GUNITA KABANATA 2
[Kabanata 2 - Muling Pagkikita]
PARA akong isang babae na may pinagtataguan habang kanina pa palingon-lingon sa aking paligid, narito ako ngayon sa tulay na gawa sa kahoy at tulad kahapon ay nagmamadali ako patawid. Naririnig ko ngayon ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa kaba na may humabol bigla sa akin, ako'y napapraning na sa lugar na ito!
Sa totoo lang ay nagtungo ako rito upang mahanap ang kapayapaan ngunit ngayon ay nagkaroon ako ng dahilan upang mawala sa daan patungong kapayapaan, kagabi ay hindi na ako lumabas pa at nagkulong sa aking tahanan. Sinara ko ang lahat ng bintana at pinto upang walang makatagpo sa binibining nakakita sa katawan ng isang ginoo.
Pakiramdam ko ay nabunutan ng tinik ang aking dibdib matapos makatawid sa tulay nang ligtas, umayos na ako ng tindig at tumikhim. Tinakpan ko na ng abaniko ang aking ilong at bibig upang kahit papaano ay walang makakilala kay Carolina Mendoza na masamang at malanding babae sa paningin ng lahat. Napahinga na lang ako ng malalim, nawa'y balang araw ay makatakas ako sa dilim ng mundong ito.
Nagtuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang lugar na maraming tao, sa aking palagay ay nasa pamilihan ako ngayon. Muli akong napahinga nang malalim bago naglakad patungo sa loob ng pamilihan, sa aking palagay ay panahon upang bumili na ako ng aking mga kailangan.
Bumili ako ng iba't ibang bagay tulad ng payong de hapon dahil mukhang maulan sa probinsyang ito, malamig ang simoy ng hangin na kay ginhawa sa pakiramdam. Buwan ng setyembre ngayon at malapit na ang pagsapit ng Oktubre, ang aking kaarawan. May makakaalala kaya nito sa kabila ng dungis na aking natamo sa sarili kong pangalan?
Napahinga na lamang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak ang aking mga pinamili, narito na ako ngayon patungo sa labas ng pamilihan. Ang kalapit nito ay ang daungan kung saan bumaba ako noong isang araw. Maraming bangka ang nasa dagat ngayon at may kanya-kanyang buhay na inaasikaso.
Habang inililibot ko ang aking paningin ay napatigil ako matapos makita ang pamilyar na tao, may buhat-buhat sya ngayong balde na naglalaman ng mga isdang nahuli sa lawa. Wala na naman syang damit sa itaas at tanging ang kupas na pangbaba ang suot nya, wala rin syang panyapak ngunit mukhang sanay na sya sa kanyang trabaho.
Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang makisig nyang katawan, kawawa naman ang asawa ng ginoong ito. Nakikita ng lahat ang kakisigan ng kanyang asawa na kung dapat ay sya lang, maswerte pala ang mga binibini sa probinsyang ito.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ng kung anu-ano ay nabitawan ko ang abanikong hawak ko nang magtama ang aming paningin, napagtanto ko na nakaharapang pala ako sa kanyang dadaanan. Napatingin na rin sa amin ang ibang mga tindera at napailing sa aking kalutangan. Natauhan na ako at dali-daling idinampot ang aking abanikong kulay luntian at itinakip iyon sa aking pagmumukha upang hindi na nya makita pa ang pamumula ng aking pisngi.
Ilang sandali pa ay sumilip ako mula sa pagkakatakip ng mukha sa aking abaniko, dumapo ang aking tingin sa ginoong iyon na malapit lang sa akin. Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa, mukhang wala naman syang pakielam sa aking presensya kung kaya't nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papalayo sa pamilihang iyon.
Ngunit bago ako tuluyang makalayo ay nagtama ang aming paningin sa huling pagkakataon.
NAGLALAKAD ako ngayon pauwi sa aking tahanan, napapakamot na lamang ako sa aking ulo habang patuloy pa ring naglalakad sa gitna ng kagubatan. Hapon na at malapit na ang pagsapit ng gabi, malapit nang maglaho ang mga ulap na pinakapaborito ko sa lahat. Ang katotohanang nakalimutan ko ang daan pauwi sa aking tahanan ay ang nagpapasakit sa aking ulo, sana pala ay hindi na lang ako umalis.
Nakakaramdam na lang ako ng kaba sa tuwing napapatingin sa akin ang mga tao, nanlalamig na ang aking kamay dahil pakiramdam ko ay tuluyan na akong naligaw. May mga munting tirahan sa loob at labas ng kagubatan na gawa sa kahoy at iba pa kung saan nakatira ang ilang mga tao na sakto lang ang estado sa buhay. Nais kong humingi ng tulong sa kanila ngunit natatakot din akong makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala.
Natatakot din ako na ako'y husgahan nila.
Napahinga na lamang ako at napatingala sa kalangitan kung saan naghahari ang mga ulap at patuloy sa paggalaw paalis, napapikit na lang din ako at humingi ng awa sa panginoon. Ako'y kinakabahan na talaga sa sitwasyon kong ito, hindi ako sanay ng mag-isa dahil palaging nariyan si Ama at Ina upang gawin ang isang bagay na hindi ko kaya. Napahinga na lamang ako ng malalim at napayuko, marahil ay panahon na upang tumayo sa sarili kong mga paa.
Dalawampu't anim na ako ngunit hindi ko pa rin kayang maging mag-isa, ako'y masyadong sinanay ni Ama at Ina na harapin ang buhay habang akay-akay ako. Ngayon naman ay bigla na lang nila akong pinalayas sa kanilang paningin kung kaya't heto ako ngayon at nahihirapan, nagpatuloy na ako sa paghakbang. Bahala na, tatanggapin ko na lamang kung kailanganin kong matulog sa gitna ng kagubatan.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagod dahil kanina pa ako naglalakad, nalulungkot akong naglakad patungo sa isang malaking puno at sumandal doon. Hindi ko talaga matandaan ang daan pauwi dahil sa haba ng aking linakad, wala pa rin akong nasisilayang tulay pauwi sa aking tahanan.
Ilinapag ko muna sa aking tabi ang mga hawak ko, nagugutom na ako ngunit mga hindi lutong pagkain ang binili ko upang lutuin ko sana mamaya ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari pa. Nakakainis at nakakadismaya dahil sa pagkakataon pa talagang ito ako hindi bumili ng prutas na maaari ko sanang kainin kahit pa hindi ko lutuin.
Napayuko na lamang ako sa aking tuhod, wala na akong pakielam pa kung isipin nilang isa akong baliw na nawala sa sarili nyang katinuan. Ilang araw pa lamang akong namamalagi rito ngunit ako'y sumusuko na agad, kay hina mo talaga Carolina.
Ilang sandali pa ay nag-angat na ako ng tingin dahil nakita ko ang unti-unting paglaho ng liwanag sa aking paningin, napalunok na lamang ako habang pinagmamasdan ang kalangitan na ngayon ay nababalot na ng dilim. Ang daya talaga ng mundong ito, ngunit sa kabilang banda ay naisip ko na kasalanan ko rin dahil tumigil pa ako sa paglalakad dahil sa pagod na nararamdaman.
Dahan-dahan akong napatingin sa punong aking sinasandalan ngayon, bigla ay siniklaban ako ng takot matapos maisip na baka may masamang engkanto na nakatingin sa akin ngayon at nakatira sa punong ito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang aking mga pinamili at tumayo papalayo sa punong iyon na kay tanda na.
Nang alisin ko ang aking tingin sa punong iyon ay wala nang katao-tao pa sa buong kalsada, tanging ang buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa aking paligid. Susuko na sana ako ngunit dumapo ang aking tingin sa isang taong may hawak na gasera kung kaya't agad ko syang nakita, dali-dali akong naglakad papalapit sa kanya. Magsasalita na sana ako ngunit napatigil ako nang makilala ang lalaking iyon.
Ang lalaking walang iba kung hindi ang syang nakita ko sa ilog at sa pamilihan kanina, hindi ko akalaing magkikita muli kami sa pangatlong pagkakataon. Hindi ko maunawaan kung bakit nagtagpo na naman ang aming landas ngunit ito na ang pagkakataon upang makatakas sa kagubatang ito.
Nakatingin din sya ng diretso sa mga mata ko, habang pinagmamasdan ko sya ay aking napagtanto na kay ganda nya pa lang lalaki kahit pa isang gasera lang ang nagbibigay liwanag sa pagitan naming dalawa. Hanggang leeg nya lang ako, maputi ang kanyang balat, makapal ang kilay, may nakahahalinang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang labi, kalmado lang ang mukha, at tulad ng aking sinabi ay mayroon syang magandang hubog ng katawan.
"Anong kailangan mo?" Kalmadong tanong nya, napatulala na lamang ako matapos marinig ang boses ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Bakit tila ito'y pamilyar?
********************
#Gunita #PagIbigSerye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top