M Y F A I T H
Minsan ng nasakop ng mundo
Minsan ng naligaw sa maling daan na ito
Ngunit nagbigay ka ng instrumento
Para makita ko ang liwanag na dala mo.
Minsan na akong nanghina dito
Pangangamba'y punong-puno
Ngunit ako'y nagtiwala sa mga salita mo
At nalaman na ikaw pala ang kalakasan ko.
Patuloy akong kakapit sa mga salita mo,
Patuloy akong mamanalangin sayo
Ikaw lamang ang pupurihin ko
Sapagkat binago mo ang buhay ko
At minahal ako ng todo,
Sa kabila ng mga kasalanan ko.
Sa bawat araw na daraan ko
Salita mo lamang ang panghahawakan ko.
Marahil hindi lahat ay naniniwala sayo.
Asahan mong hindi ako magpapa-apekto,
Sapagkat ikaw ang aking Diyos
Na kumukilos sa buhay ko.
Maraming salamat po,
Ako'y magtitiwala sayo
Ako'y magpapatuloy hanggang dulo
Marami 'mang humadlang sa akin dito
Mananaig parin yung pananampalataya ko sayo.
---
Kishika's;
Maraming darating na struggles sa buhay natin, pero as long as matatag yung faith mo kay Lord. Hindi ka magigiba. Kaya mag-step forward ka na, sabay-sabay nating i-build up yung faith natin sa kanya. Hehe, kapit lang kay Lord! He love you so much!
You can request tittles po gagawan ko ng spoken poetry, hehe. Thank you!!
Comment niyo lang po yung request, hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top