GUNITA KABANATA 31
[Kabanata 31 - Luha]
IKA-SAMPU ng disyembre, papalapit na ang pasko. Malapit na ang araw kung saan masaya ang lahat ngunit hindi ako. Sa totoo lang ay gustong-gusto kong sumaya ngunit may pumipigil sa akin, at iyon ay ang aking pusong patuloy na binabalot ng lungkot. Pilit kong itinatatak sa aking isipan na maging masaya ako ngunit hindi sumasang-ayon ang puso ko.
Hanggang kailan ba ako babalutin ng dilim? Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa mundong mapait? Kailan ba makalalaya ang puso kong ang tanging nais lang naman ay maging maligaya? Hanggang kailan ko kakayanin ito?
"Binibining Linang, saan mo nais pumunta?" Dumapo ang aking tingin kay Mang Baluga, narito kami ngayon sa labas ng hacienda at nakahanda na ang kalesa. Sya ay naging masaya sa aking pagbabalik ngunit ang katotohanang malungkot pa rin ang aking mga mata ay ang syang sumisira sa kasiyahang iyon.
"Kahit saan po. Ating libutin ang Santa Prinsesa hanggang sa abot ng ating makakaya," sagot ko kay Mang Baluga, tumango naman sya. Nais ko sanang sumakay na lamang mag-isa ngunit nakararamdam talaga ako ng panghihina kung kaya't hindi ko magawang mabuhat ang aking sarili.
Mukhang napansin iyon ni Mang Baluga kung kaya't inalalayan na nya ako papanik. "Salamat po," sinseryong pasasalamat ko kay itay, nagpapasalamat ako dahil naririto pa rin ang aking pangalawang ama. Itinapat naman ni Mang Baluga ang kanyang sumbrelong buri sa kanyang dibdib at tinanguhan ako bago sumampa sa kalesa at sinimulang paandarin ito.
Napahinga ako ng malalim at sumandal sa aking kinauupuan. Nais kong hanapin sya, nais kong makumpirma na naririto nga sya. Umaasa ako na kusa syang magpakita sa akin kahit pa alam kong mahirap iyon dahil baka may makakita sa kanya, nagbago na ang mukha ni Markus ngunit kailangan nya pa ring mag-ingat.
Kahapon noong sandaling nakita ko sya, sinubukan kong tumakbo papalapit sa kanya ngunit bigla na lamang syang tumalikod at naglaho sa aking paningin. Nararamdaman kong totoong nangyari iyon ngunit kailangan ko pa rin itong makumpirma at mahanap sya.
Tulad noon ay wala si ama at ina sa hacienda kung kaya't malaya akong nakakaalis ngayon, umaasa lamang ako na hindi nakatagpo ng landas ang sino man sa mga magulang ng hiwagang iyon. Maging sya ay hindi ko nais makatagpo dahil baka malaman nya ang aking isinasagawa, baka malaman nya ang tungkol kay Markus na hinahanap ko ngayon.
Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa nyang magbalik at tumapak muli sa bayan ng Santa Prinsesa, hindi ko nais umasa ngunit pakiramdam ko ay ako ang dahilan nito. Sa lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa, hindi malayong ang pag-ibig nya ang dahilan upang magbalik sya rito.
Ang pag-ibig nya... Sa akin?
Ang tanong na hindi mapunan ng sagot dahil tanging si Markus lang ang makapagsasabi, kailangan ko na talaga syang makausap bago pa mahuli ang lahat. Habang patuloy na umaandar ang kalesa at patuloy dimg lumilibot ang aking paningin. Sa laki ng bayang ito, hindi ko na alam kung saan sya mahahanap. Napatingin ako sa abanikong hawak ko ngayon, ang abanikong ibinigay sa akin ni Markus noong kaarawan ko.
Nanikip muli ang aking dibdib matapos maalala ang masayang sandali na iyon, ang kasiyahan na hindi habang buhay mananatili sa iyo. Palagi kang susubukin ng kalungkutan at problema, dito masusukat ang iyong katatagan. Sa aking kalungkutang kinahaharap ngayon, kahit mahirap, magpapakatatag ako.
Habang inililibot ko ang aking tingin, napatigil ako nang masilayan ang hacienda Fernandez. Ito ang tirahan ng aking kaibigan na si Gwenaelle, may mga tao sa loob at labas na ikinataka ko. Tapos na ang kaarawan ng aking kaibigan, anong mayroon?
Nais ko sanang ipatigil kay Mang Baluga ang kalesa at maglakad papunta sa hacienda Fernandez ngunit hindi maaari, ako'y magdadala lang ng gulo roon lalo na't hindi maganda ang huli naming pagkikita. Sa huli ay bumuntong hininga na lamang ako at mabigat sa loob na tinanggap ang kapalaran kong ito.
Naisipan kong tanungin si Mang Baluga, baka sya ay may nalalamang balita ukol kay Gwenaelle lalo na't nandito lang naman sya sa Santa Prinsesa. "Itay, nais ko lang po sanang malaman kung may maibabalita kayo sa akin tungkol kay Gwenaelle? Maging sa aking kaibigan na si Danyiel?" Nagbabakasaling tanong ko, nagulat ako sa biglaang pagtigil ng kalesa. Muntik na akong mahulog dahil doon.
"Mang Baluga, bakit po?" Nag-aalalang tanong ko, nakaramdam ako ng kaba lalo na nang gulat nya akong lingunin. "A-anak, hindi mo pa ba nababalitaan ang nangyari sa kanilang dalawa?" Tanong nito, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Muli akong napatigil at muli ring tinanaw ang hacienda Fernandez, tila bigla akong siniklaban ng takot matapos mapagtanto na baka may nangyaring masama na hindi ko ikatutuwa.
TULALA kong pinagmamasdan ang mga madilim na ulap ngayon sa kalangitan, nang makauwi kami sa hacienda Mendoza ay palihim akong umalis sa aming mansyon at nagtungo sa gitna ng tulay. Ito ang tulay ng Santa Prinsesa na aking inihalintulad na rin noon sa tulay kung saan parati kaming naroroon ni Markus.
Hindi na mahalaga pa sa aking kung umulan man, kung mabasa man ako ng ulan, o magkasakit. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ngayon, tila nawawalan na ako ng pakiramdam. Ako ay umalis upang hanapin si Markus ngunit sa aking pagbalik, kasawian ang aking nauwi.
Labis na naninikip ngayon ang aking dibdib, paulit-ulit ang ginagawa kong paghinga ng malalim upang pigilan ang luha kong hindi maubos-ubos. Sa dalawang buwan na lumipas ay hindi ko akalaing kay raming mangyayari rito sa Santa Prinsesa. Napahawak ako sa tapat ng aking puso at kasabay no'n ay ang pagtulo ng aking luha, napapikit ang aking mga mata at dinama ang malamig na ihip ng hangin na tila yumakap sa akin.
Sa oras ng pagsapit ng buwan... Umaasa akong matagpuan nyo rin ang liwanag ng inyong pag-ibig sa kabila ng dilim, sa kabila ng lahat.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay naroroon na naman ang namumuong luha sa aking mga mata, sinubukan kong aninagin ang mga ulap ngunit nanlalabo ang aking mga mata dahil sa namumuo kong luha. Ang lahat ng pasakit na aking nararamdaman ngayon... husto na. May maidadagdag pa ba ito?
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at yinakap ang abanikong tanging ala-ala ko kay Markus. Sa kabila ng lahat, tulad ng aking sinabi, kailangan kong magpakatatag. Napahinga ako ng malalim at napayuko, mabuti na lamang at walang tao sa paligid kung kaya't walang nakakakita sa aking pagluha ngayon.
Nagsimula na akong maglakad paalis sa tulay, ang aking takot noon sa kataasan ng tulay ay hindi ko na maramdaman pa ngayon. Nanatili akong nakayuko habang pilit na linalabanan ang pagbigay ng aking damdamin. Habang nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip, napatigil ako nang may mabunggo.
"P-paumanhi-" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang mag-angat ng tingin sa aking nabunggo at makilala kung sino iyon, tila biglang hinaplos ang aking puso matapos syang makita. Namutawi ang emosyon sa aking mukha habang pinagmamasdan ang lalaking hinahanap ko, ngayon ay malinaw na sa akin na naririto nga sya.
"M-markus?" Nangingilid ang luhang pagsambit ko sa kanyang pangalan, nakikita ko ngayon ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan akong umiiyak.
Hindi ko na napigilan pa at dali-dali syang yinakap ng mahigpit, nang mahagkan sya ay doon bumuhos ang sunod-sunod kong luha dahil sa lungkot at pait na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko ang kanyang kamay na tumapik sa aking likod at yinakap din ako pabalik, hindi ako makapaniwalang magagawa ko muli syang yakapin ng mahigpit sa kabila ng lahat.
Tila dahan-dahang natunaw ang giniginaw kong puso matapos maramdaman ang init ng kanyang yakap, hinayaan nya akong humikbi sa kanyang balikat at doon umiyak na tila isang bata. Hindi na ako kumawala pa sa aming yakap na aking pinangungulilaan, ang bigat na aking nararamdaman ay tila unti-unting naglaho dahil sa wakas ay dumating na ang aking kasiyahan.
Kakaiba nga talaga kapag ikaw ay umiibig na, mararamdaman mo ang kapangyarihan nito mula sa iyong minamahal. Ang pag-ibig ay isang napakasayang bagay na darating sa iyong buhay ngunit dahil ikaw ay nabubuhay sa mundong mapait, maraming pagsubok ang darating sa iyong buhay hanggang sa tuluyan mo nang makamit ang masayang wakas.
Saan kaya kami magwawakas?
"Linang..." Napapikit ako matapos marinig ang pagsambit nya sa aking pangalan, hindi pa rin ako kumakawala sa kanyang yakap dahil natatakot ako na isa lang pala itong panaginip.
"N-nakalulungkot sapagkat nagawa kong bumalik para sa iyo ngunit hindi mo nagawang bumalik para sa akin..." Namuo ang luha sa aking mga mata matapos marinig ang sakit na ikinukubli ng kanyang damdamin, basang-basa na ngayon ang kanyang manggas dahil sa aking hindi matigil na pagluha.
Tama sya, napakahina ko. Nagawa nyang talikuran ang napakagandang oportunidad para sa akin ngunit heto ako ngayon at natatakot na ipaglaban ang aking damdamin, isa akong napakahinang binibini na hindi kayang ipaglaban ang kanyang sariling nararamdaman.
"Ngunit huwag kang mag-alala. Kung hindi mo kayang bumalik para sa akin, ako na lamang ang darating para sa iyo..." Ang kanyang bulong sa aking tainga bago muli akong yakapin ng mahigpit, tila natunaw ang aking puso dahil sa mga salitang binitawan nya. Napatingin ako sa mga ulap na biglang nakawala sa dilim na bumabalot sa kanila kanina, tulad ko.
Dahil sa kanyang kilos at mga salitang binibitawan, lalo nya lamang pinatutunayan sa akin na isa syang ginoo na nararapat kong pag-alayan ng aking pusong sumasaya sa tuwing kasama sya.
********************
#Gunita #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top