F I N D I N G T R U E L O V E
Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo
Marami na akong nakakasalamuhang tao
Marami ng nakilalang nagpapatibok nitong puso ko
Ngunit bakit hindi ko parin makita yung tunay na magmamahal sa akin ng husto?
Teka nasaan ka na ba?
Matagal na kitang hinahanap ah,
Ngunit bakit ayaw mo sa akin magpakita?
Marami ng luha ang nasayang, sapagkat hindi parin kita makita.
True love, true love
Hindi ko na alam kung kaya pa bang paniwalaan
Sapagkat nung hinahanap kita,
Si Hesus ang aking nakita.
Ako'y naliligaw nung Siya'y aking nakita
Masyadong madilim ang dinaraanan
Ngunit si Hesus ang nagpaliwanag ng aking daan
Minsan ng naligaw dito sa mundo ng kawalan
Kaya ngayong ika'y nahanap na
Hinding-hindi na papakawalan.
Dati na ako naghahanap ng true love,
Ngunit hindi naman sa akin nagpapakita
Masyado akong nadadala ng damdamin
Kaya sa kung saan-saan na ako napupunta.
Kaya maraming salamat po
Dahil binuksan mo ang aking puso
Para makita yung pagmamahal mo sa akin ng husto
Pagmamahal na binabalewala ko noon.
Napapa-isip na grabe ang 'yong pagmamahal
Sapagkat parang hindi naman ako karapat-dapat
Ngunit pinili mo parin ako sa kabila ng kasalanan
Maraming salamat po Hesus,
Sa pagmamahal mo sa akin hanggang sa walang hanggan.
Sa ilang taon kong mabubuhay sa mundo
Ngayon lamang ako nakaranas ng ganito
Grabe yung pagmamahal na pinadarama mo
Kaya kailanman hindi ako magsisi na ikaw ang pinili ko.
----
Kishika's;
'Yung naghahanap ka ng true love, pero si Jesus yung nahanap mo. Mas best pa sa lahat ng best.
You can request tittles po, susubukan kong gawan ng spoken poetry hehe. Thank you so muchhh. Have a blessed day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top