I

Disclaimer: All names, characters, events, and places are entirely fictional. Any similarity to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME! TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL AHEAD.


***

Ako si Harrietta, masasabi kong isa na akong patapong babae dahil wala ng kwenta ang buhay ko.

Magulo, maingay, walang pag-asa, kahihiyan, at kung ano-ano pa. Lahat na yata ng mga negatibong bagay ay nasa akin na.

Walang-wala na akong ganang mabuhay. Inayawan na ako ng lahat dahil sa usap-usapang iskandalong ginawa ko. Itinakwil na ako ng pamilyang akala ko, tatanggapin ako ng buong-buo ngunit kahit sila ay kinamumuhian ako.

Napakagulo na ng buhay ko. Gusto ko na lamang magpakamatay. Dahil ano pa bang silbi ko? Lahat ng matang nakatingin sa'kin, parang gusto na akong patayin kailanman nila gustuhin.

Kulang na lamang magpalaboy-laboy ako sa kalsada dahil palipat-lipat ako ng tirahan dahil kahit saan ako magpunta, hinahabol pa rin nila ako. Wala ng katahimikan ang buhay ko.

Nakapagdesisyon na ako, buo na ang mga plano ko. Buo na ang loob kong tapusin na lamang ang buhay ko.

Tumingala ako at saka inilibot ang aking paningin sa paligid. Isang abandunadong gusali agad ang s'yang nakaagaw ng aking pansin. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa lugar na iyon. Nang marating ko ang hagdan nito, marahan kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa tuktok nito. Nakayuko lamang ako hanggang sa magsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa paninikip na nararamdaman ko marahil ay dala ng aking pag-iyak.

Dahil sa isang pagkakamaling hindi ko naman ginawa, nagbago ang tingin ng lahat sa akin. Sino nga ba naman ako para magkaroon ng kapangyarihang gaya nila? Na kayang-kayang baliktarin ang mga pangyayari.

Kung tutuusin, ako ang agrabyado dito e, pero dahil sa letseng kapangyarihan na 'yan, ako ang naghihirap ngayon.

Malapit na ako sa railings ng rooftop na ito. Konting tiis na lang Harrietta, magpapahinga ka na. Matatapos na ang lahat ng paghihirap mo.

Pum'westo na ako sa railings, dinamdam ang sariwang simoy ng hangin. Ito na ang huling pagkatataong maaamoy ko ang napakasariwang hangin dito sa mundong ibabaw. Ito na ang huling sandaling masisilayan ko ang lahat.

Maya-maya pa'y, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Mukhang sinasabayan nito ang aking mga pagdurusa ngayon.

Handa na akong mamatay. Paalam na sa inyong lahat.

Dahan-dahan kong inihakbang ang kanang paa ko sa ere hanggang sa mawalan na ako ng balanse. Ngumiti ako ng napakatamis. Sa wakas, malaya na ako sa sakit, malaya na ako sa lahat.

Pumikit na ako at hinihintay ang aking paglagpak kung saan ako'y nararapat. Ngunit nagtataka ako dahil hindi ko pa nararamdaman ang matigas na bagay sa aking katawan.

Anong nangyayari? Hindi ba dapat ay mamamatay na ako?

Minulat ko ang aking mga mata at isang lalaki ang aking nasilayan. Hingal na hingal at pawis na pawis s'ya habang mahigpit na nakahawak sa aking pulsuhan. Hindi ko naramdaman ang paghawak n'yang iyon sa akin dala ng sakit na bumalot sa aking buong sistema.

Ang ipinagtataka ko rin ay kung paano agad s'ya nakapunta sa tuktok na ito gayong medyo may kataasan ang gusaling ito.

"Kumapit ka lang, Miss!"

"Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko rito.

"Huwag ka ngang malikot! Iaakyat kita, kumapit ka lang, okay?"

"Gusto ko ng mamatay," mahinang sambit ko kasabay nito ay ang muli na namang pagtulo ng mga luha ko.

"Wala na akong pag-asang mabuhay."

"Inayawan na ako ng lahat."

"Ako hindi." Natigilan ako at tiningnan s'ya. Nakangiti s'ya sa'kin, ngiting banayad na para bang tanggap n'ya ang lahat sa akin. Napatulala ako sa kan'ya at lalong lumakas ang aking paghagulhol.

Namalayan ko na lamang na naiakyat n'ya na ako mula sa railings at inalalayan akong makaupo.

Ipinatong n'ya sa balikat ko ang suot n'yang coat.

"Huwag ka nang magtanong kung bakit mabilis akong nakapunta rito. Kanina pa ako naririto at gaya mo, may problema rin ako pero hindi umabot sa puntong tatapusin ko ang buhay ko," saad n'ya.

"Bakit mo pa ako niligtas?" Binalingin ko ito at naghihintay ng sagot.

"Alangan namang hayaan kitang mamatay d'yan. Isa pa, ako ang nakakita sa'yo, hindi naman 'yon kaya ng konsensiya ko."

"Alam mo naman, 'di ba?" Muli akong tumingin sa kan'ya.

"Na ano? Na pinatay mo ang isa sa mga pinakamayayamang tao sa mundo na pinagsilbihan mo? Na pagkatapos ng lahat ng ginawa nilang mabuti sa'yo, gagantihan mo sila ng gano'n? Na isa kang murderer? Shameless? At kung ano-ano pa?" salita nito.

"Hindi ako naniniwalang ginawa mo 'yon dahil nando'n ako nang mangyari ang lahat ng 'yon," seryosong saad nito. Nanlaki ang mga mata ko sa aking mga narinig mula sa kan'ya.

"S-seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" Tumango lamang ito bilang sagot.

"Tutulungan kita."

Oo, tama s'ya, pinagbintangan akong pumatay sa isang napakayaman at napakasikat na tao sa mundong ibabaw na ito na halos lahat naman ng 'yon ay walang katotohanan. Ngunit hindi ko aakalaing may isang tao pa palang natitira na s'yang tatanggap sa'kin. How blessed and lucky I am.

Nang dahil sa kan'ya, parang nagkaroon ulit ako ng ganang mabuhay. Medyo nagkaroon ako ng pag-asang maipagtanggol naman ang sarili ko dahil sa tingin ko, makahanap ako ng kakampi, ng takbuhan. Ngunit natatakot ako para sa kan'ya, para sa aming dalawa dahil delikado ang kinakalaban naming tao. Kaya nga, mas pinili ko na lamang manahimik at 'wag nang makihalubilo pa sa mga taong nasa paligid ko dahil parang halos lahat sila ay kontrolado na ng taong iyon. Totoo nga, yaman pa rin ang s'yang mananaig sa balat ng lupa.

Muling nanumbalik sa akin ang lahat ng mga kahirapang pinagdaanan ko sa kamay ng mga taong iyon.

-Flashback-

Wala akong ibang choice ng mga pahanong yaon kundi ang magtrabaho sa kanila. Baon na baon na kami sa utang. Ako na lamang ang inaasahan ng pamilya ko, ang dalawa kong kapatid ay mga musmos pa lamang. Ang Nanay ay nalumpo na kaya wala na s'yang kakayahang magtrabaho pa, ang Tatay naman ay sumama na sa ibang babae. Kaya naman napilitan na akong magtrabaho sa kanila bilang tagasilbi kahit na labag sa aking kalooban. Sino nga ba namang hindi susunggaban ang malaking oportunidad na iyon gayong malaki ang kikitain ko sa isang buwan, 'di ba? At isa pa, gagawin ko ito para sa aking pamilya, hindi para sa aking sarili. Handa akong isakripisyo ang lahat, maibigay ko lamang ang mga pangangailangan nila.

Sa una, oo napakagandang magtrabaho sa kanila dahil talagang malaki ang aking sinasahod. Hindi ko alam kung bakit gano'n pero sumasahod ako ng 50, 000 pesos a month gayong tagasilbi lang naman ang gawain ko. Sabagay, barya lang naman para sa kanila ang papel kung kaya't ganito ang alok nila.

Nang dahil do'n, naiangat ko ang pamilya ko sa kahirapan. Nabigyan ko sina Nanay at ang mga kapatid ko ng bagong bahay at ako na rin ang nagpaaral sa mga kapatid ko. Napakagandang buhay na mayroon ako hindi ba?

Ngunit bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin, ang pinagsisilbihan kong si Don Emilio ay natagpuan na lamang na nakahandusay sa loob ng kanyang silid at wala ng buhay. Punong-puno ng dugo ang kan'yang buong silid.

Maski ang mga pader nito ay puro lamat ng dugo. Kahit saang anggulong tingnan, puro dugo. Halos maduwal at himatayin ang mga kasama ko. Tadtad ng saksak ang buong katawan ni Don Emilio at durog na durog na ang mukha nito na halos hindi na makilala. Halatang galit na galit ang taong may gawa nito sa kan'ya.

Nag-iiyakan ang mga kasama ko rito habang ang iba naman ay wala lamang emosyon.

"Kilala ko ang pumatay sa kan'ya!" sigaw ng isa sa mga katiwala rito.

Agad namang nakaagaw ng atensiyon ang sinabi n'yang iyon.

"Sino?"

"Si Harrietta!" Kasabay ang pagturo nito sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa maling bintang na iyon.

"Teka, paano ka naman nakasisigurong s'ya nga ang pumatay?" tanong ng isa.

"Dahil bukod tanging s'ya lamang ang nakapapasok sa k'warto ni Don Emilio. S'ya lamang ang pinahihintulutang pumasok dito. Matanda na si Don Emilio at malakas si Harrietta kumpara sa kanya. Isa pa, bago s'ya pumasok sa silid ni Don Emilio kanina ay nakita ko s'yang may hawak na kutsilyo. Hindi ba, Harrietta?"

"Hindi, mali ang iniisip n'yo!" Sinubukan kong magpaliwanag ngunit para bang napaka-makapangyarihan n'yang tao gayong isa lamang s'yang katiwala rito. S'ya ang pinakinggan ng lahat.

"Mamatay tao ka, Harrietta! Pagkatapos ng lahat ng ginawang kabutihan sa'yo ng aking ama ganyan lamang ang iyong gagawin! Ipakukulong kita!" galit na sigaw sa'kin ni Señorita Donnabelle.

"Hindi, mali kayo! Mali ang mga sinabi n'ya! Please maniwala kayo sa'kin!"

"Makukulong ka!" gatong pa ng isa. Bigla naman akong nag-hysterical kaya agad akong tumakbo palabas ng kanilang palasyo.

Takbo lamang ako nang takbo, ang nasa isip ko'y makatakas ako rito dahil hindi ako pwedeng makulong dahil wala naman akong kasalanan!

Wala! Wala akong kasalanan!

Makaraan ang tatlong araw ay umuwi ako sa bahay. Ang akala kong pamilyang dudulog sa akin ay maaasahan ko, ngunit nagkamali ako.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito! Pagkatapos ng kahihiyang ginawa mo, may lakas ka pa ng loob na pumunta rito! Lumayas ka! Wala akong anak na mamamatay tao!" Iyan ang masasakit na salitang binitiwan ng aking ina.

Tiningnan ko ang mga nag-iiyakan kong mga kapatid. Wala pa silang muwang sa mga nangyayari pero nalulungkot sila kung bakit ito ginagawa sa akin ni Nanay. Maiintindihan n'yo rin balang araw.

-End of flashback-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top