HIWAGA KABANATA 31
[Kabanata 31 - Bituin]
Ika-labing siyam ng enero, 1881.
MAGANDANG sikat ng araw ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto ng panciteria. Kabubukas ko pa lang ng malaking pinto pero agad nang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang saya palang mabuhay.
Ang saya palang mabuhay kapag hindi ka bitter sa buhay at masaya ka. Masaya pa lang ma-inlove. Hindi ko akalaing ang dating kinaiinisan kong pag-ibig ay yayakapin ko rin ngayon.
Dahil maraming PG sa Santa Prinsesa ay may bagong dating agad sa panciteria. Mga chismosang ale na naman. Pinapaypayan ang mga sarili habang hawak ang kani-kanilang bayong.
Dahil good mood ako ngayon ay magalang ko silang linapitan. "Magandang morning po lola's and friend. Upo po kayo rito," nakangiting pagbati ko sa kanila at itinuro ang lamesa na katapat ko lang.
Animo'y mga señorita silang umupo sa itiniro kong table. Yung mga kilay nga nila, parang 'yong sa mga tindera sa canteen noon. Siguro ay sinusulit na nila bilang costumers na kailangan ng panciteria namin.
"Ineng, nais sana namin ng isang bilao ng pancit. Bigyan mo na rin kami ng baso ng tubig ngayon," saad ng leader ng trio nila, tumango naman ako naglakad papunta sa kusina nang makasalubong ko si Anita.
"Anita girl! Kumusta?" Nakangiting pagbati ko sa kaniya, mukhang kagigising lang n'ya at nagtataka akong tinignan.
Magsasalita na sana sya pero dumiretso na ako sa kusina upang ma-informed ang mga tagaluto kung ano ang lulutuin today. Sa sobrang saya at hyper ko, binati ko na rin pati ang nakasasalubong kong mga gamit.
After sabihin sa mga tagaluto ng aming panciteria ang order nila aling Marites ay kumuha na ako ng tatlong babasaging baso at pitsel bago muling balikan ang mga costumers.
Isa-isa kong linapag ang mga baso sa lamesa nila at sinalinan iyon isa-isa ng tubig. "Aling Marites! 'Yan na po ang hinihingi niyong tubig," abot langit ang ngiting saad ko at confident na itinuro ang tatlong baso na may laman ngayong tubig.
Nagtataka nila akong tinignan. "Aling Marites? Sino iyon? Wala namang may pangalan sa aming marites ineng." Napayakap ako sa hawak kong pistel.
My gosh! "Ay, mali po ba? Hala, sorry akala ko po kasi Marites pangalan n'yo. S-sige po inom na kayo d'yan," pilit ang ngiting saad ko at umalis sa harapan nila.
Nakita ko nang mapailing silang tatlo at tignan ako ng masama. Bad mood talaga ang mga tao rito pagdating sa akin. Edi wow! Maganda naman ako at...
"Inyo bang naunlinigan ang usap-usapan ngayon sa bayan? Napakarami! Nagkakagulo na ngayon ang mga tao dahil lamang sa salitang pag-ibig," rinig kong saad ng leader ng tres marites. Oh, tignan mo! Si Marites nga sila!
"Talaga, mare? Hindi na ako makapaghintay sa maaaring mangyari sa susunod!" Energetic namang saad ni aling Marites the second, napatango silang tatlo.
Hindi naman sa chismosa ako pero naintriga ako sa mga chismis na pinag-usapan nila. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Andaming nangyari ngayong january.
Pagbagsak, sakripisyo, kamatayan, at iba pa. Iba't ibang mapapait na mga balita na ikinalulungkot kong marinig dahil kasama no'n ang salitang pag-ibig.
Mapalad ako dahil kahit masaya ang buwan ng enero ko. Sana, habang buhay na lang ang kasiyahan. Kung pwede nga lang.
Natauhan ako nang dumating si Anita, may dala syang dalawang bilao ng pancit. Ibinigay n'ya ang isa sa mga ale. Linalitan n'ya ako at ibinigay naman sa akin ang isa pa.
Napangiti ako. "Paalam muna, ah? May mahalaga lang akong pupuntahan," nakangiting pamamaalam ko at nakipagkawayan kay Anita bago tuluyang lisanin ang panciteria.
Pupuntahan ko lang sya.
TAHIMIK at mag-isa akong naglalakad ngayon sa gitna ng daan. Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang tahimik na hacienda Enriquez tulad niya.
Habang papalapit ng papalapit sa kaniyang tahanan ay nararamdaman ko na ang dahan-dahang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon na lang ulit kami magkikita.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa huling nangyari sa pagitan naming dalawa.
Nang makarating sa malaking gate ng hacienda Enriquez, kakatok na sana ako pero napatigil ako matapos makita ang mga pamilyar na taong papalabas ngayon ng gate kung nasaan ako.
Napalunok ako at napatabi sa gilid dahil sa takot na mapansin nila ako. "Doña Violeta! Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon! Maaari pa nating mag-usapan ito!" Rinig kong sigaw ng isang matandang lalaki.
"Pag-usapan?! Malinaw na sa akin na hindi tapat sa ating kasunduan ang iyong anak!" Sigaw naman pabalik ng isang babaeng nabobosesan ko, si Doña Violeta.
Lihim ko silang sinilip na papalapit na ngayon sa tarangkahan. Hawak ni Don Paterno si Doña Violeta na namumula ngayon sa galit. Kaharap n'ya si Don Mendozo, ang ama ni Carolina.
Nabalitaan ko na lahat sila ay nanggaling sa hukuman kahapon, maging ang lalaking ipinunta ko ngayon dito. Dumapo naman ang tingin ko kay Carolina na kalapit lang ni Don Mendozo at maging ni Yuan.
Walang emosyong nakatulala si Carolina sa kawalan at tila wala nang pakielam pa sa mga nangyayari. Nakakatakot syang pagmasdan ngayon. Nakakatakot na makitang balutin sya ng labis na lungkot dahil sa pait ng salitang pag-ibig.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala silang lahat ng tarangkahan at napatingin sa akin ngayon. Napatigil ako. Hinanap agad ng mga mata ko si Yuan na nakatingin na din sa akin ngayon, nagtama na ang aming mga mata.
Nanumbalik bigla sa akin ang ala-ala ng kahapon kung saan hinalikan niya ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'yon. Sa totoo lang, sya ang first kiss ko.
Nais ko mang patuloy 'yong balikan ngunit nasa sitwasyon kami ngayon na puno ng katanungan. Napalunok ako at kinakabahan silang tinignan lahat ngayon.
"Sino ka at ano ang iyong narinig?" Napatigil ako matapos akong seryosong tanungin ni Don Mendozo, napatingin ako kay Carolina nang linalamig syang nag-angat ng tingin sa akin.
Napatingin ako sa tarangkahan at nakita si Leticia na nanlaki ang mga mata matapos akong makita kasama ang matataas na mga tao, mga taong palagi nilang sinasabi na iwasan ko.
Muli akong nagbalik ng tingin kay Yuan, seryoso syang nakatingin ngayon kay Don Mendozo. Lakas loob na sana akong magsasalita para ipagtanggol ang sarili ko pero nagsimula nang dumating ang madla.
"Hindi na importante pa kung ano ang narinig ni Liliana sapagkat nais kong malaman na mismo ng taong bayan na ipinuputol ko na ang kasal ng aking anak at ng iyong anak na sumama sa ibang lalaki!" Galit na sigaw ni Doña Violeta, napatingin ako kay Carolina at nakita ko ang galit na namutawi sa kaniyang mga mata.
Namuo ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa lahat ng sakit na pinagdadaanan niya ngayon ngunit kahit isa ay walang tumutulong sa kaniya. Ang taong tanging umiintindi sa kaniya ay inagaw na rin ng mga ulap.
Lumakas ang bulong-bulungan ng mga tao na sobrang nakaririndi sa tainga. Nahagip pa ng mga mata ko ang tres marites na napanganga lahat ngayon.
Maging ako ay hindi makapaniwalang ititigil ngayon ni Doña Violeta ang nakatakdang kasal ni Yuan at Carolina. Nabibigla akong sinulyapan si Yuan na nanatiling kalmado at sinulyapan saglit si Carolina na hindi naman naapektuhan sa sinabi ni Doña Violeta bago ako.
Galit na naglakad si Don Mendozo papunta sa kaniyang anak at hinawakan ng mahigpit ang balikat nito, walang emosyon naman syang tinignan ni Carolina pero kitang-kita ko ang lungkot na naghahari ngayon sa mga mata n'ya.
Lumapit naman si Yuan upang bitawan ni Don Mendozo ang mahigpit niyang hawak sa braso ni Carolina. Kitang-kita ko ngayon ang disappointment sa mukha ni Don Mendozo at hindi binitawan ang braso ng sarili niyang anak.
"Wala kang kwenta! Simula pa noon ay wala kang ibang ginawa kung hindi magbigay ng problema sa akin! Sana ay hindi na lang kayo dumating ni Mendoza sa buhay ko! Sana ay hindi na lang kita naging anak!" Nanggagalaiting sigaw ni Don Mendozo kay Carolina na ikinatigil ng lahat.
Napatigil ang lahat. Parang biglang kumirot ang puso ko dahil sa masasakit na salita ni Don Mendozo sa sarili niyang anak, parang ako na ang nasaktan para kay Carolina.
Namutawi ang labis na sakit at pait sa mga mata ni Carolina. Kitang-kita ko ngayon sa mga mata niya na pagod na sya. Napahinga sya ng malalim at sinubukang pigilan ang luha niyang sunod-sunod nang bumuhos ngayon.
"H-hindi niyo pa po ba nababasa ang aking liham para sa inyo?" Lumuluhang tanong ni Carolina at nasasaktang tinignan si Don Mendozo bago tumakbo papalayo, papalayo sa mundong mapait.
Napatigil si Don Mendozo at pigil ang hiningang may kinuha sa kaniyang bulsa, isang liham na alam kong itinutukoy ni Carolina. Napatulala na lang sya at maging ang lahat ng tao.
Ang mag-asawang Enriquez ay napatahimik na lang din ngunit buo na ang desisyon sa pagtigil ng nakatakdang kasal nina Yuan at Carolina na binabalot ngayon ng dilim.
Malungkot akong napatingin kay Yuan na napayuko na lang bago sundan ng tingin si Carolina na tuluyan nang tumakbo ngayon papalayo sa mundong makasarili.
Ngunit bago sya tuluyang umalis sa aming harapan, may narinig akong salita na ibinulong niya. Isang pangalan na hindi na niya magagawang ipagsigawan pa sa mundo at habang buhay na lang maibubulong.
Markus.
MALUNGKOT akong naglalakad ngayon pabalik ng panciteria. Hapon na at hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Don Mendozo kay Carolina.
Narealize ko na ang swerte ko pa rin kay daddy dahil kahit na wala syang oras para sa akin, kailanman ay hindi n'ya ako pinagsalitaan ng ganoong kasakit.
Nasasaktan ako dahil doon. Kung ako nga lang na nakarinig ay nasasaktan na, paano pa kaya ang mismong pinagsabihan ni Don Mendozo ng mga salitang 'yon?
Nasaan na kaya si Carolina ngayon? Sana, kahit hindi kami close, kahit na sya ang babaeng mismong itinakda sa lalaking minamahal ko, umaasa pa rin ako na balang araw, kahit sa kabilang mundo, kahit sa susunod na buhay ay mahanap n'ya ang saya sa puso n'ya.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa bilao ng pancit na hawak ko. Isa pa sa dahilan kung bakit malungkot ako ay dahil hindi ko nabigay ang special pancit na 'to kay Yuan, malamig na tuloy sya ngayon.
Kanina bago ako umalis sa hacienda Enriquez, tinignan ko sya ng diretso sa mga mata at pakiramdam ko ay gusto n'ya akong sundan at samahan pero nandoon ang mga magulang niya.
Naiintindihan ko naman. Nanghihinayang lang talaga ako sa pancit na hawak ko ngayon. Kung alam ko lang na may mangyayari palang gano'n, sana pala ay hindi na ako pumunta.
Sayang, malamig na ang pancit. Special pa naman 'to dahil ako ang um-order at kinaltas ko 'pa to sa sweldo ko. Rich kid ang lalaking 'yon kaya malamang ay hindi na n'ya kakainin 'to.
Nandito na ako ngayon sa street kung saan nakatayo ang hardin ng Santa, tulad ng dati ay walang katao-tao sa kapaligiran. Ang peaceful talaga sa kalsadang 'to. Siguro ay may maligno dito tuwing gabi.
Habang parang zombie na naglalakad ay napatigil ako dahil nauuhaw na ako. Napapamewang ako at pinunasan ang pawis na namuo na sa noo ko. Kapagod maglakad!
Umihip ang malamig na hangin na kahit papaano ay ikinaginhawa ko. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero muli akong napatigil nang may yumakap mula sa likuran ko.
Magpapanic na sana ako pero naramdaman ko ang dahan-dahang pagkabog ng aking puso matapos mapamilyaran ang yakap n'ya. Sumandal sya sa balikat ko at patuloy akong niyakap mula sa likuran at sa baywang.
Dahan-dahan akong napangiti at hinawakan ang kamay niya na nasa baba ng dibdib ko. Ilang sandali lang din ay hinarap ko na sya at tila kiniliti ang puso ko matapos tuluyang masilayan ang maamo niyang mukha.
Hindi pa ako tapos pagmasdan sya nang yakapin n'ya akong muli. Napangiti na naman tuloy ako at niyakap sya pabalik. Parang kinikiliti ngayon ang puso ko habang nararamdaman ang kamay niyang nakakapit sa baywang ko.
Napapikit ako at kasabay no'n ay ang muling pag-ihip ng sariwang hangin. Hindi na mawala pa ang ngiti sa labi ko dahil sa katotohanang nandito na muli sya sa harapan ko at yakap ako ng mahigpit.
Miss na miss ko na sya. Sa pagkakataong ito, siguro naman ay hindi na bilang kabit n'ya?
Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na sya sa yakap naming dalawa. Sinubukan kong pigilang mapangiti pero hindi ko talaga kaya lalo na nang hawakan n'ya ang kamay ko.
Dinala n'ya kami sa bench na katabi lang ng garden ng Santa Prinsesa. Nang makaupo ay napatingin sya sa pancit na dala ko. Bigla akong nahiya. Shocks! Anong sasabihin ko?!
"Ano nga pala ang iyong ginagawa kanina sa hacienda?" Tanong n'ya at pinagmamasdan naman ang bawat detalye ng mukha ko.
Bigla ko na naman tuloy naalala ang first kiss namin. First kiss ko sya, sya lang ang lalaking naglakas loob na halikan ako. Hindi ko nga lang alam kung ako ang first kiss n'ya dahil andami pa namang babae sa buhay n'ya.
"Binibilang ang mga babae sa buhay mo," lutang na sagot ko pero agad naman akong natauhan at napailing. My gosh, ang ewan talaga ng ugali ko.
"Ah, ang ibig kong sabihin pala ay... wala. D-dadalawin ko lang sana si ate Leticia," pagsisinungaling ko at sinubukan syang ngitian pero mukhang hindi naman sya kumbinsido.
Naglalaro ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. Nagulat ako nang bigla ay dahan-dahan niyang ilapit ang sarili n'ya sa akin. Parang naduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Ang akala ko ay magiging mapusok na naman sya pero muli n'ya pala akong niyakap. Yayakapin ko sana sya pabalik pero napatigil ako dahil tila may iba syang ginagawa.
Dahan-dahan na syang kumalas sa akin at nanlaki ang mga mata ko matapos makitang hawak na n'ya ang bilao ng pancit na hindi ko na nga gustong ibigay sa kaniya dahil malamig na!
"Hoy!" Sigaw ko at kukuhanin dapat 'yon sa kaniya pero naglalaro ang ngiti na ilinayo n'ya 'yon sa akin, ang duga talaga dahil mas mataas sya sa akin.
Tinignan ko na lang sya ng masama bago napasimangot at humalukipkip. Bahala sya d'yan, kapag nanahimik ako, magiging boring na ang atmosphere.
Kapag nawala ako, wala rin- "B-bakit?" Natatamemeng tanong ko nang pisilin n'ya ng dalawang beses ang kamay ko.
Magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin. My gosh! Ang rupok ko talaga. Tamang-tama ang script na sinaad ko noong unang beses kaming nagkita. Ang rupok mo nga, Mariella.
Nakita ko nang proud syang mapangiti. Napasimangot naman ako, ang lakas talaga ng kapangyarihan n'ya sa akin dahil hibang ang puso ko sa kaniya.
"Para sa akin ba ito?" Tanong n'ya na ikinatigil ko, nanlaki ang mga mata ko nang akma ay bubuksan n'ya ang bilaong hawak n'ya!
"Wait! Sandali! Please!" Sigaw ko at hinawak ang mukha n'ya, sabay kaming napatigil dahil sa ginawa kong hindi ko rin inaasahan.
Natataranta kong binitawan ang makinis niyang mukha bago mapalunok at sumenyas ng pakiusap na huwag niyang bubuksan ang bilao.
Napakurap sya ng dalawang beses habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Magsasalita na sana ako pero pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo matapos niyang tuluyang hatakin ang tali at mabuksan ang bilao.
Napatakip ako sa bibig ko at inusisa muna ang pancit. Maayos pa rin naman ang pagka-organize n'ya at hindi gulo-gulo pero hindi maaalis ang katotohanang malamig na sya!
"H-huwag mo nang kainin 'yan. Malamig na kasi," nahihiyang saad ko sa kaniya, nagulat ako nang umiling sya na parang bata.
Napatulala na lang ako nang kuhanin n'ya ang tinidor na nasa loob din ng bilao at nagsimulang ikutin 'yon sa pancit. Napasapo na lang ako sa noo ko. Hindi ko akalaing makakasalamuha ko ang ganitong sya. Ang kulit!
Tuluyan na niyang isinubo ang pancit na naipon sa tinidor, ngumuya sya habang inosenteng nakatingin sa akin ngayon. Habang ako naman ay kabang-kaba na dahil baka pangit na ang lasa!
"Ikaw ba ang nagluto nito?" Tanong n'ya, napakurap ako ng tatlong beses habang nababaliw na nakatingin sa kaniya.
"Uh, ako 'yong um-order. Ay, bumili pala. Huwag ka! Ginamit ko ang pera ko d'yan," pagmamalaki ko, napatango-tango sya at napatulala ako sa kaniya dahil nagpatuloy sya sa pagkain.
"M-masarap ba?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya, hindi naman ako ang nagluto pero responsibilidad ko pa rin ang lasa dahil ako ang bumili.
Nag-angat sya ng tingin sa akin at tumango ng dalawang beses. "Masarap sapagkat ikaw ang bumili," sagot n'ya at nginitian ako, tila hinaplos ang puso ko dahil sa sagot niya.
Na kahit anong ibigay kong pagkain sa kaniya, magiging masarap 'yon sa panlasa n'ya sapagkat ako ang nagbigay.
Napangiti ako, ngiti na puno ng emosyon. "Salamat. Salamat sa pakiramdam na 'to," nakangiting pasasalamat ko sa kaniya, tinutukoy ang saya na naghahari ngayon sa puso ko.
Umiling sya. "Salamat... dahil ibinalik mo ang saya sa aking mga mata. Salamat dahil binago mo ako," puno ng sinseridad na pasasalamat n'ya din, napangiti ako.
Kung gano'n, pareho pa lang may magandang naidulot sa aming dalawa ang pag-ibig na ito. Sa totoo lang, napakasarap na marinig na nagbago ang isang tao dahil sa iyo.
Nagbalik ang tingin ko sa kaniya nang tumayo sya at hawak ang aking kamay na inalalayan ako patayo. Napahinga sya ng malalim, maging ang bango ng hininga n'ya ay nakarating sa akin.
Napatingin sya sa kamay naming magkahawak ngayon. Ilang sandali lang rin ay nagbalik na sya ng tingin sa akin. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata n'ya tulad ng mga bituin na kunikinang na ngayon sa kalangitan kahit papasapit pa lang ang dilim.
"Sa nagdaang mga bituin sa kalangitan, sa paglipas ng panahon, hindi ko na magagawang maitanggi pa sa mundo na mahal kita, Mariella..." Ang kaniyang pag-amin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Tila nagliwanag ang madilim na kapaligiran, tila biglang kumislap ang mga mata ko 'tulad ng mga bituin sa kalangitan.
Namutawi ang emosyon sa mga mata ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ko ito, naranasan ko ang tunay na pag-ibig na ipinagkakait sa akin ng tunay kong mundo.
Emosyonal akong kumapit sa pisngi n'ya. "Mahal na mahal din kita..." Ang aking bulong na kahit ibinulong ko pa ay alam kong narinig niya sapagkat sya ang aking mundo.
Habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng isa't isa ay nakita ko ang emosyon na namutawi sa kaniyang mga mata. Dahil mababaw ang luha ko, bago pa ako tuluyang maiyak ay mabilis na akong tumingkayad at niyakap sya ng mahigpit.
Napapikit ako at sa pagkakataong ito ay hindi na matawaran pa ang saya na naghahari ngayon sa puso ko, saya na nararamdaman ko dahil kasama ko sya, dahil kasama ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.
Kasama ko ang aking bituin.
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top