HIWAGA KABANATA 25

[Kabanata 25 - Dahilan]

BUWAN ng disyembre, mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa hacienda Enriquez. Pinauna ko na si Leticia kanina papunta rito dahil parang bigla akong nalungkot matapos mabalitaan ang pagwawakas ng isang kwento ng pag-ibig.

Nawalan bigla ako ng gana at nag-emote muna saglit kahit wala naman akong kinalaman sa love story nila. Ngayon ay mabilis na akong naglakad papunta sa hacienda Enriquez dahil baka ma-late pa ako.

Iniisip ko rin ngayon si Agustin na pumunta na nga sa kabilang bayan. Base sa mga pasimpleng tanong ko kay Leticia ay baliw na baliw nga raw ako kay Agustin at kay tagal ko nang hinihintay ang kanyang pagbabalik.

Kaya pala wala syang nababanggit tungkol kay Agustin dahil si Liliana mismo ang nag-request na huwag munang banggitin si Agustin dahil nagtatampo sya sa kawalan ng oras nito sa kanya. Pareho kami ni Liliana na matampuhin.

Napansin ko rin na iisa lang kami ng ugali ni Liliana, kung hindi lang ako panay english ay hindi talaga nila mapapansin na ako si Mariella. Pati ang mukha namin, iisa. Imposible namang hindi dahil ito ngang mukhang 'to ang iniisip nilang si Maria Liliana.

Nakumpirma ko rin na may relasyon nga si Liliana at Agustin pero hindi pa nila 'yon nasasabi kay inay at itay. Si Leticia at Luisa lang ang nakakaalam pero may idea na ang mga magulang ko tungkol do'n. Hawakan ba naman bigla ang kamay ko.

Feeling ko ay botong-boto naman sila kay Agustin para kay Liliana. Kinakabahan tuloy ako kapag nagkita ulit kami ng jowa ni Liliana, baka mamaya ay halikan ako bigla kasi magkasintahan kami sa paningin n'ya at ng mga kapatid ko.

Ano ba naman kasi 'tong si Liliana, may jowa pala from somewhere out there. Ako pa tuloy ngayon ang haharap sa kaniya. Bakit nga ba kasi ako napunta sa mundong 'to at maging sya?

Ilang sandali pa ay natauhan na ako nang matanaw ang malaking gate ng hacienda Enriquez. Nang makalapit sa tarangkahan ay napatigil ako matapos makita ang lahat ng kasambahay na nasa labas, nakatunganga at walang magawa.

Napatingin ako kay Leticia na lumapit sa akin at binuksan ang gate para sa akin. "Anyari?" Nagtatakang tanong ko at tinignan ang mga kasambahay na nakaupo sa bato at damuhan.

Muli nang sinarado ni Leticia ang tarangkahan at hinawakan ang kamay ko. "Galit ngayon ang Señor Yuan. Pinalabas niya ang lahat ng tao sa loob at hindi nais magpapasok hangga't nais niya," pag-iinform sa akin ni Leticia na ikinagulat ko, lumapit na rin si Manang Soledad sa amin.

Malinis naman ang kapaligiran kaya wala nang dapat linisin pa. "Huh? Bakit naman?" Naguguluhang tanong ko. Huli ko syang nakita sa panciteria kung saan nakita n'ya akong kayakap si Agustin.

"Hindi ko rin alam, Liling. Pagkarating ko rito ay tila may hinanap ang kaniyang mga mata. Matapos no'n ay bigla na lang uminit ang ulo niya at pinalabas kaming lahat," tugon ni Leticia sa tanong ko, napalunok ako.

Napatingin ako kay Manang Sol at nagtaka ako dahil nakatingin sya sa akin ng kakaiba. Napatingin naman ako sa tahimik na mansyon ng mga Enriquez, malamang ay sya lang ang tao roon ngayon dahil pinaalis n'ya lahat ng trabahador.

Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong napahakbang papalapit doon, pakiramdam ko ay may kinalaman ako sa galit n'ya. Napatigil ako sa paghakbang nang hawakan ni Leticia ang braso ko.

"Liling, saan ka tutungo? Hindi nais ni Señor Yuan na may pumasok sa loob," nag-aalalang tanong at saad ni Leticia pero wala nang makapipigil sa akin, hinawakan ko ang kamay n'ya at inalis 'yon sa braso ko.

Nginitian ko sya at si Manang Sol bago lakas loob na naglakad papasok sa loob ng mansyon. Naramdaman ko pa ang pagtingin nila sa aking lahat. Nakakahiya pero bawal na akong mag-back-out.

Nang makarating sa malaking pinto ay maingat kong binuksan 'yon. Pagpasok sa loob ay laking gulat ko matapos makita ang mga gamit sa sala na nagkalat sa sahig. Sunod kong tinignan si Yuan na nakaupo sa sofa, nakatalikod sya sa akin at malalim ang paghinga.

Nabibigla akong naglakad papalapit sa kaniya. "A-anong nangyari? Lumindol ba?" Nabibiglang tanong ko, tuluyan ko nang nasilayan ang mukha n'ya at nakita ko nang mapapikit sya.

"Anong nangyari..." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang matalim n'ya akong lingunin, napahawak ako sa tapat ng puso ko. Bakit palagi na lang galit?

Napalunok ako at tinignan isa-isa ang mga gamit na tumapon lahat sa sahig, ang kalat ng sala. Nagwala ba sya? "Umalis ka na rito." Gulat akong napatingin kay Yuan nang palayasin na niya ako, ang lalim ng boses n'ya at parang galit talaga.

"A-ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo? May problema ba?" Tanong ko, hindi ko alam pero nagtunog nag-aalala 'yon.

Nakatingin na sya sa baso ng alak na hawak n'ya, nakasuot na naman sya ng all black. Napahinga ako ng malalim at sinimulang damputin ang mga gamit na pinaghahagis n'ya, may mga bubog pa.

Grabe, kahit mga flower vase ng nanay n'ya ay hinagis. Masyado talaga syang rich kid kaya wala nang pakielam sa mga hahagisin niya. Inipon ko na ang mga gamit na nagkalat sa sahig, maingat ko na ring dinampot ang mga malalaking bubog.

"Sila na ang pagligpitin mo at bumalik ka na sa iyong sinisinta." Gulat akong napatingin sa kaniya nang malamig niyang sabihin 'yon, hindi na niya ako sinulyapan pa at tumayo bago dire-diretsong naglakad papanik sa hagdan.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang makapanik, napapikit pa ako nang malakas niyang isarado ang pinto ng kwarto niya. Halatang sa akin sya may galit. Napatulala na lang ako. Ano ba ang nagawa kong masama at g na g sya d'yan?

"LILIANA!" Mula sa pagkakatulala palabas ay napatingin ako kay Leticia nang tawagin n'ya ang pangalan ng kapatid niya.

Bumaba na ako sa limang baitang ng hagdan. Nang muling mag-angat ng tingin ay napatigil ako nang makitang nakatingin sila sa akin ngayon lahat. Napalunok ako at nahihiyang linapitan sina Leticia at Manang Soledad.

Nag-aalalang hinawakan ni Leticia ang kamay ko at tinignan ang bawat parte ng katawan ko, nagtataka ko syang tinignan. Ano ba ang nangyayari at parang shock na shock silang lahat sa paglabas ko?

"Liling, buhay ka pa ba?" Naguguluhan kong tinignan si Leticia dahil sa weird niyang tanong. Malamang, mukha ba akong napunta sa langit? Impyerno kaya ang napuntahan ko.

"S-syempre, bakit ba?" Nagtatakang tanong ko at ilinibot ang paningin, kinabahan na naman ako dahil nakatingin talaga silang lahat sa akin ngayon.

"Isang himala." Napabalik ang tingin ko kay Manang Soledad nang sabihin niya 'yon, pati sya ay naging weird na rin.

Laking gulat ko nang isa-isa silang magpalakpakan. Napanganga ako at isa-isang tinignan ang mga co-kasambahay kong nakatingin lahat sa akin ngayon. Agad akong sumenyas na manahimik sila. Nakakahiya naman!

"Silence—tumahimik po tayo please. A-ang totoo niyan ay pwede na tayong pumasok ulit pati maglinis na rin kasi binagyo 'ata sa loob," nahihiyang saad ko at napakamot sa ulo ko, parang biglang uminit ang pisngi ko.

Napapikit na lang ako nang magtataka nila akong tignan lahat dahil sa mga naunang salitang binitawan ko. Nagsalita na naman ako ng english. Mabuti na lang at isa-isa na rin silang pumasok sa loob kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Napangiti si Leticia bago maglakad na rin papasok sa loob. Napatingin naman ako kay Manang Sol na tignan ako nang namamanghang tingin bago maglakad na rin papasok sa loob.

Naiwan akong mag-isa sa labas at napatulala na lang. Pilit ko mang iwinawaksi sa isipan ko ang pamilyar na tingin ni Yuan na tila naninibugho pero hindi ko na 'yon magawang alisin pa sa isipan kong parating umiikot sa kaniya.

NAKATULALA akong nagwawalis ngayon sa labas ng hacienda Enriquez. Maliwanag pa rin ang kapaligiran dahil hindi pa naman gabi pero namumutawi ngayon ang madilim na ulap sa kalangitan, feeling ko ay uulan mamaya.

Habang patuloy na winawalis ang mga patay na dahon ay napatigil ako nang bumukas ang tarangkahan at pumasok doon ang kalesa ng mga Enriquez. Kalesa talaga ang main sasakyan noong spanish era. Wala pang traysikel, jeep, motor, at iba pa sa noong unang panahon.

Napatabi ako sa gilid at tinignan si Don Paterno at Doña Violeta na syang sakay ng kalesa. Tinawag ni Don Peterno si manong guard na syang guardia personal dito.

May sinabi si Don Paterno pero hindi ko naintindihan dahil wikang espansyol ang ginamit niyang language sa pagsasalita. Matapos magsalita ni Don Peterno ay pumasok na sa loob ang guardia.

Napatigil ako nang mapasulyap sa akin si Doña Violeta, hindi ko pa rin nakalilimutan noong sinagot ko sya na medyo big deal sa kanila.

Kalmado lang ang reaksyon ng mukha ni mother. Magsasalita na sana sya pero napatingin na sya sa harapan, napatingin din ako sa malaking pinto ng mansyon at napatigil ako matapos makita si Yuan na sa tingin ko ay ang syang tinawag ni kuya guard.

Ang formal ngayon ng suot niya kahit palagi naman talaga. Dahil masama ang loob niya ay naka-color black sya ngayon maliban sa suot niyang panloob na color white. Walang emosyon ang mukha niya as always.

Inayos niya ang pagkakasuot ng abrigo niya. Didiretso na sana sya pasakay ng kalesa pero napasulyap sya sa akin na nakatayo sa gilid at inosente syang pinagmamasdan ngayon. Napatigil sya.

"Vamos, Yuan. (Tayo na, Yuan)" Sabay kaming napatingin kay Doña Violeta nang tawagin na niya si Yuan.

Sandali akong pinagmasdan ni Yuan bago umiwas ng tingin at mapayuko. Napahinga sya ng malalim bago sumampa na sa kalesa. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan nang lumisan ang kalesa.

Hindi na niya ako sinulyapan pang muli. Napahinga ako ng malalim. Bakit gano'n? Parang may mali sa nangyayari, parang may nais ipahiwatig ang titig niya.

"Liliana, hija. Anong tinitignan mo sa labas?" Napatingin ako nang may magsalita mula sa likuran ko, si Manang Soledad.

"Uh, Manang Sol? Alam n'yo po ba kung saan pupunta ang pamilya Enriquez ngayon?" Nagbabakasaling tanong ko, alam kong may nalalaman si Manang Sol sa nakaraan ng pamilya Enriquez dahil matagal na syang kasambahay sa hacienda na 'to.

Nanatiling nakatingin sa akin si Manang Soledad. "Mamamanhikan," sagot niya na ikinatigil ko, hindi ko 'yon kailanman inasahan.

"Po? Mamamanhikan?" Nagugulat na tanong ko. Ang pamamanhikan ay para sa dalawang taong ikakasal na at kasama ang bawat miyembro ng pamilya.

"Oo, Liling. Bakit?" Tanong ni Manang Soledad na tila napansin ang pagkabigla ko, parang nabigla rin ang puso ko at nakalimutang tumibok sandali.

"S-sino po ang pakakasalan ni Yuan?" Pigil ang hiningang tanong ko. Huwag mong sabihing... Si Mariella?

Napahinga ng malalim si Manang Soledad. "Ito ang dahilan kung bakit sya nagbalik mula sa Siam. Nagbalik sya para sa kaniyang nakatakdang pakasalan, para kay Carolina Mendoza..." Ang sagot ni Manang Soledad na ikinatigil ng aking mundo.

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top