Kasalanan Bang Magmahal?

Kasalanan Bang Magmahal?

Sa isang sulyap mo lang,
ako’y napaibig mo na agad.
Sa isang ngiti mo lang,
puso ko’y bumibilis ang tibok.

Ako’y niligawan mo
at ika’y sinagot ko agad.
Sa ginawa ko, ako’y tinanong,
Bakit maaga raw naging tayo?

Tila ba sinasabi nilang bata pa tayo
at ‘di natin kayang patagalin—
itong relasyong mayroon tayo.
Mali ba na tayo’y nag-iibigan?

Kasalanan bang magmahal,
sa ganitong edad na tingin nila bata pa?
Wala ba silang tiwala sa kagaya natin?
Tila nga na kasalanan na ang magmahal.

Minamahal lang naman natin ang isa’t isa
ngunit bakit may nakikisawsaw?
Hindi naman natin sila pinapakialaman
kaya wala silang karapatan na tayo’y husgahan.

Buhay natin ito, ‘di ba mahal ko?
May kalayaan tayong magdesisyon.
Ikaw, ako, tayo ay nagmamahalan
at hindi ito isang kasalanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top