HIWAGA KABANATA 9
[Kabanata 9 - Pangalan]
"NAGDADALANG tao si Luisa!" Gulat na sigaw ni inay matapos lapitan si Luisa at hawakan ang pulso nito, noong una ay napatigil si inay at hinawakan naman ang panga ni Luisa.
After no'n ay nagulat na sya at inanounce sa amin ang napansin nya. "P-po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luisa at napahawak sa kanyang tiyan, nanlaki ang mga mata ko. My gosh, disappointed ba sya?
"Kay bilis ng pintig ng iyong pulso," nabibiglang tugon ni inay sa tanong ni Luisa, napatingin ako kay Leticia at itay at tulad ko ay laglag din ang panga nila.
"Po? May asawa na ba si ate Luisa para magkaro'n ng anak?" Walang kaalam-alam na tanong ko. Mas matured ang mukha ni Luisa kumpara sa amin ni Leticia at feeling ko ay 26 or 27 na sya, pwede na rin para magkaro'n ng anak.
"Susmaryosep, Liling! Pati ba naman ang pagkakaroon ng asawa ni Luisa ay hindi mo alam? Dalawampu't pitong taong gulang na ang ate mo at hindi rin ako makapaniwalang bibiyayaan pa sya ng anak ng ating panginoon," saad ni inay at sa pagkakataong ito ay naging emosyonal na sya, napahawak ako sa tapat ng aking puso. G na g talaga sila sa akin.
My gosh naman kasi, hindi ako informed na may asawa na pala si Luisa at 27 years old na sya. Napatingin ako sa kanilang lahat at emosyonal na sila ngayon maliban sa akin pero dahil isa yata 'tong work shop legend ay umarte na lang din akong emosyonal.
"H-hindi ako makapaniwalang magkakaroon pa ako ng anak sa kabila ng ilang taon kong pag-aakala na hindi ako maaaring magkaroon niyon," nangingilid ang luhang saad ni Luisa, unti-unti kong nang na-gets kung bakit sila emosyonal ngayon.
Na-touch din tuloy ang puso ko, marahil ay matagal na itong hinihintay ni Luisa at sa wakas ay nangyari na nga. Tuluyang bumuhos ang luha nya nang yakapin sya ni inay, itay, at Leticia.
Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan sila. Kahit mahirap ang buhay nila, ayos lang 'yon dahil ang mahalaga ay magkakasama. Mga bagay na hindi ko makita sa totoo kong mundo.
Akala ko ay sila lang ang magyayakap dahil sila lang naman talaga ang magkakapamilya pero napatigil ako nang sulyapan ako ni Luisa at emosyonal na itinaas ang kanyang kamay na nasa likod ni Leticia bilang pagsenyas na yakapin ko rin sya.
Napangiti muli ako at naglakad payapak sa kanila, ito ang pinapangarap kong pamilya. Nauwi na sa group hug ang kaninang maling anouncement ko na nalason si Luisa dahil nagsuka sya. May bata na pala sa sinapupunan nya, na-stress ako ng slight do'n ah? My gawd!
SINUNDAN ko ng tingin ang isang matangkad na lalaki na tumakbo papalapit kay Luisa at nagyakap sila, bigla akong na-bitter pero dahil ate ko naman si Luisa ay inalis ko na 'yon.
Pinoy na pinoy ang tindig ng asawa nya at masasabi kong ang cute nya, crush ko na sana pero dahil asawa na sya ni Luisa ay 'wag na lang din.
Maaliwalas ang kapaligiran, nandito kami ngayon sa labas ng aming bahay para magchismisan. Char!
"Mahal, magandang hapon. Ipinatawag ako ni itay sa palaisdaan dahil may mahalaga ka raw sasabihin sa akin?" Nakangiting tanong nya, napatingin ako kay Leticia na katabi ko ngayon at napangiti sya ng malawak.
Kinikilig yata sya, habang ako naman ay napasimangot. Mahal? Ang corny naman ng call sign nila, pero mas corny naman ang babe. Pati honey? Baby? Honey bunny? Nugget? Boo? Butter? Sugar? Cream? Ang corny n'yong lahat!
"Hulaan mo kung ano iyon?" Nakangiting tanong ni Luisa, kitang-kita ko ngayon ang kislap sa mga mata nila at mukhang genuine na genuine ang love nila for each other. Sana all.
"Ako ay pinapakaba mo mahal ko," nakangiting saad ng asawa ni Luisa at natawa, napatingin ako kay inay at itay na nakangiti ring pinapanood ngayon sina Luisa tulad namin ni Leticia. Mga chismosa lang, hehe.
"Ate ganda, ano nga bang pangalan ng asawa ni Luisa? Ano kasi eh, parang nakalimutan ko... Alam mo na... My head is injured pa," tanong ko kay Leticia at nginitian sya ng malawak, nang liningon nya ako ay napasimangot sya dahil naistorbo ko sya sa kilig na nararamdaman nya ngayon para kay Luisa.
Naku talaga, kung alam nya lang kung gaano kapabigat ng love life sa buhay. Gusto ko sana iyong isigaw sa kanya para matauhan sya pero ayoko rin dahil baka sabihin nila na wala akong galang, andami talagang offensive sa panahong 'to.
"Alvino," mabilis na sagot ni Leticia at agad na ibinalik ang tingin sa harap upang masubaybayan ang love story nina Luisa at Alvino. Alam ko na agad ang magiging pangalan ng anak nila, Luisalvino.
"Magiging isa ka ng ama..." Bumalik ang tingin ko sa harap nang marinig ang boses ni Luisa at sabihin 'yon, tila naistatwa si Alvino sa kanyang kinatatayuan at hindi makapaniwala sa sinabi ni Luisa.
Ilang sandali pa ay namutawi na ang emosyon sa mga mata ni Alvino at mabilis na niyakap si Luisa, nakatapat sa amin si Luisa at emosyonal ang ngiti kaming tinignan. Napangiti ako.
Kung nasa modern world kami, malamang ay sila 'yong mga nakikita ko sa facebook na nagpuputukan ng lobo para sa gender reveal ng anak nila.
Napatingin ako sa isang mag-asawa na lumapit kina inay at dinala ata ang buong angkan nila, nakipag-meet and greet ang mag-asawa kay inay at itay habang ang apat nilang anak ay nagmano. Mga bata, hindi ako ganoong kahilig sa bata. Ay, mahilig pala! Mahilig pagtripan.
May munting mga handa sa loob at doon sila nagpuntahan, hinawakan ni Leticia ang kamay ko. "Anong gusto mo?" Tanong nya sa akin, nagtaka ako.
"Bakit? Kukuhanan mo ako?" Hirit ko, natawa naman sya at tumango na lang.
"Basta. 'Yong mga pagkain na kukuhanin mo, ayon din ang akin. Maraming salamat talaga sa napakaganda kong kapatid," nakangiting pang-uuto ko na may halong katotohanan dahil maganda naman talaga sya, natawa si Leticia at napailing bago tumayo at pumasok sa loob.
Napatingin ako kay Luisa na ka-holding-hands ang asawa nya at tinutugunan ang mga bati ng mga marites dito sa street namin, nabati ko na sya kanina sa likod ng bahay kubo at no problem na ako r'yan.
Grabe, hindi ko ma-imagine ang sarili kong buntis at kasama ang future husband ko tulad nina Luisa ngayon. Huwag na lang. Habang iniisip 'yon ay natauhan ako nang may tumabi sa aking batang lalaki na ang taba ng pisngi pero kinulang naman sa katawan, nagtatanong kong tinignan ang 7 years old na 'to.
"Pwede po paupo?" Tanong nya kahit nakaupo na naman sya, hindi ko alam kung seryoso ba sya o nagbibiro. Nginitian ko na lang sya.
Magsasalita na sana ako pero lumapit sa amin ang isang matandang babae na kaedad lang ni mother earth. "Hija, pakibantayan muna itong si Tonyo. Kukuha lang ako ng pagkain," utos nya sa akin at umalis na sa harapan ko, muli akong napahawak sa tapat ng aking puso.
Nagtapos ako ng pag-aaral tapos gagawin lang akong utusan sa panahong 'to? Wow talaga!
"Hoy, bata. Manahimik ka lang d'yan," nakasimangot na saad ko sa kanya at tinalikuran na sya, katabi ko sya sa ngayon sa mahabang wooden chair at hindi pa umaabot sa sahig ang paa nya dahil maliit lang sya.
"Kapag naging isa na po akong sundalo tulad ni heneral Leviano, babarilin kita." Gulat akong nagbalik ng tingin sa kanya dahil sa death threat nya. Aba!
"Ano kamo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, ang bata-bata pa lang ng batang 'to pero marunong na agad magbanta ng buhay. Ayan ba ang itinuturo ng mga heneral dito?
"Nang pagmamahal," pagpapatuloy nya at nginitian ako ng malawak, dahan-dahang nawala ang pagkakakunot ng noo ko at natawa nang kindatan nya ako ng paulit-ulit.
"Love na kita dahil d'yan. Apir!" Nakangiting saad ko sa kanya at itinaas ang aking kamay para makipag-apir, tulad ng inaasahan ay nagtaka sya. Hindi pa pala uso ang apir dito.
Kinuha ko ang maliit nyang kamay at itinama 'yon sa palad ko, namangha sya. "A-apir?" Namamanghang tanong nya, taas noo ko syang nginitian at tumango. Isa ito sa mga steps para maging pambihirang binibini ka.
"Sya nga po pala, ate Liling. Maliban po kay heneral Leviano ay may isa pa po akong nakilalang ginoo kagabi po at gusto ko ring maging sya," nakangiting pagkekwento ni Tonyo na tila matagal na kaming close, kung sa bagay ay matagal na nyang kakilala at kapamilya si Liliana.
Papalubog na ang araw, hindi ko mapigilang kurutin kanyang pisngi dahil ang cute nya talaga at maging ang dimples nya. "Sino?" Tanong ko naman para hindi nya isipin na wala akong pakielam sa sinasabi nya.
"Si ginoong Yuan po," magalang na sagot nya na ikinatigil ko, nabitawan ko na ang pisngi nya at napalunok. Makikita ko na naman ang lalaking 'yon bukas, sana ay maging ang cellphone ko.
"May nabanggit po syang pangalan tulad ni heneral Leviano," share nya ulit, delikadong magkwento sa batang 'to dahil lahat ay ibinabahagi nya pero sa ngayon ay advantage 'to sa 'kin.
"Ano?" Interesadong tanong ko, baka sa pagkakataong ito ay may malaman na ako tungkol sa likod ng malamig nyang sya.
Ngunit napatigil ako nang itinuro nya ako at banggitin ang pangalang hindi ko naman pagmamay-ari ngunit sa mundong 'to ay oo. "Liliana..."
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top