Iniibig Kita
Iniibig Kita
Ikaw ay dumating sa buhay ko
sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nahulog ako agad sa iyo,
sa taglay mong kagwupuhan.
Sabi nila ay ‘di raw tayo bagay
dahil langit ako, lupa ka.
Katayuan ba sa buhay ang batayan
kung sino ang dapat mong ibigin?
Handa akong isuko ang lahat,
maging akin ka lang.
Ikaw ang siyang tunay na iniibig
at walang makakapigil sa aking nadarama.
Anuman ang sabihin sa akin ng iba,
hindi magbabago ang tingin ko sa’yo.
Ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko
kahit ano pa ang tingin ng iba sa’yo.
Dukha ka man kung ituring ng iba,
sa akin ikaw ay marangya
dahil sa kabutihang taglay mo.
Iyan ang nagustuhan ko rin sa’yo.
Ikaw lang ang tanging iniibig.
Ikaw ang nais makasama
hanggang sa huli kong hininga.
Kaya ipaglalaban ko itong pag-iibigan nating dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top