HIWAGA KABANATA 6

[Kabanata 6 - Masaya Nga Ba?]

Sayang, crush ko na sana sya!

NAPATANGO na lang ako sa sinabi ni Leticia na may jowa na pala si Yuan. "Sabagay, sa gwapo n'yang 'yon, imposibleng wala pa syang jowa," wala sa sariling saad ko ngunit agad akong napatigil nang mapagtanto ang kahibangan sa mga sinaad ko.

Napatigil din si Leticia at gulat na nag-angat ng tingin sa akin. "Ikaw ay nabibighani sa pisikal nyang anyo?" Gulat na tanong ni Leticia, inosente naman akong tumango. Wala namang big deal do'n, 'di ba?

"Naku, Liliana. Wala sa ating lahi ang mabighani sa iba't ibang lalaki," nakangiwing saad ni Leticia at sinimulang iligpit na ang mga damit na kanyang natuyo na, nagtaka ako dahil sa sinabi nya.

Si Yuan pa lang naman ang sinasabihan ko ng gwapo sa panahong 'to, ah? Nagkibit balikat na lang ako at sinimulang ibalik na rin sa basket ang mga damit na sya na ang nagpiga, ang weird din pala minsan ni Leticia. Sinasapian din kaya sya ngayon?

GABI na, nandito ako ngayon sa labas ng mansyon ng mga Enriquez at nagsisikap na isampay ang mga damit na 'to. Ako na lang ang mag-isa ngayon sa labas, mabuti na lang at sanay na ako sa dilim at hindi na nagawang matakot pa.

Bagsak si Leticia, alam kong mahimbing syang natutulog na ngayon sa bahay kubo na pinagtutulugan naming mga kasambahay dahil sa sobrang pagod. Paano ba naman kasi, ginawa nya ang mga gawaing ako dapat ang gagawa.

Inaalala nya pa kasi ang aksidente na nangyari sa akin at lumala pa ako, sya na nga rin dapat ang magsasampay pero dahil hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko ay nagpresinta na akong ako na ang magsasampay ng mga damit.

Hindi talaga ako sanay sa gawaing bahay dahil hindi naman ako palalinis sa original world, nagtitiis lang talaga ako ngayon kahit na nangangalay na ako sa katataas ng kamay upang masampay sa lubid na lagpas ulo ko ang taas.

Masyadong mataas ang standard ng lubid na 'to na nakakabit mula sa bintana ng mansyon hanggang sa puno na katabi lang ng malaking gate ng hacienda Enriquez. Dahil feeling nya ay matangkad lang ang pwedeng magsampay, kinakailangan ko pang tumingkayad palagi para maabot sya.

Napahikab ako at kinuha ang huling damit na nasa bakol, napatigil ako matapos makilala ang coat na iyon. "Nagpakita ka na naman sa akin, may nais ka bang ipahiwatig coat ka? Nagagandahan ka sa akin, 'no?" Parang baliw na tanong ko sa coat ni Yuan at natawa, malapit ko na talagang isipin na nagkaro'n nga ng side effect ang car crash na natanggap ko.

Napahinga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kalangitan, nagkakaroon ng anino ang puno na pinagsisilungan ko ngayon dahil sa liwanag ng buwan na nagbibigay liwanag sa akin ngayon sa kabila ng madilim na kapaligiran. Kung dala ko lang cellphone ko, matagal na akong nag-flashlight.

Mabuti na lang at nand'yan ang buwan para magbigay ng liwanag sa akin, nand'yan din ang mga bituin na kumikislap para sa akin. Napangiti ako ng kaonti, sa ganitong bagay ay nagagawa kong pangitiin ang aking sarili kahit kaonti.

Nagbaba na ako ng tingin at inayos ang pagkakahawak sa abrigong 'to, 'wag ang may ari nito dahil sinigurado kong malinis at mabango na ito kapag sinuot nya muli. Napapagod akong tumingkayad muli upang isampay na sana ang abrigo ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ng balanse at pahulog mula sa likod!

Ang akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog sa sahig ngunit laking gulat ko nang may mabilis na kumapit sa magkabila kong braso upang saluhin ako, gulat kong nilingon kung sino iyon at nanlaki ang mga makita ko nang makita si Yuan na syang sumalo sa akin!

Bumalik ang aking tingin sa harapan nang maingat nya akong iangat papatayo, sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumilis ang pagkabog ng aking puso matapos ko syang lingunin muli at magtama ang aming mga mata na may kani-kaniyang ikinukubli.

Nagbaba ako ng tingin sa aking braso na hawak nya, mukhang narealize nya ang kapangahasan nya kaya agad na nyang binitawan ang magkabila kong braso at napaatras. Nanatili akong nakatulala sa kanya, totoo bang sinalo nya ako?

"Paumanhin," saad nya, napatigil ako matapos maramdaman ang lamig ng kanyang boses. Tila may ikinukubli talaga ang kanyang mga mata na nais kong malaman ngayon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko na hindi ko rin inaasahan, napatigil sya dahil sa tanong kong out of the blue pero hindi na nya ipinahalata iyon. Nanatili muling walang reaksyon ang mukha nya at nakatingin sa akin.

"Hindi mo na kailangang malaman pa," walang emosyong saad nya at tinalikuran ako, nagulat ako dahil sa kanyang sinabi at agad na napasunod sa kanya.

"Wait!" Pagpipigil ko sa kanya, napatigil kaming dalawa. Napatigil sya at dahan-dahan akong nilingon, napatigil ako dahil ang lakas pala ng pagkakasigaw ko sa kalagitnaan ng gabi!

Nanatili syang nakatingin sa akin at tila hinihintay ang sunod kong sasabihin, napalunok ako. Ano bang dapat kong sabihin? "K-kumain ka na ba?" Hindi siguradong tanong ko at sinubukan syang ngitian ngunit napapikit din ako dahil sa sobrang nakahihiyang tanong ko!

Tinignan nya lang ako at tila nangkekwestyon kung seryoso ba ako sa sinasabi ko, napatalikod ako sa kanya at napatakip sa aking bibig. Seryoso ka ba talaga sa tanong mo, Mariella?

Lilingunin ko na sana sya ngunit napatingin ako sa aming harapan nang makita si Manang Soledad at Leticia na naglakad ngayon papalapit sa amin, nang makalapit ay hinawakan ni Leticia ang kamay ko at nag-aalala akong tinignan.

"Liling, ikaw ba ang sumigaw kanina?" Nag-aalang tanong ni Leticia at napatingin kay Yuan na nakatingin lang sa sahig at tila walang pakielam, feeling ko nga ay matutulog na talaga sya dahil nakasuot sya ng pantulog at napadaan lang dito.

"U-uh..." Hindi ko na nadugtungan pa ang sinasabi ko dahil hindi ako makapag-isip ng tama. Ano ba dapat ang isagot ko? Yes or no?

"Hindi." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Yuan nang sya na ang sumagot, mula sa pagkakatingin sa sahig ay tumingin naman sya ng diretso sa mga mata ko.

Anong hindi? Bakit sya nagsinungaling? "Mabuti pang pumasok na tayo sa loob dahil mukhang mapanganib sa labas," saad ni Manang Sol na ikinatingin namin sa kanya.

"Señor Yuan, mauuna na kami. Pumasok na rin kayo sa loob," magalang na saad naman ni Manang Sol kay Yuan, dahan-dahang namutawi ang pagkailang sa aking mukha dahil nakatingin lang sya sa akin.

Isusumbong na nya ba ako? Na ako ang sumigaw kanina? Kung gagawin nya man 'yon, edi gawin nya! Isusumbong ko rin naman sya dahil hinawakan nya ang braso ko kahit na hindi naman kami mag-syota or mag-asawa. Akala nya, ha!

Nakahinga na ako ng maluwag nang mag-iwas na sya ng tingin sa akin at tumango bago dire-diretsong naglakad paalis sa aming harapan, sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang makapasok sa loob ng mansyon nya.

"Liling, hija. Tayo'y magpahinga na," rinig kong anyaya ni Mayora Soledad sa akin ngunit nanatili akong tulala sa malaking pinto ng mansyon hanggang sa hatakin na nila akong dalawa papunta sa bahay kubo na aming pagpapahingahan.

Nang makarating sa tapat ng bahay kubo ay tumigil ako kung kaya't napatigil din sina Leticia at Manang Sol, nagtatanong nila akong nilingon. "M-mauna na po kayo sa loob, susunod ako. Nais ko munang mapag-isa sandali," pagiging totoo ko, nagkatinginan silang dalawa pero sa huli ay tumango rin.

Nauna na si Manang Soledad sa loob ng bahay kubo, bago sumunod si Leticia sa kanya ay hinawakan nya muna ang kamay ko. "Ibahagi mo ang nangyari sa akin bukas, ah?" Patanong na saad nya at nginitian ako, napangiti ako ng kaonti at tumango. Chismosa rin pala ang kapatid kong 'to.

Binitawan na nya ang kamay ko at pumasok na rin sa loob ng bahay kubo. Napahinga ako ng malalim at umupo sa isang bato na maaaring maupuan, umihip ang malamig na hangin na syang dahilan upang mapayakap ako sa aking sarili.

Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan kung saan naghahari pa rin ngayon ang milyong-milyong mga bituin, wala sa sarili akong napangiti habang inaalala ang kanyang hawak at tingin sa akin.

Hindi man ako naniniwala sa pag-ibig ngunit kahit anong sabihin ko ay may parte pa rin sa aking puso na nais ding maramdaman ang salitang naghahari sa puso ng lahat.

Masaya nga ba'ng umibig?

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top