TADHANA KABANATA 31
[Kabanata 31 - Tanging Paraan]
TAHIMIK na aking winawalis ngayon ang mga patay na dahon na nahulog sa lupa sa loob ng hacienda Garcia. Hawak ng aking isang kamay ang walis tingting at hinahawi ang mga patay na dahon na nagmumula sa mataas na puno na aking sinisilungan ngayon, ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa tapat ng aking puso.
Umaga pa lang at maaliwalas ang kalangitan, papasapit na ang napakagandang sinag ng araw sa maaliwalas na kalangitan. Marahang umiihip ang malamig na hangin na tila yumayakap sa akin. Ako'y nasa loob nga ng kasumpa-sumpang hacienda Garcia ngunit sa pagkakataong ito ay may ngiting gumuguhit ngayon sa aking labi.
Ilang araw na ang lumipas mula noong nagtapos ang aking ika-labing limang kaarawan, may namumuong saya ngayon sa aking puso dahil sa kanya. Hindi naging mahirap na ako'y nakauwi rito dahil kay Khalil, tulad ng kanyang sinabi ay sya na ang bahala sa lahat.
Sinamahan nya ako papauwi rito, hindi ko na nagawa pang tumingin ng diretso sa mga mata nya matapos ang pangyayari sa kalagitnaan ng paglubog ng araw at sa pagitan naming dalawa. Si Aurora ang sumalubong sa amin at tulad ng dati ay nagulat sya matapos makita si Khalil at hindi agad ako napansin.
Nagpalusot si Khalil na ako'y nabunggo nya at tumapon sa sahig ang lahat ng mga pinamili ko nang walang bakas sa mukha na sya ay nagsisinungaling. Hindi ko alam kung paano nya nagawa 'yon at agad napaniwala si Aurora, marahil ay hibang talaga ang babaeng iyon sa lalaking aking iniibig din.
Lumipas na ang ilang araw ngunit hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa nya akong halikan, hindi ko alam kung bakit nya ginawa iyon. Naaalala ko pa rin noong sandaling iyon na humingi sya ng paumanhin kung gagawin nya man ang bagay na iyon.
Kaba at saya ang namumutawi ngayon sa aking puso na aking nararamdaman sa tuwing kasama ko sya, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa katotohanang nangyari nga ang sandaling iyon sa ikalawang pagkakataon.
Oo, sa ikalawang pagkakataon. Sapagkat minsan ko na rin syang nahalikan noon sa hindi inaasahan at sinasadyang pagkakataon, ilang taon na rin ang nakakaraan...
Pilipinas, 1872
"ANO ba ang dahilan at ako'y dinala mo rito?" Nagtatakang tanong ko kay Khalil habang ilinilibot ang aking paningin sa kapaligiran, narito kami ngayon sa ilog ng Santa Prinsesa kung saan nahulog kami noon.
Marahil ay may sumpa ang kanyang ginawa dahil ako'y mas lalong nahulog pa sa kanya.
"Ikaw ay hindi ko naman dinala rito, ang ating mga paa ang nagdala sa atin dito." Nilingon ko sya matapos nyang sambitin iyon, tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan syang nakatingin din sa akin ngayon.
"Ngunit yinaya mo akong lumabas kung kaya't ganoon na rin iyon," hindi magpapatalong saad ko at nginitian sya, napakurap sya ng dalawang beses bago mapangiti na rin at napatango sa aking sinabi.
Umihip ang sariwang hangin at kasabay no'n ay nagpatuloy na rin ako sa paglalakad, tumigil ako sa gitna ng tulay at nilingon sya. Napatigil na din sya sa paglalakad at nagtataka akong pinagmamasdan. Dito ko nais makipagusap kung kaya't dito muna kami ngayon sa gitna ng tulay.
"Bakit mo ako yinayang lumabas?" Usisa ko bigla at naghihinala syang tinignan, mula sa seryosong mukha ay napangiti muli sya at sumandal sa hawakan ng tulay.
"Masama ba?" Tanong nya pabalik habang nakangiti pa rin, napailing na lang ako at natawa. Ang mga sagot nya talaga.
"Ano ang iyong masasabi ngayong labing walong taong gulang ka na?" Pag-iiba ko ng usapan, muling umihip ang malamig na hangin at pinagmamasdan ko pa rin ngayon ang maaliwalas nyang mukha. "Malapit ka nang mag-asawa," dagdag ko, napangiti sya.
Sa bawat pagpatak ng segundo, ang aking ngiti ay unti-unting naging naiilang na ngiti dahil nakatingin lang sya sa akin ng ganyan habang nakangiti ng kalahati. Ano ba ang mayroon sa aking sinabi at nakatingin lang sya sa akin?
Napatikhim ako at dahan-dahan syang tinalikuran, napahawak ako sa hawakan ng tulay at napapikit. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagkabog ng aking puso na aking nararamdaman sa tuwing kasama ko sya.
Nagbaba ako ng tingin sa ilog ng Santa Prinsesa kung saan ako'y nahulog nya noon. May sama pa rin ako ng loob sa kanya dahil doon ngunit kahit ganoon ay sya pa rin ang hinahanap ng aking puso, palagi.
Ang tawag nga ba rito'y pag-ibig?
Nag-angat na ako ng tingin sa kalangitan, ilang sandali na lamang at lilisan na ang kalangitan. Nagsisimula nang sumapit ang dilim. "Taciang, tayo'y umuwi na." Dahan-dahan akong napalingon kay Khalil nang magsalita sya, napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan sya. Kay lakas talaga ng kanyang dating.
Nag-aalinlangan akong tumango nang hindi tumitingin sa kanyang mga mata, nakayuko akong nagsimula nang maglakad pababa ng maigsing tulay ng Santa Prinsesa habang hawak ang sariling kamay. Naramdaman ko naman ang kanyang pagsunod sa akin.
Nakailang hakbang pa lamang ako ngunit napatigil ako nang aksidente nyang matapakan ang laylayan ng aking saya, bago pa ako makalingon ay sabay na kaming natumba sa sahig.
Tumama ang aking labi sa isang malambot na bagay, nang idilat ko ang aking mga mata ay nanlaki ang mga mata ko matapos makitang nakapatong sya sa akin at magkadikit ang aming mga labi!
Maging sya ay nanlaki rin ang mga mata at mabilis na napatayo at napayuko. Napatingin sya sa akin at aalalayan sana akong tumayo ngunit agad na rin akong tumayo kahit na masakit ang aking likod dahil sa aming sabay na pagkahulog sa sahig ng tulay.
Pareho kaming napayuko dahil sa sobrang kaba at hiya, napasulyap ako sa kanya at mukhang hindi sya makapaniwalang nagtama ang aming mga labi. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay hindi rin ako makapaniwalang mabibigay ko ang aking unang halik sa hindi inaasahang pagkakataon!
Ang pangyayaring iyon ay mahigit siyam na taon na ang nakakalipas, ang pangyayari ring iyon ay ang pinakamalaking sikreto na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Noong mga panahong iyon ay ipinangako namin sa isa't isa na hindi namin iyon sasabihin sa kahit sino man, hanggang ngayon pa rin naman ay nananatili iyong sikreto at habang buhay naming ikukubli ni Khalil.
At ngayon, nangyari muli iyon ngunit sa pagkakataong ito ay sa sinasadyang pagkakataon.
Bakit nya kaya ginawa iyon? May iba't ibang klase ng dahilan upang gawin nya iyon ngunit hindi ko matukoy kung ano nga ba. Nakararamdam ako ng kakaibang saya at kaba sa aking dibdib sa tuwing naiisip na ako'y mahal nya rin.
Nagpapasalamat ako dahil kinalimutan nya muna ang lahat sa araw ng aking kaarawan at hinayaan nya kaming dalawa na maging masaya kahit saglit lamang.
Nahagip ng aking mga mata si Oriana na papalabas ngayon ng hacienda Garcia, napatigil ako sa aking pagwawalis nang sya'y mapatingin din sa akin. Sinubukan ko syang ngitian. "Magandang tanghali," nag-aalinlangan pagbati ko sa kanya, nabuo ang aking ngiti matapos makitang nginitian nya ako pabalik.
"Magandang tanghali rin," nag-aalinlangan ding pagbati nya, malaya syang nakalalabas ngayon dahil wala ang kanyang pinagsisilbihan na si Aurora. Nagpapasalamat din ako dahil wala ngayon ang mag-inang Garcia upang sirain ang araw ko.
Tatanungin ko sana sya ukol sa kung saan pumunta si Doña Facunda at Aurora ngunit tuluyan na syang nakalabas ng tarangkahan, napahinga na lang ako ng malalim at nagpatuloy na sa pagwawalis.
Nakalabas na rin ako sa tarangkahan at inipon sa labas ang mga dahon na aking nawalis, pinunasan ko ang butil ng pawis na namuo sa aking noo gamit ang likod ng aking palad. Mabuti na lamang at marahang umiihip ngayon ang malamig na hangin, nakatutulong ito upang kahit papaano ay hindi ako mainitan.
"T-taciang?" Napatigil ako sa pagwawalis nang may marinig na boses mula sa aking likuran at sinambit ang aking palayaw, dahan-dahan kong nilingon ang taong iyon at muli akong napatigil matapos makita si Sergio na nag-aalalang nakatingin sa akin ngayon.
Dali-dali nya akong linapitan at hindi makapaniwalang tinignan ang aking kabuoan. "Taciang, ayos ka lang ba? Paumanhin kung ngayon lamang ako nagpakita sa iyo," saad nya at hinawakan ang aking kamay, tulad ni Khalil ay bigla syang naglaho at ngayon lang nagpakita.
"A-ayos lang, saan ka ba nanggaling?" Tanong ko at sinubukan syang ngitian, kahit papaano ay nakita kong umaliwalas ang kanyang mukha matapos makita ang aking ngiti.
"Nanggaling ako sa maynila sapagkat ako at ang aking ilang kasamahan ay pinadala sa ospital ng maynila upang tulungan ang mga nasalanta ng bagyo roon. Paumanhin muli," saad nya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay, nagbaba ako ng tingin sa kamay naming magkahawak bago muli sa kanya.
"N-naiintindihan ko, hindi mo naman kailangang humingi ng paumanhin. S-salamat dahil naparito ka," saad ko at ngumiti ng kaonti, nagpapasalamat ako dahil naririto ngayon ang aking kaibigan na labis kong pinagkakatiwalaan. Kahit papaano ay nagkakaroon ako ng lakas sa tuwing nakikita ang mga taong malapit sa aking puso.
"Maligayang kaarawan nga pala, Anastacia. Paumanhin kung ako'y nahuli," malungkot na saad nya at sinubukan akong ngitian, nagpatuloy ang aking ngiti dahil kahit papaano ay naalala nya pa rin ang aking kaarawan. Silang dalawa lang ni Khalil ang tanging bumati sa akin.
Napahinga sya ng malalim at napatingin sa aking kamay. "Ayos ka lang ba rito? Sinasaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong nya at napatingin sa hacienda Garcia, napayuko ako. Minsan na akong napagbuhatan ng kamay ni Doña Facunda at ako'y labis nilang pinahihirapan ni Aurora.
"A-ayos lang ako, huwag mo na akong alalahin pa. Ito na ang aking kapalaran na hindi ko kailanman matatakasan," malungkot na saad ko na ikinatingin nya sa akin, napahinga sya ng malalim at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.
"May paraan pa," saad nya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata, ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ay nakahahalina ngunit hindi iyon nagdudulot ng kahit anong pakiramdam sa akin.
"A-ano?" Tanong ko, umihip ang malamig na hangin. Magsasalita na sana sya ngunit sabay kaming napatingin sa kalesang tumigil ngayon sa aming harapan.
Sakay niyon si Doña Facunda at si Aurora na napataas ang kilay matapos akong makita, bumaba ang kanyang mga mata sa kamay namin ni Sergio na magkahawak ngayon. Napabitaw ako sa kanyang kamay at napasulyap kay Sergio bago sa isang Don na lumundag ngayon pababa ng kalesa at tumatawang naglakad papalapit sa amin.
Nakikilala ko ang Don na ito, sya si Don Solomon Garcia. Sya ang asawa ni Doña Facunda at ama ni Aurora. Napaatras ako at napatingin kay Sergio na seryosong nakatingin ngayon kay Don Solomon na nakatingin sa akin ngayon, isang Don na bilugan ang tiyan at may balbas.
"Ginoong Sergio! Como estas? (Kumusta?)" Nakangising tanong nito at magiliw na nakipagkamay kay Sergio, walang ibang nagawa si Sergio dahil kusa nitong kinuha ang kamay nya at nakipagkamay.
"Estoy bien, (Ayos lang ako)" tugon ni Sergio at bumitaw na sa kamay ni Don Solomon, humalakhak si Don Solomon at napatango-tango.
"Maaari ko ho bang makausap muna si Anastacia?" Muli akong nag-angat ng tingin kay Sergio nang marinig ang kanyang paalam, alam kong hindi pa rin sya natutuwa kay Doña Facunda na taas kilay ding nakatingin sa kanya ngayon ngunit nakikisama sya upang makausap lamang ako.
"Sige lang, amigo! Mag-iingat kayo sapagkat baka ang inyong pag-uusap ay magtapos sa cuarto," halakhak nito at pagewang-gewang na pumasok sa loob ng kanyang hacienda, mukhang lasing ang bastos na Don na iyon.
Sumama ang timpla ng mukha ni Sergio at sinubukang pigilan ang kanyang sarili, nakita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan at matalim na nagtapon ng tingin kay Doña Facunda na bumaba na ng kalesa at taas kilay kaming pinagmamasdan ni Sergio.
Natawa na lang sya at pumasok na rin sa loob habang pinapaypayan ang sarili. Napatingin naman ako kay Aurora na sinamaan ako ng tingin ngunit nang mapatingin sa kanya si Sergio ay agad syang ngumiti ng mayumi.
"Paumanhin ngunit dito lamang kayo sa labas, hindi kayo maaaring lumabas ayon din sa nais ni Ina kung kaya't paumanhin. Ginoong Sergio," saad ni Aurora gamit ang pinakamahinhin nyang boses, tinanguhan na lang sya ni Sergio. Ikinumpas nya ang hawak nyang abaniko bago pumasok din sa loob.
Naiwan na muli kaming dalawa ni Sergio sa labas, napahinga sya ng malalim at nilingon ako. Napayuko naman ako habang hawak ang walis tingting na ito, bigla tuloy akong kinabahan.
"Ngayon pa lang ay nakikita ko nang hindi magiging maganda na manatili ka rito," saad ni Sergio, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Napahinga muli ako ng malalim at naglakad papalapit sa isang malaking bato, umupo ako roon at muling nag-angat ng tingin sa kanya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa umupo rin sya sa isang malaking bato na katapat at kalapit ko lamang.
"May paraan pa ba upang ako'y makaalis sa kadilimang ito?" Nakatulalang tanong ko habang hawak ang aking kamay, bigla kong naalala ang paraan na binanggit sa akin noon ni Khalil...
"Gamitin mo ang aking apilyedo, maging isa kang Santiago..." Ang pagsambit nya sa nag-iisang paraan na isinasampal na sa akin ng lahat ngunit hindi ko pa rin magawang matanggap.
Napatingin ako ng diretso sa mga mata nya na diretsong nakatingin din sa akin ngayon, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pamumuo ng luha sa aking mga mata na humihingi ng tunay na kalayaan.
Ito na nga lang ba ang tanging paraan upang ako'y makalaya sa kadilimang ito?
********************
#Tadhana #PagIbigSerye
11/29/2021,
Hello! Sa wakas, after 4 days ay nakapag-update na rin ako. Simula noong sinimulan ko ang pag-ibig serye ay nag-daily-update ako so sa lumipas na 4 days na iyon ay naging kulang talaga ang buhay ko. T^T
May rason naman si ako pero hindi ko pwedeng banggitin, char. Pero iyon umalis kasi ako sa aming pamamahay sa loob ng ilang days at ngayon lang nakapag-update (ngayong pag-uwi) dahil sa bahay lang talaga ako komportable na magsulat.
Btw, share ko sa inyo 'yong ginawa ko roon sa dalampasigan ~ ♡
— Kung hindi nyo mabasa, ang nakasulat ay ‘Pag-ibig Serye’ & ‘Cess’ sa baba, sorry magulo kasi nagmamadali ako n'yan HAHAHAHA
— & syempre, sunset w/ clouds na rin.
— Picture of the chapter, galing din sa akin. ^^
Pics by: @aestheticess // #FeelingPhotographer
Thank youuu for reading!! Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Tadhana, ano kaya ang kapalaran na naghihintay sa kanila?
Nagmamahal,
Cess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top