GUNITA KABANATA 8
[Kabanata 8 - Ang dahilan]
NAKATULALA ako ngayon sa labas ng bintana habang patuloy na bumubuhos ang maharang pagpatak ng ulan, kagabi ay hindi ako nakatulog dahil sa mga salitang binitawan ni Markus bago kami iwan sa tapat ng tahanan nila Puring. Kung anu-ano na ang pumasok sa aking isipan, bakit pa ba kasi nabanggit ang kasal sa pagitan naming dalawa?
Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagkapahiya, ayoko rin namang ikasal sa kanya ngunit pakiramdam ko ay pinamukha nya sa lahat na hindi ako kaibig-ibig na binibini. Napatingin ako kay Puring nang hawakan nya ang balikat ko. "Binibini, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Puring, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Tumango na lang ako kahit pa ang totoo ay nilalamon na ako ng labis na pag-iisip.
Napahinga sya ng malalim at nagsalita muli. "Huwag na po kayong mag isip kung anu-ano, Binibini. Huwag din po kayong mag-alala, sa oras na tumila ang ulan ay magbakasakali akong makakalap ng impormasyon ukol sa sinabi ni kuya Markus. Maging ako nga rin po ay naguluhan sa sinabi nya," saad ni Puring, dahan-dahang sumilay ang aking ngiti dahil sa sinabi ni nya.
"Maraming salamat talaga, Puring! Ikaw na ang aking paboritong tagasilbi simula ngayon," nakangiting saad ko at natawa, natawa rin sya at tumango-tango bago magpaalam dahil may gagawin pa sya.
Muling bumalik ang aking tingin sa kalangitan na unti-unti nang tumatahan mula sa pagkakaiyak, alam kong ilang sandali lang ay magbabalik na ang mga ulap tulad ng aking kapanatagan na syang pinunta ko sa lugar na ito.
LINALARO ko ang aking kamay sa tubig na nagmumula sa agos ng ilog, may nakikita akong mga isdang sumusunod sa agos ng tubig dahil sa kalinawan nito. Mabango rin ito, katulad ng ilog sa Santa Prinsesa na kunektado sa lawa ay malinis din ang tubig roon. Ang aking nakikitang kulay ng tubig sa Santa Prinsesa ay kulay asul dahil sa kalangitan ngunit dito ay luntian na syang paborito kong kulay, marahil ay dahil sa mga puno at halaman na makikita mo sa bawat sulok ng kapaligiran.
Nasa kalye ng kanilang tahanan ngayon si Puring dahil tulad ng kanyang sinabi kanina ay maghahanap sya ng impormasyon ukol kay Markus, minsan ay naiisip ko na may dugong espiya si Puring dahil sa ginagawa nya. Hinayaan ko na lamang sya dahil maging ako ay nais ding malaman.
Habang inililibot ko ang aking paningin ay naalala ko bigla ang nakahihiyang sandali sa pagitan namin ni Markus sa mismong lugar na ito, naalala ko na nakita nya ang aking talampakan at maging hanggang tuhod na hindi nararapat para sa isang binibining tulad at ginoong tulad nya. Bakit ba palagi na lamang akong napapahiya sa tuwing kasama ko sya?
"Binibini!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Puring at tinawag ako, tinignan ko sya nang nagtatanong dahil hindi ko na nais pang magsalita. "Binibining Carolina, ako'y may maibabalita na sa inyo!" Tuwang-tuwang saad ni Puring, bakas sa kanyang ngiti ang saya dahil may maibabahagi sya sa akin. Hindi ko alam kung nagmumukha na kaming mga matatandang ale na pinag-uusapan ang mga bagay at mga tao.
"Aking napag-alaman kay Ina na hindi naman po pala talaga taga-rito ang kuya Markus, sya ay nagmula sa isang mayamang pamilya ngunit nagkaroon ng kaguluhan na ang dahilan upang mahirap sya. May nakabangga daw ang pamilya nya," saad ni Puring at sa pagkakataong ito ay pabulong na nyang sinabi iyon dahil baka may makarinig sa usapan namin, napanganga naman ako matapos marinig ang katotohanan.
"Ano?! Tapos?" Hindi makapaghintay na tanong ko, napaayos naman nang tayo si Puring bago muling magsalita. Labing anim na taong gulang na pala sya at ang araw ng kanyang kaarawan ay ang araw kung saan namatay ang kanyang ama at mag-isa na lang syang bumalik sa probinsya. Sa aking gunita ay Setyembre ang buwan ng kanyang kapanganakan.
"Nagmula rin pala sa Santa Prinsesa si kuya Markus, ang pamilya nya ay tanyag sa bayang iyon ngunit nagbago ang lahat matapos makabangga ang isang pamilyar na pamilyar po sa inyo dahil ang pamilyang iyon ay walang iba kung hindi ang pamilya nyo po." Nabitawan ko ang hawak kong abaniko matapos marinig ang sinabi ni Puring, tinangay iyon ng agos ng tubig ngunit agad iyong hinabol ni Puring at nahawakan.
Nanatili akong gulat na napatulala sa kawalan habang patuloy na tumatakbo sa aking isipan ang katotohanang ang pamilya ko pala ang dahilan ng kanilang pagbagsak. Ngunit paano? "Puring, paano? Sabihin mo pa ang lahat ng nalalaman mo," pakiusap ko dahil ang isip ko ay labis na nagugulumihan, tumakbo naman sya muli papalapit sa akin kahit pa sya'y dalagita na.
"Ito na nga po, ang pamilya Mendoza ang syang nakabangga ng pamilya Esguerra. Pantay lang naman po ang kayamanan at komumikasyon ng pamilya nyong dalawa ngunit sa huli ay nagwagi pa rin ang pamilya Mendoza. Ipinatapon ang pamilya Esguerra sa malayong lugar at ang lugar na iyon ay walang iba kung hindi ang probinsyang ito," muling pagpapaliwanag ni Puring at napahawak sa kanyang lalamunan dahil kay dami nyang ikinekwento sa akin, napahawak naman ako sa aking noo at hindi makapaniwalang napatulala na lang.
Kaya pala tila sya ay napopoot sa akin, ngayon ay naiintindihan ko na.
"K-kailan? Bakit tila wala naman akong nabalitaang gulo na ganito?" Tanong ko muli dahil patuloy akong nagugulumihanan, ang apilyedo na binanggit ni Puring sa akin ay tila pamilyar sa akin. Tila narinig ko na ito noon ngunit hindi ko maalala kung kailan, dalawampu't anim na taong gulang na akong nabubuhay sa mundo at masasabi kong ako'y makakalimutin ngang talaga.
Napaisip naman si Puring bago magsalita. "Hindi po ako sigurado ngunit sa aking pagkakaalala ay taong isang libo walong daan animnapu't walo po," sagot ni Puring at ilinagay sa aking kamay ang abanikong aking nahulog kanina, napahawak na lamang ako sa tapat ng aking bibig nang may mabuo sa aking isipan na maaaring totoo dahil konektado ito.
Ang taong iyon ay ang taon kung saan ako'y nagtungo sa Europa at nanirahan doon dahil sa kagustuhan ni Ama at Ina, pinauna nila ako at pinatira sa mga kamag-anak bago sumunod makalipas ang ilang buwan. Ang sabi ni Ama at Ina sa akin ay may aasikasuhin muna sila sa Pilipinas sandali bago ako tuluyang sundan, ngayon ay mukhang napagtanto ko na ang bagay na kanilang inasikaso noong taong iyon.
Nakaaway pala ng aking mga magulang ang pamilya Esguerra na aking nauunlinigan noon, sa aking pagkakaalala ay kilala ang pamilyang iyon sa larangan abogasya. Ngayon ay tumatakbo sa aking isip ang isang katanungan na nais kong malaman sa kabila ng lahat.
"Ngunit sino ang tunay na may kasalanan?" Tanong ko habang nakatulala pa rin sa pag-agos ng tubig, nakita ko sa repleksyon ng katubigan na nagsisimula nang lumubog ang araw. Nananatili pa rin ang ulap sa kalangitan at nagsisimula nang magsimula ang ginintuang oras.
"Hindi ko po nais sabihin sa inyo ito ngunit ang sinasabi ng lahat ay pamilya Mendoza raw po ang tunay na may kasalanan ngunit may tumulong sa inyong pamilya na ang dahilan upang tuluyang bumagsak ang pamilya ni kuya Markus, binatiyo pa lamang po ang kuya Markus noong mga panahong iyon ay kinailangang harapin ang buhay ng mag-isa dahil maaga rin syang iniwan ng kanyang mga magulang." Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay unti-unti akong nilamon ng kunsensya matapos marinig ang katotohanang may isang taong nabalot ng kadiliman dahil sa aking pamilya.
Hindi ako ang gumawa no'n ngunit hindi ko pa rin mapigilang makunsensya dahil isa rin akong Mendoza, ang dugong dumadanak sa akin ay ang dugo ng pamilyang nagpabagsak sa pamilya nya. Nais kong ipagtanggol ang aking mga magulang at linisin ang kanilang pangalan ngunit hindi ko na kaya pang magbulag-bulagan, tunay na mahalaga sa akin ang aking mga magulang kung kaya't hindi ko magawang ilantad sa lahat ang kanilang tunay na pagkatao.
Alam kong walang makakaunawa sa sitwasyon kong ito ngunit lumaki ako nang kinakailangan na malinis palagi ang pangalan ng aming pamilya, ngayon ay nagkaroon ito ng dungis dahil sa akin kung kaya't narito ako ngayon sa isang probinsya kung saan matatagpuan ko ang isang lalaking binalot ng dilim dahil sa aking pamilya na may itinatagong lihim sa kabila ng kanilang matatamis na ngiti.
Dumapo ang aking tingin sa isang lalaki na ngayon ay pamilyar sa akin dahil sa wakas ay kilala ko na sya, sya si Markus Esguerra na ngayon ay binabalot ng lungkot at dilim dahil sa aking pamilya. Nang magtama ang aming paningin ay umiwas na ang kanyang tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa aking paningin.
Habang ang aking mga mata ay nasa direksyon pa rin kung nasaan si Markus kanina ay hindi ko mapigilang maisip na ngayon ay may misyon na akong kailangang gampanan sa lugar na ito kung saan ang nais ko lang naman ay mapag-isa dahil sa dilim na maging sa akin ay bumabalot.
********************
#Gunita #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top