P A U B A Y A
Simula palang alam ko na ikaw,
Ikaw ang makakasama sa habang buhay
Buhay na napakasaya.
At tanging ngiti ko lamang ay makikita
Masyadong maraming nangyari,
Maraming mga problema na dumaan,
Bawat pagsubok ay parang nakakapanghina na,
Nakakapagod, ngunit patuloy mo akong inaangat.
Masyado akong nabalot ng mundo,
Hindi na napapansin, unti-unti na palang napapalayo sayo
Masyadong nabulag sa mga bagay,
Masyadong nagpokus sa tao,
At hindi ko napansin, nawala na pala ang isip sa 'yo.
Masyado akong naging masaya,
Masaya sa mga bagay na mayroon ako
Masaya sa mga tao sa paligid ko
Kaya hindi na nagawang magpasalamat sa 'yo.
Masyadong nalihis yung atensyon ko,
Hindi na magawang lumapit sa 'yo.
Pumupunta sa ibang tao, sarili ko lang ang sinaktan ko.
Sapagkat, isa lang pala akong abala sa mata nila.
Abala na ni-minsan hindi ko pinaramdaman sa kanila.
Ikinukulong ang sarili sa isang kwarto,
Umiiyak ng palihim, "bakit parang nag-iisa ako?"
Lahat naman ginawa ko,
Ngunit bakit hindi naman ako nakikita?
Patuloy na umiiyak sa gilid,
Napa-pikit nang mariin nang iyong yakapain.
Unti-unting bumalik lahat ng ginawa mo sa akin
Sa lahat ng 'yong ginawa para ako'y pasayahin
Sa bawat hamon na hindi mo ako iniwan
Sa bawat oras na hindi mo ako kinalimutan.
Ako pala. . .
Ako pala yung nang-iwan
Ako pala yung umalis
Ako pala yung nakalimot
Ngunit ikaw yung laging nandiyan
Para lagi akong pagbuksan
Para muli akong salubungin
Para mapalapit muli sa iyo.
"Ako ang kailangan, pero di ang mahal.."
Natamaan yata ko
Ikaw, Hesus ang aking kailangan
Kailangan sa lahat, sa kulungkutan
Sa kasiyahan, hanggang sa walang hanggan.
Patawad, sapagkat ako'y napamahal sa mundo
Parang pinakita ko na mas mahal ko.
Ang kamunduhang ito, kaysa sa 'yo.
Hindi na napansin agad,
Masyado palang napamahal sa kasalanan
Ngunit patuloy kang gumagabay
Para makita ko muli
Ang aking unang minahal
Ako'y patuloy na magpapasalamat
Gagawin lahat
Para ikaw naman ang aking inangat
Maraming sa salamat sa lahat
Mula noon hanggang ngayon
Hindi ka nagbago
Ikaw parin si Hesus, ang labis na minahal ako hanggang dulo
Simula palang alam ko na ikaw,
Ikaw ang makakasama sa habang buhay
Buhay na napakasaya.
At tanging ngiti ko lamang ay makikita
Noon puso'y naging sarado
Hindi makita ang kadakilaan mo
Ngunit patuloy mo akong binabago
Para makita ang kabutihang tinataglay mo
Noon masyadong napamahal sa mundo
Noon nasasaktan ko pa ang sarili ko
Noon minamahal ang ibang tao
Noon nasasakop pa ng mga kasalanan ko
Ngunit ngayon, natuto na ako
Handa na akong ipaubaya lahat sayo
Handa ko ng bitawan lahat bagahe ko
Ako'y magtitiwala sayo
Sapagkat alam ko
Na hindi mo ako pababayaan sa laban na ito
Una palang alam ko na mahal mo ako
Handa kang isakripisyo lahat mapa-sayo lang ako
Handa kang masugatan
Handa kang masaktan
Handa kang magpakababa
Maligtas mo lamang ako
Sa pagkakataong ito,
Ako naman
Ako naman ang magsasabi sayo
Mahal kita. . .
Handa akong ipaubaya lahat
Huwag ka lamang mawala sa piling ko
Kaya ko na. . .
Kaya ko nang talikuran lahat ng mga kasalanan ko
Sapagkat ako'y binago mo
Hindi na babalik sa malungkot na buhay noon
Ako'y mananatili dito
Sa masayang buhay, kasama mo.
Maraming salamat po Hesus
Sa pagmamahal mo sa akin ng husto
Ako'y magtitiwala sayo hanggang dulo
Handang magpabago sayo
Dahil alam ko na mas makakabuti sa akin ito
Mahirap mahilom ang sugat,
Ngunit kapag ikaw ang kasama
Bawat bakas nito unti-unting mawawala
Sa kahit anong agos ng problema
Laging iisipin na hindi ako nagiisa
Sapagkat kailanman hindi mo naman talaga ako iniwan.
Sa dami rami ng 'yong ginawa
Hindi na alam kung paano isa-isahin pa
Ngunit gusto ko lang malaman mo
Mapa-ako, ikaw, sila, tayo
Si Hesus tunay na minamahal tayo ng todo.
Kahit sino ka man, ano ka man
Matanda o bata
Mayaman o mahirap
Mahal niya tayo
Higit pa sa iniisip mo
----
What if si Lord naman 'yung magsabi...
"Ako ang kailangan, pero di ang mahal." - Lord
Minsan masyado tayo naattached sa mundo, we sometimes chased other people na hindi naman talaga tayo 'yung mahal. We chased people who's not really into us. You know, kaya nga natin sila i-chased, why not chased Jesus too? Atleast doon, sure tayo. Hindi ka pa nabubuhay, pinakita niya na kung gaano niya tayo kamahal.
Kung kaya mong magpaubaya sa kanya, this time kay Lord mo naman ipaubaya lahat ng bagages mo. Nahihirapan ka na ba? Hindi ka nag-iisa. Sobrang nakakapang-hina? Magpahinga ka muna. Lapit ka kay Lord. Kahit masakit magpaubaya, kayang magawa kasi nagmamahal ka.
Ngayon, I challenge you.
I-paubaya mo na lahat kay Lord 'yan, mahal mo siya 'di ba? Kung sa tao, minsan masasaktan ka pa kapag magpaubaya ka.
Pero dito, hindi. Kapag ipapaubaya mo lahat kay Lord 'yan, you will feel the comfort. Hindi mo mararamdam yung pain, kasi kasiyahan ang ibibigay niya sayo.
Maybe hindi ka maniwala sa akin, it's okay. It's your choice, but Jesus love you so much. To the point na kahit siya nalang yung masaktan, maging okay ka lang.
I hope you're doing fine na, go talk to God now. He will give you rest.
"Ako ang kailangan, pero di ang mahal." - Lord.
Si Lord 'yung kailangan natin, pero huwag na nating itanggi baka mas may mahal kang iba kaysa sa kanya.
LOVE GOD MORE THAN ANYTHING. JESUS LOVES YOU SO MUCH. KAPAG MAS MAHAL MO SI LORD, MAS KAYA MONG MAGMAHAL HIGIT PA SA INAAKALA MO.
GODBLESSS!!
---
You can request titles po, ako na bahala gumawa ng spoken poetry. Godbless, mwah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top