Huling Salita Ng May Akda

• Paano kaya kung?

Paano kaya kung hindi talaga makatawid sa kabilang buhay o maka-akyat sa langit ang mga mahal mo sa buhay na pumanaw dahil hindi mo sila mapakawalan? Dahil hindi mo matanggap ang kanilang kamatayan?
Baka andiyan lang sila sa paligid mo na nararamdaman ang mga hinanakit mo dahil sa pagkawala nila kaya hindi rin sila matahimik.
Alam kong mahirap at masakit ang mawalan ng taong mahal mo dahil kahit ako nga na isang malapit na kaibigan lang at hindi talaga kapamilya ang nawala ay sobrang nasaktan na at hanggang ngayon nahihirapan pa ring tanggapin ang nangyari.
Pero baka kailangan mo nang mag-move on, baka kailangan na nating tanggapin na di na natin sila sa kasama sa mundong ito, para maka-move on na rin sila sa kabilang buhay. Para makapunta  na sila sa mas masaya at mapayapang lugar, sa talagang tahanan natin, sa piling ng ating Poong Maykapal.

"Tayong lahat ay mga dayuhan at pansamantalang naninirahan sa mundong ito." 1 Pedro 2:11

• Paano kaya kung?

Paano kaya kung dahil ninanais mong mamatay na at dahil nawalan ka ng pananampalataya sa Diyos ay naging lapitin ka ng masasamang elemento lalo na ng Diyablo?
Tandaan mo na ang ating buhay ay isang magandang kaloob mula sa Diyos. Kaya naman kung ninanais mong wakasan na ito, para mo na ring tinanggihan ang regalong ito ng Diyos.
Samantalang kung ikaw naman ay nawalan ng pananampalataya sa Diyos nangangahulugan ito na hindi ka na sa Kaniya, at kung hindi ka na sa Kaniya, ikaw ay panig na sa kumakalaban sa Kaniya, na walang iba kundi ang Diyablo.

"Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan." Santiago 1 : 17

"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin." Mateo 12 : 30

"Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila." 1 Pedro 5:8

• Napagtanto mo ba?

Napagtanto mo ba ang aral na nais kong iparating tungkol sa kapangyarihang nagagawa ng pagmamahal sa pamilya at pananampalataya sa Diyos?
Nawa napulot mo ang dalawang napakahalagang aral na ito na siyang mensahe ng "Pagbabalik Ni Angela."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top