HIWAGA KABANATA 34

[Kabanata 34 - Pagsisisi]

Marso, 1881.

TAHIMIK akong buong kapaligiran. Mag-isa akong naglalakad ngayon sa gitna ng daan. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ay unti-unti nang nagbabago ang ihip ng hangin.

Sa tuwing mag-isa lang ako, parang dumidilim ang mundo. Gusto ko nang puntahan ang taong nagbibigay kislap sa buhay at mundo ko pero may mga bagay pa akong kailangang gawin ngayon.

Kay daming bagay na gumugulo ngayon sa isipan ko. Sa mga salita na binitawan ni Yuan tungkol sa kakaibang panaginip naming dalawa. Sa mga taong tila bigla na lang nagiging kahina-hinala ang mga galaw.

Pumasok bigla sa isipan ko si Anita. Simula noong naging malinaw sa amin ni Yuan kung ano kami sa isa't isa, bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Tulad kanina sa panciteria, hindi pa rin nabubura sa isipan ko hanggang ngayon ang naging pakikitungo niya sa akin kanina...

HABANG nagwawalis ay nahagip ng mga mata ko si Anita na lumabas galing kusina. Nang mapasulyap sya sa akin ay napatigil sya.

Binitawan ko muna ang walis na hawak ko at naglakad papalapit sa kaniya. Napansin ko ang biglaang pagiging mailap sa akin ni Anita. Kung dati nga ay palagi niya pa akong inaalok na tulungan, pero ngayon, hindi na nangyayari 'yon.

Nang makalapit ay hahawakan ko sana sya pero umiwas sya. "Anita, bakit ka ba nagagalit? May masama ba akong nagawa? Sabihin mo nang maitama ko," mabigat ang loob na tanong at saad ko, walang emosyon niya akong tinignan.

"Oo. Ang ginagawa mo ngayon sa kaniya ay isang malaking kasalanan," malamig na saad niya bago ako lagpasan. Habang ako naman ay napatulala na lang sa kawalan.

Ano ba ang kasalan ko sa kaniya?

At sa mga salita at panaginip naman ni Yuan, hindi ako maaaring magkamali na kamatayan niya rin ang napanaginipan niya.

Bakit gano'n ang panaginip naming dalawa? Hindi ko mapigilang maisip na kagagawan iyon ng lalaking nagpakita sa panaginip ko.

May hiwaga talagang nangyayari dahil sa una pa lang ay napunta na ako rito nang biglaan. Ngayon ay kailangan ko lang mapigilan ang nais ipahiwatig ng panaginip naming dalawa.

Hindi maaaring mamatay ang nag-iisang tao na nagbigay ng hiwaga sa buhay ko.

Nandito na ako sa kalye kung nasaan ang daungan. Umiingay na dahil sa rami ng tao sa buong kapaligiran. Ngunit sa kabila ng ingay ay hindi nagawang bumalik ng sigla ko.

Pero tila nagising bigla ang inaantok kong kaluluwa nang may malakas na bumunggo sa balikat ko. Pareho kaming muntik nang matumba pero dahil magaling ako ay hindi ako tuluyang nahulog.

Mabuti na lang at maging sya. "Aray ko naman!" Reklamo ko at napahawak sa balikat kong nabunggo niya.

Nag-angat ako ng tingin sa isang dalagang babae na sa tingin ko ay around 16 to 17 years old pa lang. May mga bagahe syang dala at mukhang out of town. Infairness, ang ganda niya. Morena beauty of her own.

Kinakabahan syang nag-angat ng tingin sa akin. "P-paumanhin po!" Natatarantang paghingi niya ng tawad, nagtataka ko syang tinignan dahil parang traumatize na syang pagalitan.

Napayakap sya sa bagaheng hawak niya. "Maging kayo po ba ay pagagalitan din ako?" Parang nagtatampo nang tanong niya, napangiti naman ako.

"Hindi, 'no! Relax ka lang sis. Mabait kaya ako," confident na sagot ko at nginitian sya ng malawak. Gusto ko namang maging maganda ang image ni Liliana.

Nakita ko nang magtaka ang mukha niya. Bago pa sya magtanong ay inunahan ko na sya. "Saan ang punta mo?" Tanong ko, inunahan ko na sya ng tanong din para mukhang friendly.

Napangiti naman sya. Napatigil ako nang makita ang lungkot sa kaniyang ngiti. "Uuwi na po ako. Aking napagtanto na mas makabubuti kung pabayaan ko na sya sa kaniyang bagong buhay at mundo," nakangiti man ngunit malungkot na sagot niya.

"Sino ang itinutukoy mo?" Tanong ko. Napahinga sya ng malalim. Ang bata-bata niya pa pero parang andami na niyang problema.

Noong 16 years old pa lang ako, palamunin lang naman ako sa bahay namin at panay cellphone. Minsan na lang utusan, grabe pa magreklamo. Narealize ko na ang sama pala ng ugali ko noon.

"Si binibining Carolina po, binibini. Sya ang aking pinagsisilbihan noon ngunit..." Napatigil sya sa pagsasalita at tila biglang naging emosyonal, napabalik ang tingin ko sa kaniya.

Muli syang napahinga ng malalim upang hindi maluha. "B-basta po, hindi na ako ang tagasilbi niya. Tila ayoko na nga pong maging tagasilbi dahil lahat ng aking pinagsisilbihan ay may mapait na kapalaran at ako'y palaging nadadamay," kwento na niya, napatulala ako dahil ang haba ng sinabi niya.

Ayoko talaga sa malungkot na topic kaya agad akong nagsimula ng bago. "Uh, ano nga pala ang pangalan mo? Ang ganda mo. May jowa-kasintahan ka na, 'no?" Nakangiting panunukso ko, sa wakas ay napangiti na rin sya.

"Ako po si Purificasion. Wala pa po akong kasintahan ngunit may lihim na nagugustuhan sa aming bayan. Sya po si Adriano-binibini, kalimutan niya na po ang pangalang sinambit ko," nabibiglang saad niya dahil mukhang nadulas sya.

Lumawak ang ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako madaldal. Pangakong sikreto natin iyon habang buhay," nakangiting saad ko at pareho kaming natawa.

Ngayon lang kami nagkakilala pero magka-vibes na agad kami. Sana kasamahan ko na lang sya sa panciteria para laging maganda ang morning ko. Sayang, dahil mukhang lilisan na sya ngayon.

"Binibini, ano nga po pala ang pangalan niyo?" Tanong niya na ikinangiti ko. Sandali ko syang pinagmasdan.

Aalis na rin naman sya sa bayan ng Santa Prinsesa. "Mariella..." Kaya ibabahagi ko na sa kaniya ang tunay kong pangalan.

Sya naman ang napangiti. "Tatandaan ko po ang pangalan niyo, binibining Mariella. Patawad ngunit mauuna na po ako. Hanggang sa muli," nakangiting saad at pamamaalam na niya.

Bigla akong nanghinayang dahil ito na pala ang una't huling pagkikita namin. Kung uso lang ang cellphone dito ay kinuha ko na ang number n'ya at nakipag-call na lang.

Tinanguhan na niya ako at nginitian ng pamamaalam bago sumama sa agos ng mga taong papanik din ngayon ng barko. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ko ang binibining si Purificasion.

Nagkamali man si Purificasion, okay lang dahil maganda naman ako at maganda rin sya. Ang mahalaga is important at ang importante ay mahalaga.

Hulaan ko ang nickname niya, Purificasiong. Char!

NANG makarating sa barrio Kalinaw ay naging mailap ako sa mga tao. Alam kong maraming nakakakilala sa pagmumukha ko dahil taga-rito si Liliana at kailangan ko munang itago ang kagandahan ko.

Hindi ako puwedeng magpakita kay inay, itay, at lalong-lalo na kay Luisa dahil baka echos-in pa nila ako pagkarating ko sa bahay nina Agustin na malapit lang sa amin.

Kailangan kong malaman ang nasa isipan ni Agustin at kung may masama man syang balak kay Yuan ay kailangan ko na syang pigilan. Ngunit paano?

Minsan, hirap pakinggan ng mga taong galit ang salitang pakiusap. At alam kong mas lalo syang magagalit sa oras na sabihin at linawin kong hiwalay na talaga kami.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakapapagod mag-isip. Gusto ko nang itigil ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Agustin pero natatakot ako na baka iyon pa ang maging dahilan upang mas lalo syang magalit sa amin ni Yuan.

Nang matanaw ang tahanan ni Agustin ay agad akong nagtago sa likod ng puno nang makita sya. Bigla akong kinabahan at tila nais nang umatras.

Lumibot ang paningin niya. Napatigil ako at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Namayat sya at namumutla sya ngayon. Tila may idinaramdam sya at nakahawak ngayon sa tapat ng puso niya.

Napahinga sya ng malalim at napatingin sa kalangitan. Nakikita ko ang lungkot na namumutawi ngayon sa mga mata niya. Umihip ang malamig na hangin at muli na syang pumasok sa loob.

Napayuko ako. Bigla tuloy akong nakunsensya sa mga desisyon kong makasarili, basta't maging masaya ako sa piling ng iba ay sinasaktan ko na pala ang damdamin ng taong labis na minamahal ng taong ginagamit ko ngayon ang pagkakakilanlan.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napapikit. Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Maaari bang bumalik muli ako sa umpisa? Nang sa gayon ay naging handa ako sa kapalarang haharapin ko pala sa mundong ito.

NAKATULALA akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada. Makulimlim ang kalangitan, tahimik ang buong kapaligiran. Marahang umiihip ang malamig na hangin.

Hindi ko na alam ngayon kung saan ba dapat pumunta. Sa labis na pagkagulo ay umalis na lang ako sa barrio Kalinaw matapos makita ang kalagayan ni Agustin.

May malubha syang karamdaman kung kaya't nalilito ako. Naguguluhan ako dahil nagdadalawang isip ako sa paghihinala.

Magagawa nga ba ni Agustin na patayin si Yuan? Gayong kitang-kita ko kanina sa mga mata ni Agustin na nahihirapan sya.

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumigil na kalesa sa harap ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kalesang 'yon, nakikilala ko ang kalesang ito. Kay Yuan.

Nag-angat ako ng tingin sa kutsero at nginitian sya. "Lolo Pepito, bakit po?" Nakangiting tanong ko, napahalakhak si Lolo Pepito dahil sa itinawag ko sa kaniya.

"Kanina pa kita hinahanap, Liling! Sumakay ka na sapagkat naghihintay na ang iyong sinta," matamis na saad ni Mang Pepito. Ang big time niya na nga, e. Kutsero na, taga-bantay pa ng napakagandang hardin!

Tumango ako at kusang sumampa sa kalesa. Hindi naman nagulat si Lolo Pepito dahil alam na niya kung gaano ako kaganda at kahiwagang babae.

Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko bago damhin ang malamig na ihip ng hangin habang umandar ang kalesa.

Sa lahat ng pagpipilian, ano man ang mangyari, pipiliin ko palaging makasama ka, aking sinta. Aking... Yuan Enriquez.

TAHIMIK akong naglakad papunta sa isang maliit na kubong sa tingin ko ay ang syang itinutukoy ni Lolo Pepito bago niya ako iwan sa hardin ng Santa Prinsesa.

Ang sabi niya, dito raw ako hinihintay ni Yuan. Hapon na, ang payapa lang ng kapaligiran at walang katao-tao sa loob dahil ayon kay Lolo Pepito ay pansamantalang ipinasara ni Yuan ang hardin dahil gusto niya.

Ang lalaki talagang 'yon, desisyon. "Yuan? Nasa-" hindi ko na natapos ang patanong na pagtawag ko dahil nakita ko na sya.

Nakaupo sya ngayon sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy na nasa tapat lang ng maliit na bahay kubo. Nakatango sya sa lamesang gawa rin sa kahoy at mukhang nakatulog.

Maingat akong umupo sa tabi niya at pinagmasdan sya. Kahit sa pagtulog ay ang gwapo pa rin n'ya. Tumungo na rin ako sa lamesa at ipinilig ang ulo sa kung nasaan sya.

Umihip ang malamig na hangin. Hindi pa naman matagal noong huli kaming nagkita pero na-miss ko agad sya. Grabe, sobrang attach ko na sa kaniya.

Hinawakan ko ang likod niya. Gusto ko sana syang yakapin pero ayoko namang istorbohin sya sa pagtulog kaya pinagmasdan ko na lang sya.

Ang amo ng mukha niya habang natutulog, sana ay palagi na lang payapa ang hitsura niya katulad ngayon. Sana ay maging masaya kami sa huli.

"Yuan? Huwag kang mawawala, ah? Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa tabi ko," mahina ang boses na pakiusap ko sa kaniya at hinawi ang buhok niya.

Magsasalita na muli sana ako pero nagulat ako nang pikit mata niya akong sunggaban ng yakap. Muntik na kaming mahulog dahil doon pero agad niya naman kaming ibinalik sa tamang balanse.

Napangiti ako at agad syang niyakap pabalik. "Hindi ako basta mawawala sa iyo hangga't hindi ka rin nawawala sa akin," rinig kong bulong niya sa tainga ko, napapikit ako at dinama ang init ng kaniyang yakap.

Iyan din ang sinabi niya noong nasa dalampasigan kami. Sana nga... walang lumisan sa aming dalawa at hindi namin mawala ang isa't isa.

Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na ako sa yakap naming dalawa dahil tulad ng dati ay wala naman syang balak na bitawan ako. Feel na feel niya talagang yakapin ako.

Hinawakan naman niya ang kamay ko. "Saan ka nanggaling?" Tanong niya na hindi ko inasahan, napatigil ako.

Sa tahanan ni Agustin ako nanggaling. Kapag sinabi 'yon kay Yuan, malamang ay magtatampo sya. Pero ayoko namang magsinungaling sa kaniya. Napapikit tuloy ako, palagi na lang akong nagdadalawang isip.

"Kay Agustin ba?" Gulat na napadilat ang mga mata ko matapos marinig ang katanungan niya. Paano niya nalaman?

"Pinapamanmanan mo ba ako?" Seryosong tanong ko. Kung gano'n, wala pala syang tiwala sa akin.

"Tama ang aking hinala," ngisi niya, sarkastikong paraan. Napatigil muli ako. Hinala lang pala, masyado akong guilty.

Napakagat ako sa labi ko nang bitawan niya ang kamay ko at talikuran ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, magagalit sya sa oras na malamang pinuntahan ko ang so called ex ko.

"Yuan," pagtawag ko sa kaniya at hahawakan sana ang kamay niya pero ipinatong na niya 'yon sa lamesa.

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong niya at walang emosyong tinignan ako ng diretso sa mga mata ko.

Napalunok ako at napayuko. "Sorry. Hindi ko naman sya pinuntahan dahil gusto ko sya, pinuntahan ko sya dahil kailangan kong makausap sya," paliwanag ko at napahinga ng malalim.

Muli akong nag-angat ng tingin sa walang reaksyon niyang mukha. "Nababahala kasi ako sa panaginip ko na syang... kamatayan mo. Hindi ko pa rin nalilimutan ang banta niya sa 'yo noon. Nagkaroon lang ako ng hinala na baka sya ang maaaring manakit sa 'yo."

"Gusto ko lang sanang sabihin kay Agustin na huwag na niyang ituloy kung may binabalak man syang masama. Gusto ko rin linawin na wala nang namamagitan sa aming dalawa," pagiging matapat ko at tumingin na rin ng diretso sa mga mata niya.

Unti-unting nalinawan si Yuan. Agad niyang hinawakan muli ang kamay kong kahit binitawan niya saglit ay nanatiling nakakapit sa kaniya.

"Nauunawaan ko na. Paumanhin kung nasaktan ko ang iyong loob," sinseryong paghingi niya ng tawad, nginitian ko sya ng malawak at tinusok ang tagiliran niya.

Nagulat sya dahil sa ginawa ko pero napangiti rin. Umayos sya ng upo at naglalaro akong pinagmamasdan. Nakikita ko na naman ang mapaglaro niyang ngisi.

"Nais mo ba?" Nakangising tanong niya na ikinataka ko. Nais ko raw?

"Na ano?" Slow na tanong ko. Ano ba 'to, magtatanong ng incomplete information.

"Ano-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tuluyan niya akong kilitiin sa tagiliran. Napasigaw ako dahil malakas ang kiliti ko!

"Yuan!" Sigaw ko sa pangalan niya at sinubukang gantihan sya pero nanghina ako sa katatawa.

"Kapag ako talaga nakatakas dito, kikilitiin ko ang magiging anak mo kahit sanggol pa lang!" Halos magwala nang sigaw ko dahil natumba na ako sa sahig sa sobrang kiliti.

Hinabol ko ang hininga ko nang bitawan na niya ako at napaupo sa sahig tulad ko. Pinunasan ko ang mata ko dahil namuo na ang luha sa mga mata ko sa sobrang tawa.

Nang mahimasmasan ay nagbalik na ako ng tingin sa katabi kong napakasama ng ugali. Gagantihan ko naman sana sya pero hindi natuloy 'yon matapos makitang nakatulala sya sa akin.

Napakagat ako sa daliri ko. May nasabi ba akong masama? Ano ba ang sinabi ko? Sineseryoso niya ba ang sinabi kong kikilitiin ko ang magiging anak niya kahit sanggol pa lang?

Natauhan ako nang umusog sya patabi sa akin. "Nais kong maging kamukha mo ang aking magiging anak," malambing na saad niya na ikinatigil ko.

Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang pisngi ko. My gosh! Ready na ba akong maging mommy? Hindi pa! Pero kung anak naman naming dalawa, sige lang.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit, napatingin kami ng diretso sa mga mata ng isa't isa.

"At mangyayari lang iyon kung pakakasalan na kita..." dagdag niya at tuluyang hinalikan ang kamay ko. Unti-unting namuo ang emosyon sa mga mata ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Sumandal ako sa balikat niya upang maitago ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. First time kong marinig 'yon sa isang tao at para sa akin. Ano kaya ang pakiramdam na maikasal sa kaniya?

Napatingin kaming dalawa sa kalangitan. Papasapit na pala ang gabi. Nakikita ko na ang pagkislap ng mga bituin sa kalangitan. Hindi talaga namamalayan ang oras sa tuwing kasama ko sya.

"Ano sa iyong palagay ang bagay na pangalan para sa ating magiging anak?" Tanong niya na ikinabalik ko ng tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin dahil sa tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin at yumakap sa braso niya bago mag-isip ng pangalan na bagay sa magiging anak naming dalawa. Mahal na mahal ko talaga sya.

Tila may bombilya na nagliwanag sa gilid ng ulo ko matapos maisip ang napakagandang pangalan na babagay sa anak namin. Nagbalik ako ng tingin sa kaniya at napakasayang tinignan.

"Yu-two," nakangiting pagsambit ko sa pangalang biglang pumasok sa aking creative mind.

Nagtataka niya akong tinignan. "Yutu?" Naguguluhang tanong niya na ikinahagalpak ko ng tawa.

"Oo! Kasi, 'di ba, ikaw si Yu-one?" Nakangising tanong ko at ipinakita sa kaniya ang isang kong daliri.

Matapos no'n ay ginawa ko 'yong dalawa. "Kaya ang anak naman natin ay si Yu-two! 'Di ba, ang ganda?!" Tuwang-tuwang tanong ko at kinindatan sya.

Napakurap naman sya ng tatlong beses, halatang hindi na-gets ang joke ko. Napasimangot tuloy ako at napatingin na lang ulit sa kalangitan.

Bigla akong napangiti nang may maisip muli. "Stella na lang pala! Ang ibig sabihin ng Stella ay bituin," nakangiting saad ko at napatango-tango.

Napangiti na sya. "Estella... Estella Enriquez," nakangiting saad niya na ikinangiti ko rin.

"Bagay na bagay," nakangiting comment ko sa pangalan ng magiging anak namin.

Hindi na mawala ang ngiti sa labi naming dalawa dahil sa saya. Patuloy ding kumikislap ang mga mata namin dahil sa napakagandang usapan namin na kay sarap isipin.

"Pero kung magiging lalaki ang anak natin, dapat Yu-two!" Suggest ko na ikinasimangot niya, natawa ako lalo na nang tumango na lang sya.

Napahinga sya ng malalim at sumandal din sa akin, sabay naming pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Sana... ganito na lang kami habang buhay.

"Nais kitang pakasalan, mahal ko..." Namuo na naman ang luha sa mga mata ko matapos marinig ang isinisigaw ng puso niya.

Pinunasan ko ang namumuo kong luha sa braso niya at patuloy na sumandal doon. Tulad ng mga bituin sa kalangitan, kumikislap ngayon ang aming mga mata dahil sa wakas ay natagpuan na namin ang hiwaga ng pag-ibig sa kabila ng mundong mapait.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na si Yuan at inalalayan akong tumayo rin. Pinaupo na niya ako sa upuan bago sya umupo rin sa tabi ko.

"Ikaw ay nagugutom na ba?" Tanong niya habang ako ay pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak pa rin hanggang ngayon.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang may matamis na ngiti sa labi. "Fifty-fifty," nakangiting sagot ko. Napapikit sya at napahawak sa labi niya.

Natawa na ako dahil sa naging reaksyon niya. Idinilat na niya ang mga mata niya at sinulyapan ako bago maglakad papasok sa loob ng bahay kubo.

Umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Hindi na matawaran pa ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa kaniya.

Makalipas lang ang ilang saglit ay nagbalik na sya at may dala-dala. Tila nagliwanag ang mukha ko matapos makita kung ano iyon.

"Mangga!" Sigaw ko at agad 'yong inagaw sa kaniya. Ilinapag ko sa lamesa ang mga mangga at maging ang mga dala niya.

Muli syang umupo sa tabi ko habang ako naman ay sinimulan nang balatan ang mangga gamit ang kutsilyo na dala niya rin.

"Naaalala ko noong namili tayo sa pamilihan at pinagdamutan ka ng iyong kapatid sa mangga na iyong nais." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita sya. Mabuti pa sya, hindi makakalimutin.

Napangiti ako. So, kaya pala binilhan niya ako ng mga mangga ngayon. "Ang mga kapatid ko talaga sa panahong 'to ay may iba't ibang ugali. Si ate Luisa, maldita na mabait. Si Leticia naman, mabait pero weird minsan," saad ko at sinimulang kumain ng mangga.

Napangiti ako dahil ang sarap ng nabili niya. Ngunit dahan-dahang nawala ang ngiti ko matapos makitang mapatulala sya at may naisip na naman.

Kinalabit ko sya kung kaya't natauhan sya. Napatingin sya sa akin. "Bakit? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Sinubukan niyang ngumiti.

"Wala. May napapansin lang ako sa iyong kapatid," sagot niya na ikinatigil ko.

"Sinong kapatid? Si Leticia?" Tanong ko ulit, naalala ko noong mga panahong inakala ko pang may namamagitan kay Leticia at Yuan.

Ang weird at ewan ko sa part na 'yon. Dahan-dahan syang tumango bilang tugon sa tanong ko. Napahinga ako ng malalim, maging ako rin naman ay may napapansin na kay Leticia.

"Sa tuwing nakakasalubong ko sya sa hacienda, nakikita ko ang lungkot sa kaniyang ngiti at tila may pinagdadaanan. Huwag mo sanang mamasamain ngunit inaalam ko kung ano ang nasa likod ng kaniyang pagkabalisa."

"Nawa'y maunawaan mo sapagkat hindi ko nais na magkagulo sa ating hacienda," salaysay niya na muling ikinatigil ko. Ating hacienda?

"N-naiintindihan ko. Kailangan ko na nga syang makausap," saad ko at bumuntong hininga. Masyado akong naging abala sa maraming bagay at nakalimutang bisitahin sya.

Bigla ay napalingon ako sa likuran ko dahil nakatingin sya roon. Nakahinga na ako ng maluwag. Ang akala ko naman ay may multo, isang heneral lang pala.

Ngunit napatigil ako matapos mapagtantong si Heneral Leviano pala 'yon. Ang serious ng awra ng mukha niya at may kinuhang rosas na kulay kahel from nowhere.

Napasulyap sya sa amin pero mukhang wala naman syang pakielam at naglakad na paalis. Naalala kong share nga pala ang family Enriquez at Santiago sa malawak na hardin na 'to.

"Sya si Leviano. Si Khalil Leviano Santiago." Napabalik ang tingin ko kay Yuan nang ipakilala niya sa akin si mister general.

Nakasalamuha ko na si Heneral Leviano noon noong nahulog ako sa sahig at tinulungan niya ako, nakakahiya nga 'yon. Sana ay nakalimutan na ni Heneral Leviano.

"Khalil din pala ang pangalan niya," namamanghang saad ko. Pero bakit gano'n? Leviano Santiago lang naman ang sabi ng iba.

Bigla ay napangiti ako nang may maisip na naman. "Uy, puwede kaming love team!" Nakangiting saad ko, kumunot ang noo niya.

"Khalil, Khalil-liana!" Sambit ko sa combination ng pangalan ni Khalil at fake name kong Liliana.

Pero naging pilit ang ngiti ko nang makitang seryoso na pala syang nakatingin sa akin ngayon. My gawd! Ang seloso naman niya.

"T-tayo rin naman. Maryuan," maagap na saad ko at biglang napangiti dahil ang galing ko talagang gumawa ng name combinations!

Hindi naman nagbago ang reaksyon ng mukha niya, wala pa rin. "Ako ay ibinabagay mo lang sa aking dating kasintahan." Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko matapos niyang sabihin 'yon.

Nakakasama ng loob. Umusog bigla ako papalayo sa kaniya at may sama ng loob na sumubo ng mangga. Bwisit sya!

"Mabuti pa si Danyiel, mabait at maalaga. Si Markus naman, kalmado lang at namamansin pa. Si Leviano naman, handa kang ipaglaban kahit ano man ang mangyari. Eh ikaw? Walang ibang ginawa kung hindi sungitan ako!" Masama ang loob na sigaw ko sa kaniya. Nakakainis!

Mas lalo akong napasimangot nang makitang mukhang wala naman syang pakielam sa sinabi ko. Grabe talaga sya, napakasama ng ugali!

Akmang tatayo na ako pero napatigil ako nang magsalita na sya. "Mahal ka naman," effortless na saad niya pero ang tatlong salitang binitawan niya ay nagdulot ng kiliti sa puso ko.

Napatigil ako at napabalik ang tingin sa kaniya. Nilingon na niya ako at binigyan ng ngiting agad nagbigay sa puso ko. Tinignan ko sya ng masama ngunit napangiti na ako nang mapasandal sa dibdib niya dahil niyakap niya ako.

My gawd! Ang rupok ko talaga. Kasalanan 'to ng taksil kong puso. Niyakap ko na sya pabalik at inamoy sya. Ang bango-bango niya talaga.

"Yuan?" Tawag ko sa kaniya habang yakap pa rin sya. Naririnig ko ngayon ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Hm?" Napangiti ako matapos marinig ang lambing sa boses niya. Ang cold at sweet niya talaga.

"Hindi ba, kapag nagkamali ka, ang importante ay maganda ka. Ang mahalaga is important at ang importante ay mahalaga. 'Di ba, tama ako?" Nakangiting tanong ko at bumitaw sa yakap naming dalawa upang makita ang reaksyon niya.

Napakurap sya ng dalawang beses bago walang kaalam-alam na tumango. Lumawak ang ngiti ko at pinisil ang kamay niya dahil nakakagigil sya.

"Sabihin mo... tama ako," utos ko sa kaniya at pikit mata syang nginitian.

"Tama ka," pagsunod niya naman at pilit akong nginitian. Napapalakpak ako sa tuwa. Good dog!

Magsasalita na sana muli sya pero parang napunta 'yon sa dulo ng dila niya. Naging mabagal ang pagpikit ng nakahahalina niyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko at kumapit sa pisngi niya. Sinubukan niya akong ngitian bago umiling.

"Wala. Inaantok lamang ako..." dahan-dahang humina ang boses niya habang sinasabi 'yon. Bigla ay tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata niya at nakatulog ulit tulad noong una ko syang nakita rito.

Hinawakan ko ang likod niya bago mapatulala sa kawalan. Bakit gano'n? Pakiramdam ko ay may kakaiba na namang nangyayari nang hindi namin namamalayan.

MAG-ISA akong naglalakad ngayon sa gitna ng kalsada. Gabi na, tuluyan nang sumapit ang dilim ngunit narito naman ang buwan upang magbugay ng liwanag sa kapaligiran. Giniginaw na ako sa malamig na ihip ng hangin sa labas.

Gabi na at sa panahong 'to, hindi maganda na lumabas ang mga babae sa gitna ng gabi. Pero dahil hindi naman ako taga-rito ay naglalakad ako ngayon sa gitna ng dilim dahil may nais akong puntahan.

Araw ng linggo at alam kong nasa bahay ngayon si Leticia dahil tuwing linggo ay maaaring umuwi ang mga trabahador na tulad niya sa hacienda Enriquez.

Gusto ko lang bisitahin ang pamilya ko kahit gabi na. Ito lang ang free time ko. Hindi ko pa sana nais iwan si Yuan dahil baka managinip sya ng masama pero payapa naman sya bago ko sya iwan.

Kampante rin ako na iwan sya dahil may gate naman sa munting bahay kubo na nasa loob ng hardin. Naroon din si Lolo Pepito upang bantayan ang hardin.

Gusto ko sanang makausap ang pamilya ko lalong-lalo na si Leticia. Baka mamaya ay hindi na okay ang mental health niya. Baka kailangan niya ng kausap.

Ngunit napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na putok ng baril na naghari sa buong kapaligiran. Napatakip ako sa tainga ko at napaupo sa pagkabigla.

Alam kong marami ring nakarinig doon. Kinakabahan akong tumingin sa magkabilang gilid. Naramdaman ko na ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. First time kong makarinig ng gun shot sa buong buhay ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Nanginginig ang mga tuhod na sinubukan kong humakbang upang makatakbo na paalis. Ngayon ay tila pinagsisisihan ko nang lumabas ako ngayong gabi.

Sinubukan kong tumakbo ngunit unti-unti nang tinatakpan ng madilim na ulap ang liwanag ng buwan kung kaya't naging madilim na rin ang kapaligiran.

Kahit madilim ay naaninag ko pa rin ang kabilang kalye na maaari kong likuan. Hindi ko alam kung saan papunta 'yon pero ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makabalik sa taong ipinangako kong hindi ko kailanman iiwanan.

Patakbong liliko na sana ako sa kabilang kalye pero napatigil ako nang may makabungguan na ang dahilan upang mapatumba ako sa sahig.

Sobrang lakas ng pagtatama ng balikat naming dalawa at aaminin kong ang sakit niyon. Napahawak ako sa balikat ko at nanghihinang tumayo bago mag-angat ng tingin sa taong nakasuot ngayon ng buong itim.

Lumakas ang ihip ng hangin. Napatigil ako matapos makita ang dugo sa kamay niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero nakatakip ang mukha niya.

Mata lang ang nagawa kong makita sa kaniya, ngunit nagawa ko pa rin syang makilala. Isang pamilyar na babae na naging parte ng buhay ko sa panahong ito.

Pakiramdam ko ay dahan-dahang gumuho ang mundo ko matapos mapagtantong sa kaniya nanggaling ang putok ng baril na naghari kanina sa buong kapaligiran.

"P-paano mo nagawa 'to?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Nakatingin kami ngayon ng diretso sa mga mata ng isa't isa at nakikita ko ang labis na pagsisisi sa mga mata niya.

Nanginginig na hinawakan niya ang kamay niyang nababalot ngayon ng dugo. Narinig ko ang paghikbi niya bago tuluyang tumakbo papalayo.

Hindi ko na sya nagawang sundan pa dahil tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko matapos mapagtanto ang kasalanang nagawa niya.

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito...

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top