Nagmamahal, Cess
[10/20/2021 - 11/11/2021]
After 22 days... Gunita is now officially ended! Ang goal ko talaga is matapos 'to kahapon (Nov 10) kaso nga lang kinulang ako sa oras. Inabot ako ng 1 AM kaya Nov 11 ko na natapos, okie lang naman din kasi atleast natapos 'di ba. <//3
Tuluyan nang nagtapos ang kwento ng dalawang pusong nagmamahalan ngunit sa kasamaang palad, hindi pinalad ang dalawang pusong iyon na makamit ang masayang wakas. Paumanhin, Markus at Linang. T^T
Sa ikalawang pagkakataon, bumuhos muli ang aking luha dahil sa naging wakas ng kwentong ito. Ang sakit isipin na kinailangang isakripisyo ni Markus para kay Linang. Tulad nang sinasabi ng kwentong ito, magagawa mo ang lahat para sa taong iyong iniibig sapagkat mahal mo sya.
Nalulungkot ako sapagkat isang malungkot na wakas ang aking gugunitain sa istoryang ito, masakit man ngunit kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa masayang wakas. Iyan ang katotohanan ng ating mundong mapait.
Bulong by December Avenue ang napili kong theme song ng Gunita sapagkat tulad ng ipinahihiwatig ng kanta, si Markus ay alipin ng pag-ibig ni Carolina at handang ibigin ang isang tulad nya sa kabila ng lahat. Sa huli ring pagkakataon, ibinulong na lamang ni Markus ang mga salitang nais nyang hindi malimutan ni Linang kailanman.
Nais kong ibahagi sa inyo ang mga kantang ipinapatugtog ko noong mga panahong sinusulat ko pa ang Gunita. Ang mga kantang nagpapaalala sa akin sa istoryang ito...
1. Bulong by December Avenue.
2. Magkunwari ('Di Man Tayo) by December Avenue.
3. Ikaw Lang by Nobita.
4. Balang Araw by I Belong To The Zoo.
To my beloved cessthetic/s, thank you so much for your support! Thank you so much for the reads, votes, and comments you gave to this story. No words can explain how grateful I am to have you, Cess loves you forever and ever. <3
Sa mga hindi pa nakakaalam, Gunita means....
n.
1. memory: gunita, alaala
2. a keepsake, any thing or action that makes one remember a person: alaala
3. remembrances, greetings: bati, pagbati
: Ikaw? Ano ang ala-alang hindi mo kailanman pagsasawaang Gunitain?
*****
Maraming salamat muli! Mahal ka ni aestheticess! See you sa ikatlong serye ng pag-ibig! Naaalala nyo pa ba si Anastacia De Leon na nagpakilala kay Gwenaelle sa Adhika? Sya ang protagonist sa Tadhana. <3
Sa ikatlong serye ng pag-ibig, mas magiging malinaw ang lahat. May mga bagay na hindi mabanggit ng malinaw sa ika-una at ikalawang serye ng pag-ibig ngunit maaari na sa mga susunod na serye, unti-unting magiging malinaw ang lahat hanggang sa hiwaga. Sooo, see you sa Tadhana! ♡
ᜋᜇᜋᜒᜅ᜔ ᜐᜎᜋᜆ᜔ ᜶ ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ <3
Official hashtags:
#AdhikAestheticess
#GunitAestheticess
#TadhanAestheticess
#HiwagAestheticess
& #PagIbigSerye
Nagmamahal,
Cess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top