HIWAGA KABANATA 14

[Kabanata 14 - Pagguho ng Mundo]

"MAGANDANG hapon binibini, ako nga pala si Danyiel Villanueva na syang pinuno ng pagamutang ito. May maipaglilingkod ba ako sa 'yo?" Tanong nya at nagbaba ng tingin sa kamay kong nasugatan, napatulala ako sa maamo nyang mukha.

Bakit parang andami yatang gwapo sa mundong 'to? "Binibini?" Natauhan ako nang tawagin nya na naman ako, nakakakilig naman marinig sa kanya ang salitang binibini.

Sinubukan ko syang ngitian. "Uh, mga doktor ba ang nandito? Nanggagamot ba kayo ng mga may sapi or may problema sa pag-iisip?" Wala sa sariling tanong ko, nagtaka sya at tinignan ako.

"May sapi? Sino ba ang iyong tinutukoy na may problema sa pag-iisip?" Tanong nya pabalik, ang disente nya tignan at naka-black pa sya. Naalala ko tuloy si Sir.

"Wala, charot lang 'yon. Ang ibig ko hong sabihin ginoo ay kung gumagamot ba kayo ng may sugat sa kamay?" Segway ko sa mga kabaliwang pinagsasasabi ko.

Nagtataka ang kanyang tingin sa akin bago sya dahan-dahang tumango, sa totoo lang ay pinipigilan kong ngumiti dahil ang cute nya talaga. Sino kaya ang jowabels nya? Sana ay mas maganda sa akin para naman worth it ang kagwapuhan nya.

"Sandali lamang," saad nya at tumayo mula sa kanyang kinauupuan, akmang maglalakad paalis papunta sa kabilang kubo pero pinigilan ko sya nang may maalala.

"Wait!" Pagpipigil ko sa kanya pero agad akong napatakip sa bibig ko dahil nag-english na naman ako, nilingon nya ako ng may pagtataka.

Hindi na yata 'yon mawawala sa lahat ng nakakasalamuha ko. "Doc, wala akong pera. Salapi pala," maagap na pag-iinform ko sa kanya, linagay nya ang magkabila nyang kamay sa likod nya at nginitian ako ng kaonti.

Pero bakit gano'n? Parang may ikinukubling lungkot ang ngiti nya?

"Huwag kang mag-alala, binibini. Nagbibigay kami ng libreng pagsisilbi sa mga kagaya n'yo," saad nya, nang-uusisa ko syang tinignan.

"Kagaya n'yong?" Patanong na dugtong ko sa sinabi nya. Kagaya naming mga mahihirap?

"Kagaya n'yong mga magaganda," nakangiting sagot nya, tinanguhan na nya ako bago maglakad paalis. Napahawak ako sa tapat ng aking bibig. Omg, nahanap ko na yata si mister right!

MAKALIPAS ang ilang sandali ay nagbalik na si Danyiel at may mga dala, muli syang umupo sa upuan nya at ilinapag sa lamesa ang ilang dala nya. Sumenyas sya na ilahad ko ang kamay kong may sugat na ginawa ko naman.

Maingat n'yang hinawakan ang aking pulso at itinapat ang kamay ko sa palangganang may tubig at asin. "Huminga ka ng malalim, binibini. Masakit ito ngunit ito ang paraan upang malinis ang iyong sugat," salaysay nya, kinakabahan akong napatingin sa tubig na may asin.

Malamang, masakit talaga 'to dahil may asin. "O-okay, sige. Sandali," kinakabahang saad ko at napahinga ng malalim. Sa mga ganitong pagkakataon, mas gusto ko na lang biglang maging manhid.

"Isa... Ihanda mo ang sarili mo," saad nya at napapikit ako nang ilapit na nya ang kamay ko sa tubig, mukhang magbibilang sya bago tuluyang ilubog ang kamay ko.

Magsasalita na sana ako upang bigyan pa ako ng time pero... "Tatlo!" Laking gulat ko nang bigla n'yang ilubog ang kamay ko sa palanggana, hanep ang doktor na 'to!

"Aray!" Sigaw ko, sandali nya akong sinulyapan.

"Paumanhin," mabilis na saad nya at sinimulan nang hugasan ang kamay ko gamit ang tubig asin, napapikit na lang ako dahil sa hapdi na bigla kong naramdaman sa kamay ko.

Ilang sandali lang ay natapos na nyang hugasan ang kamay ko at maingat na pinunasan, nakahinga na ako ng maluwag. Grabe! Nananakit din pala ang lalaking 'to.

Nang lagyan niya naman ng alcohol ang kamay ko ay hindi ko na 'yon masyadong ininda pa, inikutan na nya ng tela ang kamay ko. Habang pinagmamasdan sya ay wala sa sarili akong napangiti, ito ang caring!

Hindi katulad ni Yuan na walang pakielam sa 'kin at ni Heneral Leviano na pinaghinalaan pa akong rebelde, minsan ay nakakasama talaga ng loob ang mga taong ganito. Ang sarap ipakain sa dinosour.

Sa buong paggamot ni Danyiel sa akin, napansin ko na hindi nya kailanman hinawakan ang kamay ko. Sa pulso nya lang ako hinahawakan na normal lang dahil doktor sya. Tila iniiwasan nya ang kamay ko at ng lahat dahil sa isang pangako.

Dahil na-bo-bored na ako ay naisipan ko syang tanungin. "Uh, mister cute? Ano ang masasabi mo sa love? Este, sa pag-ibig?" Tanong ko, napatigil sya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tila hindi na nya napansin pa ang pagsasalita ko ng english dahil sa topic na nasimulan ko. "Masakit," nakatulalang sagot nya, tila may isang napakaespesyal na taong pumasok ngayon sa isip n'ya.

Muli syang nag-angat ng tingin sa akin. "Ngunit masaya rin sapagkat iniibig mo sya," dagdag nya at ngumiti ng mapait, bigla ko tuloy pinagsisihan ang topic na sinimulan ko dahil nalungkot sya.

Hindi ko akalaing umiibig na pala sya at malungkot ang love life nya pero sa kabila no'n ay patuloy n'ya pa ring minamahal ang taong isinisigaw ng puso nya. Hindi ko na pala sya aagawin, bahala na sya sa love life n'ya.

"Kung kaya't sa oras na ika'y umibig, siguraduhin mong handa ang puso mong lumaban. Ang aking maipapayo lang sa 'yo," mapait na saad nya at sinubukan akong ngitian, itinali na n'ya ang tela sa kamay ko.

Napatulala ako dahil sa sinabi n'ya, parang nakakatakot pa lang umibig. Na sa kabila ng ngiting ibinibigay sa 'yo nito, may kaakibat pa rin itong sakit at ang madaya nang tadhana ang magpapasya.

"Ingatan mo palagi ang iyong kamay at maging ang iyong puso," rinig kong saad nya, natauhan na ako at nagbalik ng tingin sa kanya. Ang lalim ng mga words na binibitawan n'ya, halatang na-experience na niyang masaktan.

Tumango ako. "S-salamat, doktor Villanueva. Umaasa rin akong mahanap mo ang saya pagdating sa salitang pag-ibig," saad ko at marahan syang nginitian, tinanguhan nya ako habang ang kanyang kamay ay magkahawak muli sa lamesa.

Parang ayaw n'yang ipahawak ang kamay n'ya dahil may isang taong nakalaan para roon. Tumayo na ako at nagbigay galang sa kanya bago maglakad palabas, umaasa nga ako na maging masaya rin sya... Pagdating ng araw.

Paglabas ng pagamutan, tuluyan na sana akong maglalakad paalis pero napatigil ako nang makita ang isang magandang babae na nakasakay sa kalesa at sobrang sama ng tingin sa akin. Napahawak ako sa tapat ng puso ko, bakit parang galit?

Pareho kaming straight hair pero sobrang taray ng mukha n'ya, parang pinapatay na n'ya ako sa kanyang isip ngayon. Dinedma ko na lang sya at linagpasan ang babaeng sa tingin ko ay nakalaan para kay Danyiel Villanueva.

NAKATULALA akong naglalakad ngayon pauwi sa hacienda Enriquez, papalubog na ang araw at nagpapasalamat ako dahil hindi na ako naligaw pa pagdating sa pag-uwi. Hindi ako maka-get-over sa mga nakilala ko ngayong araw.

Puro magaganda at gwapo, may iba't ibang pagkatao at iniibig. Nakatagpo ko nga si mister general at mister cute pero nakalaan na silang dalawa sa ibang babae. Maghahanap na lang ako ng pangatlo, ayoko sa pang-apat!

Speaking of gwapo at pang-apat, bubuksan ko na sana ang gate para pumasok pero napatigil ako nang may humawak din sa gate. Ang mas nagpapagulat sa akin ay dahil nahawakan nya ang kamay ko, ni Yuan Enriquez.

Agad n'yang binitawan ang kamay ko, maging ako ay nabitawan ang gate na bumukas na ngayon. Gulat akong napatingin sa walang emosyon na naman niyang mukha, nakakapanibago syang pagmasdan matapos makasalamuha ang serious Leviano and smiley Danyiel.

At sya naman, si no emotion Yuan. "Anong ginagawa mo sa labas?" Natauhan ako nang magtanong sya, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wow, concern ba sya?

"Sir, for your information, bago mo ako sermonan, inutusan ho ako ni Mayora Soledad na mamitas ng bulaklak sa hardin. Duh!" Nakasimangot na pag-iinform ko at siniringan sya, nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nakatingin na sya sa kamay kong may tela.

"Kung gayon, nasaan ang mga bulaklak?" Tanong nya at tinignan ako ng diretso sa mga mata ko, napatigil ako at biglang napalunok.
Nagtaray pa ako pero nakalimutan ko nga pa lang pumitas ng bulaklak.

Bakit ba naman kasi walang flowers sa hacienda nila, patay kung patay. Sasabihin ko na sana ang palusot kong may nakabangga sa akin kaya may sugat ako at nahulog ang mga pinitas kong bulaklak pero sabay kaming napatingin sa aming likuran nang may dumating.

Napatigil ako matapos makita si Luisa, nagtaka nang makitang hapong-hapo sya at napahawak sa tapat ng kanyang puso. Agad ko syang linapitan at nag-aalalang hinawakan ang kamay nya.

"Bakit, ate Luisa? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko, napasulyap ako kay Yuan na walang emosyong nakatingin sa amin ngayon pero alam kong nakikinig sya.

Nagulat ako nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata at sabihin ang isang bagay na muling nagpaguho sa aking mundo. "I-inatake sa puso ang ating inay!"

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top