HIWAGA KABANATA 27
[Kabanata 27 - Nakikilala]
PAPALAPIT na ang pasko, buwan na ng disyembre at nakatulala akong naglalakad ngayon sa may kung saan. Para akong sad girl na naglalakad mag-isa sa daan.
Inutusan na naman kasi ako ni Doña Isabel na mag-deliver ng pancit sa mga umorder sa kaniya. Cinareer na talaga ni mother na gawin akong delivery girl dahil mukha naman daw akong motor.
Sa barrio Kalinaw ako dumiretso. Pinunasan ko ang pawis na namuo na ngayon sa noo ko dahil kanina pa ako naglalakad at tirik na tirik pa ang araw today. Kawawa naman ako. Wala na ngang payong, wala pang pamaypay, at wala pa ring jowa kahit na 25 years old na ako!
"Delivery po from panciteria de isabel na in-order-an n'yo. Sorry medyo late kasi hindi naman ako si fast pero it's still for you naman," nakangiting saad ko sa isang matandang babae na um-order sa panciteria ni Doña Isabel.
"Andami mo talagang alam bata ka. O'sya, salamat. Narito na ang aking bayad," saad ni lola at inabot sa akin ang salapi, mahina na ang pandinig n'ya kaya siguro hindi na niya inintindi pa ang pinagsasasabi ko.
Nginitian ko sya ng sobrang lawak na ikinapikit na ng mata ko bago maglakad paalis. Ang boring talaga ng buhay ko. Gigising, kakain, magtatrabaho, magiging delivery boy sa panciteria, matutulog, at aasa sa mga pinagsasasabi ni Yuan.
'Yon na naman ang kakaibang feeling sa puso ko matapos ko syang maalala. Ano ba kasi ang mayroon sa lalaking 'yon at pinagwawala n'ya ang buong sistema ko? Gwapo lang naman sya, masungit, paasa, at crush ko.
Pero hanggang crush lang naman dahil engage na sya sa ibang babae. Ang tindi ko pumili, 'no? Magkaka-crush na nga lang, do'n pa sa lalaking nakatakda nang ikasal sa iba.
Ewan ko sa kaniya! "Liling?" Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa fake name ko, nilingon ko si Luisa na syang tumawag sa akin.
Umbok na ang tiyan n'ya pero hindi pa naman ganoong kalaki. Sana kamukha ko ang anak niya para maganda. "Bakit? Bakit ka nandito sa labas? Ang init kaya," saad ko, hinawakan n'ya ang kamay ko at pinunta kami sa lilim ng puno.
"Nais ko ng mangga. Pumunta na si Alvino ngayon sa pamilihan ngunit kay tagal n'ya kaya naisipan kong hintayin sya rito," pag-iinform n'ya sa akin, hinihintay n'ya pala ang asawa niya.
Napatingin ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy, iginayak ko sya paupo roon. "Ate? Anong pakiramdam ng may asawa?" Wala sa sariling tanong ko, hindi ko kasi ma-imagine ang sarili kong may asawa.
Napangiti si Luisa. "Masaya... Lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa," nakangiting sagot ni Luisa sa katanungan ko.
Napatango ako kahit hindi sya gets dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman niya ngayon. "Bakit? Iniisip mo na ba ngayon ang inyong kasal ni Agustin?" Hirit ni Luisa na ikinagulat ko, kinilabutan na naman tuloy ako dahil pinaalala n'ya ang syota ni Liliana.
Sinubukan ko na lang ngumiti kahit na sobrang awkward sa pakiramdam. "Uh, ate Luisa? Puwede mo ba akong bigyan ng adva—payo sa kung paano ko mapipili ang tamang tao?" Pag-iiba ko ng usapan, ang weird talaga sa pakiramdam na pag-usapan ang pag-ibig pero interesado rin akong malaman 'yon.
Napahinga ng malalim si Luisa at nginitian ako. "Piliin at ibigin mo ang isang taong kaya kang pasayahin sa kabila ng mundong patuloy na sinusubok ang iyong katatagan. Iyon lamang, Liling. Basta't kayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait," nakangiting sagot ni Luisa na muling ikinakabog ng puso ko.
Bakit si Yuan ang naaalala ko?
MATAPOS kong sabihin kay Lord ang mga hinaing ko sa buhay ay nag-sign of the cross na ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. Stress na ako sa salitang pag-ibig at naloloka na talaga ako.
Ngunit nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng sinusundan ko rito ay napatakip ako sa mukha ko. Lihim ko syang sinundan ng tingin hanggang sa walang gana syang lumabas ng simbahan. Si Carolina.
Tahimik akong lumabas na rin ng simbahan at sinundan ng tingin ang babaeng nakatakdang ikasal sa lalaking nagpapagulo sa isip at damdamin ko.
kahit papaano ay ayos na rin kasi maganda naman pala 'yong mapapangasawa n'ya, hindi chaka. 'Di tulad ni Aurora. Akala nya nakalimutan ko na ang pangungutya n'ya sa akin, ah!
Pero ang ganda-ganda niya talaga. Clear at glass skin, matangkad, ang ganda ng shape ng katawan kahit nakasuot pa sya ng baro't saya, kulot ang mahabang buhok, ang ganda ng korte ng kilay, ang haba ng pilik mata, ang tangos ng ilong, manipis ang labi at halos perfect na talaga sya kung hindi lang malungkot ang aura ng mukha n'ya.
Pero maganda rin si Anastacia! Ang sabi ko ay sya ang pinakamaganda rito sa Santa Prinsesa na totoo naman. Pati si Gwenaelle rin pala! Ang ganda nilang tatlo. Tumataas tuloy ang insecurities ko sa panahong 'to. Andaming gifted!
Mayayaman kasi sila, habang ako naman ay mahirap sa panahong 'to. Mahirap pero masaya. Mga bagay na hindi ko makita sa mga mata nila.
Mula sa malalim na pag-iisip ay napatigil ako nang mapatigil din si Carolina sa paglalakad. Inosente niya akong nilingon. Mukhang naramdaman n'ya ang pagiging stalker ko sa kaniya.
Ilang sandali lang din ay napayuko na sya at nagbalik ng tingin sa harapan. Walang kabuhay-buhay syang naglakad paalis ng simbahan. Napatulala na lang ako sa kawalan.
Pero bakit parang lahat ng gifted sa Santa Prinsesa, malungkot?
NAKATULALA akong naglalakad ngayon sa lugar na hindi ko alam kung ano ang tawag. Hapon na at naghahari ngayon ang mga ulap sa kalangitan.
Inaantok ako dahil sa malamig na simoy ng hangin, gusto ko nang matulog ngayon pero hindi puwede. Tanging kami lang ni Leticia ang nagtatrabaho ngayon sa pamilya namin at minsan lang nakadadaong si itay.
Hindi naman talaga ang mismong pamilya ko pero sobrang halaga nila sa akin, pinaramdam nila sa akin ang mainit na pag-ibig ng isang pamilya. Sana nga, ganito na lang din sa mundo ko.
"Ay, Sir Yuan!" Gulat na sigaw ko nang muntikan nang madulas sa tubig ng ilog. My gawd! Nasa ilog na pala ako ng Santa Prinsesa.
Napaayos ako ng tayo at napapalunok na ilinibot ang paningin ko, nakakahiya dahil nasigaw ko pa ang pangalan ni Yuan Enriquez dahil sa pagkagulat ko.
Pero napatigil ako nang mapatingin sa tulay at makitang may magkayakap na magsyota ngayon doon, hindi nila napansin dahil may kalayuan ako sa kanila at nandito pa ako ngayon sa harap ng mga puno.
Napatikhim ako at napapamewang. Grabe, sa mismong view pa talaga ng mga ulap at tulay sila nagyakapan. Walang respeto sa mga single na katulad ko, nakaka-bitter!
Ngunit nanlaki ang mga mata ko matapos makilala ang babae at maging ang lalaking nagyayakapan ngayon. Napanganga ako at hindi makapaniwalang tinignan si Carolina at ang lalaking nakabunggo ko noon sa daungan!
I cannot! Napatabi tuloy ako sa ilalim ng puno dahil sa takot na makita nila akong nakikitingin sa romantic na pagyayakap nila. Napatakip ako sa bibig ko at muling sinilip si Carolina at si mister gwapo.
Hindi ako makapaniwalang magkakilala sila! At parang hindi nga lang magkakilala at magkaibigan kung hindi magka-ibigan.
Nagsimula silang magsalita pero dahil malayo sila sa akin ay hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Ang tanging alam ko lang ay pareho silang emosyonal ngayon lalong-lalo na si Carolina na tila kumislap ang mga mata na kung kanina ay halos mamatay na.
Napatalikod na lang ako. Medyo nalungkot ako dahil may ka-love-team na rin pala ang inaakala kong mister right ko pero mas nananaig sa akin ngayon si Yuan, ang lalaking pakakasalan ni Carolina na may kayakap ngayong iba.
Parang hindi ko na kaya na muli niyang makita ang isang babaeng malapit sa buhay niyang may kayakap na namang iba, parang ako na rin ang nasasaktan para sa kaniya.
Napahinga ako ng malalim. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang biglaan kong pagtakbo papalayo. Hindi ko alam pero ang tanging nananaig lang sa akin ngayon ay ang makita sya, ang makita si Yuan.
"L-LILING? Ano ang iyong ginagawa rito?" Gulat na pagsalubong sa akin ni Leticia nang bigla ay sumulpot na lang ako sa tarangkahan ng hacienda Enriquez.
Mabuti na lang at sya ang sumalubong sa akin. "U-uh... Nand'yan ba ngayon si Yuan? Puwede ko ba sya makausap?" Lakas loob na tanong ko, nagulat si Leticia dahil doon.
"Liling? Bakit mo naman nais makausap ang señor?" Naguguluhang tanong ni Leticia, napapikit ako saglit bago hawakan ang kamay n'ya.
"Mamaya na lang kita sasagutin tungkol d'yan pero puwede bang papasukin mo na ako?" Nagmamadaling tanong ko, hindi talaga ako ma-gets ni Leticia pero dahil nataranta sya ay pinapasok n'ya na rin ako.
Wala ngayon ang kalesa ng mga Enriquez, for sure ay wala na naman sina Doña Violeta. Nag-angat ako ng tingin sa itaas ng mansyon habang patuloy na naglalakad ng mabilis, nakabukas ang bintana ng office ni Yuan.
Lumakas tuloy ang kutob ko na baka naroroon sya. Napahinga ako ng malalim bago lakas loob na buksan ang pinto. Humupa ang kaba na nararamdaman ko matapos makitang walang katao-tao sa loob, malinis ang kapaligiran at may nakakabinging katahimikan.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na pumanik sa mahabang hagdanan ng mansyon, kinakabahan na ako dahil sa padalos-dalos ko na namang desisyon pero nandito na ako at wala nang atrasan.
Kabisado ko pa rin naman kung saan ang daan papunta sa kwarto at office ni Yuan na magkatabi lang. Nang makarating sa tapat ng pinto ng office ay kumapit na ako sa door knob, sandali akong napapikit at nagdasal na rin.
Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagtigil ng pagtibok ng puso ko. Napatigil ako matapos makita si Yuan na nakasandal sa upuan n'ya at nakatingin sa isang babae na nakaupo ngayon sa dating inuupuan ko.
Pero dahil sa biglaan kong pagdating at pagbukas ng pinto ay sabay silang napatingin sa akin. Sandali akong napatingin sa isang magandang babae na inosenteng nakatingin sa akin ngayon at sa palagay ko ay kaedad lang ni Yuan.
Dahan-dahan ko namang dinapuan ng tingin si Yuan na walang emosyong nakatingin sa akin ngayon, na kahit simula noon ay hindi naman nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Napatulala na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam pero parang sumikip ngayon ang dibdib ko habang nakikita syang may kasamang iba, habang nakikita syang pagmasdan ang isang babaeng kahit hindi magpakilala ay nakikilala ko na.
Si Mariella.
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top