H U S G A DO N G T A O

Isa, dalawa, tatlo
Naririnig niyo ba ang mga mapanghusgang tao na 'to?
Puro masasakit na salita,
Binabato sa kapwa
Masyadong dada ng dada,
Na hindi man lang tiningnan sariling ginagawa.

Pwede bang tigilan mo na?
Husga ka ng husga
Pakibuksan naman ng mata mo
Para makita mo ang kabutihang ginagawa sayo ng tao.

Tigilan na ang paghuhusga
Kung hindi mo naman alam ang istorya.
Dahil wala ka namang karapatan
Para siya'y hatulan.

Kaya please lang, tigilan mo na.
Humingi ng tulong sa Ama
Para baguhin ka,
Sapagkat kung paano mo hatulan ang isang tao
Ganun din ang babalik sayo.

May oras ka pa para magbago
Tama na ang paghusga sa tao
Dahil pare-pareho lang naman tayong,
Mga makasalanan dito.

Tanging Diyos lamang ang kailangan natin dito,
Kaya ngayon palang humingi ka na ng kapatawaran sa mga kasalanan mo
Siya lamang ang pwedeng humatol sa atin dito
Ang Diyos, at hindi ang katulad mong tao.

Sapagkat Siya lamang
Ang Diyos lamang
Ang natatanging husgado.

Ang husgado ng tao.

---

Kishika;

Please stop judging other people, iba-iba ang story nating lahat. Just pray for them, at tulungan natin yung sarili natin para mag-bago. Kasama si God. Kasi sa dulo, ang Diyos lamang yung magiging judge natin. Kaya go, confess mo na lahat ng sins mo sa kanya. Accept him in your life. Hinding-hindi ka magsisi. Everrr!

Ang Diyos lamang ang tanging husgado ng Tao.

You can request po ng mga tittles gagawan ko ng spoken poetry hehe, thank you!!

Comment niyo lang po yung request hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top