HIWAGA KABANATA 3

[Kabanata 3 - Puso]

NAPATIGIL ako matapos mabunggo ang isang lalaking nakaharang sa malaking gate kaya nagkabungguan kami, napalunok ako matapos makita ang mukha nyang walang emosyon. Galit ba sya?

"S-sorry," agad na paghingi ko ng tawad at sinubukan syang ngitian, nanatiling walang reaksyon ang kanyang mukha. Dahil malamang, wala syang naintindihan sa sinabi ko!

"Este-paumanhin," confident na pagbawi ko sa sinabi kong 'sorry' at tuluyan na syang nginitian.

Napagmamasdan ko ang makinis nyang mukha at dahan-dahang lumawak ang aking ngiti matapos marealize na ang gwapo nya, ang intimidating ng tingin nya pero mas lalo iyong bumabagay sa kanya.

Isang lalaking may katangkaran at kakisigan, makapal ang kilay, nakahahalina ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang labi, maputi ang balat na lalong kapansin-pansin sa kanya dahil nakasuot sya ngayon ng all black maliban sa suot nyang panloob na color white.

Bigla ay nagkaroon ng ekspresyon ang mukha nya at tulad ni Leticia ay nagtataka rin syang nakatingin sa akin ngayon, nang akmang lalapitan nya ako ay agad ko syang pinigilan gamit ang mga malupitan kong words.

"Hep! Sandali, wait a minute kapeng mainit. Huwag kang magpapakilala sa akin, understand? Alam ko namang darating ka sa buhay ko pero aalis din sa huli. Ganyan naman kayong mga lalaki, mga paasa!"

"Makikipagkaibigan at magbibigay motibo tapos sa huli, iiwan ka lang sa ere!" May pinaghuhugutang sigaw ko sa kanya, walang emosyon nya akong tinignan.

Ilang sandali pa ay umarte ako na naiiyak at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya, nang tuluyang makalapit ay kumapit ako sa makinis nyang pisngi na ikinagulat nya. Napangisi ako, ganito lang pala kadali mabago ang ekspresyon nya.

Ibinalik ko na ang aking emotional face at emosyonal syang nginitian habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. "I understand, babe. Marupok ako kaya I love you pa rin," pag-iinarte ko, gusto ko lang naman i-try ulit ang talent kong 'to at masasabi kong effective pa rin naman sya.

Nabibigla nya pa rin akong tinignan, napasimangot naman ako dahil sa reaksyon nya. Ang OA naman nitong mag-react. Kasabay ng pagbitaw ko sa kanyang pisngi ay ang pagdating ni Leticia na nagulat matapos makita ang lalaking kasama ko ngayon.

Nagtaka ako nang yumukod si Leticia upang magbigay galang, required ba 'yon? "Señor Yuan, maligayang pagbabalik po. Ipagpaumanhin nyo ngunit isasama ko na po ang aking kapatid sa loob upang kami ay maglinis na," magalang na pagpapaalam ni Leticia sa akin, napatigil ako. Señor? Señor namin ang lalaking 'to?

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon, tumango na lang sya at napapalunok na nagmadaling umalis sa aming harapan. Napasapo ako sa aking noo matapos mapagtantong sya ang boss namin!

"LETI- a-ate Leticia? Pwede magtanong?" Lakas loob na tanong ko kay Leticia, lihim akong napapikit dahil nagkamali pa rin ako sa pagtawag sa kanya. Para kasing kaibigan ko lang sya na ang sarap hampasin sa braso tuwing tumatawa.

Nandito kami ngayon sa salas ni Leticia and syempre naglilinis kami, nagwawalis sya ngayon habang ako naman ay maingat na pinupunasan ang mamahalin at babasaging mga gamit dito sa salas. Wala sina Manang Sol at ibang kasambahay dahil namili sila sa palengke, kaming dalawa lang ni Leticia ang nandito kaya free na free kaming magchismisan.

Nag-angat sya ng tingin sa akin, para syang cleaners sa school at nakalagay pa ang isang kamay sa likod. "Maaari, aking kapatid. Ano ba iyon?" Tanong nya at nagpatuloy sa pagwawalis, ang kalmado nya talaga kumpara sa ate naming high blood.

"Bawal bang hawakan ang pisngi ng mga lalaki?" Interesadong tanong ko, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang boss naming walang emosyon at maging ang pagkagulat nya dahil sa ginawa ko.

Nagulat si Leticia dahil sa tinanong ko. "Malamang, Liling. Hindi maaaring maghawak ang kamay o kahit ano mang parte ng katawan ang isang lalaki at babae kung hindi pa sila kasal, hindi rin maaaring magtitigan. Ang sagot sa iyong katanungan ay oo," mahabang salaysay at sagot ni Leticia, napatulala ako dahil sa haba ng kanyang sinaad. Hindi na lang sinabing 'oo'.

Napatigil din ako dahil sa kanyang sinabi, hinawakan ko ang pisngi nya at tinitigan ko ng matagal. Ayos lang kaya 'yon sa kanya kahit hindi kami mag-asawa? Napakagat ako sa labi ko matapos mapagtantong nasa spanish era ako ngayon kung saan conservative ang mga tao.

So ginawa ko lang pala sa kanya ang lahat ng ipinagbabawal sa panahong ito, kailangan ko bang mag-sorry? "Bakit mo nga pala naitanong ang bagay na iyon?" Natauhan ako matapos magtanong ni Leticia, agad ko syang nginitian at umiling para hindi na sya makahalata.

"S-sya nga pala, sino ba ang mga boss- nakatataas sa atin dito?" Pag-iiba ko ng usapan, mabuti na lang at hindi na nya inintindi pa ang tanong ko at nakapag-move-on agad.

"Ano ang iyong ibig sabihin? Si Manang Soledad ba na syang mayor doma dito?" Tanong nya at nagpatuloy sa pagwawalis, napatulala ako sa baul na hawak ko.

Mayor doma? Ano 'yon? Si Manang Sol ba ang Mrs. Mayor ng bayang ito? Kung gano'n, bakit Manang ang tawag sa kanya? Hindi ba dapat, Mayora Soledad?

Napakamot ako sa aking ulo at inilingan sya. "Hindi 'yon! I mean sino ba sina Doña Violeta and family?" Naguguluhang tanong ko, tumatawa akong nginitian sya ng pilit nang magtaka sya dahil sa pagiging english person ko na naman.

"En pamily... Saan nanggaling iyon, Liling?" Tanong ni Leticia at napatigil na sya sa pagwawalis, napangiti ako dahil tila nahihiwagaan na sya ngayon sa mga words na binibitawan ko.

"Basta, tuturuan kita mag-english kapag may oras. Sagutin mo muna 'yong tanong ko, please- pakiusap?" Pakiusap ko at nagpaawa effect sa kanya, sya ngayon ang tanungan ko marami pa akong kailangang malaman sa mundong 'to. Like, anong year na ba and nasa spanish era ba talaga ako ngayon?

Tulad ng dati ay naging effective kay Leticia ang pagpapaawa ko dahil nginitian na nya ako. "Si Doña Violeta, Don Paterno, at Señor Yuan Enriquez ang nakatataas sa atin dito at kauuwi lang nila kahapon mula sa Siam," saad ni Leticia at nagpatuloy na sa pagwawalis.

Nagtaka ako. "Ano? Taga-nine sila?" Naguguluhang tanong ko, mabuti na lang at hindi na nya narinig ang tanong ko at pumunta na sa kusina.

"Ah! Thailand, right?" Nakangiting tanong ko sa sarili ko dahil nawala na ang kausap ko. Hindi ako mahilig sa history pero naaalala kong Siam ang pangalan noon ng bansang Thailand.

Pinalitan nila ito noong 1939, maraming nang sumubok pero kailanman ay hindi pa nasakop ng ibang bansa ang Siam kaya tinawag itong Thailand na ang ibig sabihin ay 'Land of the Free'.

Hindi tulad ng Pilipinas na nasakop ng tatlong iba't ibang bansa. Ako si Mariella at nandito ako ngayon sa panahon kung saan namumuno pa ang mga kastila, hanggang kailan kaya ako mananatili rito?

GABI na, mag-isa akong naglalakad ngayon sa kulay brown at makintab na sahig ng pasilyo. May mga nakabukas na gasera upang magbigay ng liwanag sa kapaligiran, malapit na akong maiyak dahil tila naliligaw na ako. Nasaan na ba kasi si Leticia at iniwan ako rito?

Ang sabi nya ay magpapahinga na sya, ayon din sa kanya ay tuwing linggo lang kami makakauwi sa bahay at mananatili sa hacienda Enriquez every 6 days. Ngayon, gusto ko na ring matulog pero hindi ko naman alam kung saan matutulog. Ang laki ng mansyon na 'to at feeling ko ay nasa second floor ako.

Habang patuloy na naglalakad ay napatigil ako nang marating ang isang pinto, tumingin ako sa magkabilang gilid at bago pa makakita ng multo ay agad na akong pumasok doon.

Nang masara ang pinto ay ilinibot ko ang aking paningin at nasa isang malinis na kwarto pala ako, ang bango ng kwarto at tila naamoy ko na iyon. May isang malaking kama na katulad ng kama ko sa original word at may mga book shelf sa itaas na naglalaman ng iba't ibang libro.

Napatingin ako sa tabi ng pinto at napatigil ako matapos makita ang kalendaryo roon, nakasulat 'yon sa spanish pero nauunawaan ko pa rin naman. Napanganga ako matapos makitang september na ng taong 1880!

Umihip ang malamig na hangin na ang dahilan upang mapatingin ako sa balkonahe kung saan nagmula ang malakas na ihip ng hangin, muli akong napatigil matapos makita ang pamilyar na lalaking nakatalikod ngayon sa akin at nakasandal ang kamay sa baranda (railings).

Maingat akong humakbang papalapit sa kanya, nang makatapak sa balkonahe ay napatigil ako nang magsalita sya. "Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong nya at dahan-dahan akong nilingon.

Nang magtama ang aming paningin, sa hindi malamang dahilan, sa kauna-unahang pagkakataon, habang naghahari ang mga bituin sa kalangitan, dahan-dahang bumilis ang pagkabog ng aking puso na buong akala ko ay matagal nang namatay.

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top