HIWAGA KABANATA 12

[Kabanata 12 - Ngiti]

"ANONG kaganapan ito?" Taas kilay na tanong ni inay, gulat kong inalis ang kamay ko kay Yuan at napahawak doon. Nakalimutan kong sa palengke nga pala nagtatrabaho sina Luisa at Inay ng mga prutas!

Napatingin si inay at Luisa kay Yuan at marahan nila itong tinanguhan bilang pagbati, napatingin ako kay Yuan at tipid lang din syang tumango. Habang naka'y Yuan pa ang atensyon nila ay dali-dali akong nag-isip ng palusot.

Anong sasabihin ko? "Liliana, anong ginagawa mo rito at kasama pa ang señor?" Muling bumalik ang tingin ko kay inay nang magtanong muli sya, bakas ngayon sa kanyang boses na hindi sya natutuwa sa nakita nya.

"Uh, wala po. Assistant ko po kasi sya," sagot ko na tila ako ang boss nya, sinubukan ko silang ngitian kahit alam kong mali-mali ang sinabi ko.

Malamang ay hindi nila ako maintindihan kaya naman... "A-ang ibig ko pong sabihin ay inutusan po kasi ako ni Mayor Soledad na mamili tapos muntik na nya po akong mabundol kaya sinamahan nya ako bilang paghingi ng tawad," nakangiting dagdag ko at sinulyapan si Yuan na kumunot ngayon ang noo dahil sa kasinungalingan ko.

Pinigilan kong matawa dahil kitang-kita ko ngayon ang pagtutol sa mga mata nya, lihim ko na lang syang kinindatan bilang pagbatid na joke lang 'yon at makisabay na sya. Nakita ko nang magulat sya bago ko ibalik ang tingin kay inay at Lusia na mukhang naawa bigla sa akin.

"Susmaryosep. Kawawa naman ang anak ko, palagi na lang nalalagay sa kapahamakan. Ikaw naman kasi anak ay palaging mag-ingat," sermon sa akin ni inay, napahawak ako sa tapat ng puso ko dahil parang kasalanan ko pa.

"Ayos lang po ako, tumigil po kami rito kasi nandito 'yong mga prutas at gulay na nasa checklist. Pabili nga po ako pati pwede may sobrang isa para meron naman ako?" Request ko at nakangiting itinuro ang mga mangga na favorite ko.

Napasimangot si Luisa. "Hindi maaari sapagkat sa akin lang ang mga manggang iyan," attitude na sabi ni Luisa, ang kontrabida nya talaga sa buhay ko.

Napakamot na lang ako sa aking sentido at tumango, magmukha sanang mangga ang anak nya. "Sige, 'wag na lang. Pabalot na po dahil baka nababagot na si Sir," sobrang bait na saad ko at sinulyapan si Yuan na tahimik lang na pinagmamasdan ako.

"S-ser?" Naguguluhang tanong ni Luisa, napapakamot sa ulong nagbalik ako ng tingin sa kanya. Ang kulit talaga ng ate kong buntis.

"Basta, basta! Huwag nyo nang pansinin ang mga pinagsasasabi ko kasi pagod na po talaga ako," nakasimangot na saad ko at itinuro ang binti kong bibigay na, kanina pa kaya kami naglalakad ni Yuan sa pamilihan.

Tumango na lang si Luisa at umupo na sa silyang gawa sa kahoy at tinulungan si Inay na natapos nang balutin ang mga prutas at gulay, napangiti ako nang makita ang mga mangga roon. Nanakawin ko na lang sya sa kusina mamaya.

Ibinuka ko na ang bayong na hawak ko at ilinagay na nila roon ang mga pinamili ko, bumigat na naman tuloy sa pakiramdam ang bayong na 'to dahil nadagdagan na naman ang laman nya. Mabuti na lang at last na bibilhin na 'to.

"Anak, mag-iingat kayo pauwi. Ikamusta mo ako kay Leting, ha?" Nakangiting saad ni inay, nginitian ko sya at tinanguhan.

"Paalam, Liling! Pangakong bibigyan kita ng mangga pag-uwi nyo ni Leticia," nakangiting saad ni Luisa at kinawayan ako bilang pamamaalam, mukhang naging good mood sya bigla kaya nginitian ko rin sya.

Kinawayan ko na sila bilang pamamaalam at nilingon si Yuan na nauna na pala sa paglalakad paalis, sinamaan ko sya ng tingin mula sa likod at akmang susundan na sana sya pero napatigil ako sa paghakbang nang magsalita muli si inay.

"Liling, ayusin mo naman ang iyong paglalakad at tindig. Para kang naghahanap ng away," saad ni ina at linapitan ako upang ayusin ang baro't saya ko, nahiya tuloy ako bigla dahil ang laki-laki ko na pero nanay ko pa rin ang nag-aayos ng damit ko.

Napakamot ako sa aking noo, mahinhin nga pala ang mga babae sa panahong 'to. "Sige na po, salamat and goodbye!" Nakangiting pamamaalam ko, hindi ko na sila binigyan pa ng chance na tanungin ako dahil dali-dali na akong tumakbo paalis.

Naabutan ko si Yuan na ang bagal maglakad, sinabayan ko sya sa paglalakad at napahinga ng malalim dahil nakakapagod tumakbo. Alam kong naramdaman na nya ang presence ko pero hindi na sya nag-abalang tignan ako.

"Sir," maya-maya ay nakatinging pagtawag ko sa kanya, paparating na kami sa labas ng palengke. Nakikita ko na ang pagsapit ng dilim.

"Ano na naman ba ang iyong pinagsasasabi," walang emosyong saad nya at nagbaba ng tingin sa akin, umihip ang malakas na hangin kaya naamoy ko ang pabango nya. Naalala ko tuloy na may jowa na sya.

Dahil doon ay napalayo ako ng kaonti sa kanya, baka mamaya ay sugurin ako no'n ay hatakin ang buhok ko. Malayo ako sa gulo at hangga't pwede ay iiwasan ko na lang. Nagtataka nya akong tinignan dahil sa paglayo ko, sya nga ang weird d'yan kasi parang hindi big deal sa kanyang lapitan sya ng mga babae.

Womanizer siguro sya. "Sir, sir na ho ang itatawag ko sa inyo simula ngayon para unique— este, kakaiba. 'Di ba?" Nakangiting tanong ko, walang reaksyon nya akong tinignan.

"Basta, kapag may tumawag sa 'yo ng sir, ako agad 'yon. Okay?" Panghihikayat ko sa kanya pero hindi nya naman ako pinansin, napasiring na lang ako at napapagod na ilinagay sa balikat ko ang napakabigat na bayong na 'to.

Gusto ko ngang makipagdaldalan sa kanya para makalimutan kong mabigat 'yong bayong na dala ko pero snobber naman ang kalmadong rich kid na 'to, kapag nainis talaga ako sa kanya ay lilipat ako sa hacienda na namamansin 'yong boss. Basta ba ay cute at kaedad nya pati mabango na rin tulad din nya.

"Perfect na sana kaso ang sungit," bulong ko sa sarili ko pero napatigil ako sa paglalakad nang tumigil sya at dahil nasa harap ko sya ay nasanggi ko ang balikat nya, na naman.

"May sinasabi ka?" Masungit na tanong nya habang nakalingon sa akin, masama ang tingin ko syang tinignan bago labag sa loob na umiling.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng may sama ng loob, kung ka-level ko lang sya sa panahong 'to ay baka wrinestling ko na sya.

"Wala ho, Sir. Ang sabi ko, ikaw na! Ikaw na ang gwapo, macho gwapito, mister right, intimidating bad boy, masungit pero ang lakas pa rin ng dating, kalmadong rich kid, habulin ng mga babae, ano pa ba?" Nauubusan ng hiningang tanong ko sa kanya at hinawakan ang dibdib ko bago habulin ang hininga.

Naguguluhan nya akong tinignan. "Kaonti na lamang at ipapadala na kita sa pagamutan," saad nya at napailing, napangisi ako.

"Bakit? Dahil muntik mo na akong mabunggo at nag-aalala ka sa 'kin?" Nakangising tanong ko, napahalakhak ako nang sumama ang timpla ng mukha nya.

"Dahil malala ka na," sagot nya at tinalikuran ako, nagpatuloy na sya sa paglalakad habang ako naman ay napahawak na naman sa tapat ng puso ko. Ang sama ng ugali!

Agad ko syang sinundan at sisigawan na sana pero napatigil ako nang masilip ang mukha nya at makitang napangiti sya ng kaonti, nagulat sya dahil sa ginawa ko at agad umiwas ng tingin.

Tuluyan na kaming nakalabas sa loob ng palengke at naramdaman na naman ang malamig na ihip ng hangin sa labas. October na ngayon at 'ber' na kaya malamig na talaga ang panahon. Napatigil ako nang may mahulog sa bulsa ng abrigo nyang itim.

Bago nya pa madampot 'yon ay naunahan ko na sya, nanlaki ang mga ko nang makita ang picture ko na nahulog noon sa sahig kasama ang cellphone ko. Tila may naramdaman na naman akong kakaiba sa puso ko dahil sa katotohanang nasa kanya ang aking larawan.

Napahalukipkip ako hanggang sa magbalik na sya ng tingin sa akin, napatingin ako ng diretso sa nakahahalina nyang mga mata na tila nagugulumihanan. Nais ko syang paulanan ng tanong ngayon.

Bakit sya ngumiti? Bakit nasa kanya ang picture ko? At bakit nya binanggit kay Tonyo ang pangalan ko sa mundong 'to?

********************
#Hiwaga #PagIbigSerye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top