance na iyon ay puwede pang baguhin ang past, but the disadvantage is maybe, that's already an option to wake you up na tama na, tumigil ka na, hindi na siya magbabago pa.

        Na baka gawin niya lang ulit iyong ginawa niya noon. Kaya sa halip makapag-moved on ka na. Magba-back to zero ka na naman kasi wasak na wasak ka na dahil sa second chance na ipinaubaya mo na sa huli ikaw na naman ang talo—ang labas noon Back up plan ka lang pala niya no'ng iniwan siya ni bago. Kaya minsan, pag-isipan mo maigi if you're giving a chance to someone, kasi 'di lahat ng bagay napagdedesisyunan ng isang saglit lang. Pag-aralan mo muna, 'wag mong hayaang makulong ka sa mga bagay na matagal nang tapos, pero, pinipilit mo pa rin na ilaban kahit sa huli ikaw na'ng ginagawang laruan.

        Forever, mayroon nga ba o wala?

         Para sa 'kin may forever. Dahil kung wala, e 'di wala sana tayong lolo at lola. In the first place wala tayo kung para sa kanila walang forever. Minsan tayo lang gumagawa ng salitang walang forever dahil bitter tayo sa pagmamahal. Hindi naman porke't nasaktan tayo'y wala na talaga—ibig sabihin lang no'n hindi pa tamang panahon para magmahal. Kaya 'wag mo sabihing walang forever, dahil ang forever tao ang gumagawa hindi nanggagaling sa isip ng mga batang hindi pa kayang magdesisyon para sa sariling mga paa.

       Oo, nasasabi nilang ganyan, kasi hindi pa nila matanggap na nasasaktan sila, pero, dapat pa nga maging masaya pa sila, e, kasi kahit nasaktan at naging bitter sila, may natutunan sila—maling tao pala ang minahal nila. Bagamat nasaktan sila, make it a lesson from God. Be thankful kasi inilayo ka niya sa maling taong hindi karapat-dapat sa pagmamahal at oras mo. Kaya hindi mo dapat ipilit ang mga bagay na hindi para sa 'yo, dahil kung siya talaga, pagtatagpuin kayo ulit ng tadhana sa tamang pagkakataon. Dahil sabi nga nila, may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Matuto lang tayong tumanggap at maghintay ng tamang timing kung saan ibibigay na ng ating poong maykapal ang The One sa buhay natin. Make your time worth it, hindi iyong para kang asong nakakita ng buto kaya habol ka nang habol.

         Begging to someone. Dapat ba natin 'tong gawin? 

        Minsan dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao nagagawa nating mag-please, pero, ang tanong sila ba ay makikinig sa atin? Sila ba ay gustong manatili sa buhay natin? Kasi minsan sa tanong pa lang natin, alam na nating ang sagot, ang kaso hindi pa tayo handang tanggapin ang katotohanang hindi na nila tayo mahal. Walang masama sa pakikiusap, pero, matututo tayong bumitiw kapag hindi na talaga puwedeng ayusin pa. Begging is a chance to proved your love, but sometimes, it means to let them go for you to be happy with another person who really care for you and wiiling to stay with you no matter how hard to understand you.

         Love is blind.

         Pagmamahal na mahirap ipaliwanag, unawain at tanggapin kasi minsan pati isip natin hindi magawang makinig at mapakiusapan. Well, Love is blind binuo ng tiwala, pagmamahal at pagtanggap ng buo sa kung sinumang tao. Pero, ika naman ng iba, love is blind daw ay katangahan, pero, ang hindi nila alam, kaya tinawag na ganyan dahil . . . ito ay isang pagmamahal na walang dahilan. Pagmamahal na nabuo sa salitang 'Mahal Kita' maging sino ka man. Korny, but it's a reality of life dahil ang tunay na pagmamahal walang dahilan kung bakit ka nagmamahal.

         Walang paraan kung paano ka magmahal at kung sino ang taong mahal mo sa kabila nang pagiging imperfect niya. Kung love is blind pala sana lahat ng tao ay nadapa na kasi madilim pala talaga. Ang kaso no matter how dark the place is, If someone really loves you, she/he will find a place to find you—a person who meant to stay with you for the rest of their life.Who will treasure you as a gift no matter how hard to find you in the dark place of the world.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top