Dahan-dahan
Dahan-dahan
Dahan-dahan,
iyan ang gusto ko.
Dahan-dahan lang
na ako'y iyong mahalin.
Ako sana'y iyong sulyapan.
Unti-unting lingunin
hanggang ang iyong mata'y
nakatutok lang sa akin.
Sana ako na ay pansinin.
Dahan-dahan na ako'y kausapin
at ang iyong atensyon
ay ituon lang sa akin.
Dahan-dahan lang.
Kung pwede lang
at ako ay mahalin na
kahit paunti-unti lang.
Ito ang aking kahilingan,
pwede mo bang tuparin?
Ako sana'y ibigin na
kahit dahan-dahan lang.
Di kita minamadali,
nais ko lang
na malaman mo
na ikaw ay mahal ko.
Maghihintay ako
hanggang sa mapansin mo
at ang iyong puso
ay ako na ang tinitibok.
Kahit dahan-dahan lang
at ako'y mahalin na.
Unting sulyap naman
at ako na'y lingunin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top