TADHANA KABANATA 5

[Kabanata 5 - Kakilala]

NAKATULALA at dahan-dahan akong naglakad palabas ng aming hacienda, kulay asul ang kalangitan at malamig ang ihip ng hangin. Nang tuluyang makalabas sa tarangkan (gate) ay umupo ako sa bangko na gawa sa kahoy, napalingon ako sa aking tabi at at pinagmasdan ang isang pirasong rosas na kulay kahel.

Dahan-dahan ko iyong kinuha at inamoy, napangiti ako ng kaonti dahil sa halimuyak nito. Muling dumapo ang tingin ko sa aking tabi nang may mahulog na kapirasong papel sa loob ng rosas, umihip ang sariwang hangin kung kaya't hinangin ang papel na iyon ngunit mabuti na lang at mabilis ang kamay ko at napigilan ang pagtangay nito. Kinuha ko na iyon at binuksan bago basahin.

ᜉᜆᜏᜇ᜔.

Napahawak ako sa tapat ng aking noo at sinubukang intindihin ang nakasulat ngunit wala talaga akong naintindihan, sa aking palagay ay baybayin ang tawag sa mga letrang ito. Matagal nang namatay ang paggamit sa baybayin dahil napalitan na ito ng alpabeto, hindi ko akalaing may tao pa ring nakakaalala nito.

Ilinibot ko ang aking paningin habang hawak ang rosas na ito at kapirasong papel, baka may nakaiwan sa upuang ito ngunit nahilo lang ako kalilibot ng tingin dahil wala naman akong nakitang ibang tao sa buong kalye. Napakamot na lang ako sa aking tainga at muling pinagmasdan ang rosas na ito.

Napangiti na lang ako dahil kay gandang rosas nito, kakulay ng dapit-hapon. Kung walang namang nagmamay-ari sa rosas na ito, sa akin na lang sya. Muli ko namang tinignan ang nakasulat sa papel, sayang at hindi ko alam kung paano magbasa ng ganitong letra. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ang aking mga mata ay dumapo sa kalesa nang marinig ang tunog nito, nang makalapit sa akin ay aking napagtanto na sakay no'n ang mag-inang Doña Cecilia at Cresensia Santiago. Tumigil sila sa aking harapan, tinanguhan ko si Cresensia at nagbigay galang kay Doña Cecilia kahit nagtatampo pa rin ako sa kanyang anak.

"Bakit po?" Magalang na tanong ko, napatingin si Doña Cecilia sa hawak kong rosas at papel. Sya ang malapit sa direksyon ko kung kaya't nakuha nya ang aking pulso at binuksan ang aking kamay kung saan nakaipit doon ang papel.

Kinuha nya iyon at pinagmasdan, mukhang nababasa nya ito. Nagtaka ako nang mapatulala si Doña Cecilia at napaisip. "Bakit po, ina?" Tanong ni Cresensia na maging ang katanungan ko, nag-angat na ng tingin sa amin si Doña Cecilia at agad nginitian.

"Wala, may naisip lang ako. Sa iyo na muli ito Binibining Anastacia," nakangiting saad ni Doña Cecilia at sinauli na sa akin ang papel, pinagmamasdan ko ang Doña at hindi ko alam kung bakit tila may kakaiba na sa kanyang ngiti. Nginitian ko na rin sya at tinanguhan.

"Ina, hindi pa po ba natin pupuntahan si kuya Sergio?" Tanong ni Cresensia na ikinatingin ko sa kanya, iyon pala ang kanilang ilinabas. Pasimple syang siniko ni Doña Cecilia at muli akong nginitian.

"Ang totoo niyan, hindi ko na ata mapupuntahan si Sergio sapagkat nakaramdam bigla ako ng hilo. Hindi ba? Cresensia?" Tanong ni Doña Cecilia sa kanyang anak, agad namang tumango si Cresensia at malawak akong nginitian.

"O-opo, ganoon nga po. Nahawa nga po ata ako sa inyo ina dahil nahihilo na rin ako ngayon," nakangiting saad ni Cresensia, nagtaka ako dahil malawak pa rin ang kanyang ngiti gayong nahihilo sya ayon sa kanya rin. Napakamot ako sa aking ulo, tila may kakaiba sa kanila.

"Dadalhan sana naming si Sergio nang makakain ngunit kami ay nahihilo na kung kaya't marahil ay uuwi na lang kami," malungkot na saad naman ni Doña Cecilia at ipinakita sa akin ang dala nyang bakol, pakiramdam ko ay bigla akong napunta sa dulaan kung saan hindi ako nakapag-ensayo.

"Kami ay uuwi na lang," malungkot namang saad ni Cresensia at nagyakap sila ni Doña Cecilia na tila maiiyak na, napatulala ako sa mag-inang ito. Ano ba ang nangyayari sa kanila?

"Sige, kami ay uuwi na talaga. Ano pa ba ang magagawa namin?" Malungkot na tanong ni Doña Cecilia at kumuha ng panyo sa kanyang bulsa, itinapat nya iyon sa kanyang bibig at tila pinipigilan na maiyak.

Napatingin ako sa hawak nyang bakol (basket) na nakatapat pa rin sa pagmumukha ko, tila bigla kong naunawaan ang nais nilang mangyari. Napahinga ako ng malalim, ano ang dapat kong gawin?

Kapag pumayag ako sa kanilang nais mangyari, bago umasa lalo si Sergio. Ngunit naisip ko rin na maaari ko namang sabihin na ipinag-utos lang ito sa akin ni Doña Cecilia, ngunit maaari rin nyang maisip na nagpapalusot lang ako dahil nahihiya ako! Ngunit sayang naman ang kanilang sinaisip na mga sasabihin para lang mapapayag ako, ngunit ayoko pa ring umasa si Sergio!

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa labis na gulo, hindi ko na alam ang gagawin ko! "Naku, Taciang! Ayos ka lang ba?" Napaangat ang aking tingin kay Doña Cecilia nang nag-aalala nyang tanungin iyon, nakaramdam bigla ako ng hiya dahil nakalimutan ko na naririto pa pala sila sa harapan ko.

Nahihiya akong ngumiti at dali-daling tumango. "Ah, o-oo naman po. Ang nais kong ipahiwatig ay ako na po ang magdadala n'yan kay Sergio," palusot ko at nginitian sila nang nangungumbinsi, biglang nagliwanag ang mukha nilang dalawa at napangiti.

"Naku muli! Sa wakas- ah, eh sige mauuna na kami Taciang! Salamat at paalam!" Tuwang-tuwang saad ni Doña Cecilia na tila nakalimutan na nahihilo sya, maging si Cresensia ay malapit nang tumili dahil sa sobrang galak.

Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Doña Cecilia ang aking kamay at ipahawak sa akin ang bakol, wala akong ibang nagawa nang mabilis na naglaho ang kalesa sa harapan ko. Napatingin ako sa bakol at napahinga ng malalim. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"MANG Andres, alam nyo po ba kung saan ang pagamutan?" Nagbabakasaling tanong ko kay Mang Andres, narito na ako ngayon sa kalesa at inihanda ang aking sarili sa pag-alis.

Kanina matapos makaalis nina Doña Cecilia ay pumasok na ako sa loob at nagtungo sa aking cuarto, inipit ko muna sa aking talaarawan ang rosas at papel na aking napulot sa bangko bago muling lumabas sa aming hacienda at inutusan si Mang Andres na ihanda ang kalesa. Madali lang akong nakakilos sapagkat wala naman si ama.

"Ano kamo? Saan ang kulungan? Hindi ko rin alam Binibini," malungkot na saad ni Mang Andres, mukhang may pinagdadaanan sya ngayon. Napasapo ako sa aking noo, wala pa ring pinagbago ang aking kutsero.

Nais na sana syang sibakin ni ama sa trabaho ngunit nakiusap ako kay ama na huwag na. Umaasa kay Mang Andres ang kanyang pamilya at kahit bingi sya ay nagsusumikap naman sya, ang mga bagay na nagpapalakas ng aking loob na pakiusapan si ama sapagkat maganda naman ang hangarin ni Mang Andres.

"Mang Andres, sa kulungan- sa pa, ga, mu, tan po. Sa pagamutan," pagpapaintindi ko, mabuti na lang at mahaba ang aking pasensya. Dahan-dahan namang naintindihan ni Mang Andres ang aking sinabi at napatango.

"Ako na ang bahala," nakangiting saad ni Mang Andres at sinimulang patakbuhin ang kalesa, napasandal ako mula sa aking kinauupuan at napahinga ng malalim.

Magkikita muli kami ni Sergio, kailangan kong ihanda ang aking sarili. Kailangang hindi sya umasa, kailangan nyang maunawaan ang lahat sa dahan-dahang paraan. Napapikit na lang ako at pinakalma ang aking sarili. Kaya mo iyan, Taciang!

"AMING minamahal na binibini, naririto na po tayo!" Masigla nang saad ni Mang Andres, mukhang nakaahin na sya sa kalungkutan. Napangiti ako at tinanguhan sya bago ilinibot aking paningin.

May limang helera ng malalaking kubo at may mga tao sa loob, malapit kami ngayon sa entrada ng Santa Prinsesa. "Mang Andres, mauuna na po ako. Pakibantayan po ang kalesa," nakangiting bilin ko, sumaludo naman si Mang Andres at nagsimulang matulog sa kanyang kinauupuan.

Tuluyan na akong nakababa, napahinga ako ng malalim at kasabay no'n ay ang pag-ihip ng malamig na hangin. Nagsimula na akong maglakad papasok, muli kong ilinibot ang aking paningin at napaisip kung saan bang kubo mahahanap si Sergio.

Napatingin ako sa unang kubo, naisip ko na rito simulan. Tahimik ang naglakad papasok doon, nang makapasok sa loob ng kubo at ilinibot ko ang aking paningin. May dalawang lamesa at mga upuan na nakatago sa ilalim ng lamesa, may mga lalagyan ng libro bawat sulok at maraming libro sa loob no'n.

Huling dumapo ang aking tingin sa isang ginoong nakasandal sa pader at nagbabasa ng libro, may suot itong salamin at mukhang tutok na tutok sa kanyang binabasa. Ilang saglit lang ay naramdaman na nya ang aking presensya kung kaya't nag-angat na sya ng tingin sa akin.

Bigla ay nanlaki ang aking mga mata nang makilala sya! Sya ay walang iba kung hindi ang lalaking akyat bahay na nakita ko noon sa hacienda Fernandez. Sya rin ang nakatakdang mapangasawa noon ni Binibining Gwenaelle Fernandez na nakatakda na ngayong ikasal sa lalaking iniibig ko nang palihim.

Sya ay walang iba kung hindi si Danyiel Villanueva!

********************
#Tadhana #PagIbigSerye

11/14/2021,

I'm alive but I'm dead, char. Na-miss nyo ba si Danyiel? Kasi ako oo. Huwag kayong mag-alala, hanggang next chap ay buhay na buhay si Danyiel Villanueva. Muah. ^3^

And oo nga pala, gusto nyo bang malaman ang baybayin na nakasulat sa itaas? Kung gusto nyo malaman, edi pag-aralan nyo. Char, ang attitude ng author na 'to pasensya na hehe.

Pero 'yon nga, ang baybaying 'ᜉᜆᜏᜇ᜔' ay 'Paalam' sa alpabeto, pag-aralan nyo na rin! Madali lang promise, hindi pa rin ako masyadong sanay pero atleast may alam na ako. Palagi nyong tatandaan, ligtas ang may alam. Char ulit for the 3rd time, ito na nga aayusin ko na.

Maraming salamat ng hard sa pagbabasa! Cess forever loves you ulit! <333

Nagmamaganda,
Cess.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top