Part 1
Copyright © Jay-c de Lente
Cover: photos/digitalArt by © Jay-c de Lente
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author/publisher except for the use of brief quotations in a book review.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Pagbabalik sa Daop (Short Story)
Bakasyon sa Daop Sequel
PART 1
Muling gumalaw si Arlo sa kutsong kama. Hindi siya makatulog. Pagod ang katawan niya dahil sa flight kanina, subalit mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kanyang mga negative at dreadful thoughts; o dahil sa sumusuot na lamig sa kanyang kalamnan, tila nagpapahiwatig kung gaano kapanganib ang maaaring mangyari.
Kinapa niya sa side table ang kanyang cell phone at binuksan iyon upang silipin ang oras. Napailing siya. Alas-kuwatro na ng madaling-araw at umaambon. At nang lingunin niya ang katabing bintana ng kinaroroonan niyang guest room, wala siyang makita sa labas kundi puro dilim. Kahit buwan at mga bituin ay hindi man lang sumilip, wari'y ramdam din ng mga ito ang kakaibang ere sa palibot. Maging siya, pakiramdam niya ay may nagmamasid sa labas ng bintana. Nakatutok sa kanya, nag-aantay, tumitiyempo.
SWOOSH!
Napayuko si Arlo! Naipikit ang kaliwang mata. Napuwing siya dahil sa biglaang pagbayo ng malakas na hangin. Hanging mas malamig pa kesa sa temperatura ng paligid. Sa tindi ng ihip, kahit ang malalaking sanga ng katabing puno ay umugoy at lumangitngit. Kasunod noon, dinig niya ang mga pagaspas ng pakpak ng tila higanteng ibon.
Amulun! hiyaw ng isipan niya.
Kumabog agad ang kanyang dibdib! Pati pintig sa kanyang leeg ay tila naririnig niya dahil sa tindi ng kaba. Isa-isang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok hanggang sa anit sa ulo; habang ang mga mata ay dilat na dilat, may hinahanap sa kawalan sa labas ng bintana, pilit na inaaninag ang pinagmulan ng pagaspas. Alam na alam niya sa sarili kung ano ang mga iyon: mga higanteng pakpak! Katulad sa paniki. Mga pakpak na may-sanhi ng mabuhawing paghangin.
Mabilis na dinaklot ni Arlo ang pang-hiking niyang backpack. Kanina pa niya iyon nai-ready. Mabilis din niyang tinunton ang hagdanan pababa ng ancestral house ng kanyang Lola Pilar habang isinusuot ang raincoat. Dinig niyang nagising ang ilan sa mga relatives niya dahil sa kalabog na kanyang ginawa.
Sa labas, gamit ang flashlight, nilapitan niya ang garahe sa gilid ng ancestral house. Naroroon ang dalawang mountain bikes na ginamit niya at ng pinsang lalaking si Eli noong huling punta niya roon sa Sitio Daop. Two years ago iyon. Beynte singko anyos sila pareho at araw ng pista ng nasabing sitio.
Nakaramdam agad si Arlo ng pag-iinit at panunubig sa gilid ng mga mata. Pinigilan niya iyon at humugot nang malalim na hininga. 'Wag kang mag-alala, 'insan... Hahanap ako ng paraan.
Mula sa likuran, marahang lumapat sa balikat niya ang isang palad ni Lola Pilar. Nagising din ito sa kalabog na nagawa niya at natunton siya roon sa garahe. "Donde tu anda?" anito sa wikang Chavacano, ang lengguwahe ng mga Zamboangueños. "Bien escuro pa." Sa'n ka pupunta? Napakadilim pa.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top