Mahal Kita, Sinta (Awit)
Mahal Kita, Sinta
Sa iyong ganda, ako'y nahalina
Unang tingin sa iyo'y gusto na kita
At nais na mas makilala pa
Upang siguraduhin ang nadarama
Tibok ng puso sa iyo'y 'di maihinto
Magmula nang mapalapit sa iyo
Sa katangian na taglay mo
Ako'y mas nahuhulog sa iyo
Mahal kita, ikaw lang wala ng iba
Oh Sa iyo'y sobrang napahanga
Sinta, ika'y nakakamangha talaga
Oh mahal na mahal kita, sinta
Di mapigilang mapangiti sa tuwa
Sa tuwing nasa tabi kita
Nais na ikaw ang laging kasama
At iyon ay hanggang pagtanda
Mangangakong nandito lang ako
At mananatiling kasama mo
Ipapadama mula sa aking puso
Ang wagas na pag-ibig sa iyo
Mahal kita, ikaw lang wala ng iba
Oh Sa iyo'y sobrang napahanga
Sinta, ika'y nakakamangha talaga
Oh mahal na mahal kita, sinta
Mahal kita, ikaw lang wala ng iba
Oh Sa iyo'y sobrang napahanga
Sinta, ika'y nakakamangha talaga
Oh mahal na mahal kita, sinta
Mahal na mahal kita, sinta
• Kasama ang tulang ito sa isang kwentong naisulat ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top