HIWAGA KABANATA 28
[Kabanata 28 - Ang Kasagutan]
"ANONG ginagawa mo rito?" Seryosong tanong sa akin ni Yuan at tumingin ng diretso sa mga mata ko, namutawi ang halo-halong emosyon sa mga mata ko.
Sya na ba si Mariella? Ang nakaraan niya?
"Sorry..." Mababa ang tono ng boses na paghingi ko ng tawad at tumalikod na, bubuksan ko na sana ang pinto upang lumabas na pero nagsalita ang babae na ikinatigil ko.
"Ano ang iyong sinabi?" Tanong niya, napahinga ako ng malalim. Nagdadalawang isip ako kung dapat ba akong lumingon muli at tignan sila...
"Pabayaan mo na syang umalis." Ngunit lalo lang pinatunayan sa akin ni Yuan na hindi ko na kailangang lumingon pang muli para masaktan lang din naman.
Nanginginig akong muling napahinga ng malalim bago nagmadaling umalis sa silid kung saan natagpuan ko lang pala ang kalungkutan at hindi kasiyahan na inasahan ko pa naman dahil magagawa ko syang tulungan at hindi tuluyang masaktan.
Pero ipinaramdam n'ya lang din pala sa akin na 'yon. Bakit ganito? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan?
Bakit mo ba ipinararamdam sa akin 'to, Yuan?
WALANG buhay kong kinuha ang bilao ng pancit kay Doña Isabel na mukhang good mood ngayon, ako naman ang hindi. Para akong zombie na tumalikod. Nakakainis talaga ang mundong 'to.
"Oh? Nasaan na ang buhay mo Liliana?" Napatigil ako sa aking zombie walk at lantang gulay na nilingon si Doña Isabel.
Napasimangot ako. "Kinuha n'ya po," masama ang loob na sagot ko at nag-walk-out. Mas lalong sumama ang loob ko nang maalala sya.
Walang pakielam sa mundo na dire-diretso akong naglakad paalis. Bahala na kung may makabunggo man sa akin ngayon, baka sakaling 'yon pa ang maging dahilan para bumalik na ako sa mundo kong mapait.
Nakalayo na ako sa panciteria nang may tumigil sa harapan ko. Masama ang loob na nag-angat ako ng tingin sa sakay ng kalesa. Nang makita kung sino 'yon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Napapikit ako nang sumunod ito sa akin. Kahit pa tumakbo ako ngayon ay maaabutan pa rin nila ako dahil nakasakay sya sa kalesa. Sa huli ay walang reaksyon akong nag-angat ng tingin kay Yuan na himala at may reaksyon ngayon.
"Ano?" Naiiritang tanong ko. Baka lumamig na 'tong pancit na i-de-deliver ko dahil nandito na naman sya.
"Sumabay ka na sa amin," kalmadong saad n'ya na ikinatigil ko pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko, napahinga sya ng malalim.
"Kailangan pa ba ng dahilan upang sumabay ka sa akin?" Tanong n'ya pabalik na ikinasama na naman ng loob ko.
Alam ko namang wala akong talo sa kaniya kaya sa huli ay napipilitan kong inabot sa kaniya ang bilao dahil hindi ko naman kayang pumanik nang dala-dala 'yon. Nakita ko nang lihim syang mapangiti.
Tinanggap niya naman ang bilao at linagay sa tabi niya. Ako naman sana ang papanik pero nagulat ako nang abutin niya ang kamay ko at hawakan, dahil sa ginawa niyang 'yon ay parang unti-unting natunaw ang puso ko at agad bumigay sa kaniya.
Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko hanggang sa alalayan na niya ako papanik at patabi sa kaniya. Naramdaman ko rin ang biglang pag-iinit ng pisngi ko.
Linagay niya ang bilao sa pagitan namin bago tignan ang mga mata ko at maingat na bitawan ang kamay ko. Napahawak ako sa kamay kong hinawakan n'ya at napaiwas ng tingin.
Sa totoo lang, gusto ko nang sumigaw at magwala ngayon dahil sa ginawa niya! Halo-halong pakiramdam na naman ang namutawi sa puso ko. Inis, galit, poot, hinanakit, ngunit masaya at kinikilig din. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko!
"Saan at kanino mo ba dadalhin ang mga bilaong ito?" Rinig kong tanong ni Yuan, maging ang boses niya ay nagdudulot ngayon ng kiliti sa puso ko.
"S-sa ano... Sa... Sa barrio Kalabo. 'Yong katabi lang ng barrio namin," putol-putol na sagot ko, napapikit na lang ako sa hiya.
Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kapaligiran. Idinilat ko na ang mga mata ko at pasimpleng nilingon ang katabi ko na nakatingin pa rin pala sa akin.
Ngayon ko na lang ulit sya napagmasdan ng malapitan, aaminin kong na-miss sya ng puso ko. Wala pa ring nagbago sa hitsura niya, ang gwapo pa rin palagi.
Pero sabay kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa nang tumikhim ng malakas ang matandang kutsero na nagpapatakbo ngayon ng kalesa. Napalunok na lang ako dahil nakalimutan kong may kasama iba pa pala kaming kasama ngayon.
Muli na lang akong napapikit ngunit aaminin kong kahit papaano ay lumuwag na ngayon ang nararamdaman ko na kung kanina ay napopoot dahil din sa kaniya.
Dahil sa 'yo, Yuan.
MASAMA ang loob kong sinulyapan si Yuan na inosenteng nakatingin sa akin ngayon. Nagsalubong ang kilay ko matapos maalala ang nangyari kanina sa pagitan ko, niya, at ng taong pagdadalahan ko pala ng pancit...
Pagkababa ko ng kalesa ay nag-angat ako ng tingin sa isang malaking mansyon na ibinigay sa 'king adress ni Doña Isabel. Naglakad ako papunta sa pinto at kumatok doon.
"Delivery po from panciteria de isabe—" hindi ko na natapos ang speech ko tuwing nag-de-deliver matapos makita ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Ano? Iyan ka na naman sa pagsasalita mo ng 'di karaniwan," saad ni babaeng sa tingin ko ay kapangalan ko, si Mariella.
"Ginoong Yuan?" Napatingin ako sa likuran ko nang tawagin niya si Yuan na nakatayo lang sa tabi ng kalesa niya.
Tumango lang si Yuan pero no emotions na naman sya ngayon, tulad nga ng sinabi niya dati ay si Mariella ang dahilan kung bakit nawala ang saya sa mga mata niya.
Bigla ay bumigat na naman ang damdamin ko. Muli ko na lang nilingon ang babaeng 'to at ibinigay sa kaniya ang pancit. Mukhang na-shock pa rin sya na makita si Yuan kaya ako na mismo ang kumuha ng pera sa kamay n'ya.
Nagulat at natauhan si ate girl dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakielam pa. Tinalikuran ko na sya. Maglalakad na sana ako paalis pero hindi ko rin kabisado ang palabas sa barrio Kalabo at mapapagod lang din ako sa kalalakad.
Kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi lumapit kay Yuan na nakaharang sa daanan. Nagulat sya dahil sa sobrang sama ng tingin ko at napatabi sa daan. Sumampa na ako sa kalesa at pumunta sa dulo.
Naramdaman ko na lang ang pagsampa niya rin sa kalesa at umupo sa tabi ko pero hindi ko na sya nilingon pa. Nagsimula nang umandar ang kalesa pero sa pagkakataong ito ay masama na muli ang loob ko.
Bwisit sya!
"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kaniya nang akma ay magsasalita na sya, nagulat na naman sya dahil sa pagsigaw ko.
Naguguluhan niya akong tinignan, magsasalita na sana sya pero muli ko na syang inunahan. "Lolo kutsero, pakitabi na po ng kalesa sapagkat nais ko nang bumaba," masama ang tingin sa kaniya na saad ko kay lolo kutsero.
Bumagal naman ang takbo ng kalesa at nagtatanong na nilingon ni lolo kutsero si Yuan na naguguluhan pa rin akong pinagmamasdan ngayon.
Dahil ayaw sumagot ni Yuan at mabagal naman ang takbo ng kalesa ay lumundag na ako pababa. Nagulat ang kutsero at maging si Yuan dahil sa biglaan kong paglundag na maaari kong ikapahamak lalo na't naandar pa rin ang kalesa.
Muntik na akong mawalan ng balanse pero mabuti na lang at hindi 'yon tuluyang nangyari. Sandali kong sinulyapan si Yuan bago dire-diretsong naglakad papalayo sa lugar kung saan makikita ko sya.
Nandito kami ngayon sa isang mahaba at malinis na kalsada na napapalibutan ng mga puno at kulay light green ang sanga. Katatapos lang ng mahinang pag-ulan, maaliwalas ang kalangitan at marahang umiihip ang malamig na ihip ng hangin.
Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ang presensyang nakasunod sa akin. Salubong ang kilay kong nilingon si Yuan na tumigil sa pagtakbo nang makalapit sa akin at hinabol muna ang hininga niya.
Nang makahinga na ay hinihingal niya akong pinagmamasdan. "S-sori," hindi siguradong saad niya na ikinagulat ko, napatulala ako sa kaniya.
Nag-english ba sya at humingi ng sorry? Hindi ako makapaniwala!
Mukhang paulit-ulit na narinig na niya sa akin ang salitang 'yon sa tuwing nagkakamali ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang maiintindihan niya ang meaning no'n at sasabihin sa akin ngayon.
Pero hindi, hindi na ako magpapaloko pa sa kaniya. Hindi ko na hahayaan pang mahulog ako sa patibong ng mga tingin niya, ayoko nang umasa na naman.
"B-bakit mo pa kasi ako sinusundan? Doon ka na sa mga babae mo," masama ang loob na saad ko at nagpatuloy sa paglalakad pero napapikit ako nang patuloy niya akong sundan at sabayan pa ako sa paglalakad.
"Mga babae?" Rinig kong tanong niya, napahinga ako ng malalim at matalim syang tinignan. Pareho na kaming naguguluhan ngayon sa mga kilos naming nagmula sa sigaw ng aming mga puso.
"Oh? bakit? Hindi ba totoo? Na may iba ka na ngang babae na pakakasalan tapos nagbalik pa ngayon ang kasintahan mo noon na si Mariella," animo'y naninibugho na saad ko, pati ako ay naiinis na rin sa sinasabi ng damdamin kong naguguluhan dahil sa kaniya.
Napatigil ako sa paglalakad nang bigla syang mapatigil at tila naistatwa sa kaniyang kinatatayuan. Gulat niya akong tinignan. Tila bigla naman akong kinabahan dahil sa naging reaksyon niya. May mali ba akong nasabi?
"M-matagal nang namayapa si Mariella..." Ang kaniyang saad na ikinatigil ng mundo ko, nanlaki ang mga mata ko at hindi rin sya makapaniwalang tinignan ngayon!
Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang patay na pala si Mariella na syang nakaraan niya at pinagselosan ko pa!
"Kung kaya't ano ba ang pinagsasasabi mo? Wala akong ibang mga babae. Si Carolina ay mapapangasawa ko lang sapagkat iyon ang nais ng aking mga magulang," saad niya muli, unti-unting namutawi ang pagsisisi sa mga mata ko dahil sa mga maling paratang na ibinigay ko sa kaniya.
Hindi ako makapaniwala sa mga katotohanang narinig ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang patay na pala si Mariella at hindi sya ang babaeng inakala kong sya.
Hindi rin pala ginusto ni Yuan na maikasal kay Carolina sapagkat ang kasal na 'yon ay dahil sa desisyon ng mga magulang niya lang. Hindi ako makapaniwalang ako pala ang mali rito at hindi sya.
Napahinga sya ng malalim, nakita ko ang mga emosyon na namutawi ngayon sa mga mata niyang sinusubukan niyang pigilan. Napapikit sya saglit at sinubukang pakalmahin ang sarili niya.
"P-patawad. Hindi ko naman kasi alam..." Sinubukan kong humingi ng tawad at magpaliwanag tulad ng ginawa niya pero parang naubusan bigla ako ng sasabihin at hindi makapagsalita.
Dahan-dahan na niyang idinilat muli ang kaniyang mga matang diretsong tumama sa akin. Napalunok ako dahil sa paraan ng kaniyang pagtingin sa akin, malalim at makapigil hininga.
"Ngayong narinig mo na ang katotohanan, maaari ko naman bang malaman ang dahilan kung bakit nagtungo ka sa mansyon noong isang araw?" Tanong niya, napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.
"Si Carolina..." Napatigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa sa kaniya ang nakita ko noong isang araw.
"Anong mayroon sa kaniya?" Kalmadong tanong niya, nag-aalinlangan ko syang tinignan.
Habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya, animo'y tulad ng mga bituin sa kalangitan ay kumikislap din ito habang pinagmamasdan ako ngayon.
Hindi ko naman gustong magtago sa kaniya. "N-nakita ko kasi si Carolina na may kasama at may kayakap na iba sa tulay noong araw na pumunta ako sa 'yo," nag-aalinlangang sagot ko sa katanungan niya.
Napakurap sya ng dalawang beses habang pinagmamasdan ako. "Alam ko," kalmadong saad niya at parang hindi naman nagulat.
Kumunot ang noo ko, anong klaseng reaksyon 'yan? "Eh? 'Yon na 'yon? Nagpakahirap at naglakas loob pa akong puntahan ka tapos alam mo na rin pala?" Kunot noong tanong ko, hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa akin.
"Hayaan mo sya," walang pakielam na saad niya at nag-angat ng tingin sa kalangitan, umihip ang malamig na hangin.
Pakiramdam ko ay dahan-dahang sumama ang pakiramdam ko dahil sa sinaad niya, tila wala syang pakielam kung pagtaksilan man sya ng lahat. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip n'ya sa buhay.
"Niloloko ka na, wala ka pa ring pakielam?!" Hindi makapaniwalang tanong ko at sa pagkakataong ito ay tumaas na ang boses ko, nakakainis sya!
Nakakainis talaga ang ugali niya pero bakit gano'n? Kahit anong gawin n'ya ay hindi pa rin mabago ang pagtingin ko sa kaniya, namumukod tangi pa rin sya.
Bigla ay tinignan niya ako ng kakaiba. Tila pilit niyang pinapakalma ang sarili niya at pilit ding pinipigilan ang sarili na may masabi sya. Nais ko nang malaman ang itinatago niya simula pa noon.
Kaya naman humakbang ako papalapit sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay umihip ang napakalakas na hangin na nagpatangay sa aming mga buhok. Ang kaniyang itim na buhok na tumatama sa kaniyang makapal na kilay, ang aking tuwid na buhok na hinahangin papunta sa gilid.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang sya magustuhan?!" Tanong ko muli habang patuloy na umiihip ang malakas na simoy ng hangin.
"Dahil ikaw nga ang gusto ko!" Sigaw niya pabalik na ikinatigil ko, napatingin kami ng diretso sa mga mata ng isa't isa at kasabay din no'n ay ang pagtigil ng malakas na ihip ng hangin.
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top