HIWAGA KABANATA 8

[Kabanata 8 - Maling Balita]

SABAY kaming naglalakad ngayon ni Leticia sa gilid ng kalsada, araw ng linggo at ayon sa kanya ay araw na ng aming pag-uwi. Napatingin ako sa malawak na garden na madadaanan namin ngayon, hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda at kulay ng mga bulaklak doon.

"Liliana, iyong nakaligtaan na yata ang kasalanan mo." Napatingin ako kay Leticia nang magsalita sya, sya ang dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap namin ni Yuan kahapon.

Bigla syang dumating at mabilis na nagpaalam kay Yuan bago ako hatakin paalis, naiwan sa sahig ang cellphone at picture ko. Tanging ang 1x1 lang ang nadala ko at malamang, sa kanya napunta ang mga naiwan ko. Mas okay na rin 'yon, kaysa naman 1x1 ang nakuha nya.

Mukhang masaya si Leticia kagabi at nagkwento sa akin ng love life nya, hindi ko 'yon masyado maintindihan dahil lumutang ang isip ko kay Yuan. Nasa kanya ang tanging bagay na nagpapaalala sa akin kung sino nga ba ako. Kailangan ko 'yong mabawi sa kanya, baka mamaya ay angkinin na nya.

"Huh? Anong kasalanan?" Naguguluhang tanong ko, ang bait-bait ko sa hacienda Enriquez tapos bigla na lang akong magkakaro'n ng kasalanan. Ano kaya 'yon?

"Sinagot mo si Doña Violeta noong nakaraang araw. Mabuti nga at hindi sya nagalit sa iyo," pag-iinform nya sa akin ng kasalanang hindi naman big deal sa akin pero sa kanila ay oo, napahinga na lang ako ng malalim at tumango.

"Kapag nalaman ni ate Maria Luisa ang iyong pagsagot, malamang ay pagagalitan ka no'n. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman isusumbong ang bunso kong kapatid," saad nya at nginitian ako ng mahinahon, napangiti rin ako.

Kumpara kay Leticia ay mukhang mas strict ang panganay sa magkakapatid na si Maria Luisa pala. Calm lang talaga si Leticia, mabuti na lang at sya ang kasama ko sa pagiging kasambahay. Hindi naman sa unfair ako pero sya ang paborito ko ngayon sa family tree namin.

Pagliko namin ay nakarating na kami sa barrio Kalinaw, sabi ni Leticia ay 'yon daw ang pangalan ng barrio namin. Narealize ko na nasa isang bayan pala kami, malamang. Alangan namang nasa mars?

"Mga anak!" Sabay kaming napatingin kay inay Mia nang tawagin nya kami mula sa 'di kalayuan, mukhang hinihintay nya kami sa kanto ng kalye namin.

Napangiti ako matapos makita ang nanay-nanayan ko. Ito ang masayang part na gusto ko sa mundong 'to, may nanay ako. Naglakad si Leticia papalapit kay inay at dahil hawak nya ang kamay ko ay napasama ako, nang tuluyang mamalapit ay nag-group-hug kami.

Napangiti ako ng kaonti habang yakap si inay, kakatwang genuine ang ngiti ko ngayon. Ilang sandali pa ay bumitaw na rin kami sa matamis na yakap na iyon, hawak ngayon ni inay ang kamay namin ni Leticia.

"Kumusta kayo?" Nakangiting tanong ni inay, ang ganda naman ng ngiti nya at ang ganda rin nya.

Kahit may katandaan na sya ay makikita pa rin ang kagandahan nya, malamang ay pinag-aagawan sya noong kabataan days nya. Katamtaman lang ang kulay ni inay, morena beauty kung maitatawag.

Base sa nakikita ko ay namana ni Leticia at Maria Luisa ang skin tone ni inay at maging ang kagandahan na rin, naiiba ang skin tone ko sa kanila dahil maputi ang balat ko. Sandali, hindi kaya ampon lang nila ako?

"Aking mga anak!" Natauhan ako at napatingin kay Tay Lucio nang tawagin nya kami ni Leticia at yakapin kami. Narealize ko na maputi ang balat ni itay at singkit, hindi kaya chinese sya?

Feeling ko naman ay sa kanya ko namana ang maputi kong balat kahit hindi ako sure kung kapamilya ko ba talaga sila, intsik and pilipino pala ang dugo ng pamilya namin.

"Leticia! Liliana!" Napatingin naman ako kay Luisa nang tawagin nya kami ay yakapin din tulad ni inay at itay, ang sweet talaga nila.

Nang bumitiw na si Luisa sa amin ay hinawakan nya ang kamay ko. "Liliana, kumusta ang buhay? Maayos pa rin ba ang paninilbihan nyo sa hacienda Enriquez gayong ang balita'y nagbalik na ang pamilya Enriquez?" Nakangiting tanong sa amin ni Luisa, nanatili akong nakatingin sa kanya at nagdadalawang isip kung oo ba ang dapat kong isagot.

Naalala ko na naman si Yuan, nababahala ako dahil wala pa naman 'yong paki sa mundo at baka iniwan lang sa sahig ang cellphone ko. Magdadabog talaga ako kapag nasira ang cellphone ko. Ayaw na ngang gumana, masisira pa.

"Oo naman. Hindi ba, Liling?" Natauhan ako nang sikuhin ako ni Leticia at ngitian ako ng malawak, parang ngayon ko lang napagmasdan ang ngiti nya. Kahawig nya pala si Gabbi Garcia.

"Uh, yes— o-oo pala," sagot kong may halong kalutangan at agad silang nginitian, nanlumo ako nang makita na naman ang pagtataka sa mukha ni Luisa. Kamukha nya na sana si Sanya Lopez kaso palagi nyang iniintindi ang mga pinagsasasabi ko.

At syempre, ako si Kylie Padilla— "Mia! Lucio!" Kekwentyonin na sana ni Luisa ang mga salitang binitawan ko pero lahat kami ay napatingin sa mag-asawang kaedad lang nina inay at itay nang tawagin nila ang mga magulang namin.

"Pretonio!" Nagagalak na saad naman ni itay at nakipagyakap sya sa lalaking tumawag sa kanila ni inay, nag-group-hug na rin silang apat. Friendly pala ang mga magulang ko sa mundong 'to.

After nilang magyakap-yakap ay napatingin sa amin ang matandang babae, napangiti sya. "Kay lalaki na pala ng inyong tres marias!" Nakangiting saad nya, nagtaka ako at napatingin kay Luisa at Leticia na ngumiti lang.

Nagpatuloy na sila sa pag-uusap habang ako naman ay linapitan sina Leticia at Luisa at binulungan, mabuti na lang at magkaka-height lang kami. "Ano raw? Tres marias? Eh 'di ba ikaw lang naman ang Maria dito, ate Luisa?" Nagtatakang tanong ko, mas lalo akong nagtaka dahil nagtaka rin sila at nagkatinginan.

"Liliana, iyong nakalimutan na rin na pangalan nating tatlo iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leticia, napatigil ako. Pangalan naming tatlo 'yon?

"Oo nga, Liling. Tayong tatlo ay sina Maria Luisa, Maria Leticia, at Maria Liliana. Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo at maging ang sarili mong pangalan ay nalimutan mo na rin?" Naguguluhang tanong ni Luisa, napanganga ako.

I am Yvonne! Can be Mariella but not Liliana! My gosh, tapos may Maria pa pala! Ano ako? Sinaunang tao?

Napalunok ako at sinubukang silang ngitian, kinakabahan ako dahil nakatingin sila sa 'king dalawa ngayon at hinihintay ang aking paliwanag.

"Ah, w-wala. Experiment lang- este, nagbibiro lang ako... Oo tama," pilit ang ngiting palusot ko na mukhang hindi paniniwalaan ni Luisa dahil nag-english na naman ako, gusto ko na lang maiyak. Bakit ba kasi ang strict nya?

Tulad ng inaasahan ko ay magtatanong na sana si Luisa pero nagulat ako nang mapahawak sya sa tapat ng kanyang bibig at tila masusuka, gulat akong napatingin kay Leticia na nagulat din. Hahawakan ko na sana si Luisa para alalayan pero dali-dali syang tumakbo sa likod.

Muli akong napatingin kay Leticia nang hawakan nya ang balikat ko. "Liling, maingat mo itong sabihin kay inay at itay. Pupuntahan ko si ate Luisa, ngayon din!" Natatarantang utos sa akin ni Leticia at tumakbo papunta kay Luisa.

Napakamot ako sa aking ulo at nilingon si ama at ina na abala pa rin ngayon sa pakikipag-usap, gusto ko na lang sanang isigaw na 'Mom! Dad! Help us, nagsusuka si ate Luisa!' pero alam kong hindi naman nila ako naiintindihan.

Napalunok ako at napahinga ng malalim bago lapitan sina itay, bahala na. "Nay! Tay! Nalason po si ate Luisa!" Exaggerated na sigaw ko, dahil sa sobrang pagkataranta ay iyon na ang nasabi ko.

Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ko. "Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni inay, napakagat ako sa aking daliri. My gosh! Mali-mali ata ang pinagsasasabi ko.

"D-doon po sa likod ng kubo!" Sigaw ko muli, dali-dali namang tumakbo si inay at itay papunta sa likod ng kubo habang ang mag-asawang kausap naman nila ay nagsimulang magdasal.

Napahawak ako sa tapat ng aking bibig dahil sa maling balita na nasabi ko, tumakbo na lang din ako papunta sa likod ng kubo. Natagpuan ko roon si Luisa na nakaupo sa silyang kahoy at nakahawak sa tapat ng kanyang bibig, katabi nya naman si Leticia na nakatayo at hawak ang likod nya.

Si inay at itay naman ay napatigil at sabay akong nilingon ng nagtataka, napatingin na rin silang lahat sa akin ngayon dahil sa false information na naibigay ko. Sinubukan ko silang ngitian at nag-peace-sign. Wala pa lang nalason, guni-guni ko lang 'yon. Nakakahiya.

Nakakahiya talaga, Mariella!

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

12/08/2021,

Special update! Hindi dahil birthday ko at dahil 8 ang favorite number ko, special update dahil birthday ngayon ni Gwenaelle! <333

Maligayang kaarawan sa ating binibining nagtataglay ng katarayan, Gwenaelle Fernandez!! Happy² birthday sa ika-unang binibini ng pag-ibig serye. ♡

Nagmamahal,
Cess. (12:28 AM)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top