HIWAGA KABANATA 7

[Kabanata 7 - Kasangkapan]

LUTANG akong nagwawalis ngayon sa labas ng mansyon, umaga na at maaliwalas ang kalangitan. Winawalis ko ngayon ang mga patay na dahon na malapit lang sa malaking gate. Sa mundong 'to, palagi na ata akong lutang 24/7.

October na ba ngayon? Hindi ko alam dahil wala naman akong makitang kalendaryo sa paligid. Kailangan ko pa bang bumalik sa kwarto ni Yuan para malaman kung anong date na ngayon?

Nagtataka pa rin ako dahil month ng april noong naaksidente ako tapos pagdating ko sa mundong 'to, september na? Ang sakit talaga sa ulong mag-isip, hindi ko na sana nais pero ayaw naman tumigil ng utak ko sa kaiisip.

Umihip ang malamig na hangin na kasing lamig ng boss naming pinaglihi sa yelo. Ano kaya ang iniisip nya ngayong hinawakan nya ako na mahigpit na ipinagbabawal sa panahong 'to? Affected kaya sya or wala pa rin pakielam?

Ah, basta! Bakit ba sya ang iniisip ko ngayon? Sumasakit ang ulo ko sa kanya, eh! "Ay, peste!" Gulat akong napasigaw at napalingon sa likod ko nang may bumunggo sa akin, mas lalo akong nagulat nang makitang si Yuan 'yon at mukhang napatigil din nang makita ako.

Nanatiling walang reaksyon ang mukha nya at nakatingin lang sa akin, nakaitim na naman sya pero kahit ano namang sabihin ko ay bagay talaga 'yon sa kanya. Grabe, iniisip ko lang sya tapos biglang dumating. Napalunok ako dahil nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa. So... Ano na?

Dahil dakila akong mabait ay ako na ang nagsimula ng topic. "S-sorry, hindi ka talaga peste. Term lang 'yon," paghingi ko ng tawad kahit sya na nga 'tong nangbunggo, napakurap sya ng dalawang beses habang nakatingin lang sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at lihim na napapikit dahil nag-english na naman ako! Malamang ay magugulo na naman ang buhay ko sa kaiisip ng maaaring palusot. Naalala kong spanish person nga pala ang mga mayayamang tao rito at hindi english person tulad ko.

"Sori," malamig na pag-uulit nya sa sinabi kong 'sorry', sandali akong napangiti dahil ang cute pakinggan sa kanya pero nang humarap sa kanya ay ibinalik ko na ang normal pretty look ko.

"Alam mo, bakit ba ang cold— lamig mo? Mas nakagiginaw ka pa sa hangin," pag-iiba ko ng topic at itinaas ang aking dalawang kamay upang damhin ang hangin na ngayon ay muling umihip, mabuti na lang at nakikisabay ang hangin sa trip ko.

"Bakit tila kakaiba ka magsalita?" Ibinaba ko na ang kamay kong nakataas at nag-angat ng tingin sa kanya dahil sa tanong nya.

Napapamewang ako. "Dahil nga hindi ako tagarito, ako kaya si Mariella pero tinatawag nila akong Liliana. Hindi ko nga kayo kilala lahat, eh!" Hindi mapigilan ang sariling reklamo ko, bahala sya riyan kung maguluhan sya sa mga pinagsasasabi ko.

Nanatili syang nakatingin sa akin at tila hinihintay na mag-progress sa utak nya ang mga sinabi ko, napahinga ako ng malalim at inalis na ang tingin sa kanya. Dumistansya na ako sa kanya at nagpatuloy sa pagwawalis ng mga patay na dahon, bakit ba ang kalat dito?

"Marahil ay nababaliw ka na." Gulat akong napatingin muli sa kanya nang sabihin nya iyon, napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at matalim syang tinignan. Aba talaga!

Napailing na lang sya at akmang lalabas na ng tarangkahan pero agad ko syang pinigilan. "Hoy! Ikaw lalaki kang pinaglihi sa sama ng loob, ang gwapo mo sana kaso ang cold mo tapos ang sungit pa!" Sigaw ko sa kanya, dahan-dahan nya akong nilingon at walang reaksyong tinignan.

"Hindi ko na kasalanan pa iyon," saad nya at tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang ngumisi sya, muli na nya akong tinalikuran at wala na akong ibang nagawa pa nang tuluyan syang makaalis.

Nalaglag ang panga ko hanggang sa makarating sa aking pang-amoy ang pabango nyang sumama sa hangin at tumungo sa akin, napayakap ako sa walis tingting na hawak ko at napatulala sa tarangkahan kung saan sya umalis.

Wala naman ibang nakakakilig sa ginawa nya pero parang kiniliti ang puso ko sa paraan ng kanyang pagngisi, nakita ko pa rin ang kanyang ngiti. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong nag-iba ang reaksyon ng mukha nya. Bakit ganoon?

Ang gwapo nya!

PAPASAPIT na ang gabi, papadilim pa lang ang kalangitan pero nakikita ko na agad ang mga bituin na nagkikislapan ngayon. Nakaupo muli ako ngayon sa bench na nasa gilid lang ng mansyon, alam kong bawal umistambay ang mga kasambahay pero wala namang nakatingin so why not?

Lumulutang na naman ang isip ko, iniisip ko ngayon ang pesteng lalaki na 'yon. Kapag nakita ko talaga sya ulit, hindi ko na sya palalagpasin. Aba kasi talaga sya, hindi nya ata kilala si Mariella Yvonne Soriano. Ako lang naman ang pinaka-unique sa mundong 'to dahil mula sa lahat ay naiiba ako.

Pero syempre, char lang! Ano ako, pambihirang babae— Este, pambihirang binibini? Alam ko namang usual na babae lang ako. Pero dahil mas advance ang isip ko kaysa sa kanina, sisimulan ko na ngayong gumawa ng letters para sa lahat ng binibini out there.

Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Leticia, paggising ko kasi ay wala na sya sa bahay kubo kaya naging loner ako rito. Para ngang may galit sa akin ang mga co-kasambahay ko rito dahil lagi silang nakatingin sa akin, siguro ay dahil nahihiwagaan sila sa sobrang kagandahan ko.

Bigla akong napatingin sa suot kong baro't saya. Kung ganito ang suot ng mga babae sa 20th century, malamang ay maliligo na sila sa yelo sa sobrang init. Sa panahon naman kasi dito, hindi pa sobrang init kaya kahit mag-gown ka pa ay hindi ka naman ganoon maiinitan.

Kupas ang kulay ng suot ko, naninilaw na ang kulay ng baro habang ang saya naman ay black. Well, black naman ang favorite kong kulay kaya ayos lang sa akin. Sa tuwing nasa bahay ako, sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan, dilim ang palagi kong nasisilayan.

Tulad ng buhay ko.

Napahinga ako ng malalim at inalis na ang malungkot na vibes na nagtatangkang bumalot ngayon sa puso ko. Hindi ako pwedeng maging malungkot, nasa ibang mundo ako kaya dapat ay maging masaya lang ako.

Itinaas ko na lang ang paa ko pero nakatakip 'yon dahil sa mahaba kong saya, napatigil ako matapos marealize na ito ang suot ko noong magising ako sa mundong 'to. Hindi pa 'to nalalabhan, kinapa ko ang bulsa at napatigil ako nang may maramdaman.

Ilinusot ko ang kamay sa bulsa at kinuha ang bagay na nakapa ko roon, nanlaki ang mga mata ko at napanganga matapos makita ang cellphone ko!

Sinubukan kong buksan 'yon at pindutin ng paulit-ulit pero ayaw namang bumukas, patagal ng patagal ay nawala na ang namumuong pag-asa sa dibdib ko dahil ilang minuto ko nang sinusubukang buksan pero ayaw namang gumana.

Sayang, magkakaroon na sana ako ng ebidensya sa lahat na ako si Mariella. Ang boring din dito dahil wala namang cellphone. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at ilinagay sandali sa aking tabi ang cellphone dahil nangati ang kabila kong braso.

Matapos kamutin sandali ang braso ko, dadamputin ko na sana muli ang cellphone ko pero napatigil ako nang may kamay na kumuha roon at sya na ang nakakuha. Gulat akong nag-angat ng tingin sa lalaking 'yon at napatigil ako matapos muling makita si Yuan na syang may hawak ngayon sa puso ko— este, sa cellphone ko.

Napatayo na ako at sinubukang kuhanin ang cellphone ko sa kanya pero itinataas nya iyon at ilinalayo sa akin, dahil mas matangkad sya ay wala akong ibang nagawa kung hindi tignan sya ng masama.

"Hoy! Cellphone ka 'yan!" Kunot noong sigaw ko sa kanya, ibinaba na nya ang kamay nya at nakatalikod na pinagmamasdan ang cellphone ko. My gosh! Pinagnanasaan na nya ata ang cellphone ko.

Napatingin sya sa gilid, nakatalikod pa rin sa akin. "Ano ang Kasangkapang ito?" Tanong nya at nilingon na ako, muli na syang humarap sa akin at ipinakita ang cellphone kong hawak nya.

Mabilis ko iyong hinatak pakuha sa kanya, hindi naman sya nagulat at nanatiling nakatingin lang sa akin. Nakasimangot ko syang tinignan bago muling pagmasdan ang cellphone ko.

"Cellphone. Hindi pa ba uso 'to noon?" Tanong ko sa kanya at muli nang umupo sa bench, tinanggal ko ang phone case na plain black lang ang design. Baka may naiwan akong pera dito.

Walang ibang pera pero may isang instant film na galing polaroid, kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Pagmumukha ko lang naman ang nakalagay dito, latest picture ko ngayong taon. Selfie lang 'to at nagandahan ako sa sarili ko kaya linagay ko sa likod ng aking cellphone na malapit nang mabulok.

Napatingin ako kay Yuan nang may kuhanin sya sa paanan ko, nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak nya ang 1x1 picture ko para sa I.D sa trabaho ko!

Muli akong napatayo pero dahil nakalapag sa hita ko ang cellphone at instant film ay nahulog 'yon sa sahig, hindi ko na naintindi pa iyon dahil agad ko nang kinuha kay Yuan ang maliit na picture kung saan nakalagay ang pagmumukha ko.

Ang pangit ko dito! Maayos naman akong nagpa-picture pero pagbigay ng 1x1 ay nagmukha nang ewan, hindi rin ako nakangiti dahil required 'yon. Nanlumo akong nag-angat ng tingin kay Yuan dahil nakita na nya at wala na akong magagawa pa. Bakit ba kasi 'to nasa likod ng cellphone ko?

At bakit nandito sa mundong 'to ang kasangkapang ito?!

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top