Ikaw Nga

Ikaw Nga

Paano ba sasabihin
ang nararamdaman?
Kung nag-aalanganin
sa takot na ako'y pagtawanan.

Gustong isigaw ang nadarama
para malaman mo sinta
na ika'y mahal na nga
at hindi lang 'to paghanga.

Nagtatanong ang iba
kung ikaw pa rin ba?
Oo, ikaw naman talaga
simula pa noong unang pagkikita.

Nasasaktan ang puso.
Bakit hindi ko masabi sa'yo?
Na ang nararamdaman ay totoo
at walang magbabago.

Ikaw pa rin ang mamahalin ko
at tanging laman nitong puso.
Nabighani nga ako nang sobra
sa taglay mong kakaiba.

Ano nga bang mayroon ka?
Bakit sa'yo nagkagusto?
Oo nga pala sinta,
basta nahulog na lang sa'yo.

Sinta, pakinggan mo ako.
Ikaw lang, wala ng iba.
Sana nga mahal mo rin ako
at umaasang magiging tayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top