HIWAGA KABANATA 19
[Kabanata 19 - Pakiusap]
"GINAWA mo iyon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Luisa sa akin, nandito kami ngayon sa bahay at naisipang dito muna mag-stay.
Nasa kwarto ngayon si inay at itay habang kami naman ni Luisa ay nasa labas ng bahay kubo, nakaupo kami ngayon sa bangkito at naghuhugas sya ng pinggan nang istorbohin ko sya dahil nababaliw na talaga ako sa kaiisip. Naisipan kong ikwento sa kaniya dahil alam ko namang hindi n'ya ako ipapahamak.
Napakagat ako sa labi ko at nanlulumong tumango, hindi ko naman talaga alam na brand pala ng alak ang itinutukoy n'ya! Tatlong araw na ang lumipas simula noong huli kaming nagkaharap ni Sir, hindi ko na yata kayang bumalik sa pamamahay n'ya para magtrabaho.
Nakukunsensya ako kasi sya na nga 'tong tumulong sa pamilya ko tapos sinaktan ko pa sya. "Liling, maaari kang makasuhan dahil sa ginawa mo!" Nagpapanic na pag-iinform sa akin ni Luisa at napatigil na sya sa paghuhugas ng pinggan.
Sorry. Mukhang magdadala pa ako ng isipan sa kaniya dahil sa ginawa kong 'to. Ngayon ay parang gusto ko nang mag-teleport pabalik sa mundo ko para matakasan ang mga kahihiyan ko rito.
"Ngunit wala pa namang dumarating na mga guardia rito upang dakpin ka. Ano na kaya ang plano ni Ginoong Yuan sa iyo?" Tanong ni Luisa at napaisip, mukhang disappointed sya sa akin ngayon dahil matapos kaming tulungan ni Sir ay hahampasin ko lang sya ng menu.
Plastic lang naman 'yong menu na 'yon pero hindi pa rin maaalis ang katotohanang hinampas ko sya no'n. Grabe, gusto kong magsisigaw ngayon para maalis na ang kaba sa puso ko. Nakakainis, nakakabaliw, hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Sa tingin ko, kailan mo nang magbalik sa hacienda Enriquez upang samahan si Leticia at humingi ng tawad sa kanya. Hindi naman maaaring manatili ka na lang dito habang buhay," advice sa akin ni Luisa at sinulyapan ako, napahinga ako ng malalim.
Ang sabi nila, mama knows best. Pero dahil natutulog ngayon ang nanay ko, ate knows best na lang. "S-sige," pagsang-ayon ko sa advice n'ya, baka mamaya ay si Leticia na pala ang napapahamak doon.
Muli na syang nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan, isang buwan pa lang naman syang buntis at carry n'ya pa naman na maghugas ng pinggan. Napayakap na lang ako sa tuhod ko at napapikit. Sana ay makabalik pa akong buhay dito.
TAHIMIK at walang ingay akong naglalakad ngayon patungo sa hacienda Enriquez, abot na hanggang lalamunan ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nang makahawak sa tarangkahan ay agad akong tumingin sa magkabilang gilid dahil baka nandito na naman sya.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang payapa lang ang kapaligiran. Napahinga ako ng malalim at nag-sign-of-the-cross bago maingat na buksan ang tarangkahan, napapikit ako dahil tumunog 'yon.
"Ano ba 'to," reklamo ko at maingat na sinarado muli ang tarangkahan, nang humarap ay napahawak ako sa tapat ng puso ko matapos sumulpot doon si Leticia.
"Ano ba naman 'yan, 'te! Kagulat ka, ah?" Reklamo ko ulit at ilinibot ang aking paningin, nang bumalik 'yon sa kanya at nakapamewang na sya.
"Liling, ano't ngayon ka lang naparito? Alam mo ba na hinanap ka ni señor Yuan? Kalmado lamang sya ngunit tila galit din sya!" Exaggerated na saad ni Leticia, mukhang calm na ulit sya ngayon at hindi balisa. Okay lang din naman ang lagay n'ya at mukhang hindi naman sya pinarusahan dito.
Napalunok ako. "Anong sabi? Ipadadakip na ba ako?" Kinakabahang tanong ko at napatingin sa bintana sa taas dahil baka may nakatingin.
"Bakit ka naman ipadadakip?" Nagbalik ako ng tingin kay Leticia nang ibalik n'ya ang tanong sa akin, may reverse card 'ata ang lahat ng kausap ko.
"Wala, basta 'wag mo na intindihin 'yong sinabi ko. May sinabi ba sya tungkol sa akin?" Tanong ko ulit, sa lumipas na 4 days ay um-absent ako rito at maging sa panciteria. Baka disqualified na ako roon.
Sandaling napaisip si Leticia bago umiling. "Tinanong niya lang kung nasaan ka. Bakit kaya? Bakit naman, Liling?" Usisa bigla sa akin ni Leticia, napailing agad ako. Chismosa talaga sya.
"O'sya, mukhang magaling na magaling ka na kung kaya't magtrabaho ka na muli rito." Napasimangot ako dahil sa sinabi n'ya pero napalitan 'yon ng kaba nang dalhin n'ya ako sa loob.
Wala akong ibang nagawa para umatras dahil nakita na ako ni Manang Sol matapos makapasok sa loob. Lumapit sya sa amin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Oh? Ano't namumutla ka? Mas maayos pa nga yata ang iyong hitsura noong umalis ka," tanong at saad ni Manang Sol at inayos ang baro ko, para ko talaga syang third mom.
"W-wala po. Wala po ba kayong iuutos ngayon sa akin sa labas? Free na free—libre po ako ngayon," saad ko at sinubukan syang ngitian, nanginginig na ngayon ang labi ko dahil sa takot na biglang dumating si Yuan.
Napaisip si Manang Sol saglit. "Wala naman, tumungo ka na lang sa itaas upang doon maglinis. Napansin kong madumi ang baranda sa katabi ng silid ni Señor Yuan," saad ni Manang Soledad na ikinanganga ko.
Ano raw? Sa tabi ng silid ni Yuan?! "Ayoko nga!" Wala sa sariling sigaw ko pero agad akong napatakip sa bibig ko matapos mapagtantong nasigaw ko pala ang nasa isip ko.
Nakita ko nang magulat si Manang Sol at si Leticia at maging ang mga kasambahay na malapit lang sa amin ngayon. Napakagat ako sa daliri ko at nanlulumo silang tinignan, parang ako na lang pala ang gusto kong ipakain sa dinosour ngayon.
"A-ang ibig ko pong sabihin ay ayoko nga... Ayoko ngang lumabas pa sa bahay dahil gusto ko na lang maglinis dito! Opo 'yon po," palusot ko at kinakabahan silang nginitian, napailing na lang ang mga kasambahay at nagpatuloy sa kanilang gawain.
Naguluhan si Manang Sol sa sinabi ko pero sa huli ay tumango na lang para hindi na sya ma-stress pa sa pinagsasasabi ko. Umalis na sya sa harapan ko dahil magluluto pa sya habang si Leticia naman ay naghihinala akong tinignan bago sundan si Manang Soledad.
Nahawa na sya kay Luisa. Napahinga ako ng malalim bago magsimulang maglakad papunta sa taas. Nakita ko pa ang bulungan ng mga palakang kasambahay sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin dahil masyado akong maganda para roon.
SUNSET na, tulad ng inutos ni Manang Sol sa akin ay nagpunas ako ng nga alikabok dito sa terrace na katabi lang ng kwarto ni Yuan. Rich kid talaga ang lalaking 'yon. May balcony na nga sa loob ng kwarto n'ya, meron pa sa labas. Wow!
Ang totoo n'yan, ayoko mang aminin pero kanina pa ako pagsulyap-sulyap sa tapat ng pinto ng kwarto ni Yuan. Inabot na ako ng sunset dito pero parang wala namang tao sa loob, siguro ay nasa trabaho sya ngayon.
Muli akong napasulyap sa pinto ng kwarto niya pero sa pagkakataong ito ay napahinga na ako ng malalim at tinigilan na ang railings ng balcony na 'to, kanina pa naman malinis dito at sa tingin ko ay panahon na para lumayas dito.
Alam ko namang hindi ko rin kaya sa oras na makaharap muli sya. Pagtalikod ko ay nagulat ako matapos makita si Manang Sol na nasa likuran ang kamay, nang magtama ang aming paningin ay nginitian n'ya ako.
"May hinihintay ka ba?" Tanong n'ya na ikinatigil ko, parang naghihinala sya sa akin ngayon.
Napalunok ako at sinubukang umiling pero parang nawala ang confidence ko sa pagsisinungaling nang ngumiti ulit si Manang at tila sinasabi ng kanyang ngiti na alam na n'yang nagsisinungaling ako ngayon.
"Bakit mo sya hinihintay? Kilala mo na ba sya at ang kanyang nakaraan?" Tanong muli ni Manang Soledad, parang bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga pasaring n'ya.
Sino nga ba si Yuan Enriquez?
Ang tanging alam ko lang ay may ikinukubli ang kanyang mga mata at iyon ang dahilan kung bakit malamig sya ngayon. Nagulat ako nang tuluyan akong lapitan ni Manang Soledad at hawakan ang kamay ko.
"Libre ka ngayong araw, hindi ba?" Nakangiting tanong niya, itinutukoy ang sinabi ko kaninang free ako. Pero ang itinutukoy ko naman ay ang utusan! Kung ipapakain n'ya ako sa dinosour, 'wag na lang.
Marahan akong nginitian ni Manang Soledad. Hindi ko alam ngunit sa ngiti n'ya pa lang, alam kong kilala n'ya kung sino nga ba ang lalaking gumugulo sa ngayon sa aking isipan.
"Samahan mo sya ngayong gabi..." Ang pakiusap ni Manang Soledad habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Habang naguguluhang nakatingin din ng diretso sa mga mata ni Manang Sol ay sinimulan niyang isalaysay ang mga bagay na kailanman ay hindi ko inasahan.
********************
#Hiwaga #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top