H A V E F A I T H
Sa isang malakas na unos
Sa bawat hampas ng alon
Ay pawang pinapakita,
Ang pagsubok na hinahaharap natin ngayon.
Tatagan mo ang 'yong pananampalataya
Hindi ka pababayaan ng ating Ama
Ibigay mo ang buong tiwala sa Kanya
At hindi mo na kailangang mangamba pa.
Bakit ka matatakot?
Kasama mo si Hesus
"He can handle all your storms."
Kumapit ka lamang sa Kanya
At hindi ka malulunod pa.
Kahit na ang hagupit ng Inang Kalikasan
Kaya niyang patigilin,
Maprotektahan ka lamang.
Kaya tatagan ang ating pananampalataya
Ibigay mo na sa Kanya ang 'yong buong tiwala
Sa bawat problema na 'yong pagdaraanan
Lumapit ka lamang sa Kanya.
Balewala ang lahat ng unos
Basta kay Cristo ka naka-focus
Magkaroon ng matatag na pananampalataya
Kailanma'y hinding-hindi ka mapapariwara.
---
Kishika's;
Have faith kay Lord. Tatagan mo yung pananampalatay mo sa kanya, kumapit ka lamang sa kanya. Hindi ka niya pababayaan.
You can request po ng nga tittles gagawan ko ng spoken hehe, thank youuu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top