Nabihag Mo

Nabihag Mo

Ngiti mo’y nakakaakit,
tawa mo’y nakakahawa,
ngiti’t tawa mo’y nagpapasaya
sa akin na puno ng lungkot.

Maraming araw ang lumipas
at damdamin sa iyo’y ‘di kumukupas.
Oo, ako’y may nadarama para sa’yo.
Matagal na kitang gusto at mahal.

Sa iyong ganda, ako’y nahalina.
Ang aliwalas ng iyong mukha
at tila puno ito ng pag-asa.
Walang lungkot din na nakikita.

Masaya akong nakilala ka
at ngayo’y kaibigan na kita.
Umaasa ako na sa susunod
ay kasintahan na kita.

Hindi alam kung paano aamin,
ako’y kinakabahan nang sobra.
Hindi alam ang dapat na gagawin
upang damdamin sa’yo ay maiparating.

Naglakas loob na ika’y kausapin
dahil ako ay aamin na.
Nauutal man ay ang mahalaga
masambit kong mahal kita.

Iniwas ang aking tingin
matapos banggiting mahal kita.
Hindi alam ang iyong tugon
dahil tahimik ka’t ‘di nagsasalita.

“Mahal din kita,” biglang sabi mo
kaya ako’y napalingon sa’yo.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo
kaya inulit mo ang pagsabi nito.

Bigla kitang niyakap dahil sa tuwa.
Nagpapasalamat at mahal mo rin ako.
“Ako’y talagang nabihag mo, Sinta.
Mahal kita at mas mamahalin pa kita.”

Ako’y iyong nginitian,
ngiting nagbibigay pag-asa sa akin
at kasiguraduhang ika’y akin.
Ngayon, buhay ko’y mas sasaya na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top