HIWAGA KABANATA 23

[Kabanata 23 - Nakaraan]

NAGISING ang diwa ko dahil nagising ito. Napagulong ako kama at parang napunta ako sa ulap nang maramdamang ang lambot ng kinahihigaan ko ngayon.

Nakapikit pa rin ang mga matang itinaas ko ang kamay ko para kumuha ng kahit ano. May naramdaman akong malambot na bagay at kinuha ko iyon bago yakapin, unan yata ang nakuha ko. Napatigil ako nang maamoy ang pamilyar na bango ng unan.

Parang alam ko 'yong pabangong 'to, ah? Napadilat ang mga mata ko matapos mapagtantong nakahiga ako ngayon sa malambot na kama at hindi sa banig!

Gulat kong ilinibot ang aking paningin at napatigil ako nang makilala ang kwartong ito. Muli na lang akong napahiga sa kama. Ang akala ko pa naman ay nagbalik na ako sa mundo ko.

Matutulog na sana muli ako dahil ang sakit ng ulo ko pero bigla akong napayakap sa kumot na nakatapis sa akin matapos mapatanong sa sarili ko na kung bakit ako ngayon nandito sa kwarto ni Yuan!

Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nagpunta kami ni Yuan sa opisina n'ya. Naglaro at nag-inuman kami. Tapos... anong nangyari?!

Naalala ko na ako mismo ang naghamon sa kanya sa challenge na kung sino ang unang tumumba, sya ang talo at maaari syang magbigay ng dare sa natalo. Anong nangyari? Natalo ba ako?!

Bigla ay binalot ako ng kaba matapos maisip na wala akong maalala sa nangyari kahapon, may panlaban na sya sa akin ngayon. Ano kaya ang pinagagawa ko kagabi?

Humarot ba ako? Nagsasasayaw ba ako sa harapan n'ya? Hinarot ko ba sya?!

Nanghihina akong umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa tapat ng noo ko at sumasakit ang ulong ilinibot ang paningin sa maaliwalas na silid ni Yuan. Ako lang ang tao rito. Nasaan ang kainuman ko?

Kinuha ko ang kulay puting unan na nasa likuran ko at ipinatong 'yon sa lap ko. Nag-straight body ako at inunat ang katawan ko. Bakit gano'n? Ang sakit ng katawan ko. Nag-inuman lang naman kami ni pareng Yuan, ah?

Naka-close ang kurtina ng balkonahe kaya madilim ngayon ang kwarto pero may nakikita pa rin naman ako dahil sa liwanag na nag-aapear pa rin sa bintanang nakasara.

Napakapa ako sa mukha ko, ang init nito. Tinanggal ko na ang muta ko, mabuti na lang at walang panis na laway. Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ko at nakita ko na ang pagmumukha ko.

Nakalugay ang itim kong buhok, messy hair sya ngayon. Suot ko pa rin naman ang baro't saya na suot ko kahapon. Pinagpapawisan na pala ako dahil naka-close ang lahat ng bintana, para akong nagtatago.

Tinanggal ko na ang kumot na nakalapat sa akin at nahihilong tumayo. Napatingin ako sa ibaba ng kama at nandoon ang pares ng suot kong bakya kagabi. Bigla ko tuloy naisip na baka rito n'ya ako dinala after kong ma-knock-out.

Sinuot ko na 'yon bago mapatingin sa pinto. Napunta 'yon sa kalendaryo na nakasabit sa pinto, ito 'ata ang nakita ko noong confident akong pumunta sa kwarto n'ya nang walang katakot-takot.

Tuluyan na akong tumayo at naglakad papunta sa tapat ng pinto. 1880 pa rin ang year ng calendar pero bumalik 'yon sa april, noong huli kong nakita 'to ay nasa september na. Hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan ang kalendaryong 'to, parang gusto ko sya nakawin at dalhin hanggang sa future.

Birth month ko ang april. Napatingin ako sa 25 at napatigil ako matapos makitang may ekis doon. Naaalala ko noong birthday n'ya at sinabi ko kung kailan ang original birthday ni Mariella Yvonne Soriano. Napangiti ako matapos maisip na sya ang naglagay ng ekis sa birthday ko bilang palatandaan.

Napakagat ako sa daliri ko. Pero hindi kaya pinaplano n'yang patayin ako sa birthday ko kasi linagyan ng ekis? Hindi ba dapat check? Napailing ako, nababaliw na naman ako.

Habang pinagmamasdan ang kalendaryo ay muli akong napatigil nang bumukas ang pinto, muntik na 'yong sumupalpal sa pagmumukha ko pero mabuti na lang at kalahi ko si flash at nakaatras agad.

"Ano ba 'yan! Biglang binubuksan 'yong pinto," reklamo ko at muling napahawak sa noo ko, parang gusto ko na lang ulit matulog at magpahinga pero nagugutom na rin ako.

Ngunit napatigil na naman ako nang makitang si Yuan pala ang pumasok. Nagulat ako hindi dahil sya ang pumasok kung hindi dahil nakasuot lang sya ng towel ngayon!

Napaawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa mga gulat n'yang mga mata. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, muntik ko nang bilangin ang abs n'ya pero mabuti na lang at agad na akong napatalikod.

Nag-iinit akong naglakad papunta sa kama at mabilis na nagtalukbong.  Napapikit ako ng mariin at napasigaw ng walang boses matapos makapagtago sa kumot, dapat ay sa balcony ako pumunta!

Narinig ko ang pagbukas ng cabinet at ilang saglit lang ay bumukas sara na ang pinto. Napalunok ako at dahan-dahang sumilip sa kapaligiran, wala na sya.

Muli na akong umupo sa kama at pinunasan ang pawis ko, muli akong napalunok ng malalim. Grabe, lumabas pa talaga sya sa sarili n'yang cuarto. Halatang wala syang tiwala sa akin. Bakit, mukha ba akong sisilipan sya?

Hindi naman sa fan ako ng katawan n'ya pero ang sexy n'ya pala lalo kapag hindi balot na balot. Parang ang sarap niyang yakapin, pagmasdan, mahalin. Pero hindi ko sya gusto, ah?

Natauhan ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang malakas na tikhim mula sa 'di kalayuan. Nag-angat ako ng tingin kay Yuan na pumasok na palang muli, hindi ko man lang narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto dahil ang tahimik n'yang gumalaw.

Sinundan ko sya ng tingin nang maglakad sya paupo sa dulo ng kama at tuyuin ang buhok n'ya gamit ang hawak niyang towel na color white. Himala at hindi sya all black at balot na balot ngayon, kung sa bagay ay nasa bahay lang naman sya.

Nakasuot lang sya ng puting kamiso at itim na pantalon, ang simple pero ang lakas ng dating. Hindi ko namalayang pinagmasdan ko na pala sya. Natauhan lang ako nang lingunin n'ya ako.

"Nais mo bang buhatin pa kita palabas?" Nagulat ako dahil sa sinaad niya, parang biglang lumukso ang puso ko habang nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko.

"H-ha?" Nabibiglang tanong ko, umiwas na sya ng tingin at muling tumayo.

Sinundan ko muli sya ng tingin. Binuksan na niya ang mga bintana. Sa wakas ay naramdaman ko na ang malamig na pag-ihip ng hangin na tumama sa aking balat. Naging maliwanag na rin ang kapaligiran.

"A-anong oras na pala?" Lakas loob na tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako nautal at ang awkward pakinggan.

"Alas tres." Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa sagot niya. Napahawak ako sa bibig ko at napatingin sa kalangitang binabalot ngayon ng mga ulap.

Hapon na pala, tinanghali na ako ng gising. Nagbalik ako ng tingin sa kanya nang bumalot sa aking pang-amoy ang bango n'ya, ano kayang gamit niyang sabon?

Muli syang umupo sa pinakadulo ng kama, feeling ko ay gusto na niyang humiga pero nakaharang ako kaya hindi n'ya 'yon magawa. Kaya naman inalis ko na ang kumot na nakapatong sa akin at inayos ang pagkakasuot ng suot kong bakya.

Tumayo na ako at naisipang tanguhan sya, nakaangat sya ng tingin sa akin at 'yon na lang 'ata ang gusto n'yang gawin. Tuluyan na sana akong maglalakad paalis pero napatigil ako matapos pumasok sa isipan ko ang mga iba't ibang tanong.

Dahan-dahan ko syang nilingon na nanatili sa kaniyang pwesto pero bumalik ang tingin n'ya sa akin dahil tumigil ako. Umayos ako ng tayo kahit na nahihilo ako today, hang over is real.

"Sir, ano nga palang nangyari kagabi? Natalo ba talaga ako?" Tanong ko, baka mamaya ay sya pala ang naunang makatulog d'yan pero nakalimutan ko lang.

Bigla syang napangiti ng kaonti pero agad n'yang tinago 'yon. Confident n'ya akong tinignan at tumango ng dalawang beses. Nanlulumo akong napatulala. Grabe, nakakahiya, ako 'tong naghamon tapos ako pa pala ang
matatalo.

Napahinga ako ng malalim. "Kung gano'n, anong dare—nais mong gawin ko?" Tanong ko, nanatili syang nakatingin sa akin at tila iniisip n'ya ngayon ang dapat sabihin.

Masama pa naman ang ugali ng lalaking 'to, baka mamaya ay pahirapan n'ya ako. Patalunin sa building? Pero wala pa namang building sa panahong 'to. Edi ano? Makipag-24 hours jowa challenge sa kaniya?

"Wala muna sa ngayon," saad n'ya na ikinatingin ko sa kaniya, napatigil ako matapos mapamilyaran ang tingin n'yang 'yan.

Parang 'yan 'yong tingin n'ya sa akin kagabi, malalim. Bigla ay unti-unting pumasok sa isipan ko ang kaniyang mga salita habang nag-iinuman kami.

"Naaalala ko sya sa 'yo," nakatulalang pag-uulit ko sa sinabi n'ya kagabi, ang mga salitang hindi ko alam kung bakit tila nagdulot ng panghihinayang sa puso ko.

"Naaalala mo sya sa akin?" Tanong ko at nagbalik ng tingin sa kaniya, bakas sa mukha niyang hindi inasahan na maaalala ko pa rin ang sinabi niya.

"Sino nga bang sya?" Tanong ko muli at napatingin ng diretso sa mga mata niya. Unti-unti akong nalilinawan na ang nakaraan niya pala ay isang babae.

Napatingin din sya ng diretso sa mga mata ko. "Si Mariella..." Ang kanyang sagot na ikinatigil ng mundo ko.

"M-mariella? Iyon ang pangalan ng taong naaalala mo sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang kaniyang pananahimik ay mas lalo lang nagbibigay ng sagot sa akin na kapangalan ko nga ang kanyang nakaraan.

"Si Mariella na syang aking naging mundo ngunit binigo niya rin ako," nakatulalang saad n'ya, tila kumirot ang puso ko dahil sa sinabi n'ya.

Totoo nga, na si Mariella rin ang kaniyang naging mundo. Kapangalan ko pala sya, ngunit magkaiba kami pagdating sa puso niya.

Ngayon, napagtanto ko na nabanggit niya lang pala ang pangalang inaakala kong akin lang noon ngunit ibang Mariella ang itinutukoy n'ya. Ang lihim n'yang mga ngiti na naibibigay n'ya lang pala sa akin dahil naaalala niya sa akin ang nakaraang nalimot na.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatalikod at nagmadaling lumabas sa kwarto n'ya. Tumakbo ako papunta sa dilim at doon itinago ang tunay kong nararamdaman.

Pilit na sinasabi ng isip ko na hindi ko sya gusto ngunit bakit gano'n? Naninikip ngayon ang dibdib ko dahil ang ibinibigay n'yang ngiti sa akin ay dala lang pala ng katotohanang naaalala n'ya sa akin ang dating iniibig.

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top