TADHANA KABANATA 33
[Kabanata 33 - Paalam]
"ANG iyong kagandahan ay hindi dapat pinagmamasdan lamang," nakangising saad ni Don Solomon na ikinatigil ng aking mundo, nanlaki ang mga mata ko at agad napatayo sa kama.
"I-isa pong kapangahasan at kasalanan ang inyong ginawa!" Nanginginig ang boses na sigaw ko at napaatras ngunit ako'y nasa pinakasulok na pala, humalakhak naman sya na naghari sa buong kapaligiran.
Kaba at takot ang naghari sa aking puso nang ihagis nya sa sahig ang hawak nyang babasaging baso ng alak na ang dahilan nang pagkabasag nito. Tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang humakbang sya papalapit sa akin at hinawak ang magkabila kong pisngi gamit ang kanyang isang kamay.
"Isa ka lamang 'di hamak na alipin kung kaya't wala kang karapatang sigawan ang isang makapangyarihang tulad ko!" Galit na sigaw nya sa akin, namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa labis na takot. Muli akong napasigaw sa sakit nang ako'y pwersa nyang itulak pasandal sa pader.
"Ikaw ay aking pagmamay-ari kung kaya't susundin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo man!" Muling sigaw nya at napatumba ako sa sahig nang tumama ang kanyang kamao sa aking pisngi, napahawak ako roon at lumuluhang nag-angat ng tingin sa kanya.
"P-pakiusa-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mahigpit nyang hawakan ang aking balikat at buong pwersa akong itinayo, habang nanginginig na nakatingin kay Don Solomon ay biglang pumasok sa aking isipan si ama.
"A-anak, h-huwag na huwag mong kalilimutan ang lahat ng itinuro ko sa iyo. M-mahal na mahal kita..."
Bigla ay naghari ngayon sa aking isipan ang itinuro sa akin noon ni ama na lumaban ako at kailanman ay huwag magpapaapi. Muli akong napatingin kay Don Solomon, akmang ihahagis nya ako pahiga sa kama ngunit mabilis kong tinapakan ng mahigpit ang kanyang paa at sya ang buong pwersang itinulak ko sa kama.
Nang makita ang pagkakataon ay dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan iyon, napapikit ako sa takot nang marinig ang kanyang pagsigaw sa aking pangalan ngunit nanginginig na akong tumakbo paalis sa silid na nababalot ng kanyang karahasan.
Nang tuluyang makalabas ay napatigil ako nang masilayan si Aurora at Khalil na sabay na naglalakad ngayon sa pasilyo ngunit sabay din silang napatigil matapos akong makita. Nanginginig ang aking buong katawan, magulo ang aking buhok, at patuloy na bumubuhos ang aking luha habang nakatingin ngayon kay Khalil na nagulat matapos makita ang aking hitsura.
Dali-dali syang naglakad papalapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "T-taciang, anong nangyari sa iyo?!" Nabibiglang tanong nya at napatingin sa aking mukhang namumula ngayon sa sakit.
"Anastacia!" Magsasalita na muli sana sya ngunit napatigil ang lahat matapos marinig ang malakas na sigaw ni Don Solomon na naghari sa buong kapaligiran, lumabas sya mula sa silid at tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang itutok nya sa akin ang hawak nyang baril.
Napatingin sya sa aking katabi at napatigil sya nang makita ang heneral, hindi na nagsayang pa ng oras si Khalil at dali-dali nyang inagaw ang hawak na baril ni Don Solomon at diretsong itinutok iyon sa kanya.
Napataas ang dalawang kamay ni Don Solomon at tila biglang nagising sa katotohanan. "Ama!" Napalingon ako kay Aurora nang sumigaw sya at lalapitan sana ang kanyang ama ngunit agad iniharang ni Khalil ang kanyang kamay upang hindi ito makalapit.
"Sumama ka sa akin at hindi mo na kailangang magpaliwanag pa," seryosong saad ni Khalil habang nakatingin ng diretso kay Don Solomon, iginapos nya ang kamay nito habang nakatutok pa rin ang baril na hawak nya.
Napatulala na lamang si Don Solomon at Aurora. Sinulyapan ako ni Khalil at sa pagkakataong ito ay nakita ko ang galit na namumutawi ngayon sa kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking luha dahil sa lahat ng nangyari.
Ngunit kasama ang saya sa mga luhang iyon dahil sa katotohanang ilinigtas nya ako mula sa masamang hangarin ni Don Solomon Garcia.
"A-ANONG nangyari sa iyo?!" Tanong na pagsalubong sa amin ni Sergio matapos akong masilayan. Agad nya akong linapitan at hinawakan ang aking kamay, napayuko na lamang ako.
Matapos naming magtungo sa hukuman ni Khalil ay idiniretso na nya ako sa pagamutan, kasalukuyang namamalagi ngayon si Don Solomon sa selda at alam kong pinuntahan na sya ngayon ng mag-inang Garcia.
Hindi na sya nilitis pa sapagkat siniguro ni Khalil na katotohanan ang mananaig, ang batas na ang bahala sa kanya. Natauhan ako nang punasan ni Sergio ang luhang tumulo sa aking mga mata, nakita ko nang mapaiwas ng tingin si Khalil at napatingin na lamang sa labas.
"Muntik nang may mangyaring masama sa kanya sa kamay ni Solomon Garcia, gamutin mo na ang mga sugat na kanyang natamo." Nag-angat ako ng tingin kay Khalil nang sya ay magsalita, hindi nya pa rin kami tinignan at diretso lamang ang tingin sa paglubog ng araw.
Napatingin naman ako kay Sergio nang alalayan nya ako paupo sa tapat ng kanyang mesa. "Sandali lamang," paalam ni Sergio at patakbong lumabas ng kubo, napatulala na lamang ako sa kawalan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari.
Naranasan ko sa pamilya Garcia ang kanilang pagiging malupit. Mula sa pagbubuhat ng kamay sa akin ni Doña Facunda, sa pananapak at pananakit ni Aurora, at sa muntikan nang paggalaw sa akin ni Don Solomon. Hindi ako makapaniwalang mararanasan ko sa kanilang lahat ang karahasan na aking kinatatakutan sa lahat.
Naramdaman ko na lang ang luhang bumuhos mula sa aking mga mata, napayuko at napatingin sa aking mga kamay na nanginginig ngayon. Napayakap na lamang ako sa aking sarili, ako ay binabalot ngayon ng takot. Hindi ko na maramdaman pa ang sugat na aking natamo dahil ang kaba na namumutawi sa aking puso ang naghahari sa akin ngayon.
Nag-angat ako ng tingin kay Khalil na nakatingin na rin pala sa akin at kitang-kita ko ngayon sa kanyang mga mata ang awa para sa aking kalagayan. Napatingin kami kay Sergio na nagbalik na at may mga dala-dalang gamit sa paggamot, nagkatinginan sila ni Khalil.
Iyan na naman ang tila pag-uusap nila gamit ang kanilang mga mata, tinanguhan sya ni Sergio bago ako lapitan at umupo sa aking harapan. "Taciang, ayos ka lang ba? Ano ang iyong nararamdaman? May nais ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sergio, sa pagkakataong ito ay napatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.
"Nais ko nang magpahinga..." Matapos kong sabihin ang nilalaman ng pagod kong puso ay muling bumuhos ang luha sa aking mga mata, napalingon sa akin si Khalil matapos marinig ang aking kasagutan kay Sergio.
"Huwag mong sabihin iyan, Anastacia. Maaari kang magpahinga ngunit hindi ka maaaring sumuko," saad ni Sergio, bakas ngayon sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Nanatili akong nakatitig sa kanya, kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ay ang paggunita ko sa mga bawat salitang binitawan nya.
Hindi ko na nais pang bumalik sa hacienda Garcia, hindi ko na kaya pa ang kanilang pagiging malupit sa akin. Sinusukuan ko na ang nga kasalanan ni ama. Alam kong sinabi ko noon sa aking sarili na kaya ko ito, kakayanin ko ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay dumating na ang aking hangganan.
Sumusuko na ako.
"Sergio..." Ang pagsambit ko sa pangalan ni Sergio habang nakatulala sa kawalan, hindi ko alam ngunit nananaig ngayon sa aking puso ang tanging paraan ni Sergio.
"Bakit?" Malungkot at dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Sergio. Kailanman ay hindi nya ako iniwan, nakikita ko ngayon ang sinseridad sa kanyang mga mata.
Sinulyapan ko si Khalil, kahit sya ay inimumungkahi na rin ang bagay na pilit kong iniiwasan ngunit isinasampal sa akin ng kapalaran. Sya man ang nais kong pakasalan, ngunit hindi naman sumasang-ayon ang tadhana sa aking adhika.
"M-maaari ba kitang makausap?" Lakas loob na tanong ko habang pilit na linalabanan ang emosyon na namumutawi ngayon sa aking mga mata, napatigil si Sergio dahil sa aking sinabi.
Nag-angat ako ng tingin kay Khalil, nakikita ko ngayon ang pagtataka sa kanyang mukha dahil nais kong makausap si Sergio. Muli na akong nagbalik ng tingin sa lalaking labis akong minamahal ngunit hindi ko minamahal at nagawang mahalin.
"Nang tayong dalawa lang sana," dagdag ko, namutawi ang gulat sa mga mata ni Sergio dahil sa aking sinabi. Pilit ko mang iniiwasan ngunit hindi ko pa rin napigilang mag-angat ng tingin sa lalaking labis kong minamahal ngunit hindi ako minamahal at nagawang mahalin.
Nakita ko nang mapatigil sya, sa huli ay napayuko na lamang sya at naglakad paalis. Kumibot ang aking labi habang pinagmamasdan ang kanyang pag-alis. Bakit ganoon? Hindi nya naman ako iniibig ngunit bakit tila nasasaktan sya?
Mga bagay na tila habang buhay ay hindi magiging malinaw sapagkat ang lalaking aking iniibig ay matapang pagdating sa pakikipaglaban ngunit takot na ipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman.
SABAY kaming naglalakad ngayon ni Sergio sa gitna ng malawak at payapang kalsada, papasapit na ang dilim at patuloy na sumisimoy ang malamig na hangin. Matapos nya akong gamutin ay inanyaya nya akong lumabas at doon makipag-usap.
"Taciang, kumusta ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Sergio, nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakiramdaman ang aking mga sugat ngunit wala na akong maramdaman pa.
Kung ang tanging paraan ay ang masaktan, wala na akong pakiramdam...
Umiling ako at sinubukan syang ngitian, unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkabog ng aking puso dahil sa kaba. Alam kong ilang sandali na lang at magbabago na ang aking kapalaran.
"Bakit mo nga pala ako nais makausap?" Tanong nya muli tulad ng aking inaasahan, napahinga ako ng malalim at pilit na linabanan ang pagbigay ng aking puso.
Hindi ito ang pinangarap kong buhay, hindi ito ang pinangarap kong kapalaran. Ngunit ano ang aking magagawa kung ito ang aking Tadhana?
Napatingin ako ng diretso sa mga mata nya. "N-naaalala mo pa ba ang iyong inimungkahi sa akin upang ako'y makalaya na sa kadilimang ito?" Nanginginig ang boses na tanong ko, napatigil sya sa paglalakad matapos mapagtanto ang nais kong ipahiwatig.
Maging ako ay napatigil at pilit na pinigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata, tuluyan nang sumapit ang dilim ngunit nariyan naman ang buwan upang magbigay ng liwanag na buong kapaligiran.
Payapa ang buong kapaligiran at napakatahimik, walang bukas na gasera sa kalyeng aming linalakaran ngayon kung kaya't hindi masyado malinaw ang aking nakikita sa malayo. Mabuti na lamang at narito ang buwan kung kaya't nakikita ko pa rin sya ngayon.
"Anong... Ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sergio, kitang-kita ko ngayon ang pagkabigla sa reaksyon ng kanyang mukha.
Napahinga ako ng malalim habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata nya, ang sunod kong sasabihin ay ang syang magpapabago sa aking kapalaran. Pumasok sa aking isipan ang lalaking iniibig ko mula noon at hanggang ngayon sa huling pagkakataon.
Nawa'y patawarin ako ng aking pag-ibig sa iyo...
"I-ibig kong makasama ka habang buhay..." Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay tila paulit-ulit na tinutusok ang aking puso sapagkat hindi iyon ang isinisigaw nya.
Tuluyan nang namuo ang luha sa aking mga mata dahil hindi na maalis ngayon sa aking isipan si Khalil, pakiramdam ko ay tinalikuran ko na ang aking puso. Namutawi ang emosyon sa mga nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"P-pumapayag na ako sa iyong al-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mapatingin si Sergio sa isang mataas na bahagi ng patay na mansyon, nanlaki ang mga mata nya na ikinatigil ko.
"Taciang!" Sigaw ni Sergio at mabilis na niyakap ako, tila tumigil ang pagtibok ng aking puso nang mamutawi sa buong kapaligiran ang putok ng baril na diretsong tumama sa kanyang dibdib.
"Sergio!" Sigaw ko sa kanyang pangalan at sabay kaming bumagsak sa sahig. Biglang bumalot ang kaba sa aking puso, dali-dali kong hinawakan ang kanyang pisngi.
"S-sergio! P-pakiusap! T-tulungan nyo kami!" Nanginginig ang boses na sigaw ko ngunit walang tumugon sa aking sigaw dahil kami ay nasa gitna ngayon ng madilim na kalye at walang katao-tao.
Napahawak si Sergio sa tapat ng kanyang dibdib na nababalot ngayon ng dugo at naghihina akong nilingon. "T-taciang," hinahabol ang hiningang pagsambit nya sa aking pangalan at inabot ang aking pisngi.
"M-maaari bang sabihin mong ako'y mahal mo rin? K-kahit sa huling pagkakataon lamang..." Tuluyang bumuhos ang luha sa aking mga mata matapos marinig ang kanyang pakiusap, kitang-kita ko ngayon sa kanyang mukha na nahihirapan sya.
"M-mahal kita, m-mahal na mahal. K-kung kaya't pakiusap, huwag mo akong iwan!" Pakiusap ko habang hawak ng mahigpit ang kanyang kamay, nanlalamig na ngayon ang kanyang buong katawan.
Sandaling lumibot ang aking paningin ngunit wala akong makitang iba dahil sa dilim na bumabalot sa amin ngayon. Napahikbi ako nang makita ang kanyang ngiti, ngiti na puno ng sakit at paghihirap.
"S-sergio!" Muling pagsigaw ko sa kanyang pangalan nang mapaubo sya, tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig matapos makita ang dugo sa kanyang kamay dahil sa kanyang pag-ubo.
"B-bakit mo ba ginawa iyon? B-bakit mo ako hinarangan?" Lumuluhang tanong ko, alam kong para sa akin ang balang iyon ngunit humarang pa rin sya upang iligtas ako.
"S-sapagkat mahal kita, n-ngunit mas mahal mo sya..." Sunod-sunod na luha ang bumuhos sa aking mga mata matapos marinig ang kanyang kasagutan, nanikip ang aking dibdib matapos makita ang luhang namuo sa mga mata nya.
"M-mahal na mahal ka ng aking kapatid, m-mahal na mahal ka nya. I-ipangako mong patuloy mo syang mamahalin, n-naiintindihan mo ba?" Naghihingalong tanong nya at tumingin ng diretso sa aking mga mata, tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang ilang saglit lang ay dahan-dahan na nyang ipikit ang kanyang mga mata at bumitaw sa aking pisngi.
"S-sergio!" Pagsigaw ko sa kanyang pangalan ngunit sa pagkakataong ito ay wala nang tumugon sa aking pagtawag sa kanya, lumuluha akong niyakap sya ng mahigpit ngunit sa pagkakataon ding ito ay hindi na nya ako yinakap pabalik tulad ng kanyang ginagawa noon.
Ilang sandali pa ay napabitaw ako sa aking pagkakayakap kay Sergio nang may isang taong lumapit sa akin, nakatakip ang kanyang mga mukha kung kaya't hindi ko sya makilala ngunit ang tanging alam ko lang ay isa syang babae.
Nanginginig ang kanyang kamay na nabitawan ang baril na hawak nya sa tapat ko, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sya ang bumaril kay Sergio!
"S-sino ka?! Magpakilala ka!" Nanginginig na sigaw ko na puno ng paghihinagpis, nakikita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Laking gulat ko nang tumakbo sya papalayo.
Tatawagin ko pa lamang sya ngunit nagulat ako nang may isang kalesang tumigil sa aming harapan, nanlaki ang aking mga mata matapos makita si Aurora na nagulat din matapos makita ang walang buhay na si Sergio.
"T-tulungan mo kami!" Desperadong pakiusap ko ngunit nanatili syang tulala kay Sergio at hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
Lumuluha akong nag-angat ng tingin sa napakaraming kalesa na paparating ngayon sa amin, nang tuluyan silang makalapit ay napatigil ako nang bumaba si Aurora sa kalesa. Napatingin sya sa akin bago sa mga taong dumating na kabilang si Khalil Leviano Santiago.
Akala ko ay matutulungan nila ako ngunit gumuho ang aking mapait na mundo matapos isigaw ni Aurora ang isang kasalanang hindi ko kailanman magagawa. "P-pinatay ni Anastacia si Ginoong Sergio!"
********************
#Tadhana #PagIbigSerye
12/01/2021,
'Patawad' by Moira Dela Torre for this chapter :'(
Nalulungkot,
Cess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top