VII. Point of View
Ang Point of View o Punto de Vista o Panauhan ay ang narrative voice ng kuwentong ating isinusulat. Ito ang narrator. Ito ang anggulo ng kuwento. Ito ang camera na nakasubaybay. Ito ang matang nakakikita at ang bibig na nagsasalaysay sa mga pangyayari.
Kung paanong walang kuwentong walang tauhan, wala rin namang kuwentong walang narrator o tagapagsalaysay. Narrator ang nagbibigay ng boses, kaluluwa, at puso sa kuwento. Dahil sa kanya kaya maaaring maaliw o mabagot ang mambabasa.
Naipagkakamali pero hindi magkatulad ang author's voice at ang narrator's voice. Ang author's voice o ang boses natin bilang manunulat, sa standard ng Punto de Vista ay hindi laging nababagay gamitin sa kuwentong ating isinusulat. Ang narrator's voice naman o boses ng tagapagsalaysay ay nagbabago base sa Punto de Vista. Ang ginagamit ay maaaring boses ng pangunahing tauhan sa kuwento, isang boses na hiwalay sa tauhan at sa manunulat, o boses ng mismong manunulat.
Mayroong tatlong uri ng Punto de Vista o Panauhan.
FIRST PERSON POINT OF VIEW
Ang First Person Point of View o Unang Panauhan ay ang paraan ng pagkukuwento kung saan ang narrator ay isa sa mga tauhang iniikutan ng kuwento. Indicator nito ang paggamit ng mga salitang "ako", "ko", at "akin" sa pagsasalaysay.
Ang First Person POV ay pagsusuot ng sapatos ng tauhan, pagdama sa kanyang mga nararamdaman, at pagbabasa ng kanyang isipan. Nalalaman natin ang lahat ng nangyayari sa kanya at ang dahilan sa likod ng kanyang mga kilos, salita, at desisyon. Ang ginagamit na boses at pananalita sa pagsasalaysay ay ang sa tauhang nagsasalaysay.
Sa tinatawag na First Person Peripheral, ang narrator ng kuwento ay hindi ang tampok na tauhan. Nagsasalaysay siya gamit ang "ako", "ko", at "akin" ngunit para sa pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito si Dr. John Watson bilang tagapagsalaysay ni Sherlock Holmes.
Mayroon ding tinatawag na First Person Multiple Point Of View, kung saan higit pa sa iisang tauhang nasa kuwento ang nagiging narrator. Nagkukuwento pa rin sila sa "ako", "ko", at "akin" gamit ang kani-kaniya nilang boses. Sa First Person Multiple, sinusundan ng mambabasa ang mga pangyayari sa point of view ng bawat tagapagsalaysay. Isang halimbawa nito ang The Time Traveler's Wife ni Audrey Niffenegger.
May binabagayang mga kuwento ang First Person POV. Karaniwan sa mga Young Adult at New Adult novel ang nakasulat sa Panauhang ito.
Kung magsusulat sa First Person POV, ilang mga bagay ang dapat na isaalang-alang.
Write for:
Immediate closeness or emotional attachment to the character
Dahil nakasulat sa "ako" ang First Person POV, madali sa mambabasa na makilala at maunawaan ang tauhan base sa mga nararamdaman, iniisip, at nararanasan nito. Dahil din dito, mas madali sa mambabasa ang mapalapit at makisimpatya sa tauhan.
Ngunit dapat ding siguruhin na kagiliw-giliw, likeable, o interesante ang tauhang magiging First Person POV narrator. Or else, it would be a boring write and a boring read.
Immersion to story development
Dahil nakasulat sa "ako" ay madali sa mambabasa ang mamuhay sa loob ng kuwento. Nararanasan niya ang nararanasan ng First Person POV narrator. Nararamdaman niya ang nararamdaman nito. Nabibigo siya sa mga kabiguan at natutuwa sa maliliit na tagumpay nito. Madali sa kanya ang madala at magpatianod sa daloy ng kuwento.
Ngunit dapat ding siguruhin na ang isusulat lamang ay ang mga bagay at pangyayari na kinakailangan sa kuwento. Dahil magkadikit ang naratibo sa narrator, maaaring magbabad ang manunulat sa pagsusulat tungkol sa lahat ng mga iniisip at nararamdaman ng tauhan kasehodang pinababagal nito ang daloy ng kuwento.
Things to watch out for:
Unreliable, biased narrator
Dahil nakasulat ang kuwento sa pananaw at obserbasyon ng iisa o piling tauhan lamang, normal nang mabahiran ito ng bias at prejudice ng nagsasalaysay. Walang ibang magagawa ang mambabasa kundi ang tanggapin ang sinasabi ng narrator dahil sila man ay walang ibang nalalaman sa kuwento kundi ang nalalaman ng narrator.
Gayunpaman, maaaring gamiting bentahe ng manunulat sa plot reveal at plot twist ang kahinaan ng unreliable narrator.
Limited knowledge to what's happening
Limitado ang obserbasyon ng First Person POV narrator. Maraming kaganapan sa kuwento at sa iba pang tauhan ang hindi niya nalalaman. Normal na sa kanya ang magkamali sa kanyang mga sapantaha at iniisip.
Hindi rin maaaring magsalita ang tagapagsalaysay para sa nararamdaman at iniisip ng iba pang mga tauhan sa kuwento.
Dahil din dito, mainam isulat sa First Person POV ang mga kuwentong madaling masisira o magtatapos kung hindi maikukubli sa mambabasa ang kabuuan ng mga pangyayari.
Trickiest to write because voice should be character's voice
Ang boses na dapat gamitin sa pagsusulat sa First Person POV ay ang boses at speech pattern ng tauhang nagsasalaysay. Naisasantabi ang boses ng manunulat (author's voice). Upang maging epektibo at kapani-paniwala, kinakailangan ng manunulat na huminga sa hininga ng kanyang tauhan, makadama gamit ang puso nito, mag-isip gamit ang isipan nito, at kumilos ayon sa pag-uugali nito. The writer should wear the character's skin before attempting to write the story.
Ang First Person POV ang humihingi ng pinakamalalim na empathy mula sa manunulat. Kaya naman, karaniwan na kailangan ng emosyonal na kahandaan bago magsulat gamit ito.
Sa madaling salita:
When done right, First Person POV stories are intimate and effective reads. These stories linger emotionally to readers. However, it also asks for a certain level of empathy and readiness from the writer before it could be written.
SECOND PERSON POINT OF VIEW
Ang Second Person Point of View o Ikalawang Panauhan ay ang paraan ng pagkukuwento kung saan ang narrator ay direktang kinakausap ang mambabasa. Sa Second Person POV, ang mambabasa ang itinuturing na pangunahing tauhan sa kuwento. Indicator nito ang paggamit ng mga salitang "ikaw" at "ka."
Ito ay may boses na nag-uutos at nagpapagalaw sa pangunahing tauhan. Limitado ang galaw ng tauhan at perception ng mambabasa sa kung ano lamang ang iniuutos ng nagsasalaysay. Tinatawid din nito ang personal na espasyo ng mambabasa, inaangkin ang kanyang pag-iisip, at tinatanggal ang kanyang libertad sa pagpili.
Karaniwan ang Second Person POV sa non-fiction books at bibihira sa fiction. Kung gagamitin sa fiction, epektibo ito sa mga kuwentong Horror, Crime, Thriller, at iba pang katulad. Mainam din ito sa mga kuwentong may sensitibong tema at paksa na maaari lamang maunawaan kung sapilitang ilalagay ang mambabasa sa karanasan ng pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito ang Bright Lights, Big City ni Jay McInerney.
Katulad ng First Person POV, may mga dapat isaalang-alang bago magsulat gamit ang Panauhang ito.
Write for:
Intense reading experience
Dahil ito ay gumagamit ng "ikaw" at "ka", ang mambabasa ay dinadala sa daluyong at ragasa ng kuwento. Kung maisusulat nang tama, may kakayahan ang Second Person POV narrator na hindi lamang ilagay ang mambabasa sa kuwento kundi iparanas ito. Kaya nitong gawing marubdob ang karanasan ng sinumang mambabasa.
Ngunit kung hindi pa epektibo sa pagsusulat gamit ang Second Person POV, madali rin sa mambabasa ang humiwalay at tumalikod sa kuwento.
Things to watch out for:
Hardest to master
Dahil tumatawid sa fourth wall ang Second Person POV, mas marami rin itong resistance na nakukuha mula sa mambabasa. Mahirap itong isulat at pangatawanan. It's easy for the reader to disagree and drop the story if they don't feel invested immediately. Iiwan din nila ang kuwento kung hindi pa sila handang maging tauhan nito. May hinihinging lalim at kasanayan ang pagsusulat sa Second Person POV na hindi bastang mapagtagumpayan ng mga baguhan pa lamang sa pagsusulat.
But if you're feeling adventurous or if you want to stretch your skills as a writer, it won't hurt to try writing in Second Person POV.
Tricky to use in novels and long stories
Gayundin, dahil sa fourth wall at puppeteer-voice ng Second Person POV, hirap itong magtawid ng nobela at iba pang mahahabang kuwento. Kung ang ibang POV ay may engganyo na hindi nagtatanggal ng libertad at sariling pag-iisip ng mambabasa, ang Second Person POV ay humihinga naman dito. Mas mahaba ang naratibo, mas marami ang tsansa na humiwalay o tumanggi ang mambabasa sa kanyang binabasa.
Sa madaling salita:
When done right, Second Person POV is a mind-blowing and life-changing read. These stories become personal stories to the readers. However, it asks for a certain level of mastery and effectivity from the writer.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Ang Third Person Point of View o Ikatlong Panauhan ay ang paraan ng pagkukuwento kung saan ang narrator ay labas o wala sa kuwento. Indicator nito ang paggamit ng mga salitang "siya" at "niya."
Ito ay tulad ng panonood ng pelikula kung saan nakakikita tayo sa mata ng camera at paminsan-minsan ay may voice-over na nagsasalaysay. It's widely used in fiction books but it's also the most distant among POVs. Ang narrator's voice nito ay karaniwang ang author's voice din.
Mayroong tatlong uri ng Third Person POV.
Third Person Limited POV
Ang pokus ng narrator ay sa iisang tauhan lamang sa kuwento. Iisang tauhan ang sinusundan at sinusubaybayan. Tulad sa First Person POV, sa Third Person Limited ay naipapaalam din ng tagapagsalaysay ang mga iniisip at nararamdaman ng tampok na tauhan.
Write for:
Majority of stories
Third Person Limited POV is the safest choice among POVs, especially if you're a newbie writer who has yet to explore the power of other POVs. Maliit ang tsansa ng pagkakamali. Bumabagay rin ito sa karamihan ng mga kuwento. Mas malaya ito sa boses kaysa sa First Person POV at mas madaling makaengganyo kaysa sa Second Person POV.
Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay foolproof itong gamitin. Marami pa ring kuwento ang mas epektibo kung isusulat sa eksaktong POV nito.
Less distance than in Third Person Multiple or Omniscient
Bagamat nasa "niya" at "siya" ng pagsasalaysay, mas maliit ang distansiya ng mga kuwentong nasa Third Person Limited POV kaysa sa mga nasa Third Person Multiple o Third Person Omniscient. Dahil iisa lamang ang sinusubaybayan, mas madali sa mambabasa ang mapalapit at makisimpatya sa tauhan.
Ability to use the author's voice
Bagamat iisang tauhan ang sinusubaybayan, wala ang limitasyon ng First Person POV kung saan ang boses ng narrator ay ang boses ng tauhan. Sa Third Person Limited ay ginagamit pa rin ang author's voice sa pagsasalaysay ng kuwento.
Things to watch out for:
Distance
Pinakamaliit ang distansiya ng Third Person Limited POV kaysa sa dalawang kasama nito ngunit hindi maipagkakamaling may distansiya pa rin. It will take a while before readers immerse into the story and before they sympathize with the character.
Limited knowledge to what's happening
Katulad sa First Person POV, limitado ang nalalaman at naoobserbahan ng narrator dahil sa iisang tauhan lamang siya nakatutok. Dahil dito, maraming kaganapan sa kuwento at sa iba pang tauhan ang hindi niya maisasalaysay. Hindi niya maitatago ni maitatama anuman ang kamalian sa sapantaha o desisyon ng tauhang sinusubaybayan.
Hindi rin maaaring magsalita ang Third Person POV narrator para sa nararamdaman at iniisip ng iba pang mga tauhan sa kuwento na hindi niya sinusundan.
Dahil dito, mainam isulat sa Third Person Limited POV ang mga kuwentong madaling masisira o matatapos kung hindi maikukubli sa mambabasa ang kabuuan ng mga pangyayari.
Third Person Multiple POV
Ang pokus ng narrator ay sa dalawa o higit pang mga tauhan sa loob ng kuwento. Ang mga tauhang ito ang sinusundan at sinusubaybayan. Tulad sa First Person Multiple POV, naipapakita rin ng tagapagsalaysay ang mga iniisip at nararamdaman ng bawat tampok na tauhan.
Ito ay Third Person Limited narration nang higit pa sa isang tauhan.
Write for:
Romance stories, love stories, and stories with more than one main character
Dahil sa kakayahan ng Third Person Multiple POV na sumubaybay sa higit pa sa isang tauhan, mainam itong gamitin sa mga kuwentong nasa dalawa o higit pa ang mga pangunahing tauhan, katulad ng mga kuwentong nasa genre ng Romance. May likas na distansiya pa rin ang pagsasalaysay ngunit maisusulat na ang iba pang panig ng tauhan sa mga pangyayari sa loob ng kuwento.
Tinatanggal nito ang kahinaan ng Third Person Limited POV kung saan isang tauhan lamang ang dapat na sundan mula sa simula hanggang sa katapusan. Nagbibigay ito ng iba pang anggulo at iba pang pananaw sa mga kaganapan.
Ngunit hindi rin naman ibig sabihin nito ay maaaring Third Person Multiple POV na lamang ang gamitin sa mga kuwentong may napakalaking mundo at higit pa sa apat ang tauhang sinusubaybayan. Bagamat maaaring higit pa sa isa ang sundan sa Third Person Multiple, ang napakaraming tauhang sinusubaybayan at nakasulat sa gramatika ng Third Person Limited ay nakapapagod sa manunulat at sa mambabasa.
Ability to use the author's voice
Tulad ng Third Person Limited POV, ang Third Person Multiple POV ay isinusulat gamit ang author's voice ng manunulat kaysa character's voice ng isa sa mga tauhan.
Things to watch out for:
Distance created by following multiple characters
Bukod sa natural na distansiya ng pagsasalaysay sa Third Person POV, nagdadagdag ng distansiya ang pagsunod at pagsubaybay sa higit pa sa iisang tauhan. Maaaring mahirapan ang mambabasa na makisimpatya dahil sa palipat-lipat na pokus sa mga tauhang sinusubaybayan. Some characters they might care about to read, while some they might skip entirely.
Head-hopping
Kailangang ingatan ang tinatawag na head-hopping. Karaniwan itong pagkakamali kapag nagsusulat at nagpapakita ng higit pa sa dalawang tauhan. Ang head-hopping ay biglaang POV switch sa gitna ng naratibo ng isang tauhan.
Siguruhing makapaglalagay ng malinaw na indicator sa simula ng chapter o scene kung saan magkakaroon ng POV switch.
Third Person Omniscient POV
Ang narrator ay mala-Diyos na nakaaalam ng lahat ng bagay sa lahat ng panahon at pagkakataon. Maaaring ipaalam ng Third Person Omniscient narrator ang lahat ng nararamdaman at iniisip ng lahat ng mga tauhan sa lahat ng pagkakataon. Tulad sa isang pelikula, ito ay ang camerang nakasunod sa mga kaganapan sa loob ng kuwento.
Isang halimbawa ng kuwentong nasa ganitong Panauhan ang 1984 ni George Orwell.
Write for:
Big, epic stories; superhero stories; and adventure stories with multiple characters and settings
Dahil mala-Diyos ang tagapagsalaysay sa Third Person Omniscient, epektibo ito sa mga kuwentong malalawak ang mundo, may komplikado at sala-salabid na plot, at may malaking bilang ng mga tauhan. Bagamat mayroon pa ring mga pangunahin at tampok na tauhan, nakatutulong ang mala-Diyos na kaalaman ng Third Person Omniscient narrator sa pagpapakita ng mga kawing-kawing na kaganapan na makaaapekto sa mga tauhang ito.
Ability to use author's voice
Katulad ng dalawa pang kasamahan nito, ang Third Person Omniscient narrator ay maaaring gamitin ang author's voice bilang narrator's voice. Iingatan na lamang ng nagsasalaysay ang maging kagiliw-giliw o interesante upang manatiling nagbabasa ang mambabasa.
Things to watch out for:
The most distant to the readers
Sa lahat ng POV, ang Third Person Omniscient ang pinakamalayo ang distansiya sa mambabasa. Sa mala-Diyos nitong tinig at mala-Diyos na kaalaman sa lahat ng bagay, mas mabagal ang pag-usbong ng simpatya at interes ng mga mambabasa sa bawat sinusundang tauhan.
Gayunman, epektibo itong gamitin upang maipakita ang conflict of interest sa bawat tauhan sa kuwento.
Too much head-hopping
Dahil malaya sa pagsisiwalat sa kaninumang damdamin at isipan ang Third Person Omniscient narrator, maaaring nakapapagod o taxing sa mambabasa ang pagsilip na ito. Too many switches and too much head-hopping in one scene might backfire when not written clearly enough. Higit na kinakailangan sa Third Person Omniscient POV ang malinis at malinaw na switching sa paglalarawan o pagsasalaysay.
Omniscience
Bagamat omniscience ang kalakasan ng Third Person Omniscient narrator, nagiging kahinaan din ito. Dahil sa mala-Diyos na kaalaman ng tagapagsalaysay, ang buong kaganapan sa mundo ng kuwento ay hindi maitatago sa mambabasa.
Kaya naman, hindi epektibo ang Third Person Omniscient POV sa mga kuwentong nangangailangan ng misteryo at pagkukubli sa mga interes, motivation, goals, at desisyon ng mga tauhan.
Sa madaling salita:
When done right, Third Person POV stories are interesting and great reads. It paints the big picture. It can carry big stories and can follow the journey and growth of more than one character. However, the liberty it offers also opens possible mistakes in writing it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top